Ang malinis na enerhiya ay maaaring mistulang karangyaan, ngunit ang renewable energy, lalo na ang solar power at mga baterya, ay nagpapababa sa mga gastos sa enerhiya at mas nagpapaganda sa buhay ng maraming Californian. Natandaan mo ba ang halinhinang mga blackout, nang walang sapat na kuryente ang maisuplay sa lahat? Ang solar power na isinama sa malalaking baterya ay higit na nakalutas sa problemang iyon.
Ngayon ang PG&E ay may halos 2,400 MW na storage ng baterya na may darating pang 1,900 MW sa susunod na 2–3 taon. Nangangahulugan ito na mag-iimbak tayo ng solar power sa araw nang halos palagi tayong merong higit pa kaysa kailangan natin. Pagkatapos, ang mga bateryang iyon ay maglalabas ng kuryente pabalik sa grid sa panahon ng mga oras na malaki ang pangangailangan sa gabi. Ito ang mga panahon na maaaring umaasa tayo sa fossil fuels. Nakakatulong din ang mga baterya sa pagbibigay ng kuryente sa pinakamainit na mga araw sa summer nang maaaring walang sapat na kuryente upang matugunan ang pangangailangan.
Kinonekta namin ang higit sa 800,000 residensyal na mga kostumer na gumagamit ng solar sa grid, higit pa sa alinmang iba pang pasilidad ng US. Ang mga kostumer na iyo ay nakakakita ng mas mababang bill sa enerhiya, at nakikita nating lahat ang mas magaan na carbon footprint.
Totoo na nagbabayad kayo ng premium para sa ilan sa solar power na iniuutos sa amin ng estado na bilhin, isang kinakailangan na naitakda na dati nang ang solar power ay mas mahal kaysa ngayon. Dahil sa kung paano binibigyan ng subsidiya ng estado ang mga presyo ng enerhiya para sa mga kostumer na gumagamit ng solar, ang mga kostumer na walang solar ay nagbabayad ng mga 15% higit pa sa kanilang enerhiya upang tustusan ang mga subsidiyang ito.
Kahit na, ang gastos sa large-scale na solar power ay bumaba ng malaki na nananatili itong isa sa mas mabilis at mas murang mga paraan na makapagdagdag tayo ng higit na enerhiya sa grid. Makakatulong ito sa atin na maiwasan ang pagdepende sa gas, na maaaring mas mahal. Bakit? Dahil mas mahirap tiyakin na ang suplay ay magiging ligtas at matatag. Isa pang magandang dahilan para tingnan angpagpapakuryente sa iyong mga appliances.
Tulad ng alam ng maraming Californian, ang aming grid ay kailangang handa para sa mas marami pang kuryente. Naganap na, isa sa apat na kotse na ibinenta dito ay electric at ang bilang na iyon ay tumataas. Ang estado ay may layunin sa 2035 na ang lahat ng kotse at ang light truck na ibebenta dito ay maging electric.
Ang pangresidensya at pangkomersyal na heating at mga industriyal na proseso ay magiging electric din. Sa pangkalahatan, habang ang mga bahay at negosyo ay lumilipat mula sa fossil fuels papunta sa kuryente, mukhang kailangan naming maghatid ng mga 70% ng dagdag na kuryente bago lumipas ang 2040.
Kung kaya, ang renewable energy ay nakakabuti sa kapaligiran? Oo, ngunit ito ay isang ring maganda, murang paraan upang matugunan ang pangangailangan ng kuryente ng California sa hinaharap.