Mahalagang Alerto

Mga pagpatay ng kuryente para sa kaligtasan sa sunog

Mga pagpatay ng kuryente para mapanatiling ligtas ang ating mga bayan mula sa mga sunog

Humingi ng tulong bago at habang may pagpatay ng kuryente para sa kaligtasan sa sunog.

Mga pagpatay ng kuryente kapag may sunog

May dalawang uri ng mga pagpatay ng kuryente para sa kaligtasan sa sunog.

Public Safety Power Shutoffs (PSPS)

Ang masamang lagay ng panahon ay maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng mga puno at sanga sa mga linya ng kuryente. Maaari itong pagmulan ng pagliyab at maging dahilan ng sunog. Upang mapigilan ang sunog, maaaring kailanganin naming patayin ang kuryente kapag tuyo at mahangin ang lagay ng panahon. Tinatawag ito na Public Safety Power Shutoff (PSPS). 

 

Alamin ang higit pa tungkol sa kung kailan at paano namin ginagamit ang PSPS upang mapigilan ang mga sunog.

 

Alamin ang higit pa tungkol sa PSPS

Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS)

Upang makatulong na protektahan ka mula sa mga sunog, ginagamit namin ang Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS) sa mga lugar na mataas ang panganib ng sunog. Awtomatikong pinapatay ng EPSS ang kuryente kung may matukoy na panganib. Dahil awtomatikong namamatay ang kuryente para sa kaligtasan, maaaring mangyari ang hindi nakaplanong pagpatay ng kuryente.

 

Alamin ang higit pa tungkol sa aming mga setting ng kaligtasan at kung paano ka pinoprotektahan ng mga ito.

 

Kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa EPSS

Ginagawang higit pang mas epektibo ang mga pagpatay ng kuryente para sa kaligtasan sa sunog

 

Patuloy kaming nagbabago at humuhusay para mabawasan ang mga epekto ng mga pagpatay ng kuryente para sa kaligtasan sa sunog. Kasama rito ang pakikinig sa aming mga kostumer at pag-aalok ng higit pang impormasyon at mas mabuting suporta. Gumagawa rin kami ng mga hakbang upang mabawasan ang sukat, tagal at dalas ng mga pagpatay ng kuryente.

Pagbawas sa epekto ng PSPS

  • Pagpapahusay sa pag-target namin sa mga pagpatay ng kuryente

  • Paggamit ng mga microgrid upang mapanatiling bukas ang kuryente

  • Pag-aalok ng mas mabuting mga opsyon sa suporta bago, habang at pagkatapos ng PSPS

  • Mas mabilis na pagpapanumbalik ng kuryente 

Pagbawas sa pangangailangan para sa EPSS

  • Pag-aakma sa pagkasensitibo ng mga setting o pagpatay sa mga setting kapag ligtas nang gawin ito

  • Paglalagay ng bagong teknolohiya upang mabilis na matukoy ang mga lokasyon ng pagpatay ng kuryente

  • Pagpapahusay sa aming mga patrol upang mas mabilis na mapanumbalik ang kuryente

  • Pagputol sa mga puno at paglalagay ng mga bantay sa hayop para maiwasan ang mga peligro

Paggamit ng maramihang patong ng proteksyon

  • Paglalagay sa ilalim ng lupa ng 10,000 milya ng mga linya ng kuryente

  • Paglalagay ng mas matitibay na mga poste at natatakpang linya para sa mas ligtas na sistema

  • Paglalagay ng mga microgrid upang mapanatiling nakabukas ang kuryente

  • Paglayo sa mga puno at sanga ng halaman mula sa mga linya ng kuryente 

Mga sanggunian para sa pagpatay ng kuryente

Alam namin kung gaano kahirap ang mawalan ng kuryente. Kaya nagsisikap kaming mabawasan ang mga pagpatay ng kuryente at suportahan ka kapag nangyari ang mga ito.

Pagiging handa at suporta sa sunog

Ang mga sunog ay puwedeng mangyari anumang oras.

Paggawa ng desisyon kaugnay ng pagpatay ng kuryente

Ipinapakita ng aming gabay sa paggawa ng desisyon kung paano namin tinatasa ang panganib ng sunog. Inilalarawan din nito ang mga makabagong kasangkapan na ginagamit namin para mapigilan ang mga sunog.

Mga pagpatay ng kuryente at mga oras ng pagbabalik

Kunin ang mga pinakabagong update sa kung kailan ibabalik ang kuryente.

Kumuha ng higit pang impormasyon

Lahat ng aming trabaho para sa kaligtasan sa sunog at ang pinakabagong mga pagpapahusay ay matatagpuan sa iisang lugar.

Nauugnay na impormasyon

Kaligtasan

Sa PG&E, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan.

Community Wildfire Safety Program (CWSP)

Alamin kung paano namin ginagawang mas ligtas at mas maaasahan ang aming sistema.

Mga umiikot na pagpatay ng kuryente

Kapag nagtitipid tayong lahat, maiiwasan ang mga pagpatay ng kuryente.