Kaligtasan sa wildifre
Pagpigil, kahandaan at suporta
Upang mapanatiling ligtas ang mga kostumer at komunidad, pinapatay namin ang kuryente kapag mataas ang panganib ng sunog. Habang tumataas ang banta ng wildfire sa ating estado, kailangan ang mga pagkawala ng kuryente na ito para sa kaligtasan.
Gawin ang mga hakbang na ito ngayon upang makapaghanda para sa isang pagkawala ng kuryente
I-update ang iyong impormasyon sa pagkontak
Para matiyak na matatanggap mo ang mensahe kung ang isang darating na pagkawala ng kuryente ay makakaapekto sa iyong pamamahay o negosyo, mahalagang nasa amin ang iyong kasalukuyang impormasyon sa pagkontak. Bisitahin ang page ng mga alerto sa pagkawala ng kuryente o tumawag sa 1-866-743-6589 upang i-update ang iyong impormasyon sa pagkontak.
Mag-sign up para sa mga alerto sa address
Puwede kang mag-sign up para makatanggap ng mga alerto para sa anumang address. Ang mga alertong ito sa Public Safety Power Shutoff ay makukuha sa maraming wika sa pamamagitan ng tawag o text.
MAG-SIGN UP PARA SA MGA ALERTO SA ADDRESS
Dumalo sa isang webinar na pangkaligtasan
Ang PG&E ay nagsasagawa ng online webinars tungkol sa aming Community Wildfire Safety Program. Mas malalaman ng mga miyembro ng komunidad ang higit pa tungkol sa kaligtasan sa wildfire at makikilla ang mga kinatawan ng PG&E. Tingnan ang iskedyul ng webinar at mga nakaraang pagtatanghal ng webinar.
Alamin ang tungkol sa pinahusay na mga setting sa enhanced powerline safety settings
Ang aming mga linya ng kuryente ay isasara sa loob ng ikasampu ng segundo kung may makitang problema. Nangyayari lang ang mga pagpatay ng kuryente kapag may potensiyal na banta ng wildfire, kaya mas mababa ang posibilidad ng pagkawala ng kuryente kapag mas mababa ang panganib ng wildfire. Alamin ang higit pa tungkol sa Enhanced Powerline Safety Settings.
Alamin ang higit pa tungkol sa PUBLIC SAFETY POWER SHUTOFFS
Mas alamin ang tungkol sa kung ano ang aasahan, paano maghanda at ang mga serbisyong pangsuporta na magagamit. Alam naming nakakaabala sa buhay ang pagkawala ng kuryente, kaya ginagamit lang ang mga pagpatay ng kuryente bilang huling paraan para mapigilan ang wildfires. Alamin ang higit pa tungkol sa Public Safety Power Shutoffs.
Mag-apply para sa Medical Baseline Program
Ang Medical Baseline Program ng PG&E ay nag-aalok ng tulong para sa mga tirahan ng kostumer na nangangailangan ng kuryente para sa mga medikal na pangangailangan. Kabilang sa programa ang karagdagang enerhiya sa mas mababang presyo at dagdag na mga abiso. Mag-apply para sa Medical Baseline Program sa online o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-743-5000.
Magsertipika para sa vulnerable customer status
Kung ikaw o ang isang tao sa iyong sambahayan ay may malubhang sakit o kundisyon na maaaring maging banta sa buhay kung maputol ang serbisyo sa kuryente o gas, magrehistro para sa Vulnerable Customer Status.
Alamin ang higit pa tungkol sa reserbang kuryente
Hinihikayat namin ang lahat ng kostumer na maghanda para sa mga pagkawala ng kuryente. Para matulungan kang magplano, basahin ang aming impormasyon tungkol sa mga kalutasan sa reserbang kuryente, kung paano bilhin ang mga ito at kung paano paganahin ang mga ito nang ligtas. Mas alamin ang tungkol sa reserbang kuryente.
Kaligtasan sa wildifre
Alamin ang tungkol sa Community Wildfire Safety Program
Patuloy na nakakaranas ang California ng pagtaas ng peligro ng wildfire at mahabang panahon ng wildifre. Alamin ang lahat ng ginagawa namin para pahusayin ang aming sistema ng kuryente. Mas alamin ang tungkol sa Community Wildfire Safety Program.
Suporta pagkatapos ng wildfire
Alamin kung paano simulan ang muling pagbangon. Bisitahin ang Wildfire Recovery Support.
PG&E Safety Action Center
Naghahanap ka ba ng mga tip kung paano maghanda para sa mga emergency at pagkawala ng kuryente? Bisitahin ang aming Safety Action Center para sa higit pang impormasyon.
7-Araw na forecast sa Lagay ng Panahon at Public Safety Power Shutoff ng PG&E
Bisitahin ang aming page ng lagay ng panahon para tingnan ang mga lagay ng panahong binabantayan namin.
Disability Disaster Access Program
Nakikipagtulungan kami sa California Foundation for Independent Living Centers Disability Disaster Access and Resources Program upang masuportahan ang pamayanan ng Access and Functional Needs (AFN). Bisitahin ang Disability Disaster Access & Resources Program.
Nakikipagtulungan ang PG&E sa California Network ng mga 211 para magbigay ng tulong sa mga kostumer na umaasa sa kuryente para sa mga problemang pangkalusugan. Ang 211 ay isang libre, kumpidensyal na serbisyong nagkakaloob ng 24/7 na mga koneksyon sa mga lokal na mapagkukunan at tumutulong sa pagpaplano sa kahandaan sa emergency. Para alamin ang higit pa tungkol sa 211, tumawag sa 211, i-text ang “PSPS” sa 211-211, o bumisita sa 211.org.
Wildfire Safety resources (Mga mapagkukunan ng tulong o impormasyon sa Kaligtasan sa Sunog na Mabilis Kumalat)
KALIGTASAN SA SUNOG NA MABILIS KUMALAT
SUPORTA SA PAGBANGON MULA SA SUNOG NA MABILIS KUMALAT
KAHANDAAN SA EMERGENCY
Wildfire Safety Webinars
Mga mapagkukunan ng tulong o impormasyon sa Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko
MGA MADALAS ITANONG
MGA PAG-UPDATE SA PAGKAWALA NG KORYENTE
MGA MAPA NG PAGPAPLANO
MAPA NG POTENSIYAL NA PAGKAWALA NG KORYENTE
LIVE NA MAPA NG PAGKAWALA NG KORYENTE
Humboldt Local Power Source Project (PDF, 1.7MB)
Iba pang mapagkukunan ng tulong o impormasyon ng PG&E
UPDATE SA KALIGTASAN AT PAGKA-MAAASAHAN (PDF, 3.11 MB)
PROGRAMANG MEDICAL BASELINE
MGA BACKUP GENERATOR
SAFETY ACTION CENTER
PARA SA 7 ARAW NA ULAT SA PANAHON AT PSPS
Mga tulong at impormasyon para sa pag-access, pinansyal, wika at pagtatanda.
Mga mapagkukunan ng impormasyon o tulong sa Programa ng Kaligtasan ng Komunidad sa Sunog na Mabilis Kumalat
CSWP
WILDFIRE MITIGATION PLAN (PLANO SA PAGPAPAGAAN SA EPEKTO NG SUNOG NA MABILIS KUMALAT)
PROGRAMA SA MGA INSPEKSIYON NG SISTEMA
PINAHUSAY NA PAMAMAHALA SA MGA TUMUTUBONG HALAMAN