Ano ang programang NEM?
Ang programang Net Energy Metering (NEM) ng PG&E ay makakatulong sa iyo na mabawasan ang iyong buwanang gastos sa kuryente gamit ang enerhiyang nalilikha ng sarili mong pribadong rooftop solar energy system.
Ano ang netong enerhiya?
Ang iyong netong enerhiya ay kinakalkula sa pamamagitan ng paghahanap ng pagkakaiba sa pagitan ng:
- Ang kuryenteng nalilikha ng iyong solar system
- Ang dami ng suplay ng PG&E (at kinokonsumo mo)
Sinusukat ng isang espesyal na net meter ang iyong netong enerhiya. Kakalkulahin namin ang iyong singil gamit ang panukat na ito.