Error: Hindi puwedeng iwanang blangko ang patlang.
Error: Hindi wastong sagot. Huwag gamitin ang mga equal sign [=] o colon [:].
- CARE. Alamin kung kwalipikado ka para sa diskuwento.
- Mga rebate. Siyasatin ang mga PG&E rebate para sa iyong tahanan.
- Mga pagkawala ng kuryente. Mag-ulat at tingnan ang mga pagkawala ng kuryente.
- Medical Baseline Allowance. Alamin kung paano mag-aplay.
- Mga Trabaho/Karera. Alamin ang tungkol sa mga trabaho sa PG&E.
Error: Hindi puwedeng iwanang blangko ang patlang.
Error: Hindi wastong sagot. Huwag gamitin ang mga equal sign [=] o colon [:].
- CARE. Alamin kung kwalipikado ka para sa diskuwento.
- Mga rebate. Siyasatin ang mga PG&E rebate para sa iyong tahanan.
- Mga pagkawala ng kuryente. Mag-ulat at tingnan ang mga pagkawala ng kuryente.
- Medical Baseline Allowance. Alamin kung paano mag-aplay.
- Mga Trabaho/Karera. Alamin ang tungkol sa mga trabaho sa PG&E.
Pangkalahatang-ideya
Self-Generation Incentive Program
Ang SGIP ay isang programa ng pinansiyal na rebate para sa mga kostumer na nag-i-install ng mga sistema ng battery storage. Sa ngayon, ang rebate ay 15-20% ng average na halaga ng baterya. Ang rebate ay bukas sa lahat ng kostumer ng PG&E.
Upang maging kwalipikado na makatanggap ng anumang insentibo sa SGIP storage, ang mga residensyal na kostumer na nag-aaplay para sa mga insentibo ng battery storage ay dapat lumipat sa mga qualifying home charging rate schedule:
Ito ay upang suportahan ang pagbawas sa mga greenhouse gas emission sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga signal ng tamang presyo na sisingilin sa mga oras na “off-peak” kapag mas marami ang renewables sa grid. Maaari ka ring makatipid ng pera sa mga rate na ito sa pamamagitan ng pag-charge sa iyong sistema ng battery storage sa mga oras na off-peak at pag-discharge rito sa mga oras na “peak”.
Impormasyon na ibabahagi sa iyong installer
- Bumababa ang mga insentibo sa baterya sa paglipas ng panahon. Piliin ang gustong kategorya ng badyet (Small Residential Storage) upang subaybayan ang kasalukuyang insentibo.
- Ang kategorya ng badyet na ito ay bukas. Malapit nang lumipat ang kategorya ng badyet na ito sa Hakbang 7, makikita ang mga update sa pahina ng mga anunsiyo sa buong estado.
- Piliin ang gustong kategorya ng badyet (Small Residential Storage) upang subaybayan ang mga alokasyon ng badyet.
Maaaring saklawin ng SGIP ang buong halaga ng baterya kung ikaw ay:
- Nakatira sa Tier 2 o Tier 3 na mga High Fire-Threat District (HFTD), o
- Nakaranas ng dalawa o higit pang Mga Pagpatay ng Kuryente para sa Kalusugan ng Publiko (Public Safety Power Shutoffs, PSPS)
- At natutugunan ang isa sa sumusunod:
Tandaan: Kasalukuyan kaming nakakaranas ng mataas na paggamit para sa lebel ng insentibo na ito sa ilalim ng equity resiliency budget. Patingnan sa iyong installer ang katayuan sa selfgenca.com program metrics.
Kontakin kami
Email: selfgen@pge.com
Sentro ng Serbisyo sa Kostumer: 415-973-6436
Mailing address:
PG&E Payment Research
Attn: Self-Generation Incentive Program
PO Box 997310
Sacramento, CA 95899
Hindi. Hindi nito aapektuhan ang iyong katayuan bilang immigrant. Ang mga insentibo na natatanggap mo mula sa programang ito ay hindi nabibilang na kita. Ang iyong pagiging kwalipikado para sa mga benepisyo sa MediCAL/Medicare ay hindi rin maaapektuhan.
Ang pagpapares ng iyong baterya sa solar ay mapapakinabangan mo araw-araw:
- Kung ikaw ay nasa PG&E Time-of-Use rate o Home Charging rate, puwede mong i-charge ang iyong baterya kapag mas mura ang kuryente.
- Puwede mo ring gamitin ito sa iyong tahanan kapag mas mataas ang halaga ng kuryente. Nakakatulong ito para makatipid ka sa karamihan ng iyong mga bill sa ilalim ng Net Energy Metering.
- Binabawasan din nito ang iyong carbon impact.
Ang programa ay mayroon ding mga benepisyo kapag nawala ang kuryente:
- Ang sistema ng battery storage na nakapares sa solar ay makakatulong para gumana ang mga aparato nang ilang araw.
- Binibigyang-daan ka rin nito na i-recharge ang iyong baterya sa araw para mas tumagal ang iyong backup na kuryente.
Kung nagrerenta ka, kausapin ang iyong landlord para alamin kung maaari kang mag-install ng baterya sa bahay.
Oo, puwedeng gamitin ang mga baterya bilang backup na kuryente kapag nawala ang kuryente. Kung may inaasahang pagkawala ng kuryente, magagawa mong simulan ang pag-charge sa iyong baterya. Matutulungan ka ng ilang provider para ihanda ang iyong baterya para sa pagkawala ng kuryente. Dahil dito mananatiling may kuryente sa iyong tahanan nang matagal hangga’t maaari.
Kapag nawala ang kuryente, madidiskonekta mula sa grid ang iyong solar system kapag naipares sa battery storage at magsisilbi bilang isang island na nagbibigay ng kuryente mula sa iyong solar system patungo lamang sa iyong tahanan.
Ang tagal ng baterya ay nakadepende sa:
- Sukat ng iyong baterya
- Mahahalagang pangangailangan mo ng kuryente
- Lagay ng panahon (kung nakapares sa rooftop solar)
Ang paggamit sa bahay ay nakadepende sa mga bagay tulad ng:
- Laki ng iyong bahay
- Dami ng kuryente na kailangan ng iyong mga aparato
- Lagay ng panahon
Karamihan ng mga sistema ng battery storage ay gumagamit ng mga baterya na Lithium Ion (Li-Ion). Sa karamihan ng mga kaso, ang baterya at mga parte na kasama nito ay dapat tumagal nang hindi bababa sa 10 taon. Dapat ding may warranty ang mga ito na 10 taon.
Hindi. Ang pagkakaroon ng battery storage ay hindi nangangahulugan na ikaw ay off the grid. Ang mga baterya ay hindi gumagawa ng kuryente. Kailangang i-charge ang mga ito sa grid ng PG&E o sa pamamagitan ng mga solar system sa bahay.
Ang PG&E at ang provider ng baterya ay may ginagampanan sa proseso.
Ang iyong sambahayan
- Pumili ng provider ng battery storage mula sa aming aprubadong listahan ng SGIP developer (XLSX).
- Alamin kung kwalipikado ka para sa SGIP. Matutulungan ka ng iyong provider ng battery storage para alamin ang higit pa.
Ang provider ng battery storage
- Magsumite ng aplikasyon.
- Tinutulungan kang piliin ang tamang sistema para sa iyong tahanan.
- Pino-program ang baterya para umakma nang husto sa iyong mga pangangailangan.
- Inilalarawan kung paano gumagana ang baterya at sinasagot ang iyong mga tanong.
- Ini-install ang iyong sistema.
- Nireresolba ang anumang mga isyu sa baterya matapos itong ma-install.
PG&E
- Nirerepaso ang aplikasyon.
- Kinukumpleto ang anumang mga pag-upgrade sa sistema.
- Nagbibigay ng pag-apruba kung kailan ligtas nang ikonekta ang iyong sistema sa grid.
- Nagbibigay ng mga pondo ng SGIP sa iyo o sa iyong provider ng battery storage.
Ang mga pagkukumpuni ay madalas na isinasama sa kontrata. Talakayin ito sa iyong storage provider bago ka lumagda.
Ang iyong sistema ay maaaring may kasamang remote monitoring software. Nangangahulugan ito na kung pumalya ang iyong sistema, maaabisuhan ang kompanya ng baterya. Makapagpapadala ang kompanya ng mga teknisyan para lutasin ang problema.
Karamihan ng mga supplier ay makapag-aalok sa iyo ng parehong mga panloob at panlabas na opsyon. Kung kukuha ka ng panlabas na sistema, tiyakin na ang enclosure ay sertipikado ng Underwriters Laboratories (UL) o ni-rate ng National Electrical Manufacturers Association.
Karamihan ng mga supplier ay makapag-aalok sa iyo ng parehong mga panloob at panlabas na opsyon. Kung kukuha ka ng panlabas na sistema, tiyakin na ang enclosure ay sertipikado ng Underwriters Laboratories (UL) o ni-rate ng National Electrical Manufacturers Association.
Ang sukat ng iyong baterya sa tahanan ay nakadepende sa karamihan ng iyong mga kinakailangang kuryente. Karamihan ng mga provider ng battery storage ay nag-aalok ng iba’t ibang sukat. Para sa karaniwang tahanan, ang isang garahe ay magbibigay ng sapat na espasyo para i-install ang baterya. Matutulungan ka ng iyong storage provider na pumili ng tamang lugar para sa iyong unit.
Ang mga sistema ng baterya ay may kaunting ingay. Ang lakas ng ingay ay karaniwang mas mababa o katumbas ng tunog ng air conditioner.
Battery storage
Ang mga sistema ng battery storage ay madalas na nakakonekta sa grid at sa iyong sistema ng kuryente.
Ginagawa ng sistema ang dalawang pangunahing gawain:
- Pag-charge. Mag-imbak ng kuryente na ginagawa ng iyong solar system at mula sa grid kapag mas mura ang kuryente. Ang naka-imbak na kuryente ay magagamit sa ibang pagkakataon.
- Pag-discharge. Ang naka-imbak na kuryente ay magagamit kapag nawalan ng kuryente o sa gabi. Makatipid ng pera sa paggamit nito kapag mas mataas ang presyo ng kuryente mula sa grid.
Mga benepisyo ng battery storage
- Tumutulong na pansamantalang pahabain ang kuryente sa tahanan o negosyo (sa average na 4-6 na oras) kapag walang kuryente
- Panatilihing umaandar ang mahahalagang aparato kapag nawalan ng kuryente
- Nag-iimbak ng sobrang solar energy na ginagawa sa araw para gamitin sa gabi
- Suporta sa pagkawala ng kuryente nang ilang araw
- Kung gaano katagal na magbibigay ang iyong sistema ng backup na kuryente ay depende sa laki ng iyong baterya, mahahalagang pangangailangan para sa kuryente, at kung nakapares sa rooftop solar, mga lagay ng panahon. Makipag-usap sa isang provider ng battery storage para alamin ang higit pa tungkol sa iyong mga partikular na pangangailangan at mga opsyon.
- Halaga at mga matitipid sa kuryente:
- Ikaw man ay nasa Home Charging EV2A* rate o sa Time-of-Use rate*, puwede mong i-charge ang iyong baterya kapag mas mura ang kuryente. Puwede mo ring gamitin ito sa iyong tahanan kapag mas mataas ang halaga ng kuryente.
*Ang mga kostumer ay dapat nasa alinman sa dalawang rate plan na ito.
SGIP para sa negosyo
- Tinutulungan ang iyong tahanang mabilis na magkakuryente kapag walang kuryente
- Pinaaandar ang mahahalagang aparato kapag walang kuryente
- Nag-iimbak ng sobrang solar energy na ginagawa sa araw para gamitin sa gabi
- Halaga at mga matitipid sa kuryente:
- Ikaw man ay nasa rate ng EV para sa negosyo* o sa Time-of-Use rate*, puwede mong i-charge ang iyong baterya kapag mas mura ang kuryente. Puwede mo ring gamitin ito sa iyong tahanan kapag mas mataas ang halaga ng kuryente.
*Ang mga kostumer ay dapat nasa alinman sa dalawang rate plan na ito.
Mga madalas itanong
Sinumang kostumer ng PG&E ay puwedeng mag-aplay para sa Self-Generation Incentive Program (SGIP). Ang iyong mga matitipid ay nakadepende sa kategorya kung saan ka kwalipikado (tingnan ang “Sa aling rebate kwalipikado ang aking negosyo?” sa ibaba).
May ilang uri ng insentibo kung saan maaaring maging kwalipikado ang iyong negosyo. Kabilang sa mga kategorya ang:
- Karaniwang insentibo sa merkado. Saklaw ng rebate na ito ang mga 10-15% ng halaga ng average na energy storage system. Lahat ng kostumer na negosyo ay maaaring kwalipikado.
- Equity rebate. Saklaw ng rebate na ito ang mga 85% ng halaga ng average na energy storage system. Ilang mga negosyo lang ang kwalipikado para sa rebate na ito.
- Equity resiliency rebate. Saklaw ng rebate na ito ang halos 100% ng halaga ng average na energy storage system. Ilang mga negosyo lang ang kwalipikado para sa rebate na ito.
Alamin kung ikaw ay nasa isang DAC
Alamin kung ikaw ay nasa komunidad ng mababa ang kita
Alamin kung ikaw ay nasa isang HFTD
- Para makuha ang iyong rebate, isumite ang aplikasyon at i-install ang iyong sistema ng baterya.
- Magsusumite ang iyong installer ng claim form ng insentibo sa database ng aplikasyon.
- Pagkatapos mong maaprubahan, makukuha mo ang unang 50% ng rebate. Babayaran ang natitirang 50% sa loob ng limang taon sa mga taunang pagbabayad.
Ang sumusunod na kagamitan ay maaaring kwalipikado para sa SGIP:
- Pinagsamang init at kuryente
- Mga fuel cell
- Mga gas turbine
- Mga internal combustion engine
- Mga microturbine
- Onsite, directed o vented biogas
- Mga pressure reduction turbine
- Waste heat to power
- Mga wind turbine
Ang SGIP webpage ng California Public Utilities Commission (CPUC) ay may higit pang mga detalye tungkol sa programa. Doon ka makakahanap ng SGIP handbook, isang eligibility map, listahan ng mga aprubadong installer at marami pa.
Bisitahin ang CPUC SGIP webpage para sa mga detalye ng programa
Upang mag-aplay para sa SGIP rebate:
- Maghanap ng installer. Maghanap ng mga installer sa iyong lugar. Gamitin ang naaprubahang listahan ng SGIP developer.
- Magtanong sa iyong installer. Matutulungan ka nila na hanapin ang kategorya ng SGIP kung saan ka kwalipikado. Matutulungan ka rin nila na hanapin ang teknolohiya para sa iyong mga pangangailangan sa negosyo.
- Makipagtulungan sa iyong installer: Tutulungan ka nila na mag-aplay para sa SGIP at i-install ang iyong sistema.
SGIP equity resiliency
Nag-aalok ang programang ito ng pagtitipid ng mga gastos para sa iyong negosyo. Makakatulong din ang battery storage para maihanda ang iyong negosyo para sa pagkawala ng kuryente. Maaaring mangyari ang pagkawala ng kuryente sa anumang oras dahil sa lagay ng panahon o mga emerhensiya.
Gamitin ang PSPS Event Address Lookup Tool para alamin kung kwalipikado ka batay sa mga epekto ng PSPS at sunog.
Ang CalFire High Fire-Threat District (HFTD) map sa CPUC site. Tingnan ang mapa ng HFTD.
Mga rate plan
Home charging (EV2A) rate
Pagsamahin ang iyong mga gastos sa kuryente sa sasakyan at ang iyong nagagamit na kuryente sa tahanan.
Mga Time-Of-Use rate
Iba’t ibang presyo para sa kuryente depende sa oras ng araw na ginagamit ito.
Rooftop Solar
Bawasan ang iyong buwanang bill sa kuryente gamit ang kuryenteng ginawa ng iyong sariling pribadong sistema ng rooftop solar energy.
Higit pang mga insentibo sa clean energy
Mga insentibo sa green energy
Maghanap ng mga programa at kontratista ng clean energy
Kontakin Kami
©2024 Pacific Gas and Electric Company
Kontakin Kami
©2024 Pacific Gas and Electric Company