Mahalagang Alerto

Patakaran sa pagkapribado

Petsa ng pagkakaroon ng bisa: Mayo 31, 2024

Bisitahin ang Privacy Center

Paunawa sa Pagkapribado

 

Ang iyong pagkapribado ang prayoridad para sa PG&E, at nagsisikap kami para protektahan ang hawak naming impormasyon tungkol sa iyo. Tinutugunan ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ang impormasyong nakuha mula sa mga konsyumer sa California, mga customer ng PG&E, mga bisita sa website at mga gumagamit ng mobile application at ipinapaliwanag kung paano namin tinatrato ang personal na impormasyon na aming kinokolekta at ginagamit tungkol sa iyo.

 

  • Default na ilalapat ang policy na ito sa aming mga interaksyon sa mga residente ng California.  Gayunpaman, kung kayo ay pinakitaan ng ibang abiso sa pagkapribado ng PG&E habang nakikipag-ugnayan sa amin, mailalapat ito.
  • Sinasaklaw ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ang Pacific Gas and Electric Company at ang parent company, na PG&E Corporation, at sinasaklaw din ang anumang iba pang site o serbisyo na naka-link sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. 

 

Maa-access ng mga customer na may mga kapansanan ang Patakaran sa Pagkapribado sa pamamagitan ng Assistive Resources o pagtawag sa 1-877-660-6789.

Kumuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa:

 

Mga Kahulugan

 

Personal na impormasyon: Tumutukoy, nauugnay sa, naglalarawan, makatwirang may kakayahang maiuugnay sa, o makatwirang maili-link, nang direkta o di-direkta, sa isang partikular na konsyumer o sambahayan. Hindi ito kinabibilangan ng:

  • Impormasyong makukuha ng publiko
  • Walang pagkakakilanlan o pinagsamang impormasyon
  • Impormasyong sakop ng ilang batas pederal o pambansa.

 

Ikaw: Sinumang konsyumer sa California, customer ng PG&E, bisita sa website o gumagamit ng mobile application.

Paano namin kinokolekta ang iyong personal na impormasyon

 

Maaari naming kolektahin ang personal na impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba’t ibang pinagkukuhanan sa nakaraang 12 buwan:

 

  • Mula sa inyo:
    • Kapag nag set up ka ng iyong account.  
    • Para sa pagsingil at pagbabayad, o kapag ikaw ay nagsimula, tumanggap o tumigil sa mga serbisyo o produkto. 
    • Kapag tinutukoy ang pagiging karapat-dapat at ang iyong pagsali sa mga programa sa utility.
    • Kapag ikaw ay nakikipag-ugnayan sa PG&E o sa mga kinatawan nito, kabilang kapag ikaw ay bumibisita sa aming mga pasilidad.
    • Sa pamamagitan ng telepono kasama ang isang customer service representative o sa pamamagitan ng mail, text o email. Gayundin, sa pamamagitan ng pge.com o aming mga mobile app.

  • Mula sa aming mga metro ng utilidad at iba pang kagamitan: Kapag gumagamit ka ng kuryente at gas, kinokolekta ng aming mga sistema ng pagmemetro ang iyong datos ng paggamit ng enerhiya. Para sa ilang aplikasyon, gaya ng rate analysis, inili-link namin ang data ng paggamit sa iyong personal na impormasyon.

  • Mula sa mga provider: Kami ay nakikipagtrabaho at tumatanggap ng personal na impormasyon mula sa mga ikatlong partido gaya ng:
    • Mga service provider, mga vendor, mga kontraktor at mga ahensya sa pautang
    • Mga mananaliksik ng market na nagbibigay ng mga produkto at serbisyo sa utility sa ngalan namin

  • Mula sa iyong paggamit sa aming website o mga mobile app: Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong mga pagbisita at paggamit sa aming website at mga mobile app, kasama ang impormasyon sa pamamagitan ng mga cookie at mga iba pang teknolohiya sa pag-log in.

  • Mula sa iba pang pagmumulan: Maaari naming dagdagan ang impormasyon sa itaas ng impormasyon na aming nakuha mula sa iba pang mga pinagkukuhanan. Yaon ay kinabibilangan ng mga Community Choice Aggregator at mga ahensya ng estado at lokal na gobyerno.

Mga cookie at iba pang mga teknolohiya sa pag-track

 

  • Mga cookie. kapag bibisitahin o gagamitin mo ang aming website o mga online na serbisyo, maaaring gumawa ang aming server ng mga cookie, na maliliit na text file na pwedeng ipadala ng isang website sa iyong internet browser at maaaring maitago sa iyong browser o saanman sa iyong computer. Gumagamit ang PG&E ng mga cookie at iba pang kaparehong teknolohiya sa aming website at mga online na serbisyo. Gumagamit kami ng cookies upang suriin ang website usage o magbigay ng mga serbisyo ng kuryente sa iyo, at para mag-alok ng mga programa at/o mga serbisyo na maaaring magugustuhan mo.  
    • Mga Cookie ng PG&E: Gumagamit kami ng cookies sa aming website para magbigay ng pangunahing functionality sa website para sa mga layuning gaya ng pag-log in sa sistema, pagpapanatili ng impormasyon ng sesyon, at pagpapahusay sa acces sa mga feature ng website na ito.
    • Google Analytics: Gumagamit ang aming website ng Google Analytics para tulungan kaming suriin kung paano ginagamit ng mga gumagamit ang website at ipakita sa mga gumagamit ang naaangkop na mga patalastas. Ang impormasyong binubuo ng cookie tungkol sa iyong paggamit sa website (kabilang ang iyong IP address) ay ipapadala sa at iiimbak ng Google. Basahin ang tungkol sa mga patakaran sa pagkapribado ng Google.
    • Upang pangasiwaan ang iyong cookie preferences, pakigamit ang "Do Not Sell My Personal Information" link sa footer ng web page. Bukod pa riyan, maaari mong i-disable ang paggamit namin ng mga cookie sa pamamagitan ng mga setting ng iyong browser. Pakitandaan na kung idi-disable mo ang kakayahan ng browser mo na tumanggap ng mga cookie, pwede ka pa ring pumunta sa website ng PG&E, pero hindi mo magagamit ang ilang mga feature gaya ng "Remember My Username (Tandaan ang Aking Username)," at hindi makakatanggap ng mga advertisement na nauugnay sa aming mga programa.
  • Mga Cookie ng Ikatlong Partido: Ang mga cookie ng ikatlong-partido ay maaari ding gamitin sa aming website kung saan ang isang ikatlong-partido ay nagbibigay ng pakinabang sa aming website.

Paano namin ginagamit ang iyong personal na impormasyon

 
  • Magbigay sa iyo ng mga serbisyo o produkto sa enerhiya.
  • Makipag-usap sa iyo tungkol sa aming mga serbisyo at iba pang mga produkto o serbisyo na maaaring magustuhan mo.
  • Patakbuhin at panatilihin ang ligtas, may seguridad at maaasahang mga serbisyo at kagamitan ng public utility sa ilalim ng aming legal na obligasyon na maglingkod sa iyo bilang isang regulated public utility sa California.
  • Sumunod sa may-bisang warrant, subpoena, o utos ng korte. O, gamitin o ipagtanggol ang legal na mga paghahabol o kung hindi man sumunod sa aming legal na mga obligasyon.
  • Sumunod sa isang kahilingan o utos ng California Public Utilities Commission. O, sumunod sa kahilingan o utos mula sa iba pang ahensiya ng pamahalaang lokal, estado o pederal na may legal na awtoridad na kumuha ng personal na impormasyon mula sa PG&E.
  • Gumawa at magpatupad ng mga plano sa pagbebenta, edukasyon at pagtulong upang pahusayin ang mga serbisyo at produkto na ipinagkakaloob namin sa iyo at sa mga iba pang konsumer.
  • Protektahan ang kaligtasan at seguridad ng mga kustomer, bisita, empleyado at kontratista ng PG&E. Pagkokolekta at pagrerepaso ng personal na impormasyon na tumutulong magprotekta laban sa panloloko, iba pang mga krimen at mga banta sa kaligtasan.
  • Hayaan ang mga service provider at mga kontratista na magbigay ng mga serbisyong may kaugnayan sa enerhiya, mga produkto o kagamitan sa ngalan ng PG&E, ayon sa kinakailangan upang:
    • magbigay sa iyo ng mga produkto at serbisyo
    • magsagawa ng negosyo na naaayon sa komersiyal na ugnayan ng PG&E sa iyo
    • sumunod sa mga legal na obligasyon ng PG&E bilang isang regulated public utility, depende sa angkop na pagiging kumpidensyal at kinakailangan sa seguridad.
  • Abisuhan ang mga nag-uulat na ahensya ng pautang at mga ahensya ng pagkolekta para suriin ang iyong credit. O, kung ang iyong account ay naitalaga para sa pagkolekta.
  • Tulungan ang mga tagaresponde sa emerhensiya sa mga sitwasyong may mga banta sa buhay o ari-arian.
  • Para sa iba pang layunin ng negosyo o batas na makatwirang inaasahan sa loob ng konteksto ng relasyon ng PG&E sa iyo.
  • Para sa anumang layunin na kinuha namin ang iyong pahintulot.

Paano namin isinisiwalat ang iyong personal na impormasyon

 
  • Sa desisyon mo. Maaari mong pahintulutan ang iba pang mga kompanya o tao na tanggapin ang iyong personal na impormasyon mula sa PG&E, kasama ang iyong datos sa paggamit ng enerhiya.

 

Maaari rin naming ihayag o ilipat ang iyong personal na impormasyon sa:

  • Mga service provider at kontratista na nagbibigay ng mga serbisyo at suporta sa amin. Sila ay nakakontratang kinakailangang gumawa ng mga makatwirang hakbang upang protektahan ang iyong personal na impormasyon. Kailangan ding hindi nila gagamitin ang iyong personal na impormasyon para sa anumang layunin maliban sa kung saan ito ibinigay.
  • Mga awtoridad na nagpapatupad ng regulasyon gaya ng California Public Utilities Commission, California Energy Commission, at iba pang mga ahensiya sa pederal, estado, o lokal ayon sa iniaatas ng naaangkop na batas.
  • Mga entidad ng mga pinansiyal na serbisyo, kasama ang mga pinansiyal na institusyon, mga credit agency, at iba pang mga entidad ng serbisyong pinansiyal na nagbibigay ng mga pansuportang serbisyong pinansiyal at pag-awdit para sa aming mga programa at serbisyo sa public utility.
  • Mga ikatlong partido upang tuparin ang mga legal na obligasyon ayon sa kinakailangan alinsunod sa isang may bisang legal warrant, subpoena, utos ng korte, o iba pang legal o mandato sa regulasyon. O, ayon sa kailangan para sa PG&E upang ipagtanggol upang igiit ang legal na mga paghahabol.
  • Third-party analytics na mga kumpanya upang magkolekta ng datos tungkol sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming website at mga app. Maaaring gamitin ang impormasyong ito upang, halimbawa, pahusayin ang paggana ng aming website at mga serbisyo.
  • Potensyal na mga kasosyo sa negosyo kaugnay ng, o sa panahon ng mga negosasyon ng, anumang merger, pagbebenta ng assets ng kompanya, pagpopondo, o pagkuha ng lahat o bahagi ng aming negosyo papunta sa ibang kompanya.
  • Iba pang mga partido gaya ng mga ahensya na nagpapatupad ng batas o iba pang gobyerno kung saan kami, sa mabuting hangarin, naniniwala na: 
    • Ikaw o ang iba ay umaakto na labag sa batas
    • Kinakailangan o naaangkop na tumugon sa anumang batas, regulasyon o iba pang kahilingan ng gobyerno
    • Kinakailangan o naaangkop na protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng aming mga empleyado, iba pang konsyumer, at ang pangkalahatang publiko.
  • Gayundin:
    • Upang patakbuhin ang aming negosyo nang maayos
    • Upang protektahan o ipagtanggol ang aming mga karapatan o ang karapatan o kagalingan ng aming mga user  

Pagbebenta at pagbabahagi ng personal na impormasyon

 

Hindi pa nagbenta ang PG&E ng personal na impormasyon ng mga konsumer sa nakaraang 12 buwan para sa anumang halaga ng pera. Gayunpaman, ang paggamit namin ng ilang website cookies ay maituturing na "pagbebenta" ng impormasyon sa ilalim ng batas ng California. Sa nakaraang 12 buwan, maaaring naisiwalat namin ang iyong aktibidad sa internet o geolocation sa mga ikatlong partidong may cookies sa aming mga website. Ang mga cookies na ito ay ginagamit upang:

  • Mag-analyze ng paggamit sa aming website
  • Magbigay sa iyo ng mahalagang patalastas at mga produkto ng PG&E
  • Magbigay ng karagdagan, aktibong paggana sa aming mga website 

 

Puwede kang mag-opt-out sa paggamit sa mga cookies na ito sa pamamagitan ng paggamit sa link na "Do Not Sell My Personal Information" sa footer ng web page. Kinikilala rin namin ang mga signal ng opt-out preference na nilalaman ng mga HTTP header field.

Ang PG&E ay hindi "nagbabahagi" ng personal na impormasyon ayon sa pagkakagamit sa salitang ito sa California Consumer Privacy Act.

 

Pagsisiwalat ng pinagsama-sama at tinanggalan ng pagkakakilanlan na datos

 

Maaaring ibahagi ng PG&E ang pinagsama-sama o tinanggalan ng pagkakakilanlan, hindi espisipiko sa customer na datos at impormasyon mula sa personal na impormasyon kasama ang ibang mga entidad upang:

  • Magbigay at pagandahin ang mga programa bilang Energy Efficiency and Demand Response
  • Pagpapabatid ukol sa patakaran ng California sa enerhiya ayon sa utos ng California Public Utilites Commision at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa PG&E

 

Mga pinansiyal na insentibo

 

Maaari kaming mag-alok ng mga pinansiyal na insentibo sa mga konsyumer bilang kapalit ng pagbabahagi ng ilang personal na impormasyon sa amin. Ang pakikilahok at ang inialok na mga pabuya bilang insentibo ay nakalatag sa loob ng bawat programa. Ang aming tapat na tinatayang halaga ng iyong impormasyon ay ang halaga ng benepisyong iniaalok namin sa iyo. Kinalkula namin ang halagang ito batay sa gastos namin sa pangangasiwa sa programa na nauugnay sa benepisyong nakukuha sa aming pagpapatakbo ng programa. Maaari kang mag opt-in sa pamamagitan ng pag-sign up para sa insentibo kapag ito ay inaalok sa iyo. Ang pakikilahok ay palaging opsyonal, at maaari mong tapusin ang pakikilahok sa programa sa anumang oras gaya ng ipinaliwanag sa mga takda ng naaangkop na programa. Maaari mo rin kaming kontakin sa 1-877-660-6789 upang mag-unsubscribe o kanselahin ang iyong pakikilahok sa anumang programa.

 

Mga signal ng Web browser na "Do Not Track" (“Huwag Subaybayan”)

 

Ang "Do Not Track" na mga signal ay ginagamit para tangkaing limitahan ang pagsunod na kaugnay ng mga pagbisita mo sa isang website. Hindi lahat ng browser ay nag-aalok ng opsyon na "Do Not Track" at ang mga signal na "Do Not Track" ay hindi pa magkakapareho. Hanggang ibino-broadcast ng iyong browser ang "Do Not Track" signal, naka-configure ang aming website na kilalanin ang mga "Do Not Track" signal.

 

Mga link sa mga website na hindi sa PG&E

 

Habang nagba-browse sa website ng PG&E o mga online na serbisyo na hindi inisponsoran ng PG&E, maaaring may makita ka at piliin mong i-access ang mga website o mga online na serbisyo na pinatatakbo ng mga kasosyo sa negosyo ng PG&E, mga kompanya o ahensiya na maaaring walang kaugnayan sa PG&E sa pamamagitan ng pag-click sa mga link o icon. Maaaring mangolekta ang mga website na ito ng data o personal na impormasyon tungkol sa iyo at sa iyong mga online na aktibidad. Hindi kinokontrol ng PG&E at hindi ito responsable para sa ginagawa ng mga ibang partidong ito kaugnay ng kanilang mga website o online na serbisyo, o kung paano nila ginagamit ang iyong personal na impormasyon.

Retensyon

 

Itinatabi namin ang iyong personal na impormasyon batay sa mga legal na kinakailangan o mga pangangailangan ng negosyo. Karaniwan, itinatabi lang namin ang personal na impormasyon hangga’t ito ay makatwirang kailangan para sa layunin ng aming negosyo o ayon sa inaatas ng batas. Ang datos ng customer ay karaniwang itinatabi sa loob ng tagal ng relasyon sa PG&E at sa loob ng karagdagang 5 taon mula sa pagtatapos ng relasyon sa customer. O, napapailalim sa mga pangangailangan ng batas o negosyo, para sa mas matagal na panahon ng pagtatabi. Karaniwang itinatabi ang datos ng kontak sa negosyo sa loob ng tagal ng kontrata/kasunduan sa PG&E at sa loob ng karagdagang 11 taon mula sa pagwawakas ng kontrata at/o pag-expire ng mga napapailalim na obligasyon sa kontrata. Ang datos na ito ay napapailalim din sa mas mahabang panahon ng pagtatabi para sa pangangailangang legal o negosyo.

 

Pagtatakda ng serbisyo at pag-set up ng account

 

Pagtatakda ng serbisyo: Upang magsimula o muling magsimula ng serbisyo, maaaring hingin sa iyo na ibigay ang iyong Social Security number para mapatunayan namin ang iyong pagkakakilanlan. May karapatan kang huwag magbigay ng iyong Social Security number. Gayunpaman, maaaring may sisingiling deposito, at hihingi kami ng ibang anyo ng pagkakakilanlan (hal. driver’s license, pasaporte, state identification, at iba pa). Ang new-service na deposito ay pwedeng isantabi kung ang account ay nakatala sa paperless billing at recurring payment sa pamamagitan ng pge.com o nakuha gamit ang isang bill guarantor. Ang muling pagsisimula ng deposito ay pwedeng isantabi kung may seguridad gamit ang isang bill guarantor.

 

Pag-set up sa iyong account: Bilang isang customer, pwede kang mag-sign up para sa isang account online sa pge.com. Ito ay magpapahintulot sa iyo ng instant access sa iyong bill, magbayad online at tumanggap ng mahahalagang alerto. Pwede mong i-update ang iyong profile, personal na impormasyon, at mga kagustuhan sa account. Kung pipiliin mong mag-sign up para sa isang account, hihingin sa iyo ang iyong email address. Mayroon kang karapatan na tanggihan ang pagbibigay ng iyong email address. Gayunpaman, hindi mo magagamit ang aming mga online na serbisyo gaya ng electronic billing at pagbabayad.

Mga komunikasyon sa email: Pwede kang mag opt-out sa pagtanggap ng ilang mga komunikasyon sa email mula sa amin sa anumang oras. Upang gawin ito, sundin ang unsubscribe na link sa footer ng email. O gamitin ang “Contact us” na seksyon sa ibaba. Kung mayroon kang online account sa amin, pwede kang mag-opt out sa mga susunod na mailing sa pamamagitan ng pag-update sa mga kagustuhan na seksyon sa Profile at Alerto na pahina sa Iyong Account. Ang pag-opt out sa mga komunikasyon sa email ay hindi nangangahulugan na hindi ka na kokontakin ng PG&E tungkol sa iyong account o sa iyong serbisyo sa kuryente at gas. Halimbawa, patuloy na makakatanggap ang mga kasalukuyang customer ng mga pang-emergency na abiso mula sa PG&E ayon sa iniaatas ng batas. Hindi ka maaaring mag-opt out sa ganitong mga komunikasyon.

Mga voice call, mensaheng text at SMS: Maaaring mayroon kang pagkakataong makatanggap ng paminsan-minsang mensaheng voice, text at SMS mula sa PG&E. Ito ay mga update sa aming mga produkto at serbisyo, o tungkol sa mga produkto at serbisyo na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Ang dalas ay mag-iiba-iba. Sa pagbibigay ng iyong numero ng telepono at pagpiling makatanggap ng mga mensaheng text, hayagan kang pumapayag na tanggapin ang mga komunikasyong ito. Kabilang dito ang mga automated na mensaheng text sa ibibigay mong numero ng telepono. Ang pagpayag na makatanggap ng mga mensaheng text ay hindi kinakailangan upang makatanggap ng mga produkto at serbisyo mula sa PG&E. Maaaring mailapat ang mga message at data rate, at mailalapat ang mga rate ng iyong carrier. Pwede kang mag-opt out sa pagtanggap ng mga mensaheng text sa hinaharap o tumanggap ng tulong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa matatanggap mong mensaheng text. Dahil kami ay nasa Estados Unidos, maaaring mailapat ang mga international rate depende sa iyong lokasyon. Maaari naming ihayag ang iyong numero ng mobile phone sa mga service provider kung kanino kami nakakontrata upang magpadala sa iyo ng automated na mga mensaheng text. Gayunpaman, hindi namin ihahayag ang iyong numero ng mobile phone sa mga ikatlong partido para sa kanilang sariling mga layunin sa pagbebenta nang wala ang iyong hayag na pahintulot. Ang pag-opt out sa mga tawag, mensaheng text at SMS ay hindi nangangahulugan na hindi ka na kokontakin ng PG&E tungkol sa iyong account o sa iyong serbisyo sa kuryente at gas. Halimbawa, patuloy na makakatanggap ang mga kasalukuyang customer ng mga pang-emergency na abiso mula sa PG&E ayon sa iniaatas ng batas. Hindi ka maaaring mag-opt out sa ganitong mga komunikasyon.

Karagdagang impormasyon para sa mga residente ng California

 

Kilala rin ang California Civil Code Section 1798.83 bilang "Shine the Light" na batas. Pinapayagan nito ang aming mga user na mga residente ng California na:

  • Humiling at kumuha sa amin ng, isang beses isang taon at libre, impormasyon tungkol sa mga kategorya ng personal na impormasyon (kung mayroon man) na aming inihayag sa ikatlong partido para sa direktang mga layunin ng pagbebenta  
  • Ang mga pangalan at address ng lahat ng ikatlong partido kung saan namin inihayag ang personal na impormasyon sa kaagad na naunang taon ng kalendaryo 

 

Kung ikaw ay residente ng California at gusto mong gumawa ng ganoong kahilingan, isumite ang iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagsulat sa amin gamit ang impormasyon sa ibaba sa ilalim ng “Contact us.”

Kung ikaw ay residente ng California, mayroon kang ilang mga karapatan sa pagkapribado na nauugnay sa iyong personal na impormasyon. Inilalarawan ng seksyong ito ang mga naturang karapatan at kung paano mo gagamitin ang mga karapatang ito:

 

Karapatang malaman at i-access ang personal na impormasyon
May karapatan kang malaman at i-access ang personal na impormasyong kinokolekta ng PG&E tungkol sa iyo, kasama:

  • Ang mga kategorya ng personal na impormasyon
  • Ang mga kategorya ng mga pinagkukuhanan mula kung saan kinolekta ang iyong impormasyon
  • Ang layunin ng negosyo o komersiyo sa pagkolekta, pagbebenta o pagbabahagi ng iyong personal na impormasyon
  • Ang mga kategorya ng ikatlong partidong pinagbahaginan namin ng personal na impormasyon  
  • Ang tiyak na mga piraso ng impormasyon na aming kinolekta tungkol sa iyo 

 

Mayroon ka ring karapatang humingi, hangga’t teknikal na posible, ng portable na pangkat ng iyong personal na impormasyon.

Karapatang hilingin ang pag-delete sa iyong personal na impormasyon
May karapatan kang hilingin na i-delete ng PG&E ang personal na impormasyong mayroon ito tungkol sa iyo nang napapailalim sa mga partikular na limitasyon. Kung hindi namin ide-delete ang iyong personal na impormasyon para sa mga dahilang pinahihintulutan ng naaangkop na batas, sasabihin namin sa iyo.

Karapatang iwasto ang hindi tumpak na personal na impormasyon
May karapatan kang hilingin na iwasto ng PG&E ang hindi tumpak na personal na impormasyon na itinatabi namin tungkol sa iyo.

Karapatang mag-opt out sa pagbebenta sa iyong personal na impormasyon
Maaaring may karapatan kang mag-opt out sa pagbebenta o pagbabahagi sa iyong Personal na Datos. Kinikilala ng PG&E ang mga signal ng opt-out preference na nilalaman ng mga HTTP header field. Maaari mo ring gamitin ang “Do Not Sell My Personal Information” link sa ilalim ng aming webpage.

 

Paggamit sa iyong mga karapatan sa pagkapribado

 

Kung ikaw ay isang konsyumer sa California, para magamit ang iyong mga karapatan, mangyaring magsumite ng kahilingan gamit ang isa sa mga sumusunod:

Isumite ang iyong kahilingan kaugnay ng mga karapatan ng customer sa pagkapribado sa ilalim ng California Consumer Privacy Act.

Tawagan kami sa 1-877-660-6789.

 

Hindi makakatugon ang PG&E sa iyong kahilingan o makapagbibigay sa iyo ng personal na impormasyon kung hindi namin mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan o awtoridad na gawin ang kahilingan at kumpirmahin na ang personal na impormasyon ay nauukol sa iyo. Gagawa kami ng mga hakbang para patunayan ang iyong pagkakakilanlan gamit ang mga serbisyo na pagpapatunay ng pagkakakilanlan. Hindi mo kinakailangang gumawa ng account sa amin para magsumite ng kahilingan. Kung wala kang account sa amin, maaari naming hilingin na bigyan mo kami ng impormasyon tungkol sa iyong sarili upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan.

Gagamitin lang namin ang personal na impormasyong ibinibigay mo kaugnay ng pagpapatunay sa pakakakilanlan upang patunayan ang pagkakakilanlan o awtoridad na mag-request. Kapag maaari, susubukan naming itugma ang impormasyong ibibigay mo sa impormasyong maaaring hawak na namin tungkol sa iyo.

Kung gusto mong bigyang awtorisasyon ang isang ikatlong partido na mag-request para sa iyo sa pamamagitan ng isang awtorisadong agent, kailangang makipag-ugnayan ka nang direkta sa PG&E Privacy Team at kailangang magbigay ng balidong California power of attorney o katulad na dokumentasyon ng nakasulat na pahintulot mula sa iyo at beripikasyon ng iyong katauhan sa PG&E. Maaari mo ring i-request ang privacy para sa iyong menor de edad na anak.

Kinikilala ng PG&E ang mga signal ng opt-out preference na nilalaman ng mga HTTP header field. Kapag makatanggap kami ng signal ng opt-out preference, ipoproseso namin ang signal na iyon ayon sa iniaatas ng naaangkop na batas.

* Sinusubaybayan ng PG&E ang mga kahilingan na mag-opt out sa pamamagitan ng mga kahilingan ng mga indibidwal na umalis sa mga cookie ng marketing at social media. Kinakatawan ng mga datos na ito ang kabuuang bilang ng mga customer na nagsumite ng mga kahilingang mag-opt out, bagama’t maaaring nagsumite ang mga indibidwal na customer ng maramihang kahilingan noong 2023.

 

Walang-diskriminasyon

 

Hindi kami magdidiskrimina o gaganti laban sa iyo para sa paggamit sa iyong mga karapatan sa pagkapribado na tinukoy sa patakaran sa pagkapribado na ito.

 

Seguridad

 

Gumagawa kami ng makatwiran at naaangkop na mga hakbang upang tiyakin ang integridad ng aming mga sistema at protektahan ang iyong personal na impormasyon. Patuloy kaming nagpapatupad at nag-a-update ng mga pang-administratibo, teknikal, at pisikal na hakbang sa seguridad upang makatulong na protektahan ang personal na impormasyon tungkol sa iyo laban sa hindi awtorisadong pag-access, pagsira, o pagbabago. Gayunpaman, sana’y maunawaan mo na walang paraan ng transmisyon sa Internet o paraan ng pag-iimbak ng data ang 100% ligtas. Kaya hindi namin magagarantiyahan ang lubos na seguridad.

 

Pagkapribado ng mga bata online

 

Ang aming mga serbisyo ay hindi nakadirekta sa mga bata na wala pang 16 taong gulang. Hindi sinasadya ng PG&E na makakolekta ng anumang personal na impormasyon ng mga batang wala pang 16 taong gulang maliban kung iniaatas ng naaangkop na batas. Kung naniniwala kang may isang batang wala pang 16 taong gulang ang nagbigay sa amin ng personal na impormasyon, makipag-ugnayan sa amin sa pgeprivacy@pge.com at magbigay ng maikling paglalarawan sa iyong ipinag-aalala.

 

Mga pagbabago sa abiso sa pagkapribado na ito

 

Regular naming sinusuri ang Patakaran sa Pagkapribado na ito. Kung gagawa kami ng mga pisikal na pagbabago, susubukan naming abisuhan ka at/o kunin ang iyong pahintulot, gaya ng iniaatas ng batas. Inirerekomenda namin na regular mong suriin ang patakaran sa pagkapribado na ito.

Kontakin kami

 

Kung mayroon kang mga tanong, alalahanin, o reklamo tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, kung gusto mong humingi ng kasalukuyan o nakaraang bersyon, o kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa aming proseso para sa pag-update sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga sumusunod na opsyon:

PG&E Residential and Business Customer Service
Correspondence Management Center
Attention: Privacy Management
P.O. Box 997310
Sacramento, CA 95899-7310

 

Mga Residensyal na Kostumer ng PG&E: Tumawag sa 1-877-660-6789
PG&E Business Customers: Bisitahin ang Business Customer Service Center

 

Email: pgeprivacy@pge.com

Higit pa tungkol sa pagkapribado

California Consumer Privacy Act (CCPA)

Intindihin ang iyong mga karapatan sa pagkapribado bilang konsyumer.

Patakaran sa social media

Basahin ang mga patakaran at alituntunin ng PG&E sa social media.

Patakaran sa mga digital na komunikasyon

Paano namin pinaplanong makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng voice, mga mensaheng text, email at iba pa