Mag-imbak ng sapat na mga supply na tatagal nang isang linggo. Ilagay ang mga produkto sa mga sisidlang ligtas sa pagkabasa at iimbak ang mga ito sa lugar na madaling makuha. Nagkakanlong man kayo sa tahanan o lumilikas, posibeng kailanganin ninyong agarang makuha ang inyong mga supply sa sitwasyon ng sakuna. Narito ang mga kakailanganin ninyo.
1 galon ng tubig kada tao kada araw
Hindi madaling masira at madaling ihanda nang walang koryente
De-manong pambukas ng de-lata at tinidor, kutsara at kutsilyo
Tiyakin na isama ang pagkain para sa lahat ng miyembro ng inyong kabahayan
Huwag gumamit ng kandila
Isama ang dalawang set na pasobra
De-baterya o de-manong radyo para masundan ang lagay ng panahon
Isama ang portable charger
Mula antibiotic na ointment at mga benda hanggang mga cold pack at marami pang iba
May resetang gamot at gamot na hindi kailangan ng reseta
Mga kumot, tuyong damit, matitibay na sapatos at guwantes
Sabon, sepilyo, toothpaste, tisyu, atbp.
Laruan, libro, games at cards
Kung posible, magtabi ng $100
Mga kopya ng ID, medikal na record, rekord ng pagpapabakuna sa alagang hayop at mga litrato ng pamilya
Mga paper towel, bag para sa basura, kasangkapang magagamit sa iba't ibang gawain kabilang na ang kutsilyo
Huwag kalimutang magpanibago ng emergency kit nang hindi bababa sa minsan sa isang taon.