Inirereport ng mga kostumer ng PG&E ang mga scam sa telepono sa mga tawag na nagpapakita sa PG&E sa ID 1-800-743-5000. O maaaring magpanggap ang caller na siya ay kinatawan ng PG&E.
Maaaring kabilang sa mga pandarayang tawag ang mga:
- Pagsasabi sa mga kostumer na ang kanilang bill ay past due at mapuputol ang kuryente sa loob ng isang oras maliban kung maibigay kaagad ang bayad.
- Paghingi sa bayad sa PG&E na maibigay sa isang gift card, MoneyPak® Card o sa pamamagitan ng payment app gaya ng Venmo o Zelle®. TANDAAN: Upang tingnan ang mga paraan ng pagbabayad na awtorisado ng PG&E, bisitahin ang Mga paraan ng pagbabayad.
- Paghingi sa numero ng iyong account sa PG&E, login o numero sa Social Security upang maintindihan ang iyong paggamit ng kuryente habang tinatangkang bentahan ka ng serbisyo o magbigay ng pagsusuri ng enerhiya. Hindi kailangan ng mga vendor ang impormasyong ito para makuha ang iyong usage data. Iniaalok ng PG&E ang Share My Data program para makuha ng mga vendor ang usage data lamang (hindi ang personal na impormasyon), nang mayroon kang permiso.
- Pagsasabi sa mga kostumer na kwalipikado sila sa isang refund at/o diskuwento sa PG&E, federal tax refund, o may mga balanseng past-due sa PG&E. Susubukan ng caller na kunin ang numero ng iyong account sa PG&E at iba pang personal na impormasyon.
- Pagsasabi na may napipintong pagkawala ng kuryente at paghingi ng personal na impormasyon upang alamin kung maaapektuhan ang address ng kostumer.
- Pagsasabi na sila ay kinatawan ng PG&E para makapagbenta sila ng produkto o makapasok sa iyong tahanan.
Tandaan na puwedeng ikubli ng mga scammer ang kanilang tunay na numero ng telepono o sabihin lamang na sila ay mula sa PG&E. Hindi gumagawa ang PG&E ng mga ganitong tawag.
HINDI NAMIN KAILANMAN HIHINGIN ANG IYONG PINANSIYAL NA IMPORMASYON SA TELEPONO. Ang mga ganitong hindi totoong paghingi ng pinansiyal na impormasyon ay dapat ituring na mga scam.
Sinusuri ng PG&E Corporate Security Department ang bawat reklamo ng scam para sa anumang posibleng impormasyong makakatulong sa imbestigasyon.
Gumawa ng aksyon laban sa mga caller ID scam
Kung may pagdududa ka tungkol sa isang papasok na tawag mula sa PG&E, mag-hang up at tawagan ang numero ng PG&E Customer Service: 1-833-500-SCAM (1-833-500-7226).
Magsumite ng Form ng Report ng Scam sa Telepono