Mahalaga

Enhanced Powerline Safety Settings

Isang tool upang mapanatili kang ligtas

Alamin kung ang iyong tahanan o negosyo ay sinisilbihan ng isang linya na may kakayahan para sa Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS).

icon ng alerto sa emergency  Kung nakakaamoy ka ng natural na gas o hinihinala ang isang emergency, umalis na ngayon sa lugar at tumawag sa 9-1-1. 

icon ng alerto sa emergency  Kung makakita ka ng bumagsak na mga linya ng kuryente, lumayo ka rito. Huwag lumabas sa iyong sasakyan o tahanan. Tumawag sa 9-1-1. At pagkatapos ay tumawag sa PG&E sa 1-877-660-6789.

Paano gumagana ang EPSS

Ang EPSS ay ang mga advanced na setting sa kaligtasan.

 

Nagbibigay-daan ang mga ito sa aming mga linya ng kuryente na awtomatikong patayin ang kuryente sa loob ng isang ikasampu ng isang segundo. Maaaring mangyari ito kapag may peligro, gaya ng sanga ng punong-kahoy na bumabagsak sa linya ng kuryente, na maaaring maging sanhi ng sunog. Ang mga setting na ito ay nasa mga lugar na may mataas na panganib sa sunog at mga nakapaligid na lugar.

“Binabawasan ng EPSS ang panganib sa wildfire. Noong 2022, nagkaroon ng 68% pagbawas sa mga pagliyab sa mga linya ng kuryente kung saan gumagana ang EPSS.” *

* Mga pagliyab na nai-uulat sa CPUC sa mga High Fire-Threat District sa mga linya ng pamamahagi ng kuryente (kumpara sa average ng na-normalize na lagay ng panahon noong 2018-2020).

Paano namin sinusubok ang mga advance na setting sa kaligtasan

Alamin kung paano kami nagtatrabaho upang lutasin ang mga problema sa kinabukasan bago mangyari ang mga ito.

Enhanced Powerline Safety Settings

Alamin ang tungkol sa mga advanced na setting sa kaligtasan para sa mga lugar na may mataas na panganib sa sunog at mga nakapaligid na lugar.

Sa pamamagitan ng paghihinto ng mga pagliyab, tumutulong kaming mapigilan ang pagsisimula at pagkalat ng mga wildfire.

 

Kung mangyari ang mga pagliyab, ang laki ng mga sunog ay mas maliit dahil sa EPSS. Noong 2022, nagkaroon ng 99% na pagbawas ng mga lupaing naapektuhan ng mga pagliyab.* Nangyari ang pababawas na ito sa kabila ng mga tuyong kondisyon.

*Ayon sa nasukat ng laki ng sunog mula sa kagamitan sa pamamahagi ng kuryente (kumpara sa average noong 2018-2020).

Ano ang aasahan

Pagaganahin ang mga setting ng kaligtasan na ito kapag may pagtaas ng panganib sa wildfire

 

Mas malamang ito mula Mayo hanggang Nobyembre, pero maaaring umiral sa buong taon sa ilang mga lugar.

 

Kung hindi natutugunan ng mga kondisyon ng lagay ng panahon ang pangangailangan para sa EPSS, i-o-off ang mga setting. Makakatulong itong mapigilan ang mga hindi kailangang pagkawala ng kuryente.

 

Tumutulong ang EPSS na panatilihin kang ligtas, pero maaari kang makaranas ng mga hindi naplanadong pagkawala ng kuryente. Maraming bagay-bagay ang maaaring magdulot ng isang hindi planadong pagkawala ng kuryente. Kabilang dito ang mga peligro tulad ng pagtama ng sanga nga punong-kahoy o hayop sa linya ng kuryente. Ang mga peligro ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kuryente sa anumang linya ng kuryente, kabilang ang mga iyon na walang EPSS. Ang mga linya na may EPSS ay nakakatulong na mapigilan ang mga wildfire sa pamamagitan ng mas mabilis na pag-off ng kuryente.

 

Hindi namin inaasahan na makaapekto ang mga setting na ito sa mga bayarin sa kostumer.

Suporta para sa kostumer

Suporta para sa kostumer upang bawasan ang mga epekto ng mga pagkawala ng kuryente

 

Alam naming mahirap ang mawalan ng kuryente. Iyon ang dahilan kung bakit nagsusumikap kaming magbigay ng suporta at bawasan ang epekto ng mga pagkawala ng kuryente. Mayroon kaming mga mapagkukunan at mga tool na magagamit upang tulungan ka.

Programa sa Portable na Baterya

Alamin kung paano ka magiging kwalipikado para sa portable na baterya. 

Generator at Programa sa Rebate sa Baterya

Humiling ng rebate sa backup na kuryente. 

Backup Power Transfer Meter Program

Ikonekta ang isang generator sa iyong tahanan sa pamamagitan ng libreng alok na ito. 

Mga abiso sa pagkawala ng kuryente

Tiyaking nakakatanggap ka ng mga alerto sa pagkawala ng kuryente. 

Ang aming pagtutuon sa iyong kaligtasan

Mga karagdagang mapagkukunan

Ang iba pang mga pagsisikap para sa kaligtasan ay kinabibilangan ng:

Kung sinisilbihan ka ng mga linya ng kuryente na may EPSS, maaari kang makaranas ng mga hindi planadong pagkawala ng kuryente. Aabisuhan ka namin kapag may pagkawala ng kuryente. Nagpapadala rin kami ng mga update hanggang maibalik na ang kuryente.

Kung nasa ari-arian mo ang isang linya ng kuryente, maaaring kailanganin namin ng pag-akses upang maibalik ang kuryente. Mangyaring pahintulutan ang aming mga tekniko na maka-akses upang makapagpatrolya. Kapag mas maaga silang makapagpatrolya, mas maaga naming maibabalik ang kuryente.

Ang mga pagkawala ng kuryente na dulot ng mga pinahusay na setting sa kaligtasan ay hindi mga Public Safety Power Shutoff (PSPS). Ang mga PSPS na pagkawala ng kuryente ay isang huling paraan na ginagamit upang mapanatili kang ligtas. Aabisuhan ka bago mangyari ang isang PSPS.

I-update ang iyong impormasyon sa pagkontak upang manatiling may kaalaman

Humiling ng mga mapagkukunan upang tumulong sa paghahanda

Binabawasan namin ang epekto ng pagkawala ng kuryente sa pamamagitan ng:

  • Pagbibigay ng suporta sa backup na kuryente para sa mga kwalipikadong kostumer
  • Pagaalerto sa iyo kapag may nangyaring pagkawala ng kuryente at kung kailan mo aasahang maibalik ang kuryente
  • Paggamit ng mga patrolya sa lupa at himpapawid para sa mas mabilis na pagbabalik ng kuryente
  • Pababawas ng laki at tagal ng mga pagkawala ng kuryente

Pinapabuti namin ang sistema ng kuryente para sa kaligtasan at upang panatilihing mayroon kang kuryente. Anumang ang panahon, mahalagang manatiling ligtas at handa ka para sa mga pagkawala ng kuryente.

Iulat ang mga hindi emerhensiyang alalahanin sa kaligtasan sa pamamagitan ng aming mobile app.

Mga gabay sa paghahanda sa pagkawala ng kuryente

Enhanced Powerline Safety Settings Fact Sheet

Paano namin ina-ayos ang pagkasensitibo ng ilang kagamitan upang awtomatiko - at mabilis - na patayin ang kuryente kung may natuklas na problema ang sistema.

Filename
epss-fact-sheet.pdf
Size
155 KB
Format
application/pdf
Download

Gabay sa paghahanda sa pagkawala ng kuryente sa hindi pambahayan

Impormasyon sa kaligtasan para sa mga may-ari ng negosyo at ari-arian

Filename
outage-preparedness-guide-nonresidential.pdf
Size
887 KB
Format
application/pdf
Download

Gabay sa paghahanda sa pagkawala ng kuryente sa pambahayan

Impormasyon upang mapanatiling ligtas ka at iyong komunidad.

Filename
outage-preparedness-guide-residential.pdf
Size
885 KB
Format
application/pdf
Download

Higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkawala ng kuryente at kaligtasan

Kaligtasan

Sa PG&E, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan.

Paghahanda at suporta sa pagkawala ng kuryente

Manatiling handa para sa mga pagkawala ng kuryente at humiling ng suporta.

Community Wildfire Safety Program (CWSP)

Alamin kung paano namin ginagawang mas ligtas at mas maaasahan ang aming sistema.