Mahalaga

Energy Usage Data

Abiso sa Pag-access, Pangongolekta, Pag-iimbak, Paggamit at Pagsisiwalat ng Impormasyon sa Paggamit ng Kuryente

Huling na-update: Nobyembre 07, 2024

Sa PG&E, tinatrato naming lihim ang Energy Usage Data ng aming mga kostumer at ginagawa ang lahat ng pagsisikap upang maprotektahan ang data. Ang mga patakaran ng California Public Utilities Commission (CPUC) (PDF) ay nagtitiyak din sa proteksyon ng pagkapribado ng kostumer. Ang aming pagtrato ay sumusunod din sa lahat ng legal at mga iniaatas ng mga regulasyon na itinakda ng CPUC at ng iba pang mga tagapagsaayos na ahensiya.

 

Ang Pabatid na ito ay sumasaklaw sa Pacific Gas and Electric Company, sa mga empleyado, ahente, kotraktor at kaanib nito. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano namin pinangangasiwaan ang iyong personal na impormasyon, pakirebyu ang aming Patakaran sa Pagkapribado.

 

Mga Kahulugan

 

Energy Usage Data: Anumang impormasyon sa paggamit na nakuha gamit ang Advanced Metering Infrastructure (AMI) ng PG&E, na kinabibilangan ng SmartMeters™ ng PG&E, kapag pinagsama sa anumang impormasyon na maaaring makatuwirang magamit upang makilala ang isang kostumer na indibidwal, pamilya, kasama sa sambahayan, naninirahan o hindi naninirahan.

 

Mga ikatlong partido: Mga vendor, ahente, kontratista, o kaanib na nagkakaloob ng serbisyo sa o sa ngalan ng PG&E.

 

Ikaw: Sinumang kostumer ng PG&E, bisita sa website, o gumagamit ng mobile application.

Energy Usage Data

Nangongolekta lamang kami ng impormasyong kinakailangan upang magbigay ng mga serbisyo sa iyo o upang sumunod sa batas. Maaaring kabilang sa Energy Usage Data na natatanggap, iniiimbak at pinoproseso namin ang:

 

  • Mga identifiers, tulad ng iyong pangalan, address, numero ng telepono at email address.
  • Impormasyon sa billing at pagbabayad, tulad ng impormasyon na ginamit sa pagbabayad ng iyong utility bill, kasama ang iyong pinansiyal na impormasyon, kasaysayan sa pangungutang, at Social Security Number.
  • Electric at gas usage data, tulad ng electric atd gas usage data na nakuha ng aming metering systems.
  • Impormasyon sa paglahok sa energy program tulad ng impormasyon na makuha kapag pinili mong lumahok sa mga utility program o serbisyo. Maaaring kabilang dito ang Energy Efficiency o Demand Response programs, o web-based na mga serbisyo tulad ng Iyong Account.

Nangongolekta kami ng impormasyon sa iba't ibang paraan, kabilang ang:

 

  • Kapag gumagamit ka ng kuryente at gas, kinokolekta ng aming mga sistema ng pagmemetro ang iyong Energy Usage Data.
  • Kapag isinet-ap mo ang iyong account o nakipag-ugnayan sa amin kaugnay ng iyong account. At, sa pamamagitan ng aming serbisyo sa utility at iyong paglahok sa mga utility program.
  • Kapag nakikipagtulungan kami sa mga ikatlong partido. Maaaring kabilang dito ang mga ahensya ng kredito, mga mananaliksik sa merkado, o mga kontratistang nagbibigay ng mga serbisyo ng utility sa ngalan namin.
  • Maaari naming dagdagan ng impormasyong nakukuha namin mula sa iba pang pagkukunan, kasama ang mga provider ng online at offline na data. Maaaring kabilang dito ang iyong impormasyon sa pagkontak, demograpikong data o iba pang kaugnay na impormasyon.

  • Likhain ang iyong bill at subaybayan ang iyong account billing at kasaysayan sa pagbabayad.
  • Pahintulutan kang matingnan ang iyong Energy Usage Data sa susunod na araw, kapag naaangkop, gamit ang ligtas na access sa Internet.
  • Makipag-usap sa iyo tungkol sa:
    • Iyong paggamit ng kuryente. Maaari itong makatulong sa iyo sa pagpili ng best rate plan. O, kung pipiliin mo, pakinabangan ang pricing programs tulad ng SmartRateTM.
    • Pagtitipid ng kuryente at pamamahala ng enerhiya na naiakma sa iyong lugar, klima, at araw-araw na paggamit ng kuryente.
  • Pahusayin ang aming mga serbisyo ng utility sa iyo.

Pagbabahagi sa Energy Usage Data

Upang bigyan ka ng mga serbisyo o upang kumpletuhin ang mga transaksyon na hiniling mo, maaari naming ilipat ang iyong Energy Usage Data sa mga Ikatlong Partido, kabilang ang:

 

  • Mga ikatlong partido na nagbibigay ng mga serbisyo sa amin at kumikilos para sa amin
  • Law enforcement, mga regulatory agency at iba pang mga entidad ng pamahalaan
  • Ipa pang mga ikatlong partido kanino nagbigay ka ng iyong pagpayag

Maaaring isiwalat ng PG&E ang Energy Usage Data sa mga ikatlong partido para sa sumusunod na mga layunin:

 

  • Pagbibigay ng mga serbisyo sa iyo
  • Pagpapatakbo at pagmimintina ng sistema ng kuryente o gas ng PG&E
  • Pagsunod sa balidong warrant, subpoena o utos ng korte
  • Pagsunod sa isang balidong hiniling mula sa California Public Utilities Commission o iba pang mga ahensya ng pamahalaan
  • Pagbibigay-daan sa mga Ikatlong Partido na magbigay ng mga serbisyong nauugnay sa utility sa ngalan ng PG&E. Ngunit kung kinakailangan lamang at napapailalim sa mga hinihingi sa pagkakompidensyal at seguridad
  • Pagtulong sa mga emergency responder sa mga sitwasyong may banta sa buhay o ari-arian
  • Sa ibang mga sitwasyon kung saan ibinigay mo ang iyong pagpayag

Maaari mong pahintulutan ang iba pang mga kompanya o tao na tanggapin ang iyong Energy Usage Data. Bago magbahagi ng impormasyon, mahalagang maunawaan mo kung paano nilalayong gamitin ng mga partidong iyon ang iyong impormasyon. Alamin kung ibabahagi nila ito sa iba at alamin ang iyong mga karapatan bilang isang kosyumer. Hinihikayat ka namin na protektahan ang iyong username, password at iba pang personal na impormasyon.

Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang pge.com/sharemydata.

Pagtatabi

Pinapanatili namin ang Energy Usage Data batay sa mga hinihingi ng batas/regulasyon o paggabay, kabilang ang mula sa CPUC. Sa pangkalahatan, pinapanatili lang namin ang Energy Usage Data hangga't makatuwirang kinakailangan upang magbigay ng mga serbisyo sa utility sa iyo o ayon sa inaprubahan ng CPUC o iniaatas ng batas.

Pag-access at pamamahala sa iyong Energy Usage Data

Mahahanap mo ang iyong data sa buwanang bill o sa pamamagitaan ng pag-log in sa Iyong Account sa on pge.com. Ipinapakita ng iyong Account ang iyong Energy Usage Data isang araw pagkatapos ng paggamit. Ipinapakita rin nito ang oras-oras na paggamit para sa mga residensyal na kostumer at 15-minuto na interval data para sa mga pangnegosyong kostumer.


Nagbibigay rin ang aming website ng secure na pag-access sa impormasyon sa presyo. Kabilang dito ang tantiya sa bill sa dulo ng buwan, at mga rate sa peak at hindi peak na mga oras. Kung ikaw ay nasa standard rate plan,.maaari kang mag-sign up sa Energy Alerts program ng PG&E. Sasabihin namin sa iyo kung nasa landas ka na gagamit ng higit na kuryente sa isang buwan kaysa pinlano mong gamitin.

Nag-aalok kami ng mga pagpipilian tungkol sa kung paano kami makikipag-ugnayan sa iyo at kung anong Energy Usage Data ang ibibigay mo sa amin. Sa ilang sitwasyon, may karapatan kang limitahan ang impormasyong ibibigay mo sa amin, tulad ng:

 

  • Social Security Number: Upang itakda o muling itakda ang serbisyo, maaaring hihilingin sa iyo na ibigay ang iyong Social Security Number. Pinapayagan nito kami na i-validate ang iyong identidad. May karapatan kang huwag magbigay ng iyong Social Security number. Gayunpaman, maaaring may sisingiling deposito, at hihingi kami ng ibang anyo ng pagkakakilanlan (hal. driver’s license, pasaporte, State identification, atbp.). Maaaring i-waive ang deposito kung ang account ay nakatala sa paperless billing at recurring payment sa pamamagitan ng pge.com o nakuha gamit ang isang bill guarantor.
  • Iyong Account: Isang online account na nag-aalok ng instant access sa iyong bill. Maaari ka ring magbayad sa electronic na paraan at tumanggap ng mahalagang mga alert. Kung magsa-sign up ka, hihingin sa iyong ibigay ang iyong email address. May karapatan ka na tanggihan ang hiniling na ito. Gayunpaman, hindi mo mapapakinabangan ang aming online billing at pagbabayad.
  • Mga Komunikasyon sa Email: Kung pinili mong tumanggap ng mga email mula sa amin, pwede mong piliing hindi na makatanggap ng mga email na ito anumang oras. Sundin ang proseso ng pag-unsubscribe sa footer ng email. O tawagan o sulatan kami gamit ang seksyon na “Makipag-ugnayan sa Amin” sa ibaba. Sa pamamagitan ng iyong online account, pwede ka ring mag-opt out sa pamamagitan ng iyong online account sa pamamagitan ng pag-update sa iyong mga kagustuhan sa ilalim ng Profile at Mga Alert.


Maaaring may karapatan ka rin na:

 

  • Pawalan ng bisa ang iyong awtorisasyon para sa ilang paggamit ng iyong Energy Usage Data.
  • Tutulan ang katumpakan o ang pagkakumpleto ng Energy Usage Data na hawak namin tungkol sa iyo.
  • Humiling na iwasto namin ang iyong Energy Usage Data.

Gamitin ang mga karapatan na ito sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-743-5000. O mag-sign in sa iyong online account upang i-edit ang iyong profile.

Mga pagbabago sa Abisong ito

Gagawin ang mga pagbabago sa Abisong ito kung kinakailangan at kapag ipinag-utos ng California Public Utilities Commission. Ilalathala ang mga pagbabago sa pge.com. Aabisuhan ka rin namin taun-taon sa pamamagitan ng insert sa bill upang balikan ang pinakabagong bersyon ng Abiso na ito sa aming website.

Kontakin kami

Kung mayroon kang mga tanong, alalahanin, o reklamo tungkol sa Abisong ito, kung gusto mong humingi ng kasalukuyan o nakaraang bersyon, o kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa aming proseso para sa pag-update sa Abisong ito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga sumusunod na opsyon:


PG&E Residential and Business Customer Service 
Correspondence Management Center 
Attention: Customer Privacy Management
P.O. Box 997310
Sacramento, CA 95899-7310

 

Mga pang-residensiyal na kostumer: Tumawag sa 1-800-743-5000
Mga Pangnegosyong Kostumer: Bisitahin ang Business Customer Service Center

 

Email: pgeprivacy@pge.com

Higit pa tungkol sa pagkapribado

California Consumer Privacy Act (CCPA)

Intindihin ang iyong mga karapatan sa pagkapribado bilang konsyumer.

Patakaran sa social media

Basahin ang mga patakaran at alituntunin ng PG&E sa social media.

Patakaran sa mga digital na komunikasyon

Paano namin pinaplanong makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng voice, mga mensaheng text, email at iba pa