Mahalaga

Abiso ng Empleyado, Aplikante sa Trabaho, at Kontratista

Petsa ng pagkakaroon ng bisa: Oktubre 1, 2024

Ang iyong pagkapribado

 

Ang iyong pagkapribado ay prayoridad para sa PG&E Corporation at Pacific Gas and Electric Company (magkasama, "PG&E" o "kami").

 

Ang Employee, Contractor and Job Applicant Privacy Notice ("Personnel Privacy Notice") ay naglalarawan kung anong personal na impormasyon ang kinokolekta namin mula sa mga empleyado, kontratista at aplikante sa trabaho sa PG&E, ang mga layunin ng pagkolekta, at kung kanino namin maaaring isiwalat ang iyong personal na impormasyon. Sa ilalim ng batas ng California, ang mga empleyado, kontratista at aplikante sa trabaho sa PG&E na mga residente ng California ay may ilang mga karapatan pagdating sa kanilang personal na data. Inilalarawan ng Personnel Privacy Notice na ito kung paano maaaring gamitin ng mga residente ng California ang kanilang mga karapatan sa pagkapribado sa California pagdating sa kanilang personal na impormasyon. Nalalapat lang ang abiso sa pagkapribado na ito sa personal na impormasyong kinokolekta namin sa iyong kapasidad bilang isang empleyado, kontratista o aplikante sa trabaho sa PG&E. Para sa impormasyon kung paano namin kinokolekta at ginagamit ang iyong impormasyon bilang mamimili, mangyaring bisitahin ang abiso ng PG&E sa pagkapribado ng publiko.

 

Hindi namin sinasadyang mangolekta, gumamit, magbenta o magbahagi ng impormasyon ng sinumang wala pang 16 taong gulang.  Kung naniniwala kang may isang batang wala pang 16 taong gulang ang nagbigay sa amin ng personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pgeprivacy@pge.com at magbigay ng maikling paglalarawan sa iyong ipinag-aalala.

 

Paano namin kinokolekta ang iyong personal na impormasyon

Upang pangasiwaan ang iyong impormasyon sa trabaho o iba pang propesyonal na relasyon sa pagtatrabaho sa amin, kinokolekta at pinoproseso namin ang personal na impormasyon tungkol sa iyo. Sa nakaraang 12 buwan, maaaring nangolekta kami ng personal na impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga sumusunod na pinagkukunan:

 

Direkta Mula sa Iyo: Kinokolekta namin ang iyong personal na impormasyon nang direkta mula sa iyo sa panahon ng proseso ng onboarding at kaugnay sa iyong trabaho o iba pang propesyonal na relasyon sa pagtatrabaho sa amin, gaya kapag makikipag-ugnayan ka sa Human Resources Department o kapag mag-aaplay ka para sa trabaho.

 

Mula sa PG&E Equipment and Authorized “Bring Your Own Devices” ("BYOD"): Sa pamamagitan ng mga aparatong naka-install sa ginagamit na mga sasakyan at iba pang mga aparato na ginagamit sa konteksto ng iyong pagtatrabaho sa PG&E.

 

Mula sa Iyong Paggamit sa PG&E Intranet: Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong mga pagbisita at paggamit sa aming intranet, kabilang ang impormasyon sa pamamagitan ng mga cookie at mga iba pang teknolohiya sa pag-log in.

 

Mula sa Iba pang mga Partido: Kapag nakikipagtulungan kami sa mga ikatlong partido gaya ng mga rekruter, mga ahensya sa pag-uulat sa mamimili, mga provider ng serbisyo, mga vendor, kontratista, mga credit agency, mga mananaliksik ng merkado, o mga provider ng serbisyo na nagbibigay ng mga serbisyo sa ngalan namin.

 

Mula sa mga Iba Pang Pinagkukuhanan: Maaari naming dagdagan ang impormasyong inilalarawan sa itaas ng impormasyong nakukuha namin mula sa iba pang pagkukunan, kasama ang mga provider ng online at offline na data.

 

Anong impormasyon ang kinokolekta namin

Kinokolekta namin ang mga sumusunod na kategorya ng personal na impormasyon mula sa iyo, kabilang sa nakaraang 12 buwan:

 

Mga Pantukoy, gaya ng iyong pangalan Social Security number, numero ng pasaporte, lisensya sa pagmamaneho o numero ng state identification card, numero ng insurance policy, numero ng telepono, email address, at address ng tirahan. Ginagamit namin ang impormasyon para bigyan ka ng mga serbisyong benepisyo, sumunod sa mga legal na obligasyon, pangasiwaan ang mga aktibidad na nauugnay sa iyong trabaho, at upang makipag-ugnayan sa iyo. Maaari naming ibigay ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo, mga nagpapatupad ng regulasyon, at o sa iba pang mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas.

 

Impormasyong Napapailalim sa Proteksyon ng Batas ng California, gaya ng mga Pantukoy na nabanggit sa itaas, mga pisikal na katangian o paglalarawan, ang kasaysaysan ng iyong edukasyon, numero ng bank account, numero ng corporate credit card, medikal na impormasyon at impormasyon ng insurance sa kalusugan. Ginagamit namin ang impormasyon para bigyan ka ng mga serbisyong benepisyo gaya ng payroll at insurance, at upang sumunod sa aming mga legal na obligasyon, at pangasiwaan ang mga aktibidad na nauugnay sa iyong trabaho. Maaari naming ibigay ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo, mga nagpapatupad ng regulasyon o sa iba pang mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas.

 

Mga Katangian ng Protektadong Klasipikasyon, gaya ng iyong kasarian, katayuan bilang beterano, pinagmulang lahi o etniko. Para sa higit pang impormasyon, pakitingnan ang "Sensitibong Personal na Impormasyon" sa ibaba.

 

Sensitibong Personal na Impormasyon, gaya ng impormasyon ng iyong Social Security, lisensya sa pagmamaneho o numero ng pagkakakilanlang ibinigay ng gobyerno, at ilang katangian ng protektadong klasipikasyon, gaya ng iyong pinagmulang lahi o etniko, ang iyong partikular na geolocation, impormasyon tungkol sa iyong kalusugan at sekswal na oryentasyon. Maaari din naming kolektahin ang nilalaman ng iyong email o iba pang elektronikong komunikasyon mula sa iyong mga account sa PG&E o sa ibinigay nitong mga aparato. Ginagamit namin ang impormasyong ito para sa mga layuning pagpapatunay ng pagkakakilanlan, upang bigyan ka ng mga serbisyong benepisyo, upang magprotekta at magdepensa laban sa mga legal na paghahabol, pandaraya o iba pang masamang gawain, at upang isulong ang mga patakaran sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay at pagsasama. Ginagamit lamang ng PG&E ang iyong Sensitibong Personal na Impormasyon para ihatid sa iyo ang mga serbisyo nito, isagawa ang ilang mga panloob na tungkuling pang-negosyo, at iba pang pinahihintulutan sa ilalim ng naaangkop na batas. Maaari naming ibigay ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo, mga nagpapatupad ng regulasyon, o sa iba pang mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas. Hindi namin ibinebenta o ibinabahagi ang iyong sensitibong personal na impormasyon. Ginagamit at isinisiwalat lang namin ang iyong Sensitibong Personal na Impormasyon para sa mga layunin na hindi nagpapahiwatig ng mga katangian tungkol sa iyo.

 

Biometric na Impormasyon, gaya ng iyong fingerprint kapag ang iyong ginagampanang papel ay nangangailangan ng access sa isang pasilidad na may mataas na seguridad. Maaaring ibigay ng PG&E ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo at/o sa ibang mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas.

 

Geolocation Data,, kabilang ang iyong eksaktong geolocation kapag ginagamit ang aming kagamitan o mga BYOD ng PG&E para sa trabaho/mga propesyonal na layunin. Ginagamit namin ang impormasyong ito para pangasiwaan ang mga aktibidad na nauugnay sa iyong trabaho, i-monitor ang seguridad, at sumunod sa mga legal na obligasyon. Maaari naming ibigay ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo o sa iba pang mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas.

 

Sensory na Impormasyon, kabilang ang mga impormasyong makukuha tungkol sayo sa pamamagitan ng mga surveillance camera, audio recording at litrato. Ginagamit namin ang impormasyong ito para i-monitor ang seguridad ng mga pasilidad ng PG&E. Maaari naming ibigay ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo o sa mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas.

 

Propesyonal at Nauugnay sa Trabaho na Impormasyon, gaya ng impormasyon sa iyong resume, mga sulat ng rekomendasyon, mga abiso sa interbyu, mga akademiko/propesyonal na kwalipikasyon, kasaysaysan ng edukasyon, lokasyon ng opisina, mga petsa ng pagkatanggap sa trabaho, mga kontrata sa trabaho, pang-emerhensiyang pangkontak na impormasyon, mga pagsusuri ng pagganap at iba pang impormasyon, mga gawad at napagtagumpayan, mga tala ng pagsasanay at pag-unlad, impormasyon ng kabayaran, impormasyon ng bakasyon, impormasyon ng kwalipikasyon sa trabaho, at iba pang impormasyong nauugnay sa iyong trabaho o propesyonal na pagtatrabaho sa amin. Ginagamit namin ang impormasyong ito upang bigyan ka ng mga serbisyong nauugnay sa trabaho, sumunod sa mga legal na obligasyon, pangasiwaan ang mga aktibidad na nauugnay sa iyong trabaho, at bigyang-impormasyon ang mga pagsusuring aktibidad para pahusayin ang aming negosyo. Maaari naming ibigay ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo, mga nagpapatupad ng regulasyon, o sa iba pang mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas.

 

Impormasyon sa Internet at Iba pang Elektronikong Network, gaya ng iyong mga log file, impormasyon sa login, mga nag-imbento ng software/hardware, at iba pang impormasyong nauugnay sa paggamit mo ng kagamitan ng PG&E, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa telematics ng sasakyan, intranet at mga BYOD na ginagamit para sa mga layunin ng trabaho/propesyon, at impmormasyon na nakolekta mula sa mga cookie. Ginagamit namin ang impormasyong ito para pangasiwaan ang mga aktibidad na nauugnay sa iyong trabaho, i-monitor ang seguridad, at sumunod sa mga legal na obligasyon. Maaari naming ibigay ang impormasyong ito sa mga provider ng serbisyo o sa ibang mga ikatlong partido ayon sa iniaatas ng batas. Para sa higit pang impormasyon kung paano namin ginagamit ang mga cookie, pakibasa ang seksyon sa ibaba na “Mga cookie at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay”.

 

Paano namin ginagamit ang iyong personal na impormasyon

Maaari naming gamitin ang personal na impormasyong kinokolekta namin para sa iba’t ibang layunin:

 

Mga Aktibidad na Nauugnay sa Trabaho: Gaya ng pangangasiwa ng payroll, suweldo, kabayaran, bayad kapag maysakit, at mga bakasyon sa trabaho; pangangasiwa ng buwis at Social Security; pag-monitor ng kwalipikasyon sa trabaho; pagsusuri sa pagganap; pag-iiskedyul, pagtatakda ng pang-emergency na impormasyon sa pakikipag-ugnayan; pagproseso ng mga paghahabol ng tauhan na nauugnay sa trabaho, pagsusuri sa iyong aplikasyon sa trabaho, at pangangasiwa at pagproseso ng mga benepisyo, kabilang ang pagpapasya sa kwalipikasyon para sa iyo at sa iyong mga dependent at benepisyaryo

 

Pag-monitor sa Seguridad: Pagsusuri sa aming mga elektronikong sistema, mga network at iba pang kagamitan at ari-arian para sa mga layuning pang-seguridad, kabilang ang pagprotekta laban sa pandaraya, at para sa pagtiyak sa pagsunod sa aming Code of Conduct

 

Mga Legal na Obligasyon: Maaari naming gamitin ang iyong impormasyon upang sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Halimbawa, kung makatanggap kami ng subpoena o iba pang legal na kahilingan, maaaring kailangan naming inspeksyunin ang datos na hawak namin upang ipasya kung paano tumugon.

 

Mga Panloob na Layunin sa Negosyo: kabilang ang pagsasagawa ng pagsusuri at paglalapat ng mga algorithm upang tuklasin ang mga paraan para pahusayin ang aming negosyo, tukuyin ang mga kalakaran sa aming puwersang manggagawa, at pahusayin ang mga iniaalok naming serbisyo.

 

Sensitibong Personal na Impormasyon: Hindi namin ginagamit o isinisiwalat ang iyong sensitibong personal na impormasyon para sa anumang layunin bukod sa pinahihintulutan ng naaangkop na batas.

 

Paano namin maaaring isiwalat ang iyong personal na impormasyon

Hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon o ibinabahagi ang iyong personal na impormasyon para sa mga layunin ng pinasadyang advertising. Maaari naming ibahagi ang iyong personal na impormasyon para sa iba’t ibang layunin, kabilang para:

 

Kapag Mayroon Kang Pahintulot: Maaari naming isiwalat ang iyong data kung binigyan mo kami ng partikular na pahintulot na gamitin ang iyong personal na impormasyon para sa isang partikular na layunin.

 

Mga Provider ng Serbisyo: Maaari naming ibahagi ang iyong data sa mga ikatlong partido na vendor, mga provider ng serbisyo, kontratista, o ahente na nagsasagawa ng mga serbisyo para sa amin o sa ngalan namin at nangangailangan ng access sa ganoong impormasyon upang magawa ang trabaho kaugnay ng pagbibigay sa iyo ng mga serbisyo o paghahatid ng impormasyon sa iyo na hiningi mo. Nagsisiwalat lamang kami ng impormasyon sa mga partidong ito kung (a) ang pagbabahagi ng iyong personal na impormasyon ay kinakailangan para maisagawa nila ang ganoong mga suportang serbisyo at (b) sumasang-ayon ang mga naturang provider ng serbisyo na gagamitin ang anumang personal na impormasyong matatanggap nila alinsunod sa aming mga tagubilin.

 

Mga Legal na Obligasyon. Maaari naming isiwalat ang iyong impormasyon kung saan inaatasan kami ng batas na gawin ito upang sumunod sa naaangkop na batas, mga kahilingan ng gobyerno, proseso ng korte, kautusan ng korte, o legal na proseso, gaya bilang pagtugon sa isang kautusan ng korte o subpoena (kabilang ang pagtugon sa mga publikong awtoridad para matugunan ang mga kinakailangan para sa pambansang seguridad at pagpapatupad ng batas).

 

Pag-iingat sa Ating Lugar ng Trabaho. Maaari naming isiwalat ang iyong impormasyon kung saan naniniwala kaming kailangang gawin ito upang; imbestigahan, hadlangan, o aksyonan ang mga posibleng paglabag sa aming mga patakaran, hinihinalang pandaraya, mga sitwasyong kinasasangkutan ng mga posibleng banta sa kaligtasan ng sinumang tao, at mga ilegal na aktibidad; o bilang ebidensya sa paglilitis na aming kinasasangkutan.

 

Mga Paglilipat ng Negosyo. Maaari naming ibahagi o ilipat ang iyong impormasyon kaugnay ng, o sa panahon ng mga negosasyon ng, anumang merger, pagbebenta ng assets ng kompanya, pagpopondo, o pagtamo ng lahat o bahagi ng aming negosyo sa ibang kompanya.

 

Pagbabahagi ng Pinagsama-samang Data: Maaari ding isiwalat ng PG&E ang pinagsama-sama, hindi nauukol sa empleyado na data at impormasyon na hinango mula sa personal na impormasyon kasama ang mga iba pang entidad para sa layunin ng:

 

  • pagpapabatid ukol sa patakaran ng California sa enerhiya ayon sa utos ng California Public Utilites Commision at iba pang ahensiya ng pamahalaan ng California na nangangasiwa sa PG&E;
  • pagpapanatili sa kaligtasan at lugar ng trabaho na mainam sa kalusugan at sa kalusugan at kaligtasan ng aming mga empleyado, kostumer at komunidad, bukod sa mga iba pang bagay, dahil sa pandemya ng COVID-19

 

Mga cookie at iba pang mga teknolohiya sa pag-track

 

Kapag bibisitahin o gagamitin mo ang mga panloob na website ng PG&E, maaaring gumawa ang aming server ng mga cookie, na maliliit na text file na puwedeng ipadala ng isang website sa iyong internet browser at maaaring maitago sa iyong browser o saanman sa iyong computer. Ginagamit ng PG&E ang mga cookie at iba pang teknolohiyang kinakailangan para sa pagpapatakbo sa aming intranet o sa mga feature nito. Ang mga Cookie ng ikatlong partido ay maaari ding gamitin sa aming panloob na mga website ng PG&E kung saan ang isang ikatlong partido ay nagbibigay ng functionality sa aming website. Maaari ninyong i-disable ang paggamit namin ng cookies sa pamamagitan ng mga setting ng iyong browser. Pakitandaan na kung idi-disable mo ang kakayahan ng iyong browser na tumanggap ng mga cookie, makakapunta ka sa intranet ng PG&E, ngunit hindi mo magagamit ang ilang mga feature.

 

Karagdagang impormasyon para sa mga residente ng California

Kung ikaw ay isang Residente ng California, mayroon kang ilang mga karapatan sa pagkapribado na nauugnay sa iyong personal na impormasyon, kabilang ang sumusunod:

 

  • Karapatang Malaman: May karapatan kang malaman at i-access ang personal na impormasyong kinokolekta ng PG&E tungkol sa iyo, at paano nito ginagamit, at isinisiwalat ang iyong personal na impormasyon.
  • Karapatang Hilingin ang Pagbura: May karapatan kang hingin na burahin ang iyong personal na impormasyon.
  • Karapatang Ipawasto ang mga Hindi Tama: May karapatan kang hingin na iwasto ng PG&E ang hindi tamang personal na impormasyon.

 

Maaari mong gamitin ang alinman sa mga karapatang ito sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong kahilingan kaugnay ng mga karapatan sa pagkapribado ng empleyado sa ilalim ng California Consumer Privacy Act. o pagtawag sa amin sa 1-800-788-2363.

 

Hindi makakatugon ang PG&E sa iyong kahilingan o makapagbibigay sa iyo ng personal na impormasyon kung hindi namin mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan o awtoridad na gawin ang kahilingan at kumpirmahin na ang personal na impormasyon ay nauukol sa iyo. Kapag magsusumite ka ng kahilingan, gagawa kami ng mga hakbang para patunayan ang iyong pagkakakilanlan gamit ang mga serbisyo na pagpapatunay ng pagkakakilanlan. Kung mayroon kang account sa amin, maaari naming gamitin ang kasalukuyang mga paraan ng pagpapatotoo ng account para patunayan ang iyong pagkakakilanlan. Gayunpaman, hindi mo kinakailangang gumawa ng account sa amin para magsumite ng kahilingan. Kung wala kang account sa amin, maaari naming hilingin na bigyan mo kami ng impormasyon tungkol sa iyong sarili upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan.

 

Gagamitin lang namin ang personal na impormasyong ibibigay mo kaugnay ng pagpapatunay sa pakakakilanlan upang patunayan ang pagkakakilanlan o awtoridad ng humihiling na gawin ang kahilingan at kapag maaari, susubukan naming itugma ang impormasyong ibibigay mo sa impormasyong maaaring hawak na namin tungkol sa iyo.

 

Kung gusto mong pahintulutan ang isang ikatlong partido na gumawa ng kahilingan sa ngalan mo sa pamamagitan ng isang awtorisadong kinatawan, dapat kontakin ng iyong kinatawan ang Pangkat ng Pagkparibado sa PG&E mismo sa PGEPrivacy@pge.com. Hihingin namin sa kinatawan na magpakita ng awtoridad na kumilos sa ngalan mo. Maaari din naming hingin sa iyo na patunayan ang iyong pagkakakilanlan nang direkta sa PG&E o kumpirmahin sa amin na binigyan mo ang awtorisadong kinatawan ng pahintulot na magsumite ng kahilingan sa ngalan mo.

 

Maaari ka ring gumawa ng kahilingan sa pagkapribado sa ngalan ng iyong menor de edad na anak/benepisyaryo/dependent.

 

Hindi kami magdidiskrimina o gaganti laban sa iyo para sa paggamit sa iyong mga Karapatan sa Pagkapribado na tinukoy sa patakaran sa pagkapribado na ito.

 

Pagkilala sa Global Privacy Control

Ang mga signal ng Global Privacy Control ay ginagamit ng ilang mga web browser upang tangkaing limitahan ang pagsubaybay na nauugnay sa iyong mga pagbisita sa isang website. Hindi lahat ng browser ay nag-aalok ng opsyon na Global Privacy Control at hindi pa magkakapareho ang mga signal na ito. Hindi tumutugon ang website ng intranet ng PG&E sa mga signal ng Global Privacy Control.

 

Pagtatabi

Itinatabi namin ang iyong personal na impormasyon batay sa mga legal na kinakailangan o mga pangangailangan ng negosyo. Itinatabi namin ang datos ng empleyado nang 6 na taon mula kung kailan ang lahat ng benepisyo sa pagreretiro ay nabayaran sa mga dating empleyado sa ilalim ng kani-kanilang plano, nang napapailalim sa mga pangangailangan ng batas o negosyo para sa mas matagal na pagtatabi. Ang datos ng aplikante sa trabaho (mga hindi tinanggap) ay itatabi nang 10 taon mula sa requisition closure, nang napapailalim sa mga pangangailangan ng batas o negosyo para sa mas matagal na pagtatabi.

 

Mga pagbabago sa abiso sa pagkapribado na ito

Regular naming susuriin ang Abiso sa Pagkapribado na ito. Kung gagawa kami ng mahahalagang pagbabago sa abiso sa pagkapribado na ito, susubukan naming abisuhan ka at/o kunin ang iyong pahintulot, gaya ng iniaatas ng batas. Inirerekomenda namin na regular mong suriin ang abiso sa pagkapribado na ito.

 

Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa Personnel Privacy Notice na ito. Mangyaring makipag-ugnayan sa mismong PG&E Privacy Team sa PGEPrivacy@pge.com.

Higit pa tungkol sa pagkapribado

California Consumer Privacy Act (CCPA)

Intindihin ang iyong mga karapatan sa pagkapribado bilang konsyumer.

Patakaran sa social media

Basahin ang mga patakaran at alituntunin ng PG&E sa social media.

Patakaran sa mga digital na komunikasyon

Paano namin pinaplanong makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng voice, mga mensaheng text, email at iba pa