Pangkalahatang-ideya sa Medical Baseline Program


Ang Medical Baseline Program, na kilala rin bilang Medical Baseline Allowance, ay isang programa ng tulong para sa mga residensyal na customer na nakadepende sa kuryente para sa ilang partikular na medikal na pangangailangan. Alamin ang higit pa sa isang maikling video.


Makikita ng mga customer na interesado sa programa ang mga detalye ng pagiging kwalipikado at aplikasyon sa pahinang ito.


Medical Baseline PCIA MGA MADALAS NA TINATANONG (Ingles) (PDF, 419 KB)

Kayo ba ay isang propesyonal sa medisina?


Alamin kung paano kayo makakatulong na ipalaganap ang kaalaman at hikayatin ang pagpapatala sa programa upang lalo pang suportahan ang inyong mga pasyente. Pakisuri ang Mga Madalas Itanong para sa mga Medikal na Propesyonal (PDF, 169 KB) at Manwal sa Portal ng Medikal na Propesyonal (PDF, 1.52 MB).


Ang programa ay nag-aalok ng dalawang uri ng tulong

Pag-a-apply para sa programa

Upang maging kwalipikado para sa Medical Baseline Program, ang isang full-time na residente sa inyong tahanan ay kailangang may kwalipikadong medikal na kondisyon at/o nangangailangang gumamit ng kwalipikadong medikal na aparato para gumamot ng mga nagpapatuloy na medikal na kondisyon. Isang aplikasyon sa Medical Baseline kada sambahayan lang ang kinakailangan.

Woman in wheel chair

Mga kwalipikadong medikal na kondisyon

Kasama sa mga halimbawa ng mga kwalipikadong medikal na kondisyon ang:


  • Paraplegic, hemiplegic o quadriplegic na kondisyon
  • Multiple sclerosis na may karagdagang mga pangangailangan para sa pampainit at/o pampalamig
  • Scleroderma na may karagdagang mga pangangailangan para sa pampainit
  • Karamdamang mapanganib sa buhay o mahinang sistemang panlaban sa sakit, at kinakailangan ang karagdagang pampainit at/o pampalamig upang suportahan ang buhay o maiwasan ang medikal na paglala
  • Hika at/o sleep apnea
Man using a medical device

Mga kwalipikadong medikal na aparato

Kasama sa mga halimbawa ng mga kwalipikadong medikal na aparato ang:


  • De-motor na wheelchair/scooter
  • Mga makina ng IPPB o CPAP
  • Respirator (lahat ng uri)
  • Makina ng hemodialysis
  • Iron lung

Repasuhin ang mas kumpletong listahan ng mga kwalipikadong medikal na aparato.

Pakitandaan: Ang pagiging kwalipikado para sa Medical Baseline ay batay sa mga medikal na kondisyon o pangangailangan, HINDI sa kita.


I-download o i-print ang Medical Baseline fact sheet (PDF, 632 KB)

Mag-apply o mag-recertify online


  1. Sagutan at isubmite ang online na form ng aplikasyon/recertification.
    TANDAAN: Sa ilalim ng mga Tuntunin at Kondisyon ng form, kung hindi mag-activate ang "Tinatanggap Ko" sa pamamagitan ng paninilaw, subukan ito sa inyong computer:
    • Pumunta sa Zoom (Karaniwang nasa browser settings sa itaas na kanang sulok ng inyong screen).
    • Mag-click sa "+"; upang palakihin ang text at muling buksan ang window ng Mga Tuntunin at Kondisyon.
  2. Pagkakumpleto sa form, makakatanggap kayo ng email na may numero ng kumpirmasyon at mga tagubilin para sa inyong medikal na manggagamot.
  3. Ibahagi sa inyong medikal na manggagamot ang mga tagubilin at ang inyong numero ng kumpirmasyon na nasa email na natanggap ninyo.
  4. Pagkatapos sagutan ng inyong medikal na manggagamot ang kanilang bahagi sa form at kumpirmahin ang inyong pagiging kwalipikado, itatala kayo sa Medical Baseline Program.

MAHALAGA: Sa sandaling maisumite ninyo ang online na form ng aplikasyon/recertification, kailangan ding kumpirmahin ng inyong medikal na manggagamot ang inyong pagiging kwalipikado online. Gayundin, hindi namin mapoproseso ang mga aplikasyong nakasulat sa papel kapag may nakabinbing online na aplikasyon.


O kaya, magsumite ng form ng aplikasyon/recertification na nakasulat sa papel sa koreo:


  1. I-download at i-print ang form ng aplikasyon/recertification (PDF, 171 KB)
  2. Kumpletuhin ang Bahagi A ng form ng aplikasyon/recertification at lagdaan
  3. Ipakumpleto at palagdaan sa inyong medikal na manggagamot ang Bahagi B ng form ng aplikasyon/recertification
  4. Ipadala sa koreo ang inyong nakumpletong form sa:

    PG&E Billing Center
    Medical Baseline
    P.O. Box 8329
    Stockton, CA 95208


Ang mga customer na walang permanenteng kwalipikadong medikal na kondisyon ay kukumpleto ng Sertipikasyon para sa Sarili matapos ang unang taon at kinakailangang muling sertipikahan ang sarili na may lagda ng kwalipikadong medikal na manggagamot para sa susunod na taon.


Puwede kayong humingi ng form ng aplikasyon/recertification at kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa Medical Baseline Program sa pamamagitan ng pagkontak sa PG&E sa 1-800-743-5000.


Maaari din ninyong hingin ang Mga Form ng Medical Baseline sa mga alternatibong format, gaya ng malalaking letra, Braille o audio., Ipadala sa email ang inyong kahilingan sa: CIACMC@pge.com. Isama ang inyong pangalan, address sa koreo at numero ng telepono. Mangyaring maglaan ng 5-7 araw ng trabaho para sa pagproseso. O kaya, tumawag sa 1-800-743-5000 upang humingi ng alternatibong format.


Ang mga hindi nakakarinig/nahihirapang makarinig na customer na gumagamit ng TTY (isang espesyal na aparato para sa Hindi nakakarinig at nahihirapang makarinig) ay maaaring tumawag sa California Relay Service sa 7-1-1.

Ang mga customer na sinertipikahan ng kanilang kwalipikadong medikal na manggagamot bilang may permanenteng kwalipikadong medikal na kondisyon ay kailangang sertipikahan ang kanilang sarili para sa kanilang pagiging kwalipikado kada dalawang taon. Ito ay upang kumpirmahin ang kanilang patuloy na paninirahan sa kanilang address na sineserbisyuhan at hindi nangangailangan ng lagda ng kwalipikadong medikal na manggagamot.


Ang mga customer na walang permanenteng kwalipikadong medikal na kondisyon ay kukumpleto ng form ng Sertipikasyon para sa Sarili matapos ang unang taon at kinakailangang muling sertipikahan ang sarili na may lagda ng medikal na manggagamot para sa susunod na taon.


Tandaan: Ang ganitong siklo ng sertipikasyon para sa sarili na sinusundan ng muling sertipikasyon ay nauulit hangga’t nakatala ang customer sa programa.


Kung kayo ay isang aktibong customer ng Medical Baseline na may hindi permanenteng medikal na kondisyon at kailangan ng muling sertipikasyon para sa patuloy na pagiging kwalipikado, pumunta sa seksyon ng Aplikasyon/Muling Sertipikasyon ng pahinang ito at sundin ang mga hakbang para kumpletuhin ang aplikasyon.


Ang mga aktibong customer ng PG&E Medical Baseline na nakatanggap ng notipikasyon para sertipikahan ang sarili ay maaaring sertipikahan ang kanilang sarili online at makatanggap ng agarang kumpirmasyon ng renewal:


  1. Mag-sign in para i-renew ang coverage sa inyong online na impormasyon ng account sa PG&E. Kung wala kayong online account sa PG&E, mag-click sa "One-Time Access."
  2. Kumpletuhin ang form at isumite.

O, magsumite ng papel na form ng Sertipikasyon para sa Sarili sa pamamagitan ng sulat sa koreo:


  1. Ang form ng Sertipikasyon para sa Sarili sa Medical Baseline ay kasama sa inyong sulat ng notipikasyon ng renewal. Maaari din kayong mag-print ng kopya ng form ng sertipikasyon para sa sarili (PDF, 407 KB).
  2. Kumpletuhin ang form at lagdaan.
  3. Ipadala sa koreo ang inyong nakumpletong form sa:

    PG&E Billing Center
    Medical Baseline
    P.O. Box 8329
    Stockton, CA 95208

Piliin ang inyong paraan ng pakikipag-ugnayan sa Medical Baseline/Life Support


Paano ninyo gustong maabisuhan kung sakaling magkaroon ng nakaplano o hindi nakaplanong pagkawala ng kuryente na makakaapekto sa inyong tirahan? Itakda ang inyong mga kagustuhan sa pakikipag-ugnayan ngayon.

Isang Medical Baseline FAQ para sa mga propesyonal sa medisina

 

Kung kayo ay isang medikal na manggagamot o provider ng pangangalagang pangkalusugan, pakibasa ang FAQ para sa Medikal na Manggagamot (PDF, 169 KB). Alamin kung paano kayo makakatulong na ipalaganap ang kaalaman at hikayatin ang pagpapatala sa Medical Baseline Program upang lalo pang suportahan ang inyong mga pasyente.

Kailangan ba ninyo ng dagdag na tulong ngunit hindi kwalipikado para sa Medical Baseline?


Kung kayo o ang isang residente sa inyong tahanan ay may malubhang karamdaman o kondisyon na maaaring maging mapanganib sa buhay kung madiskonekta kayo sa inyong serbisyo, maaari ninyong sertipikahan ang inyong sarili bilang nasa customer na nasa panganib. Alamin ang tungkol sa programa para sa Nanganganib na Customer.

Higit pang mga kapaki-pakinabang na resource:


Alamin ang higit pa sa Medical Baseline video

Medical Baseline Program

Ang paglalarawan at audio na transcript ay magagamit para sa video na ito: 

I-akses ang audio na paglalarawan na bersyon
I-download ang transcript (PDF, 97 KB)

Medical Baseline Program

1OF2

Ang paglalarawan at audio na transcript ay magagamit para sa video na ito: 

I-akses ang audio na paglalarawan na bersyon
I-download ang transcript (PDF, 97 KB)

Medical Baseline Program (ASL)

 

Medical Baseline Program (ASL)

2OF2