Error: Hindi puwedeng iwanang blangko ang patlang.
Error: Hindi wastong sagot. Huwag gamitin ang mga equal sign [=] o colon [:].
- CARE. Alamin kung kwalipikado ka para sa diskuwento.
- Mga rebate. Siyasatin ang mga PG&E rebate para sa iyong tahanan.
- Mga pagkawala ng kuryente. Mag-ulat at tingnan ang mga pagkawala ng kuryente.
- Medical Baseline Allowance. Alamin kung paano mag-aplay.
- Mga Trabaho/Karera. Alamin ang tungkol sa mga trabaho sa PG&E.
Error: Hindi puwedeng iwanang blangko ang patlang.
Error: Hindi wastong sagot. Huwag gamitin ang mga equal sign [=] o colon [:].
- CARE. Alamin kung kwalipikado ka para sa diskuwento.
- Mga rebate. Siyasatin ang mga PG&E rebate para sa iyong tahanan.
- Mga pagkawala ng kuryente. Mag-ulat at tingnan ang mga pagkawala ng kuryente.
- Medical Baseline Allowance. Alamin kung paano mag-aplay.
- Mga Trabaho/Karera. Alamin ang tungkol sa mga trabaho sa PG&E.
Mga detalye ng programa
Sa pamamagitan ng programang ito, ang mga sambahayan na kuwalipikado ang kita ay makatatanggap ng $700 rebate sa electric vehicle (EV) charging equipment na aprubado ng PG&E.
Sinusuportahan ng programang ito ang residential EV charging habang pinapababa ang magastos na mga electrical upgrade. Ito at pinopondohan ng Low Carbon Fuel Standard ng California.
- Isang $700 rebate sa charging equipment para sa mga residential customer na naaabot ang kuwalipikasyon sa kita at ibang mga requirement.
- Ang equipment ay dapat mula sa listahan ng pre-approved equipment ng PG&E at binili noong Nobyembre 17, 2023 o pagkalipas.
- Ang instalasyon at dapat gawin ng isang lisensyadong electrician ng California, kapag naaangkop.
- Ibinibigay ang mga rebate batay sa first-come, first-served basis.
- Limitado sa isang rebate sa bawat kuwalipikadong sambahayan.
- Walang bayad para mag-aplay.
Tandaan: Ang pangalan at adres ng rebate applicant ay dapat tumugma sa resibo sa patunay ng pagbili ng equipment, sa mga dokumento sa pagbeberipika ng kita, at sa pangalan at adres ng may-ari o umaarkila ng sasakyan.
Bago mag-aplay, tiyaking naaabot mo ang lahat ng requirement na nakalista sa ilalim ng “Pagiging kuwalipikado sa programa”.
Pagiging kuwalipikado sa programa
Ang aplikante ay dapat:
- Naaabot ang mga limit sa taunang gross na kita para sa laki ng kanilang pamilya at county sa siniserbisyohang teritoryo ng PG&E kung saan sila nakatira, o magpa-enroll sa isang kuwalipikadong programa sa pampublikong tulong. Dapat pareho ang county kung saan nakatira ang aplikante kapag mag-i-install ng kuwalipikadong equipment at noong binili o inupahan ang EV.
Tingnan ang Talahanayan sa Limit sa Kita ng Sambahayan.Tandaan: Ang ibang impormasyon na nasa “Talahanayan sa Limit sa Kita ng Sambahayan” na page ay hindi naaaplay sa rebate para sa Mga Charging Solution sa Tirahan.
- Sumang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon (PDF) ng programa.
- Magkaroon ng aktibong Kasunduan sa Serbisyo sa Kuryente ng PG&E. Ang aplikasyon ay mangangailangan ng:
- 11-digit na PG&E account number, na makikita sa page 1 ng PG&E bill (hal., 1234567890-1)
- PG&E service agreement ID (SAID), Tingnan ang iyong SAID
Kumpirmahin na ang inilagay na service agreement ID sa aplikasyon ay wasto at aktibo, isang bagong PG&E bill ang hihilingin.
- Isumite ang kinakailangang dokumento kasama sa aplikasyon:
- Patunay ng pagkaka-enroll sa isang Public Assistance Program O napunang IRS Form 4506-C at Form Para sa Sumaryo ng Kita ng Sambahayan ng PG&E
- Resibo ng patunay ng pagbili para sa kuwalipikadong equipment na makikita na ang petsa ng pagbili ay noong Nobyembre 17, 2023 o pagkatapos nito
- Mga litrato ng kuwalipikadong equipment at nakalagay na serial number. Kung naaangkop, kinakailangan din ang litrato ng invoice ng electrician.
- Kopya ng rehistro ng sasakyan
Tandaan: Ang sasakyan ay hindi kailangang nakarehistro sa PG&E account holder. Gayunpaman, dapat nakarehistro ito sa rebate applicant at sa adres na tumutugma sa PG&E electric service agreement ng aplikante. Ang mga gas-only residential customer ng PG&E na tumatanggap ng serbisyo sa kuryente mula sa munisipalidad ay kuwalipikado sa rebate.
Tingnan ang “Kinakailangang Dokumento” na seksiyon para sa detalyadong paliwanag.
Tandaan: Ang pangalan at adres ng rebate applicant ay dapat tumugma sa resibo ng patunay ng pagbili ng equipment, sa mga dokumento sa pagbeberipika ng kita, at sa pangalan at adres ng may-ari o sa umaarkila ng sasakyan.
Ang mga dokumento ay dapat mga nababasang kopya o larawan ng isa sa mga file format na ito: PDF, JPG, JPEG, PNG, DOC or DOCX.
Ang isang aplikasyon ay itinuturing na naisumite na kapag ang lahat ng sumusuportang dokumento ay matagumpay nang na-upload at may naipadalang kumpirmasyon na email mula sa PG&E.
Tingnan ang among Sampol ng mga Sumusuportang Dokumento (PDF).
Dapat magsumite ang aplikante ng (mga) dokumento sa pagbeberipika ng kita mula sa Opsyon 1 o Opsyon 2 upang kumpirmahin ang pagiging kuwalipikado.
- Opsyon 1: Patunay ng pagkaka-enroll sa isang kuwalipikadong programa sa pampublikong tulong
Ang dokumentong ito ay magpapakita ng patunay ng pagkaka-enroll sa isang aprubadong programa sa pampublikong tulong sa panahong binili ang kuwalipikadong equipment. Halimbawa, maaaring magsumite ang aplikante ng isang Liham ng Pagkakaloob o Abiso ng Desisyon. Ang pangalan ng aplikante ay dapat tumugma sa pangalan ng partisipante na naka-enroll sa kuwalipikadong programa sa pampublikong tulong at ang patunay ng pagkaka-enroll ay dapat may petsang sa loob ng 12 buwan sa petsa na binili ang equipment.
Magiging kuwalipikado ang aplikante sa rebate kapag naka-enroll siya sa isa sa mga aprubadong programa na ito:
- Bureau of Indian Affairs General Assistance
- CalFresh/SNAP (Food Stamps)
- CalWorks (TANF)/Tribal TANF
- Drive Clean in the San Joaquin Replace Program1
- Head Start Income Eligible (tribal lamang)
- Income-Qualified Pre-Owned EV Rebate ng PG&E (Pre-Owned EV Rebate Plus)2
- Low Income Home Energy Assistance Program (LIHEAP)
- Medi-Cal (mga Medi-Cal lamang na kuwalipikado ang kita)3
- Medi-Cal Para sa Mga Pamilya (Malulusog na Pamilya A at B)
- Supplemental Security Income (SSI)
- Special Supplemental Nutrition Program Para sa Women, Infants, and Children (WIC)
1 Maaaring maging kuwalipikado ang mga aplikante sa rebate sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang approval letter sa Drive Clean in the San Joaquin Replace Program na kumukumpirma na ang kanilang beripikadong kita ng sambahayan ay 80% o mas mababa sa Area Median Income (AMI) para sa county ng aplikante.
2 Ang mga aplikanteng inaprubahan para sa Pre-Owned EV Rebate Plus ng PG&E ay dapat magbigay ng screenshot ng dashboard ng kanilang online account dashboard na nagpapakita ng kanilang aprubadong aplikasyon, kopya ng email ng pag-apuba sa rebate kabilang ang aprubadong halaga. Ang pangalan at adres ng aplikante na nasa Pre-Owned EV Rebate Plus at dapat tumugma sa pangalan at adres na isinumite sa Residential Charging Solutions Rebate na aplikasyon.
3 Ang mga aplikanteng nagsusumite ng patunay ng pagkaka-enroll para sa kuwalipikado sa kita na Medi-Cal ay dapat magbigay ng Notice of Action Medi-Cal Approval Letter na kumukumpirma na naberipika ang kanilang kita sa loob ng nakaraang 12 buwan. Hindi kami tumatanggap ng mga health insurance membership card para sa requirement na ito.
- Option 2: Mga dokumento sa pagbeberipika ng kita
IRS Form 4506-C
Ito ay nagpapaposible sa nagpoproseso ng aplikasyon na inawtorisahan ng PG&E, ang Center for Sustainable Energy (CSE) na kumuha ng kopya ng (mga) tax transcript bilang beripikasyon ng kita. Ang 4506-C form ay dapat isumite para sa bawat taong 18 taong gulang o mas matanda na kasama sa tax return ng aplikante para sa taon kung kailan binili ang equipment. Kung sa panahong pinunan ang aplikasyon ay hindi pa hinihingi ng IRS sa mga taxpayer na mag-file ng mga buwis para sa taong iyon, ilagay ang impormasyon mula sa nakaraang taon ng buwis sa 4506-C.
Tandaan: Kinakailangan lamang ang dokumentong ito kung ang aplikante ay nagbeberipika ng pagiging kuwalipikado batay sa mga limit ng kita ng programa. I-download ang IRS Form 4506-C para sa 2023 tax return year (PDF).
Form para sumaryo ng sambahayan
Ginagamit ang form na ito upang matukoy ang laki ng sambahayan at kita ng sambahayan sa panahong binili ang kuwalipikadong equipment. Ang laki ng sambahayan ay binubuo ng mga miyembro ng sambahayan na nakalista sa pinakabagong tax return na isinumite, kabilang ang sinumang asawa o dependent sa anumang edad. TANDAAN: Kinakailangan lamang ang dokumentong ito kung ang aplikante ay nagbeberipika ng pagiging kuwalipikado niya batay sa mga limit sa kita ng programa.
I-download ang PG&E Residential Charging Solutions Household Summary Form (PDF).
Ang mga dokumentong ito ay dapat kalakip ang impormasyong nakalista para kumpirmahin ang pagbili at pag-install ng kuwalipikadong equipment.
- Resibo sa patunay ng pagbili
Ang resibo sa patunay ng pagbili para sa kuwalipikadong equipment ay dapat malinaw na ipinapakita ang:
- Pangalan ng nagbenta ng equipment
- Pangalan ng aplikante
- Shipping address ng aplikante
- Petsa ng pagbili (dapat sa Nobyembre 17, 2023 o pagkalipas)
- Presyo ng pagbili
- Modelo ng equipment
- Patunay na naka-install ang equipment at handa nang gamitin
Dapat kabilang sa kinakailangang patunay ang:
- (Mga) litrato ng equipment na nakakabit sa dingding o naka-plug in, at ang serial number nito.
- Ang serial number ay ang unique na kombinasyon ng mga numero at letra na tumutulong na matukoy ang equipment.
- Tandaan: Ginagamit ng mga Ford Charger ang Charger ID bilang serial number nito sa halip na tradisyonal na serial number.
- Para sa mga Ford Charger at EVoCharge equipment: isang invoice ng electrician para sa pag-i-install ng nakalaang 240-volt outlet. Dapat kabilang nito ang sumusunod na impormasyon:
- Pangalan ng contractor
- Numero ng lisensya ng contractor
- Pangalan at adres ng aplikante sa “bill to” na field
- (Mga) litrato ng equipment na nakakabit sa dingding o naka-plug in, at ang serial number nito.
Dapat mag-upload ang aplikante ng isang larawan ng valid na registration card ng sasakyan o pansamantalang rehistro na nagpapakita sa kasalukuyang residential PG&E service address.
Kuwalipikadong EV equipment
Ang aming mga aprubadong program vendor ay nagbebenta ng bagong equipment na sumusuporta sa Level 2 residential charging habang pinapababa ang pangangailangan sa magastos na mga electrical upgrade.
Ang mga vendor ay nagkakaiba sa equipment, software, gastos at sa mga detalye ng manufacturer. Walang preference o rekomendasyon ang PG&E para sa sinuman sa mga aprubadong vendor. Responsibilidad ng mga aplikante na tukuyin ang kaangkopan ng mga produkto at serbisyong ito para sa kanilang sitwasyon.
Nag-aalok ng: Mga EV charger na may load-management control para gumana sa existing na service panel capacity.
- Ford Connected Charge Station (FCCS)
- Ford Charge Station Pro (FCSP)
Nag-aalok ng: Ang Smart Splitter ay gumagana sa existing na mga 240-volt outlet sa inyong bahay para posibleng maisaksak ang dalawang appliances sa iisang outlet nang hindi ino-overloading ang circuit.
- Smart Splitter NEMA 14-50
- Smart Splitter NEMA 6-50
- Smart Splitter NEMA 10-50
- Smart Splitter NEMA 14-30
- Smart Splitter NEMA 10-30
Nag-aalok ng: Mga EV charger na may load-management control para gumana sa existing na service panel capacity.
- iEVSE Home
- Home 50
Tandaan: Ang EVoCharge ay nag-aalok ng ibang mga charging station na walang kasamang load management control at mga network capability, kaya hindi kuwalipikado ang mga ito para sa programa.
Mga madalas na itinatanong
Hindi. Ang mga produktong nakalista lang sa “Kuwalipikadong equipment” ang kasalukuyang kuwalipikado para sa rebate.
Maaari lamang pagbigyan ng programa ang mga pagbiling ginawa sa mismong petsa na inilunsad ang programa noong Nobyembre 17, 2023 o pagkalipas ng petsang ito. Ang resibo ay dapat magpakita ng petsa ng pagbili.
Hindi. Bawat customer na sambahayan, na kinakatawan ng isang indibidwal na residential PG&E Electric Service Agreement ID, ay kuwalipikado lang tumanggap ng isang Residential Charging Solutions Rebate.
Hindi. Lahat ng instalasyon ay dapat gawin ng isang lisensyadong electrician ng California.
Kung nauna ka nang mag-install ng 240-volt outlet, hindi mo na kailangang magbigay ng invoice ng electrician. Kailangan mo na lang magbigay ng mga litrato ng equipment na naka-install at handa nang gamitin, at ang serial number ng equipment.
Kung hindi nai-file ang iyong tax return para sa taong binili ang equipment, ang pinakahuling na-file na tax return sa loob ng dalawang taon sa taong binili ang equipment ay hihingin para sa pagbeberipika ng kita.
Kung hindi ka nakapag-file ng tax return sa loob ng dalawang taon sa taong binili ang kuwalipikadong equipment, ang PG&E, sa tanging pagpapasya nito, ay maaaring isaalang-alang na humingi ng karagdagang dokumento para kalkulahin ang kita. Kabilang sa halimbawa ang mga dokumento na pay stub, W2, Supplemental Security Income (SSI) benefit, atbp.
Ang pagpa-file ng ektensiyon para sa hiniling na taon ng buwis ay hindi itinuturing na pag-file para sa mga layunin ng programa sa pagkakalkula ng kita. Sa ganitong mga kaso, maaaring hingin ang karagdagang dokumento para masuri ang iyong kita para sa taong hindi ka nag-file. Kung hindi mo maibigay ang karagdagang hinihinging dokumento para sa pagbeberipika ng kita, hindi ka magiging kuwalipikado sa rebate.
Kung ang iyong tax return para sa taong binili ang equipment ay hindi nai-file, ang pinakahuling nai-file na tax return sa loob ng dalawang taon sa taong binili ang equipment ay hihingin para sa pagbeberipika ng kita.
- Para sa mga isinumiteng aplikasyon gamit ang 2022 o 2023 na taon ng buwis, rerepasuhin namin ang mga sumusunod na seksiyon ng bawat federal tax return, gaya nang nakasaad sa IRS tax transcript, para makatulong na matukoy ang gross na taunang kita:
- Sa IRS Form 1040: Kabuuan ng line 1–7. Ang line 9 ay hindi ginagamit upang kalkulahin ang kabuuang gross na kita para sa Rebate Plus option; at (kung naaangkop),
- Sa IRS Form 1040 Schedule 1: Kabuuan ng line 1-8. Kung ang Line 8, “Ibang Kita,” ay negatibo, hindi maisasama bilang bahagi ng kalkulasyon ng kita, maliban kung naaaplay ang eksepsiyon. Kung ang Line 8 sa Schedule 1 ay negatibo, ang katumbas na “Statement” na nai-file sa 1040 ng aplikante ay dapat ibigay. Ang netong pagkalugi sa pagpapatakbo mula sa nakaraang mga taon ay hindi isang eksepsiyon.
Ang mga rebate check ay karaniwang mini-mail sa loob ng 30 araw mula sa pag-apruba, ngunit maaaring maantala. Ang aplikante ay makatatanggap ng email kapag na-mail na ang tseke.
Kung hindi ka makatanggap ng email sa loob ng 15 minuto mula nang isumite ang aplikasyon, tingnan ang iyong spam, junk at mga bulk email folder. Upang masigurong matanggap ang mga email sa susunod, idagdag ang mga email address na ito sa iyong address book o sa “safe senders” list:
Kapag pinupunan ang isang rebate application, kakailanganin mong maglakip ng dalawa numero mula sa iyong PG&E bill:
- PG&E account number. Ito ay isang eleven-digit number at may dash bago ang huling digit (tulad ng 1234567891-1). Ito ay nasa itaas na kanan ng bawat page ng iyong PG&E bill, at nasa header kapag maglo-log in ka sa iyong online account sa pge.com. Upang makakita ng halimbawa kung saan mahahanap ang iyong account number, tingnan ang numero 1 sa ilalim ng “Paano basahin ang iyong bill” na nasa “Unawain ang iyong bill” na page.
- PG&E electric service agreement ID. Ito ay isang ten-digit number na matatagpuan sa “Mga Detalye sa Mga Singil sa Kuryente” na bahagi ng iyong PG&E bill. Para sa karamihan ng customer, ito ay nasa page 3. Hanapin ang iyong service agreement ID (SAID).
- Para sa mga customer na may maraming address sa ilalim ng iisang account: Tiyaking ilakip ang service agreement ID na tumutugon sa adres kung saan nakarehistro ang kuwalipikadong EV.
- Para sa mga CCA customer: Hindi magkakaroon ng dalawang service agreement ID para sa bawat rate. Gamitin ang ID number para sa “PG&E Electric Delivery Charges,” hindi ang ID para sa generation charges ng CCA.
Upang hanapin ang iyong account number at SAID sa online:
- Mag-log in sa inyong PG&E account
- Piliin ang “Tingnan ang Kasalukuyang Bill” sa ilalim ng “Iyong Account” na seksiyon
Ang equipment na kasama sa programang ito ay maaaring hindi angkop sa mga paupahang bahay, apartment o mobile home. Responsibilidad mo na tukuyin ang kaangkopan at pagkuha ng pahintulot mula sa iyong landlord o may-ari ng property bago bumili o magpa-install.
Maaari mong aplayan ang rebate kahit na kung ang PG&E electric account ay nasa pangalan ng ibang tao. Kung ang gusali ng iyong apartment o mobile home ay walang hiwalay na electric meter para sa unit mo, maaaring responsibilidad ng iyong landlord o property manager ang pagbabayad sa PG&E para sa kuryente. Sa ganitong kaso, hingin ang PG&E account number at service agreement ID mula sa iyong landlord o property manager upang kumpletuhin ang iyong aplikasyon.
Kapag ni-review namin ng isang aplikasyon, maaaring humingi kami ng kopya ng pinakabagong PG&E bill para mas maberipika pa ang pagiging kuwalipikado mo. Kung hihingi kami ng bill, tinitingnan namin ang petsa (o due date ng bill), ang electric service agreement ID at ang service address. Maaari mong baguhin ang kahit anong ibang impormasyon sa nasa bill.
Kung ang iisang PG&E electric service agreement ID at ginagamit para sa maraming apartment o bahay, maaari kaming gumawa ng eksepsiyon at aprubahan ang maraming rebate para sa iisang PG&E electric service agreement ID. Gayunpaman, bawat rebate ay dapat para sa ibang sambahayan.
Mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon
Mayroon kang mga tanong?
Kung may mga tanong ka tungkol sa rebate para sa Mga Charging Solution sa Tirahan, mag-email sa RCS@pgerebate.com o tumawag sa 1-877-700-8991.
Ibang mga rebate
Mag-explore ng ibang mga paraan para makatipid. Bisitahin ang page ng mga rebate at incentive.
Kontakin Kami
©2024 Pacific Gas and Electric Company
Kontakin Kami
©2024 Pacific Gas and Electric Company