Mahalaga

Mga programang demand response (DR)

Maghanap ng tamang programa para sa iyong tahanan o negosyo

Mga programang demand response ng PG&E

Ang mga programang demand response ng PG&E ay dinisenyo upang makapag-ambag ang mga kostumer sa energy load reduction sa mga panahong mataas ang demand o paggamit.

  • Karamihan ng mga programang demand response ng PG&E ay nag-aalok din ng mga pinansiyal na insentibo para sa load reduction sa mga panahon na mataas ang demand.

 

Mga programang demand response ng nakakontratang ikatlong partido

Ang mga nakakontratang ikatlong partido ay nag-aalok ng mga programa para makatipid o kumita ng pera ang mga kostumer sa pamamagitan ng pagsasaayos sa paggamit ng enerhiya.

  • Ang pakikilahok ay nakakatulong din sa pagbalanse sa grid ng kuryente nang hindi gumagawa ng mga emisyon.

Mga programang insentibo sa enerhiya sa residensiyal

Makilahok sa mga programang demand response para sa residensyal

May isang eksepsiyon, maaari ka lang sumali sa isang insentibo sa enerhiya, pagbabawas sa enerhiya, peak na oras o programang direct bidding sa bawat pagkakataon. Kailangang hindi ka magpatanggal sa talaan mula sa isa upang magpatala na naman sa iba.

  • Pinapayagan ang mga kostumer na magpatala sa kapwa Power Saver Rewards at SmartRate.

Upang malaman ang iba pa tungkol sa mga programang insentibo sa enerhiya na iniaalok ng mga kumpanyang bukod pa sa PG&E, bisitahin ang mga programa ng insentibo ng ikatlong-partido para sa demand response.

Mga programang demand response ng PG&E sa residensyal at ikatlong partido

Automated Response Technology

  • Ino-optimize ng smart technology sa tahanan mo ang paggamit mo ng energy ayon sa rate mo at sa mga panahon ng mataas na demand.
  • Mag-enroll sa pamamagitan ng third-party provider.
  • Maaaring magbigay ng mga insentibo ang mga provider, sa kanilang diskresyon.

Power Saver Rewards Program

  • Bawasan ang paggamit mo ng enerhiya para makatipid ng enerhiya sa piling maiinit na mga araw ng summer kung kailan mataas ang pangangailangan sa kuryente.
  • Tumanggap ng kredito sa iyong bill pagkatapos ng tag-araw para sa pagtulong na manatiling maaasahan ang grid ng California.
  • Walang espesyal na kagamitang kailangan.

SmartAC™

  • Ang isang SmartAC na switch ay malayuang naglilipat ng ilan sa ginagamit mong enerhiya sa labas ng oras na pinakakinakailangan ito.
  • Para sa mga kostumer na mayroong yunit ng air conditioning.

SmartRate™

Binibigyang-daan kang makontrol ang iyong rate sa kuryente at tumutulong sa pagtitipid sa grid ng kuryente ng California kapag pinakakinakailangan. Ang SmartRate ay walang panganib at sinusuportahan ng aming garantiya sa Proteksyon sa Bill.

Leap

Ang Leap platform ay nagbibigay ng mabilis, automated na access sa mga energy market para sa iyong mga resource ng ipinamamahaging enerhiya. Ang aming software-only solution ay nagpapadali sa iyong negosyo na mabayaran habang dini-deploy ang birtwal na mga planta ng kuryente upang makalikha ng mas malinis, mas resilient na electric grid.

OhmConnect

Isang walang-gastos, walang-panganib na serbisyo na nag-aabiso sa iyo kapag tumataas ang mga presyo ng kuryente sa iyong kalapigbahayan at binabayaran ka para magtipid ng kuryente sa mga panahong ito.

WatterSaver

Sa pamamagitan ng pag-enroll sa WatterSaver, maaaring awtomatikong samantalahin ng iyong electric water heater ang mas mababang mga rate ng kuryente, kaya pinapainit ang tubig sa mga pinakamurang oras ng araw. Bukod dito, maaari kang makakuha ng bonus na $50 na gift card sa pagpapatala at karagdagang $5 gift card na kredito para sa bawat buwan na lalahok ka.

Mga programa sa insentibo sa enerhiya sa negosyo

Makilahok sa mga programang pagtugon sa negosyo sa demand ng negosyo

 

Mag-sign up para sa isang programa ng PG&E o pumili ng programa mula sa isa pang provider ng demand response. Tandaan na ang ilang pribadong kompanya ay nakikikontrata sa PG&E, habang ang iba ay independiyente.

Mga programang demand response ng PG&E para sa negosyo

Peak Day Pricing

  • Opsyonal na rate
  • Nag-aalok sa mga negosyo ng diskwento sa regular na rate ng kuryente sa summer
  • Bilang kapalit, ang mga kostumer ay nagbabayad ng mas mataas na presyo sa mga araw ng event ng Peak Day Pricing

Base Interruptible Program (BIP)

Ikaw ba ay isang kostumer na may average maximum demand na hindi bababa sa 100 kW?

  • Magkamit ng buwanang insentibo para sa pagbabawas ng pagkonsumo ng kuryente sa mga inirekomendang antas kapag pinakiusapan.

Capacity Bidding Program (CBP)

Ang aggregator-managed na programang ito ay nagpapatakbo ng opsyon na Day-Ahead at tumatakbo Mayo 1 hanggang Oktubre 31.

Mga programa ng ikatlong partido

Nakikikontrata ang ilang pribadong kompanya sa PG&E. Bisitahin ang website ng bawat kompanya para sa mga detalye sa kanilang mga programa sa insentibo.

Emergency Load Reduction Program (ELRP)

Isang pitong taon na pansubok na programa na nag-aalok ng pinansyal na mga insentibo para sa kalahok na mga negosyo upang mabawasan ang kanilang paggamit ng kuryente sa mga panahon ng high grid stress at mga emergency.

Optional Binding Mandatory Curtailment (OBMC) Plan

Makaka-commit ba ang iyong negosyo na bawasan ng 15% ang paggamit ng kuryente sa inyong buong circuit sa bawat halinhinang pagkawala ng kuryente?

  • Maaari kayong kwalipikado para sa eksempsiyon ng halinhinang pagkawala ng kuryente.

Automated Demand Response

Kapag nagpatala ka sa mga piling programa ng insentibo sa enerhiya, magiging kwalipikado ka rin para sa mga rebate sa kagamitan at dagdag na insentibo sa pamamagitan ng Automated Demand Response.

Demand Response Auction Mechanism (DRAM)

Kung ikaw ay isang provider ng demand response, kumuha ng impormasyon sa mga RFO, basahin ang mga madalas itanong at marami pa.

Electric Rule 24

Binibigyan ng Electric Rule 24 ang mga kostumer sa kuryente ng PG&E ng pagkakataong magpatala sa mga programang demand response na iniaalok ng mga ikatlong partido na provider ng demand response, kabilang ang mga nakalista sa itaas. 

Mga madalas na tinatanong

Suplay at demand ng California para sa kuryenteng maaaring maaapektuhan ng:

  • Mga bagyo
  • Mga heat wave
  • Pagkumpuni at maintenance ng planta ng kuryente

Maaaring mawala ang kuryente kapag mataas ang demand at mababa ang suplay.

 

Ang gastos at pangkapaligirang epekto ng pagtatayo ng sapat na mga planta ng kuryente upang matugunan ang bawat senaryo ng posibleng suplay at demand ay napakamahal.

 

Ang mga programang demand response ay mga paraan sa marunong na paggamit ng pera at pangangalaga sa kapaligiran upang tugunan ang mga panahon ng pataas ng demand.

 

Ang mga programa ay nag-aalok ng mga insentibo sa mga kostumer upang pansamantalang bawasan ang kanilang paggamit ng kuryente kapag mas malaki ang demand kaysa suplay.

Ang demand response ay nagbibigay ng paraan para maisulong mo at ng iyong kompanya ang pagka-maaasahan ng kuryente sa sarili mong mga kondisyon.

  • Ang iyong kusang-loob na pakikilahok ay makakatulong para pahusayin ang pagka-maaasahan ng kuryente para sa lahat sa California.
  • Gumawa ng maliliit (at malalaking) hakbang upang bawasan ang iyong paggamit ng kuryente.
  • Mabigay-balik sa grid at magkamit ng mga insentibo.

Ang mga araw ng demand response ay nagaganap kapag ang demand para sa kuryente ay tinatayang mas malaki kaysa suplay. Karaniwang nagaganap ito sa mga araw ng mainit na summer. Maaari ring maganap ito:

  • Kapag sarado ang mga pasilidad ng generator
  • Kung nasira ang mga linya ng transmisyon, o
  • Sa mga panahon nang ang presyo sa pagbili ng idinagdag na kuryente ay tumaas

Ang paggawa at pagmementena ng sapat na mga planta ng kuryente upang tugunan ang mga paminsan-minsan at pansamantalang pagtaas ng demand ay makakaapekto sa rates at sa kapaligiran.

  • Ang proyektong nangangailangan ng malalaking pamumuhunan ng kapital na may mababang paggamit ay hindi para sa pinakamabuting pakinabang ng mga negosyo ng California o ng ating kapaligiran.
  • Ang pansamantalang pagbawas sa demand kapag naabot ng mga resource ang kapasidad ay mas marunong na paggamit ng pera at nagpoprotekta sa kapaligiran.

Kailangang ikaw ay isang kostumer ng PG&E sa:

  • Iskedyul ng kwalipikadong rate
  • Bundled Community Choice Aggregators (CCA), o
  • Direktang access

Plus, ang iyong pasilidad ay kailangang may interval meter upang maging kwalipikado sa demand response. Nag-aalok ang PG&E ng mga programa ng DR para sa malalaki, katamtaman at maliliit na kostumer.

Ikaw o ang iyong pasilidad ay kailangang may interval electric meter na mababasa ng PG&E sa malayuan.

  • Nag-iiba-iba ang mga tuntunin batay sa programa.
  • Sa ilalim ng lahat ng programa, ang mga bundled customer na may mga demand na 200 kW o mas malaki nang tatlong sunod-sunod na buwan sa nakaraang 12 buwan ay kwalipikado na magkaroon ng interval meter na ma-install nang walang bayad.
  • Ang iilang mga programa para sa negosyo, gaya ng Base Interruptible Program (BIP), ay nagbibigay sa mga bundled na kostumer na may mga demand na 100 kW nang walang bayad na interval meter.
  • Sa pangkalahatan, ang mga direct access na kostumer ang responsable para sa halaga ng interval meter.

Tingnan ang taripa ng programa para sa mga karagdagang detalye.

Sa ngayon, puwede kang mag-sign up online para sa Base Interruptible Program sa pamamagitan ng paggamit sa sistema ng online na pagpapatala ng PG&E:

  • Ihanda ang iyong PG&E bill para madali mong mahahanap ang impormasyon ng iyong account.
  • Gamit ang numero ng iyong account sa PG&E, gagawa ka ng user name at password.
  • Lahat ng iyong Service Agreement ID ay awtomatikong magli-link sa user name upang mapipili mo ang mga kwalipikadong magpatala sa demand response sa mismong mga online screen.
  • Puwede kang bumalik sa website ng pagpapatala upang tingnan ang katayuan ng iyong aplikasyon.

Nangangailangan ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagpapatala sa Peak Day Pricing (PDP) plan? Makipag-ugnayan sa iyong PG&E account representative, o tawagan ang linya ng impormasyon ng PDP sa 1-800-987-4923.

Ang pinakamabuting paraan upang subaybayan ang mag epekto ng isang Araw ng Kaganapan ay ang umasa sa feedback mula sa nga umuukopa sa pasilidad.

  • Matutulungan ka ng kanilang feedback na alamin kung ano ang gumagana at kung ano ang hindi na nalalapat sa kanilang kapaligiran.

Magtakda ng mga makatotohanang layunin.

  • Halimbawa, hindi kinakailangan na i-off ang lahat ng ilaw o i-off ang air conditioning. Makakatulong din ang maliliit na pagbawas.

Mahalagang magpadala ng systemwide email sa mga umuukopa upang alam nila na may nangyayaring kaganapan.

  • Mas mabuti kung makapagbibigay ka ng mas maraming paunang abiso, ngunit mabuti rin ang paalalang email bago lamang mangyari ang kaganapan.
  • Mahalaga ito para sa mga pasilidad na umaasa sa mga umuukopa gayundin ang mga manager at engineer ng pasilidad sa Araw ng Kaganapan.

Makikita ng mga kalahok sa demand response ang meter data at maa-access ang mga report gamit ang Cost and Usage Trends.

Maaari kang makatanggap ng mga alert sa email, telepono, text o fax. Ang paunang alert ay nakadepende sa kung aling programa ka naroon at aling mga opsyon ang pinili mo.

Ang mga programang demand response ay may iba’t ibang kinakailangan para sa mga load reduction sa mga panahon ng nadeklarang kaganapan. Maaaring kabilang sa mga resulta ng hindi paglahok o hindi pagpapababa sa load ang:

  • Walang epekto kung ikaw ay nasa programang voluntary
  • Pinansyal na mga parusa na nag-o-offset sa anumang rate savings sa mandatoryong mga programa

Ikaw ba ay isang kostumer sa negosyo na may mga tanong tungkol sa aming mga programang demand response at sa criteria ng pagka-kwalipikado? Makipag-ugnayan sa inyong lokal na PG&E account representative.

 

Ang mga residensyal na kostumer ay maaaring bumisita sa Makipag-ugnayan sa amin.

 

May problema ka ba sa pagpapatala online? Tawagan ang 1-800-254-5810 sa pagitan ng mga oras na 8 a.m. at 5 p.m. Pacific Standard Time, o magpadala ng email para sa sagot sa susunod na araw.

Upang malaman ang tungkol sa iba pang mga paraan ng paglahok sa mga programang demand response, bisitahin ang California Public Utilities Commission.

Higit pang mga programa sa pagtitipid ng kuryente

Energy Savings Assistance o Tulong sa Pagtitipid ng Kuryente (ESA)

Mas mapapahusay ng mga kwalipikadong nangungupahan at mga may-ari ng bahay ang kaginhawaan, kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng mga pag-upgrade sa appliance at mga pagkumpuni sa tahanan.

Energy Advisor newsletter para sa mga residensyal na kostumer

Manatiling up-to-date sa aming e-newsletter.

Energy Advisor newsletter para sa negosyo

Kunin ang pinakabagong balita at tools para sa pamamahala sa paggamit ng kuryente at mga gastos ng iyong negosyo.