Mahalaga

Vulnerable Customer Status

Suportahan ang mga nalagay sa peligro sa pagdiskonekta

Pangkalahatang ideya sa programa

Kung ang iyong kalusugan o kaligtasan ay malalagay sa panganib kung madiskonekta ang iyong serbisyo sa kuryente o gas, naririto kami para tumulong. Makatatanggap ka ng suporta sa pamamagitan ng pagsesertipika sa sarili para sa Vulnerable Customer Status. Maaaring kabilang dito ang:

 

  • Mga karagdagang abiso tungkol sa karagdagang Public Safety Power Shutoffs (PSPS).
  • Mga pagpapatunog ng doorbell o doorhanger mula sa PG&E kapag hindi ka sumagot sa mga nakaraang notipikasyon ng PSPS

Paano mag-apply

Para mag-apply, tumawag sa 1-800-743-5000. Kapag na-enrol ka na, ang Vulnerable Customer Status ay mananatili sa iyong account sa loob ng 90 araw. Maaari mong muling isumite ang aplikasyon sa programa para mag-aplay para sa isang taon na ekstensyon na lampas sa 90 araw.


I-download ang Vulnerable Customer Status application (PDF)

Mga kaugnay na programa

Medical Baseline Program

Kung umaasa ka sa kuryente para sa mga medikal na pangangailangan, maaaring kwalipikado kang makatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Medical Baseline Program. Kasama sa programa ang:

 

  • Karagdagang allotment ng kuryente sa pinakamababang presyo sa iyong kasalukuyang rate.
  • Mga notipikasyon sa tawag, text at email bago ang isang PSPS. Kung hindi ka tutugon sa mga alerto na ito, susubukan naming abisuhan ka oras-oras. O, maaari ka naming kontakin nang personal hanggang sa makausap ka namin.


Alamin kung kuwalipikado ka para sa Medical Baseline Program

Pinansiyal na suporta

Tulong sa singil sa utility

Naninindigan kaming magbigay ng mga solusyon sa mga maaaring nahuli sa pagbabayad ng mga singil sa kanila. Pwedeng makuha ang sumusunod na suporta:

 

Kung nahuli ka sa pagbabayad ng mga singil sa iyo, ang sumusunod na suporta ay makukuha:

  • Maghanap ng pagsasaayos ng pagbabayad para makatulong sa inyo na maiwasang mawalan ng serbisyo. Bisitahin ang pagsasaayos ng pagbabayad.
  • Tulungan ang mga mahal sa buhay na maaaring nakaligtaan ang pagbabayad sa kanilang bill sa PG&E dahil sa pagkakasakit o pinansyal na paghihirap. Pumunta sa third-party alerts.
  • Humingi ng tulong na maging mas madaling mahuhulaan ang iyong bills at hindi nakakasira sa budget. Bisitahin ang Budget Billing.
  • Alamin kung paano itinatakda ang mga rate at unawain ang iyong mga opsyon sa plano. Bisitahin ang Pag-unawa sa mga Rate Plan.

Mga programa ng tulong pinansiyal

Maaaring makatulong ang mga programa sa ibaba upang makatipid ka ng pera.

 

Mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon

Kontakin kami

Para sa mga pangkalahatang tanong, tumawag sa aming Customer Service Center sa 1-800-743-5000.

Mga pangkalahatang mapagkukunan ng impormasyon sa pagkawala ng kuryente

Naririto kami para suportahan ka bago, sa panahon ng at matapos ang pagkawala ng kuryente.

Medical Baseline Program

Tulong para sa mga residensiyal na kostumer na umaasa sa kuryente para sa ilang mga medikal na pangangailangan.