Mahalagang Alerto

Mapa ng progreso ng Community Wildfire Safety Program

Tinutulungan kami ng mga kamera, na ina-update sa aktuwal na oras, na mahulaan at tumugon sa panganib sa wildfire

Ang aming Community Wildfire Safety Program (CWSP) ay tumutulong na manatili kang ligtas. Maaari mong gamitin ang mapa ng progreso ng CWSP upang alamin ang tungkol sa trabaho para sa kaligtasan sa iyong lugar.

 

Ang bawat bahagi ng mapa ay nagpapakita ng aming gumaganang programa sa kaligtasan:

  • Public Safety Power Shutoffs (PSPS)
  • Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS)
  • Pagbabaon sa lupa
  • Overhead hardening
  • Mga Microgrid
  • Pamamahala ng halaman
  • Paghahati sa seksyon ng mga aparato


Alamin ang higit pa tungkol sa pamamahala ng halaman
Alamin ang higit pa tungkol sa CWSP program

Ang tool para saLookup ng Adres ay nagpapakita ng trabahong malapit sa isang adres na mahalaga sa iyo. Malalaman mo kung ang isang adres ay karapat-dapat para sa tulong sa backup na kuryente.

 

Tingnan ang network ng mga kamera at mga istasyon ng lagay ng panahon ng California

Tinutulungan kami ng mga ito, na ina-update sa aktuwal na oras, na mahulaan at tumugon sa panganib sa wildfire. Ang mga kamera ay makikita rin sa alertca.live.

Paano gamitin ang mapa ng CWSP

Paghahanap ng adres

Maghanap ng isang adres sa pamamagitan ng paglagay nito sa search bar. Ipapakita ng search bar ang buong adres. Mag-klik sa buong adres at bubukas ang isang pop-out window. Nagpapakita ito ng trabaho para sa kaligtasan para sa adres na iyon. Maaari ka ring maghanap ng isang lungsod, county o tribo. Upang gawin ito, mag-klik sa “City / County / Tribe” na buton.

Sa “Adres Lookup” na tab, maaari kang maghanap ng lahat ng adres na nauugnay sa iyong PG&E account.

Siyasatin ang mapa
Ipinapakita ng mapa kung saan nagaganap ang trabaho para sa kaligtasan. Piliin mula sa drop-down menu upang makita ang partikular na pagsisikap. Ang legend sa ibaba ay nagpapaliwanag kung ano ang kahulugan ng bawat icon. Mag-klik sa mga icon o gamitin ang paghahanap ng adres upang alamin ang higit pa tungkol sa mga pagsisikap ng CWSP ng PG&E.

important notice icon Tandaan:  Hindi suportado ang Internet Explorer para sa aplikasyon na ito.

Higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkawala ng kuryente at kaligtasan

Kaligtasan

Sa PG&E, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan.

Paghahanda at suporta sa pagkawala ng kuryente

Manatiling handa para sa mga pagkawala ng kuryente at humiling ng suporta.

Community Wildfire Safety Program (CWSP)

Alamin kung paano namin ginagawang mas ligtas at mas maaasahan ang aming sistema.