Mahalaga

Wildfire recovery support

Pagtutulong sa aming mga kostumer na bumalik sa dating kalagayan mula sa mga wildfire

emergency alerto icon  Kung nakakaamoy ka ng natural na gas o hinihinala ang isang emergency, umalis na ngayon sa lugar at tumawag sa 9-1-1. 

icon ng alerto sa emergency  Kung makakita ka ng bumagsak na mga linya ng kuryente, lumayo dito. Huwag lumabas sa iyong sasakyan o tahanan. Tumawag sa 9-1-1. At pagkatapos ay tawagan ang PG&E sa 1-877-660-6789.

 

24-hour Customer Service Line: 1-877-660-6789

24-hour Power Outage Information Line: 1-800-PGE-5002 (1-800-743-5002)

Ibalik ang serbisyo sa gas at kuryente pagkatapos ng isang wildfire

 

 

Pagbabalik ng kuryente

Kapag natanggap na ng mga tauhan ng PG&E ang pahintulot mula sa mga first responder na pumasok sa isang lugar, nagsisimula sila sa proseso ng pagtasa, pagkumpuni at pagbabalik.

 

  • Kapag ligtas na, ang unang hakbang ay ang pagtatasa sa pinsala. Karaniwan, nagaganap ito pagkalipas ng 12 hanggang 24 oras.
  • Ang mga manggagawa ng PG&E ay nasa lugar upang gawing ligtas ang lugar upang makatanggap ng serbisyo sa kuryente sa pamamagitan ng pagkumpuni sa mga PG&E na pasilidad (mga poste, mga tore at conductor).
  • Batay sa panahong kinailangan upang gawin ang anumang mga kinailangang pagkumpuni, ang tinatayang oras ng pagbabalik ay itinatakda at sinasabi sa kostumer.
  • Kung ang isang bahay o negosyo ay nagkaroon ng labis na pinsala upang maibalik ang serbisyo nang ligtas, ang mga pagkukumpuni ay kailangang kumpletuhin ng kostumer bago maibalik ang serbisyo.

 

Pagbabalik sa serbisyo sa gas

Kapag natanggap na ng mga tauhan ng PG&E ang pahintulot mula sa mga first responder na pumasok sa isang lugar, nagsisimula sila sa mga pagtasa sa imprastraktura ng gas.

 

  • Maaaring magsimula kaagad ang mga pagtatasa at karaniwang nakukumpleto sa loob ng 24 oras.
  • Kailangang i-purga ang sistema ng tubo upang tanggalin ang anumang hangin bago muling maisuplay ang natural gas sa linya at pagkatapos ay ihatid nang ligtas sa mga bahay o negosyo.
  • Ang proseso ng pagpurga ay nangangailangan ng pagbisita sa lugar ng isang gas technician upang i-akses ang metro ng gas.
  • Pagkatapos, kailangang bumisita ang mga manggagawa ng PG&E ang bawat bahay o negosyo nang ikalawang pagkakataon upang i-on ang metro, magsagawa ng mga pagsusuri sa kaligtasan at muling ilawan ang mga pilot light para sa ligtas na pagpapaandar. Ang mga kostumer para sa bawat lokasyon ay kailangang naroroon para maganap ito.
  • Tinutukoy ng lokal na pagpapatupad ng batas kung kailan maaaring bumalik ang populasyon sa mga lugar.
  • Kung babalik ka sa iyong ari-arian at wala kang serbisyo sa gas, tawagan ang PG&E sa 1-877-660-6789. Magsisikap kami na muling ilawan ang iyong serbisyo sa lalong madaling panahon.

Alamin ang tungkol sa kaligtasan sa gas

 

Humiling ng PG&E ID

Ang aming mga empleyado at mga kontratista ay nagdadala ng PG&E na ID at palaging handang ipakita ito sa iyo.

Hilinging makita ang isang may bisang ID bago pahintulutan ang sinuman na nag-aangking kinatawan ng PG&E na pumasok sa iyong bahay.

Kung ang isang taong nagsasabing empleyado ng PG&E ay may ID at hindi ka pa rin komportable, tawagan ang linya ng serbisyo sa kostumer sa 1-877-660-6789 upang mapatunayan ang presensya ng PG&E sa iyong komunidad.

Pinansyal na kaluwagan

Humiling ng impormasyon tungkol sa mga ospyon ng suporta na magagamit mo.

Pagbabalik sa tahanan nang ligtas

Maghanap ng mga pangkaligtasang tip sa kuryente at gas upang maprotektahan ang iyong pamilya at ang iyong tahanan.

Pagpainit ng mga bahay na walang serbisyo sa gas

Kung gumagamit ang iyong tahanan ng gas na pagpainit ngunit kasalukuyan kang walang serbisyo, repasuhin ang aming mga pangkaligtasang tip tungkol sa paggamit ng alternatibong pagpainit.

Nangangailangan ka ba ng tulong sa muling pagtatayo ng iyong bahay o negosyo pagkatapos ng isang wildfire?

Ang aming Building and Renovation Services Department ay direktang nakikipagtulungan sa mga kostumer na apektado ng mga wildfire. Mahalagang kontakin ang PG&E sa lalong madaling panahon kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpuni o muling pagtatayo ng iyong bahay o negosyo.

 

Kuryente para sa pansamantalang muling pagtatayo at kasunod na permanenteng kuryente

Tawagan ang 1-877-743-7782 o magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng "Your Projects" upang maumpisahan ang proseso.

 

Ang pag-aaplay para sa kuryente ay isang maramihang hakbang na proseso na nangangailangan ng panahon. Ang sumusunod na mga dokumento ay nagbubuod ng mga responsibilidad ng kapwa PG&E at ng kostumer.

 

Brochure tungkol sa muling pagbangon mula sa kalamidad (PDF)

Buod ng proseso ng aplikasyon para sa pansamantala at permanenteng kuryente (PDF)

Gabay sa serbisyo (PDF)

Alamin ang tungkol sa mga serbisyo sa pagtatayo at pagbabago ng PG&E

Protektahan ang iyong pamilya at ang iyong tahanan

 

Hinihikayat ka namin na manatiling konektado sa Offices of Emergency Services ng iyong county at sundin ang mga tagubilin ng iyong lokal na mga first responder. Kapag pinahintulutan ka na ng mga First Responder na bumalik sa iyong tahanan, gawin ang mga hakbang na ito upang maprotektahan ang iyong pamilya at iyong tahanan.

 

Mga pangkaligtasang tip sa kuryente

  • Suriin para sa pinsala sa kable ng kuryente sa sambahayan at patayin ang kuryente sa pangunahing switch ng kuryente kung naghihinala kang may anumang pinsala. Kumonsulta sa isang electrician.
  • I-unplag mula sa saksakan o patayin ang lahat ng mga de kuryenteng kagamitan upang maiwasan ang pag-overload ng mga circuit at mga peligro sa sunog kapag naibalik ang kuryente. Mag-iwan lang naka-on ang isang bombilya upang alertuhan ka kapag bumalik ang kuryente. Isa-isang i-on ang iyong mga kagamitan kapag bumalik na sa normal ang mga kondisyon.
  • Kung makakita ka ng mga naputol na linya ng kuryente malapit sa iyong bahay, ituring ang mga ito na parang "buhay" o naka-energize. Ikaw at ang mga iba ay dapat na umiwas sa mga ito. Tawagan ang 911, pagkatapos ay abisuhan ang PG&E sa 1-877-660-6789.
  • Gumamit lamang ng mga de-bateryang flashlight para sa ilaw sa panahon ng mga pagkawala ng kuryente.
  • Hindi inirerekumenda ang mga karaniwang wax na kandila. Ang mga LED na kandila ay isang ligtas na alternatibo.
  • Dapat tiyakin ng mga kostumer na may mga generator na naka-install ang mga ito nang maayos ng isang lisensyadong electrician. Ang mga generator na naka-install nang hindi maayos ay nagdudulot ng malaking panganib sa aming mga tauhan, at sa iyo at sa iyong pamilya.
  • Kung hihilingin sa iyo na lumikas, patayin ang iyong gas at kuryente upang mapigilan ang anumang karagdagang pinsala.

 

Mga pangkaligtasang tip sa gas

  • Kung pinatay mo o ng ibang tao ang gas sa panahon ng paglikas, HUWAG  itong i-on muli. Kontakin ang PG&E o ibang kwalipikadong propesyonal upang magsagawa ng inspeksyon sa kaligtasan bago ibalik ang serbisyo sa gas at muling ilawan ang pilot ng mga gas na kagamitan.
  • Kung naaamoy mo ang partikular na amoy ng natural na gas na parang "bulok na itlog" sa loob o sa paligid ng iyong bahay o negosyo, dapat kang tumawag kaagad sa 911 at pagkatapos ay sa PG&E sa 1-877-660-6789.

 

Pagbabalik ng gas

  • Upang maibalik ang serbisyo sa gas, ang mga tauhan ng gas ay kailangang magsagawa ng isang masusing pagtatasa sa nasirang imprastraktura at mga sa lugar na inspeksyon ng bawat bahay at negosyo ng kostumer. Kailangang maganap ang prosesong ito bago maibalik ang serbisyo at maisagawa ang muling pag-iilaw. Ang PG&E ay magdadala ng mga karagdagang tauhan upang ibalik ang serbisyo sa gas.
  • Makakatulong kung ang mga kustomer ay naroroon upang pahintulutan ang mga tauhan ng PG&E na i-akses ang kanilang mga ari-arian upang ma-inspeksyunin ang kagamitan at maibalik ang serbisyo.
  • Kung walang pagkontak sa panahon ng aming paunang door to door na pagsisikap upang muling ilawan ang mga pilot light, mag-iiwan kami ng kard sa pagkontak upang maaaring tawagan kami ng mga kostumer. Ang mga kostumer na bumabalik sa kanilang mga tahanan na nais maibalik ang serbisyo ay dapat tumawag sa 1-877-660-6789.
  • Ang mga empleyado ng PG&E ay palaging dala ang kanilang ID at laging handang ipakita ito sa iyo. Palaging hilingin ng mga kostumer na makita ang may bisang ID bago pahintulutan ang sinumang nag-aangking kinatawan ng PG&E sa loob ng kanilang tahanan. Kung ang isang taong nagsasabing empleyado ng PG&E ay may ID at hindi ka pa rin komportable, tawagan ang linya ng serbisyo ng kostumer ng PG&E sa 1-877-660-6789 upang mapatunayan ang presensya ng PG&E sa komunidad.

 

Pagpainit ng mga bahay na walang serbisyo sa gas

  • Ilagay ang mga space heater sa mga ibabaw na patag, matigas at hindi nasusunog. Huwag ilagay sa ibabaw ng mga basahan o karpet.
  • Huwag maglagay ng mga bagay sa ibabaw ng mga space heater o gamitin ang mga ito sa pagpapatuyo ng mga damit o sapatos.
  • Patayin ang mga space heater kapag aalis ng kwarto o matutulog.
  • Panatilihin ang lahat ng nasusunog na materyales nang di-bababa sa tatlong talampakan ang layo mula sa mga pinagmumulan ng pagpainit at pangasiwaan ang mga bata kapag ginagamit ang space heater o fireplace..
  • Huwag kailanmang gumamit ng mga kagamitan sa pagluluto tulad ng mga oven o kalan para sa mga layunin ng pagpainit sa bahay.
  • Mag-install ng mga carbon monoxide detector upang balaan ka kung mataas ang antas ng konsentrasyon. Mula noong 2011, ang lahat ng mga tirahan para sa iisang pamilya sa California ay kinakailangang magkaroon ng mga carbon monoxide detector. Tiyaking naka-install ang mga ito malapit sa mga tulugan at palitan ang mga baterya nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon.
  • Kapag gumagamit ng fireplace upang manatiling mainit-init, tiyakin na bukas ang flue upang ang mga produkto ng pagkasunog ay makakasingaw sa pamamagitan ng chimney nang ligtas.
  • Huwag kailanmang gumamit ng mga produkto sa loob ng bahay na naglalabas ng mga mapanganib na antas ng carbon monoxide. Kabilang sa mga naturang produkto ang mga generator, mga barbecue, mga propane heater at uling.

Matapos ang isang wildfire, nagsisikap kami na maibalik ang kuryente nang mabilis at ligtas hangga’t maaari. Bilang bahagi ng prosesong ito, maaaring kakailanganin naming putulin ang mga punong-kahoy na nagdudulot ng panganib sa kaligtasan. Ang mga sanga at tangkay ng mga punong-kahoy na mas maliit sa apat na pulgada ang dayametro ay pinuputol at dalhin sa ibang lugar o pinuputol sa mas maliliit na piraso at ikinakalat sa lugar. Ang kahoy na mas malaki kaysa apat na pulgada ang dayametro ay nananatiling nasa isang ligtas na posisyon sa lugar. Pag-aari ito ng may-ari ng ari-arian.

 

Naiintindihan namin na maaaring mahirap para sa mga kostumer na ayusin ang natitirang kahoy. Sa ilang pagkakataon, maaari naming ilipat o hakutin ang kahoy na ito. Kung hiniling at may pahintulot ng may-ari ng ari-arian, susuriin namin ang kahoy sa ari-arian upang matukoy kung makapagbibigay ng suporta. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa pag-aayos ng kahoy, mangyaring tumawag sa 1-800-687-5720 o mag-email sa wildfirewoodmanagement@pge.com

Kami ay nakatuon sa pagkumpleto sa trabahong ito sa lalong madaling panahon at ligtas hangga't maaari. Ang lagay ng panahon at iba pang alalahanin sa kaligtasan ay maaaring makakaapekto sa aming iskedyul. Direkta kaming makikipag-ugnayan sa may-ari ng ari-arian tungkol sa trabahong ito.

Para sa mga katanungan tungkol sa pag-aayos ng kahoy para sa ibang mga programa sa halaman, mangyaring tawagan ang 1-877-660-6789.

Tumutulong ang PG&E sa mga kostumer na apektado ng Carr o Camp Fire sa pamamagitan ng pagwawaksi ng bayad para sa pagkonekta ng pansamantalang kuryente. Ang Building and Renovation Services Department ng PG&E ay ang dapat kontakin ng mga kostumer para sa pag-aplay ng kuryente.

 

Mahalagang kontakin ang PG&E sa lalong madaling panahon kung nagpaplano kang magkumpuni o muling magtayo. Para sa kuryente para sa pansamantalang muling pagtatayo at kasunod na permanenteng kuryente, tawagan kami sa 1-877-743-7782 o magsumite ng aplikasyon sa "Your Projects." Siguraduhin na tukuyin sa iyong aplikasyon na ang iyong kahilingan para sa serbisyo ay dahil sa Carr o Camp Fire.

 

Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa pagtatayo at pagbabago. Para sa tulong, mangyaring kontakin ang rebuild@pge.com.

 

Ang pag-aplay para sa kuryente ay isang proseso na nangangailangan ng maraming hakbang na gagawin ng kapwa kostumer at ng PG&E. Repasuhin ang aming Summary of Process to Apply for Temporary and Permanent Power.

Ang aming mga puso ay nasa mga komunidad na apektado ng Camp Fire. Napakalaki ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Sinusuportahan namin ang mga komunidad at mga lokal na ahensya habang nagsisikap sila na bumalik sa dating kalagayan.

 

Sa pahinang ito, alamin ang tungkol sa mga pagsisikap sa pagbabalik, mga opsyon sa kredito at pagsingil, kaligtasan at iba pang mahalagang impormasyon para sa mga apektado ng sunog.

Mga madalas na itanong tungkol sa Camp Fire

Kung naninirahan pa rin ako sa aking ari-arian pagkatapos ng sunog, makakatanggap ba ako ng mga bayarin?
Oo. Ang mga bahay at mga negosyo na hindi na maaaring pagserbisyuhan o nasira sa Camp Fire ay awtomatikong itinigil ang pagsingil, ngunit ang lahat ng iba pang mga tahanan at mga negosyo ay dapat patuloy na makatanggap ng mga bayarin. Kung may mga tanong ka tungkol sa iyong account, tawagan kami sa 1-877-660-6789.

Sisingilin ba ako ng bayad para sa nahuling pagbabayad kung hindi ako makakabayad ng aking bayarin?
Ang istres sa pananalapi ay isa sa maraming mga alalahanin na nakakaapekto sa mga residente ng Butte County na apektado ng Camp Fire. Narito kami upang tumulong sa iyo at bawasan ang istres sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga alalahanin sa pananalapi na kaugnay ng iyong serbisyo sa utility. Tawagan kami sa 1-877-660-6789.

Mawawala ba ang aking mga diskwento (halimbawa., mga diskwento sa CARE, FERA)?
Kung agad-agad mong inililipat ang iyong serbisyo sa isang bagong ari-arian, maaari mong ipalipat ang iyong mga diskwento sa CARE at FERA sa bagong adres. Kung hininto ang iyong account sa loob nang higit sa 90 araw, maaaring kakailanganin mong muling mag-aplay sa bagong tirahan.

Ano ang pansamantalang kuryente?
Ang pansamantalang kuryente ay ibinibigay sa panandaliang batayan kung saan ang serbisyo ay para sa limitadong tagal. Kailangang ilipat ng mga kostumer ang kanilang pansamantalang kuryente sa permanenteng kuryente kapag nakumpleto na ang pagtatayo na proyekto.

Paano ako mag-aplay para sa pansamantalang kuryente?
Mag-aplay online sa "Your Projects." Bbigyan ka ng isang itinalagang PG&E Service Planning Representative (SPR). O, isumite ang iyong aplikasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa amin sa 1-877-743-7782, Lunes-Biyernes, 7 a.m. hanggang 6 p.m. Siguraduhin na minarkahan mo ang iyong aplikasyon bilang apektado ng isang malaking natural na sakuna upang iruruta ito sa Community Rebuild Team.

Paano ako mag-aplay para sa permanenteng kuryente o gas?
Ang isang bagong pagsumite na aplikasyon para sa permanenteng serbisyo ay kakailanganin at magagawa sa online sa "Your Projects" o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-877-743-7782. Ang isang itinalagang Service Planning Representative (SRP) ay magkokontak sa iyo sa loob ng 24 oras mula ang pagtanggap ng iyong aplikasyon upang tumulong sa kahilingan ng serbisyo sa pansamantala papunta sa permanente.

Hindi maaaring ibalik ng PG&E ang mga permanenteng serbisyo sa gas o kuryente sa mga nasirang istraktura hanggang makumpuni o muling maitayo na ang mga ito, at naaprubahan na ng inspektor ng gusali o kinatawan ng county o lungsod na muling itakda ng PG&E ang serbisyo.

Ano ang iskedyul para sa pagtatakda ng bagong serbisyo?
Mag-aalok ang PG&E ng pinabilis na serbisyo upang iproseso ang iyong aplikasyon at itakda ang serbisyo. Kokontakin ka ng isang itinalagang Service Planning Representative (SPR) sa loob ng 24 oras kapag natanggap na ang iyong aplikasyon kung minarkahan mo ang iyong aplikasyon bilang apektado ng malaking natural na sakuna. Mag-aplay online sa "Your Projects" o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-877-743-7782.

Magkano ang pansamantalang kuryente?
Iwawaksi ng PG&E ang mga bayarin sa pansamantalang serbisyo. Gayunpaman, ikaw ay may pananagutan para sa gastos sa pagkuha ng isang kontratista o lisensyadong electrician upang bumili at mag-install, o i-install nang sarili, ng iyong pansamantalang poste at panel na pag-aari ng kostumer. Maaari ring sisingil ang County o Bayan ng mga bayarin sa permit.

Sino ang may pananagutan para sa paglalagay ng poste para sa pansamantalang kuryente?
Isang lisensyadong kontratista, electrician o ang PG&E na kostumer. Upang alamin ang higit pa tungkol sa aming mga kinakailangan at mga patakaran, bisitahin ang Greenbook Manual.

Maaari bang maglagay ang PG&E ng pansamantalang serbisyo sa isang poste upang maserbisyuhan ang aking panlibangang sasakyan o trailer at lugar ng pagtatayo habang muli akong nagtatayo?
Higit pa sa metro at pangunahing panel, dapat na maibigay sa iyo ng iyong lisensyadong electrician ang kinakailangang configuration upang mapaandar ang iyong panlibangang sasakyan o trailer sa lugar ng pagtatayo. Mangyaring tandaan na kailangan ang permit ng Bayan o County bago maitakda ng PG&E ang pansamantalang serbisyo sa kuryente, at ang Bayan o County ay maaaring may mga kinakailangan mula sa mga may-ari ng ari-arian bago pahintulutan ang paglagay ng isang panlibangang sasakyan o trailer sa lugar.

Ano ang dapat kong gawin bago mag-umpisa sa muling pagtatayo?
Bago ka magsimula sa paglilinis ng iyong ari-arian at sa pagtatayo ng isang bagong gusali, tandaan itong mga mahalagang paalala sa kaligtasan:

  • Tumawag bago ka maghukay: Siguraduhin na tawagan ang 811 nang di bababa sa dalawang araw ng trabaho bago ikaw o ang isang kontratista magsimula sa anumang paghuhukay na proyekto. Ito ay isang libreng serbisyo. Pupunta sa lugar ang PG&E at ibang mga utility at mamarkahan ang anumang mga utility na nasa ilalim ng lupa.
  • Maging alerto: Magdahan-dahan sa mga lugar kung saan nagaganap ang pagtatayo ng daan o trabaho sa punong-kahoy.

Tandaan din na mag-aplay para sa PG&E na serbisyo sa sandaling makakuha ka ng permit mula sa Bayan o County upang maiwasan ang pagkaantala ng serbisyo.

May makukuha bang anumang pinansyal na suporta para sa aking bagong bahay?
Nag-aalok ang PG&E ng mga pinansyal na insentibo upang makatulong sa mga kostumer na magtayo ng high-performance na mga bahay at mga negosyo na gumagamit ng mas kaunting kuryente. Ang mga kostumer na lumalahok sa Advanced Energy Rebuild inisyatibo ay makakatanggap ng mga insentibo para sa paggamit ng mga gawi sa pagtatayo ngayon na kakailangnain para sa lahat ng bagong pagtatayo sa 2020. Ang layunin ng inisyatibo ay upang makatulong sa mga kostumer na magtayo ng komportable at mabisang mga bahay habang binabawasan ang kanilang mga bayarin sa kuryente sa hinaharap.

Ang Advanced Energy Rebuild ay magagamit para sa mga kostumer na nawalan ng isang gusali sa isang kamakailang malaking wildfire, tulad ng mga Carr o Camp na sunog. Upang maging karapat-dapat para sa programa, ang kostumer ay dapat mag-aplay ng isang permit sa 2019. Alamin ang higit pa sa Advanced Energy Rebuild. Maaari ka ring mag-email sa rebuild@pge.com upang magtanong o humiling na makipag-usap sa isang tauhan sa inisyatibo.

Bakit makukuha lang sa taon na ito ang mga insentibo sa kahusayan sa kuryente?
Ang mga kostumer na lumalahok sa Advanced Energy Rebuild na inisyatibo ay makakatanggap ng mga insentibo upang gumamit ng mga gawi sa pagtatayo ngayon na kakailangnain para sa lahat ng bagong pagtatayo sa 2020. Ang pagpopondo para sa programa ay mula sa mga patong na singil mula sa programa sa pampublikong serbisyo sa mga utility na bayarin na dinisenyo upang madagdagan ang konserbasyon at kahusayan sa kuryente sa California. Pagkatapos ng pagbabago noong Enero 2020 sa code para sa gusali ng California, ang programa ay hindi na karapat-dapat para sa programa sa kahusayan sa kuryente na karapat-dapat para sa mga pampublikong pondo dahil hindi na boluntaryo ang mga pagpapabuti sa mga gusali.

Ang mga AER na insentibo ba ay magagamit para sa mga ginawang bahay na de kuryente lahat?
Ang pagpopondo para sa Advanced Energy Rebuild (AER) na programa ay mula sa mga patong na singil sa mga utility bayarin ng programa sa pampublikong serbisyo na dinisenyo madagdagan ang konserbasyon at kahusayan sa kuryente sa California. Ang mga insentibo ay batay sa modeling ng kuryente ng mga bahay na kinokontrol sa pamamagitan ng California Energy Commission sa ilalim ng Title 24 Building Code. Ang mga ginawang bahay ay kinokontrol ng pamahalaang Pederal at kaya hindi karapat-dapat para sa pagpopondo na ito.

Ano ang ibig sabihin ng mga markang P1, P2 at NC sa mga punong-kahoy?
Ang mga tauhan ng PG&E ay nasa proseso ng pagmamarka at pagpuputol ng mga punong-kahoy na maaaring potensyal na magdudulot ng peligro. Ang markang "P1" ay nagpapahiwatig na ang punong-kahoy ay isang agarang panganib, alinman sa malapit na linya ng kurynete o sa lugar ng trabaho na ginagamit upang kumpunihin ang mga linya. Pinutol na ng PG&E ang lahat ng mga P1 na punong-kahoy. Ang markang "P2" ay nagpapahiwatig na ang punong-kahoy ay napinsala o may sakit at maaaring matumba sa mga malapit na linya ng kuryente, ngunit hindi nagdudulot ng agarang panganib. Ang mga punong-kahoy na ito ay tutugunan bago ang 2019 na panahon ng sunog. Ang marka na "NC" ay nagpapahiwatig na ang punong-kahoy ay puputilin upang muling itayo ang aming mga pasilidad.

Ang mga marka sa aking punong-kahoy ay hindi berde o dilaw. Puputulin din ba ninyo ang mga punong-kahoy na ito?
Ang PG&E ay gumagamit lamang ng mga berde o dilaw na marka sa mga punong-kahoy bilang bahagi ng programang ito. Ang marka ay maaaring mula sa mga ahensya ng estado at lokal na pamahalaan na nagmamarka rin at pumuputol ng mga punong-kahoy para sa mga pangkaligtasang dahilan. Upang matukoy kung aling ahensya ang nagmarka sa iyong punong-kahoy, mangyaring tumawag sa CAL OES, Butte County o Town of Paradise.

Kailan tatanggalin ang aking kahoy?
Nakatuon kami sa pagtulong sa mga komunidad na apektado ng Camp Fire sa pamamagitan ng pagtutugon sa potensyal na mga peligro sa kaligtasan at pagtutulong sa mga pagsisikap ng muling pagtatayo. Tatanggalin ng PG&E ang lahat ng mga P2 na punong-kahoy sa simula ng panahon ng sunog at tatanggalin ang lahat ng karapat-dapat na labi ng kahoy bago sa katapusan ng Mayo.

Sa palagay ko ay nakaligtaan ninyo ang isang karapat-dapat na punong-kahoy. Maaari bang pumunta kayo dito at mag-imbestiga?
Kung mayroon kang anumang mga tanong kaugnay ng trabahong nauugnay sa punong-kahoy o pagtatanggal ng kahoy, tumawag sa 1-877-660-6789 at kokontakin ka ng isang kinatawan upang talakayin ang anumang mga tanong mo at pupuntahan niya ang lugar kung kinakailangan.

Paano naman ang tungkol sa mga punong-kahoy sa aking ari-arian na hindi malapit sa mga pasilidad ng PG&E?
Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa mga pagsisikap sa paglinis, iminumungkahi namin na tawagan mo ang CAL OES sa 1-530-399-0434, mag-email sa kanila sa debrisquestions@caloes.ca.gov, o bumisita sa Town of Paradise Drop-In Open House. Bumisita sa Butte County Recovers para sa karagdagang impormasyon.

Ano ang dapat kong gawin kung sa palagay ko ay nasira ng isang PG&E kontratista ang aking ari-arian habang nasa proseso ng pagtanggal sa mga punong-kahoy o labi ng kahoy?
Kung sa palagay mo ay nakaranas ka ng isang pagkawala na pinaniniwalaan mong maaaring may pananagutan ang PG&E, maaari kang magsumite ng isang paghahabol. Alamin ang tungkol sa mga patakaran at proseso ng paghahabol.

Mga aksyon ng PG&E mula noong Camp Fire

  • Ang Town of Paradise at mga nakapaligid na lugar na apektado ng Camp Fire ay magiging ang pinakamalaking pagsisikap sa muling pagtatayo sa aming lugar ng serbisyo mula sa 1906 lindol sa San Francisco.
  • Nilikha namin ang $105 million na Wildfire Assistance Fund na pinondohan ng mga shareholder na nilalayon upang tulungan ang mga na sisante ng mga 2017 Northern California wildfire at 2018 Camp Fire, lalo na sa mga walang seguro o nangangailangan ng tulong para sa mga gastos sa alternatibong pamumuhay o iba pang mga agarang pangangailangan.
  • Naktuon din ang PG&E sa pagbabaon sa lupa ng mga pamamahagi na linya ng kuryente sa Town of Paradise at ilang ibang lugar sa Camp Fire footprint. 
  • Sa ngayon, namuhunan ang PG&E ng higit sa $100M sa muling pagtatayo ng kuryente at gas sa Paradise na rehiyon.
  • Sa loob ng Camp Fire footprint, ang Butte County Rebuild ng PG&E ay (lahat ng numero ay para sa 2019 at 2020):
    • Nakumpleto ang mga pansamantalang milya ng mga linya ng kuryente sa ibabaw sa kasalukuyan: 23
    • Nakumpleto ang mga milya ng linya ng kuryente sa ilalim ng lupa sa kasalukuyan: 7
    • Nakumpleto ang 30 milya ng pag-kanal upang suportahan ang proyekto ng kuryente sa ilalim ng lupa
    • Nakumpleto ang mga bagong serbisyo sa gas at kuryente sa ilalim ng lupa para sa dalawang mobile home park sa kabuuan ng: 59 na espasyo
    • Nakumpleto ang mga pansamantalang serbisyo sa kuryente: 1,018
    • Nakumpleto ang mga permanenteng serbisyo sa kuryente upang itayong muli ang mga bahay at mga negosyo: 350
    • Natanggal ang mga mapanganib na punong-kahoy: 94,000
  • Mayroon kaming itinalagang Rebuild Team ng higit sa 400 empleyado at isang officer steering committee upang tumulong sa amin sa mag-navigate at ayusin ang mga mapagkukunan at mga pangangailangan upang gawin ang trabaho nang ligtas at mahusay, at tumutulong kami nang aktibo sa mga kostumer sa kanilang mga pagsisikap sa muling pagtatayo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa proseso ng pagpaplano ng serbisyo dahil bago ito para sa maraming mga kostumer.
  • Nag-aalok kami ng pinahusay na mga insentibo sa mga kostumer na muling nagtatayo gamit ang mga kahusayan sa kuryente na hakbang, gumamit ng solar o lahat na de kuryente. Noong Enero, ang Advanced Energy Rebuild initiative program ng PG&E ay pinahaba hanggang 2020 para sa mga kostumer na nakakuha ng mga building permit sa taon na ito upang palitan ang isang tahanan na nawala sa isang kamakailang malaking wildfire tulad ng mga Carr o Camp na sunog. Maaaring makatanggap ang mga kostumer ng hanggang $12,500 na mga insentibo sa muling pagtatayo sa pamamagitan ng paggamit ng mga gawi sa pagtatayo na matipid sa kuryente sa muling pagtatayo ng bahay pagkatapos ng isang wildfire – kahit na ang bahay ay itinayo sa iabng lugar ng PG&E lugar ng serbisyo.

Gumawa ang PG&E ng mahalagang pagpapabuti sa kaligtasan at patuloy na namumuhunan sa imprastraktura at teknolohiya upang mabawasan ang panganib sa wildfire sa teritoryo ng serbisyo nito:

Pinahusay na mga inspeksyon

  • Noong 2019, kinumpleto ang pinahusay at pinabilis na mga inspeksyon sa higit sa 700,000 transmisyon, pamamahagi at mga ari-arian ng substation ng imprastraktura ng kuryente nito sa mga lugar na may mataas na panganib sa sunog
  • Kinumpuni o ginawang ligtas ang lahat ng mga kondisyon na may pinakamataas na prayoridad na nakita sa panahon ng inspeksyon ng transmisyon, pamamahagi at mga ari-arian ng substation

Pagpapahusay sa mga kamalayan sa sitwasyon

  • Mga istasyon ng lagay ng panahon – 630 na na-deploy hanggang 3/5/2020, iba pang 400 sa 9/1/2020
  • Mga kamera – 146 high-definition na mga kamera na na-deploy, iba pang 200 sa dulo ng 2020
  • Datos mula sa satellite –Datos mula sa NOAA satellite na idinagdag sa sistema ng pagtuklas at alerto na PG&E
  • Wildfire Safety Operations Center – ang na-upgrade na sentro ay nagtatrabaho nang 24/7 upang subaybayan ang mga banta sa sunog

Pagpapatibay sa sistema ng kuryente at pagpapabuti sa kahandaan

  • 171 milya ng linya na pinatibay noong 2019; itina-target ang 241 milya ng linya sa 2020
  • Pagbabaon sa lupa – pinili at importanteng pagbabaon sa lupa ng pamamahagi na kung saan ang mahahalagang haba ng linya na nagsisilbi sa nakahiwalay na mga komunidad ay dumadaan sa mga lugar na may mataas na panganib sa sunog   
  • Sectionalization – nag-install ng 298 na mga sectionalizing aparato noong 2019; itina-target ang 592 sa 2020.
  • System automation – patuloy na paganahin ang Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) na mga aparato at mga recloser upang mapigilan ang muling energization pagkatapos ng isang fault; pagsusubok ng Rapid Earth Fault Current Limiter (REFCL) na teknolohiya upang awtomatik na muling isara ang isang electrical current sa isang bumagsak na kable

Pagsasagawa ng enhanced vegetation management (EVM)

  • 2,498 na milya ng linya ang nalinis gamit ang mga pinahusay na pamamaraan upang matugunan ang mga mahalagang pamantayan ng Estado sa mga clearance; itina-target ang 1,800 na milya ng pamamahagi na linya sa 2020 (nakumpleto ang 400)
  • Inspeksyon sa antas ng transmisyon at VM sa 5,500 milya ng linya sa high fire threat districts (HFTDs) bawat taon, at iba pang mga lugar kung kailangan; Antas ng pamamahagi na VM bawat taon para sa pinakamababa na 4’ na radial clearance.
  • Right-of-way na pagpapalawak, nang partikular para sa 60-70 kV na linya ng transmisyon, ay dapat tanggalin ang mas maraming linya mula sa panganib sa PSPS at mapabuti ang kakayahan ng aerial na inspeksyon para sa pagbabalik ng PSPS na serbisyo.
  • Pamamahagi na EVM na gumaganap sa loob ng susunod na 10 taon: pagtanggal ng patay at may sakit na mga punong-kahoy at mas agresibong pagtapyas (12’ radius sa panahon ng pagtapyas at mga nakalaylay na sanga) kung magagawa.

Pagbabawas ng epekto ng isang PSPS

  • Pagbabawas ng saklaw / tagal / kadalasan – itina-target na magkaroon ng anumang mga 2020 na PSPS na kaganapan na umapekto ng ~⅓ mas kaunting mga kostumer kaysa sa magkaroon sa isang maihahambing na kaganapan sa 2019
  • Pagpapabuti sa pagbabalik – mga karagdagang helicopter; fixed-wing aircraft na may infrared na teknolohiya upang mapayagan ang mga inspeksyon sa gabi; pagpapabuti sa layunin ng pagbabalik ng 50%, hanggang sa 12 oras sa araw
  • Community Resource Centers – pinagana ang 111 na ligtas at na-energize na mga lokasyon para sa mga kostumer upang tumanggap ng mga pangunahing mapagkukunan at impormasyon sa 2019; itina-target ang 171 na lugar sa 2020
  • Mga microgrid / Distributed Generation (DG) – sa pinakamataas na antas, na-deploy ang tinatayang 41MW ng backup na suporta ng kuryente nang ligtas sa 26 na mga kritikal na lugar sa buong 12 na county, at na-sectionalize at na-energize ang higit sa 4,800 kostumer nang ligtas gamit ang mga pansamantalang ipinamahaging generation microgrid sa panahon ng mga 2019 na PSPS na kaganapan; para sa mga 2020 na PSPS na kaganapan, paghahanda ng mga dose-dosenang substation upang gamitin ang pansamantala o umiiral na lokal na generation kung kailangan sa panahon ng mga 2020 na PSPS na kaganapan upang mapanatiling naka-energize ang mga lugar na ito kahit na ang mga pinagmumulan ng transmisyon para sa mga substation ay kailangang i-shut down.. Mabilis din kumikilos ang PG&E upang ireserba ang karagdagang mga mobile na generator para sa paggamit sa 2020 na panahon ng sunog para sa mga substation na ito, para sa ibang mga pansamantalang microgrid, at bilang back-up na generation para sa mga kostumer na napakahalaga para sa pagpapatuloy sa lipunan

  • Dati na nagkasunduan ang PG&E at lahat ng pangkat ng mga biktima ng wildfire na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $25.5 bilyon, kabilang ang:
    • Isang $1 bilyong kasunduan sa mga lungsod, mga county, at iba pang mga pampublikong entidad, na higit sa $500 milyon ang pupunta sa mga entidad ng Butte County;
    • Isang tinatayang $13.5 bilyong kasunduan na naglulutas ng mga paghahabol ng mga indibidwal na bktima kaugnay ng 2015 Butte Fire, mga 2017 Northern California Wildfire (kabilang ang 2017 Tubbs Fire), at the 2018 Camp Fire; at
    • Isang $11 bilyong kasunduan sa mga kumpanya ng seguro at iba pang mga entidad na nagbayad sa mga paghahabol ng mga indibidwal at mga negosyo kaugnay ng mga wildfire.
  • Nagkasunduan din ang PG&E at ang Federal Emergency Management Agency at Office of Emergency Services ng California pati na rin ang ibang mga ahensya ng Estado ng California upang mabawasan ang mga paghahabol ng iyong mga ahensya at i-maximize ang halaga ng mga pondo ng kasunduan para sa mga biktima.
  • Ang lahat ng mga kasunduan ay napapailalim sa pag-apruba ng Bankruptcy Court at babayaran sa paglabas ng PG&E mula sa Tsapter 11.

  • Hindi itinataas ng Plano ng Muling Pag-organisasyon ng PG&E ang mga rate ng kostumer at sa katotohanan ay nagbabalik ng higit sa $900M ng pagtitipid sa interes sa mga kostumer. Kasabay nito, ina-ako ng Plano ng PG&E ang lahat ng mga obligasyon sa pensyon, iba pang mga obligasyon ng empleyado, at mga kasunduan sa collective bargaining kasama ang mga labor union, at lahat ng mga kasunduan sa pagbili ng kuryente at mga kasunduan sa pagseserbisyo ng aggregation na pinili ng komunidad.
  • Kabilang din sa Plano ng Muling Pag-organisasyon ng PG&E para sa paglabas mula sa Tsapter 11 ang mahalagang mga pangako na dinisenyo upang pahusayin ang kaligtasan, pagkamaaasahan at pananagutan.
  • Kamakailang lang, binago ng PG&E ang plano nito noong Enero upang idagdag ang ilang mga mahalagang pagbabago, kabilang ang:
    • Bagong mga Board of Director ng PG&E Corporation and Pacific Gas and Electric Company, na may ilang mga kasalukuyang director na aalis pagkatapos lumabas ang kumpanya mula sa Chapter 11 at sasali ang mga bagong director upang ang mga Board ay magkakaroon ng kinakailangang kadalubhasaan at mga kasanayan upang pangasiwaan ang kumpanya pagkatapos ng paglabas;
      • Pipiliin ang Board sa tulong ng mga independiyenteng mga kumpanya sa paghahanap at paggamit ng matrix ng mga kasanayan ng director na nakatuon sa mga katangian na kakailanganin ng kumpanya habang lumalabas ito
    • Pagbuo ng isang plano upang isa-rehiyonal ang mga operasyon at imprastraktura ng kumpanya upang mapahusay ang pagtuon ng kumpanya sa mga lokal na komunidad at mga kostumer;
    • Dagdag na pagpapalakas sa pamamahala ng korporasyon ng PG&E sa pamamagitan ng pagtalaga ng isang independiyenteng tagapayo sa kaligtasan pagkatapos ma-expire ang termino ng Federal Monitor na itinalaga ng korte;
    • Pagtatakda ng bagong pinalawak na tungkulin ng Chief Risk Officer na mag-uulat nang direkta sa PG&E Corporation CEO at mangangasiwa sa mga panganib na nauugnay sa mga operasyon ng PG&E;
    • Pagtatakda ng bagong pinalawak na tungkulin ng Chief Safety Officer na mag-uulat nang direkta sa PG&E Corporation CEO at mangangasiwa sa estratehiya ng PG&E upang higit pang mapabuti ang kaligtasan ng publiko at manggagawa;
    • Pagbuo ng Independent Safety Oversight Committee (ISOC) kasama ang mga taong hindi empleyado ng PG&E upang magbigay ng independiyenteng repaso ng mga operasyon ng kumpanya, kabilang ang pagsunod sa kaligtasan at regulasyon, pamumuno sa kaligtasan, at pagganap ng operasyon;
    • Nakatuon sa pinahusay na sukatan sa kaligtasan at mas mahigpit na pangangasiwa sa regulasyon na may dumaraming mekanismo ng pagpapatupad; at
    • Pagreporma sa executive na kompensasyon upang mas iugnay sa pagganap sa kaligtasan.

  • Ang Plano ng PG&E ay nagpoprogreso na kukumpirmahin ng Bankruptcy Court nang pauna sa Hunyo 30, 2020 na legal na deadline sa ilalim ng AB 1054 para sa paglahok sa go-forward wildfire na pondo ng California.
  • Ang Plano ay nananatiling napapailalim sa pag-apruba ng California Public Utilities Commission at ng Bankruptcy Court.
  • Ang Komisyon ay nagsagawa kamakailan ng mga pampublikong pagdinig at inaasahang maglalabas ng pagpapasiya nito tungkol sa pagsunod ng Plano sa Assembly Bill 1054 sa mga darating na buwan.
  • Ang Bankruptcy Court ay nakatakdang magsagawa ng pagdinig sa kumpirmasyon sa Plano ng PG&E sa Mayo 27, 2020, kasunod ng proseso ng paghingi ng boto para sa mga nauugnay na partido na magaganap sa mga darating na linggo.
  • Ipinahiwatig ng Gobernador ang kanyang suporta para sa Plano.

Mga exhibit sa evidentiary hearing

Exhibits (Public) for Proceeding A.20-04-023 before the California Public Utilities Commission

important notice icon Tandaan: Ang aplikante ay nag-post ng mga exhibit ayon sa ibinigay nang walang pagbabago.

Karagdagang mapagkukunan sa mga pagkawala ng kuryente at kaligtasan

Community Resource Centers

Nagbibigay ng suporta sa mga kostumer sa panahon ng isang Public Safety Power Shutoff (PSPS).

Pagpaplano para sa emergency

Panatilihing ligtas ang sarili at ang iyong pamilya sa pamamagitan ng paghahanda para sa mga hindi inaasahang kaganapan.