Sino pa ang maaaring kwalipikado para sa CARE?
- Kanlungan ng mga walang tirahan
- Mga hospisyo
- Kanlungan para sa kababaihan
- Mga pang-grupong tirahang pasilidad, kabilang ang:
- Transitional housing, gaya ng mga drug rehab centers o halfway houses
- Mga pasilidad ng panandalian o pangmatagalang pangangalaga
- Mga pang-grupong tahanan para sa mga may diperensiya sa katawan o pag-iisip
- Iba pang mga tirahang pasilidad ng grupong hindi pinagkakakitaan
Iba pang mga kinakailangan ng pasilidad ng grupong hindi pinagkakakitaan
- Ang mga pang-grupong tirahang pasilidad ay dapat magbigay ng mga serbisyong panlipunan para sa mga natatanging pangangailangan bilang karagdagan sa panunuluyan. Kabilang sa mga halimbawa ang mga pagkain at rehabilitasyon.
- Ang mga pang-grupong pasilidad ay maaaring may mga satellite facility na nakapangalan sa isang lisensiyadong entidad.
- Dapat matugunan ng mga satellite facility na ito ang parehong mga kinakailangan gaya ng pangunahing pasilidad.
- Dapat abisuhan ng mga pang-grupong pasilidad ang PG&E kung hindi na sila kwalipikado para sa diskuwento sa CARE.
- Ang mga kanlungan ng mga walang tirahan, hospisyo at mga kanlungan ng kababaihan ay dapat:
- Nagkakaloob ng matutuluyan bilang kanilang pangunahing tungkulin
- Bukas para magbigay-serbisyo
- May mga pasilidad na may hindi bababa sa anim na kama para sa minimum na 180 araw at/o gabi kada taon
Mga alituntunin sa kita
Ang kabuuang gross na kita para sa lahat ng residente o kliyente ay dapat makatugon sa mga kasalukuyang alituntunin sa kita.
- Ang kita ay nalalapat sa mga indibidwal na sumasakop sa pasilidad sa anumang oras. Kabilang dito ang mga yunit ng pamilya.
- Ang mga tulong sa mismong site ay hindi kasama sa kalkulasyon na ito.
Isang lisensiyadong organisasyon, maraming pasilidad
Dapat mai-file ang mga hiwalay na aplikasyon para sa bawat uri ng pasilidad. Nalalapat ang patakaran na ito kahit na ang mga pasilidad ay nasa ilalim ng iisang lisensiyadong organisasyon.
- Halimbawa, ang isang entidad na may kanlungan ng mga walang tirahan at isang pasilidad ng hospisyo ay dapat mag-aplay nang hiwalay para sa bawat pasilidad.
Katayuang exempt sa buwis
Ang organisasyon na nagpapatakbo ng pasilidad ay dapat magbigay ng kopya ng dokumentong 501(c)(3). Ang dokumentong ito ang nagpapatunay sa katayuang exempt sa buwis.
Mga kinakailangan sa konsumo ng kuryente
70 porsiyento ng kuryente na isinusuplay sa bawat PG&E account ay dapat gamitin para sa mga layuning panresidensya. Kabilang sa layunin ang mga lugar na ginagamit ng ilang tao.
Aling mga pasilidad ang hindi kwalipikado para sa CARE?
- Mga pasilidad na hindi pinagkakakitaan na nagkakaloob lamang ng mga serbisyong panlipunan
- Mga pang-grupong tirahang pasilidad na walang ibang ipinagkakaloob na serbisyo kundi isang lugar na matitirhan
- Mga pasilidad na pagmamay-ari o pinangangasiwaan ng pamahalaan
- Mga pasilidad na sina-subsidize ng pamahalaan na nagkakaloob lamang ng matutuluyan
Mga hakbang sa pagpapatala
- I-download ang aplikasyon para sa programa sa mga pang-grupong tirahang hindi pinagkakakitaang pasilidad sa CARE (PDF).
- Ang mga form sa mga ibang wika bukod sa Ingles ay makikita sa "Forms and Guides" tab.
- Kumpletuhin at lagdaan ang aplikasyon.
- Ipadala sa koreo o i-fax ang aplikasyon at mga kinakailangang dokumento sa:
Programa ng PG&E CARE/FERA
PO BOX 29647
Oakland, CA 94604-9647
Fax: 1-877-302-7563
I-renew ang iyong CARE certification
Dapat mag-recertify ang mga organisasyon kada apat na taon sa pamamagitan ng pagkumpleto ng bagong aplikasyon at paglalakip ng patunay ng mga sumusunod na item:
Isang kopya ng iyong kasalukuyang valid na dokumento ng exemption sa buwis na Federal 501(c)(3) na may parehong pangalan gaya ng (mga) PG&E account
Isang kopya ng iyong lisensiya para magbigay ng serbisyong panlipunan ang naaangkop na ahensiya
Kumpletong listahan ng iyong mga PG&E account sa pasilidad (Tingnan ang Seksyon 5 ng aplikasyon)
Ang PG&E ay nagpapadala ng aplikasyon sa pag renew tatlong buwan bago mag expire ang diskwento. Puwedeng mag-aplay muli ang iyong organisasyon para sa CARE program kung kwalipikado pa rin ito sa ilalim ng kasalukuyang mga alituntunin ng CARE program.
Upang humingi ng aplikasyon sa pamamagitan ng koreo, mag-email sa CAREandFERA@pge.com.