Suporta sa pagbangon mula sa sunog na mabilis kumalat
Narito kami upang tumulong
Para alamin ang higit pa tungkol sa pagbabalik ng koryente, suportang pinansiya at proseso ng muling pagbuo.
Pagbabalik ng serbisyo ng gas at koryente pagkatapos ng isang sunog na mabilis kumalat
Kapag natanggap na ng mga kawani ng PG&E ang permiso mula sa mga unang tagaresponde na pumasok na sa isang lugar, magsisimula na sila ng proseo ng pagtaya, pagkumpuni at pagbabalik sa dati.
- Kapag ligtas gawin, unang hakbang ang pagtaya sa nangyaring pagkasira. Karaniwang nangyayari ito sa loob ng 12 hanggang 24 oras.
- Nasa kailangang lugar ang mga trabahador ng PG&E para gawing ligtas ang lugar sa pagbubukas ng koryente sa pamamagitan ng pagkumpuni ng mga pasilidad (poste, tore at conductor) ng PG&E.
- Batay sa kailangang oras para maisagawa ang kailangang pagkumpuni, ang isang tinatayang tagal ng pagbabalik ay matutukoy at maipapaalam sa kliyente.
- Kapag masyadong maraming sira ang isang tahanan o negosyo para ligtas na maibalik ang serbisyo, kailangang gawin muna ng kliyente ang pagkukumpuni bago maibalik ang serbisyo.
Kapag natanggap na ng mga kawani ng PG&E ang permiso mula sa mga unang tagaresponde para pumunta na sa isang lugar, magsisimula na sila ng pagsusuri ng mga impraistruka ng gas.
- Puwedeng simulan agad ang pagtataya at karaniwang natatapos sa lob ng 24 oras.
- Dapat munang linisin ang sistema ng linya ng gas at matanggalan ng hangin bago mapadaluyan ng gas ang linya at ligtas na makarating sa mga tahanan o negosyo.
- Kailangan sa proseso ng pagliinis na magpunta sa lugar ang gas technician para makita ang metro ng gas.
- Kailangan pagkaraan na pumunta muli sa bawat bahay o negosyo ang mga trabahador para buksan ang metro, tiyakin na ligtas ang lahat bago sindihan ang pilot lights para sa ligtas na operasyon. Dapat na naroon sa bawat lokasyon ang kliyente para mangyari ito.
- Ang mga alagad ng batas ang magsasabi kung kailan puwede nang bumalik sa lugar ang mga tao.
- Kapag bumalik kayo sa ari-arian ninyo at wala kayong serbisyo sa gas, tumawag sa PG&E sa 1-800-743-5000. Magtatrabaho kami para maibalik ang serbisyo sa pinakamabilis na paraan.
ALAMIN ANG HIGIT PA SA KALIGTASAN SA GAS
Hanapin ang identipikasyon mula sa PG&E
Ipinapaalala na may dalang identipikasyong PG&E ang mga empleyado at ang mga kinontrata namin at handa silang ipakita ito sa inyo. Hanapin ang valid na identipikasyon bago payagang pumasok sa tahanan ninyo ang sinumang nagsasabing kinatawan sila ng PG&E. Kung may identipikasyon ang taong nagsasabing empleyado siya ng PG&E pero may duda pa rin kayo, tawagan ang serbisyo sa kliyente ng PG&E sa 1-800-743-5000 para matiyak ang pagpunta ng PG&E sa komunidad ninyo.
Mga mapagkukunan ng impormasyon o tulong pagkatapos ng sunog na mabilis kumalat
Ayuda sa pinansiya
Kumuha ng impormasyon sa mga mapagpipilian na magagamit ninyo kasama ang: credit, pagsingil, programang batay sa kita at mabilis na serbisyo sa muling pagsisimula ng negosyo.
Ligtas na pagbalik sa tahanan
Makakuha ng payo sa kaligtasan para sa koryente at gas para sa proteksiyon ng inyong pamilya at tahanan.
Pagpapainit ng bahay nang walang serbisyo sa gas
Kung gumagamit kayo ng gas sa pagpapainit sa tahanan pero wala kayong serbisyo ngayon, repasuhin ninyo ang aming payo sa kaligtasan tungkol paggamit ng pamalit na pagpapainit.
Kailangan ba ninyo ng tulong sa muling pagtatayo ng tahanan o negosyo pagkatapos ng sunog na mabilis kumalat?
Ang aming Building and Renovation Services Department (Departamento ng Serbisyo sa Pagtatayo at Pag-aayos) ay direktang tumutulong sa mga kliyenteng naapektuhan ng mga sunog na mabilis kumalat. Importanteng kontakin agad ang PG&E kung kailangan ninyo ng tulong sa pagkumpuni o muling pagtatayo ng inyong tahanan o negosyo.
Pansamantalang maitayong muli ang enerhiya at kasunod na permanenteng enerhiya
Tumawag sa 1-877-743-7782 o magsumite ng aplikasyon sa "Your Projects" para masimulan ang proseso.
Ang aplikasyon para sa enerhiya ay isang proseso na maraming hakbang at may katagalan bago matapos. Nababalangkas sa mga sumusunod na dokumento ang mga tungkulin ng PG&E at ng kliyente.
I-download ang pampleto tungkol sa pagpapatayo muli pagkatapos ng malaking kapahamakan ng kalikasan (PDF, 218 KB)
I-DOWNLOAD ANG A SUMMARY OF THE APPLICATION PROCESS FOR TEMPORARY & PERMANENT POWER (PDF, 438 KB)
I-DOWNLOAD ANG THE SERVICE GUIDE (PDF, 155 KB)
REPASUHIN ANG MGA MADALAS ITANONG TUNGKOL SA BUILDING AND RENOVATION SERVICES NG PG&E
Wildfire Safety resources (Mga mapagkukunan ng tulong o impormasyon sa Kaligtasan sa Sunog na Mabilis Kumalat)
KALIGTASAN SA SUNOG NA MABILIS KUMALAT
SUPORTA SA PAGBANGON MULA SA SUNOG NA MABILIS KUMALAT
KAHANDAAN SA EMERGENCY
Wildfire Safety Webinars
Mga mapagkukunan ng tulong o impormasyon sa Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko
MGA MADALAS ITANONG
MGA PAG-UPDATE SA PAGKAWALA NG KORYENTE
MGA MAPA NG PAGPAPLANO
MAPA NG POTENSIYAL NA PAGKAWALA NG KORYENTE
LIVE NA MAPA NG PAGKAWALA NG KORYENTE
Humboldt Local Power Source Project (PDF, 1.7MB)
Iba pang mapagkukunan ng tulong o impormasyon ng PG&E
UPDATE SA KALIGTASAN AT PAGKA-MAAASAHAN (PDF, 3.11 MB)
PROGRAMANG MEDICAL BASELINE
MGA BACKUP GENERATOR
SAFETY ACTION CENTER
PARA SA 7 ARAW NA ULAT SA PANAHON AT PSPS
Mga tulong at impormasyon para sa pag-access, pinansyal, wika at pagtatanda.
Mga mapagkukunan ng impormasyon o tulong sa Programa ng Kaligtasan ng Komunidad sa Sunog na Mabilis Kumalat
CSWP
WILDFIRE MITIGATION PLAN (PLANO SA PAGPAPAGAAN SA EPEKTO NG SUNOG NA MABILIS KUMALAT)
PROGRAMA SA MGA INSPEKSIYON NG SISTEMA
PINAHUSAY NA PAMAMAHALA SA MGA TUMUTUBONG HALAMAN
Pagsisimula ng bagong serbisyo
Sundin ang aming mga payo, kagamitan at programa para pamahalaan ang inyong singilin, tuklasin ang mga paraan sa pagtitipid, at piliin ang pinakamainam na plano ng taas ng pagbabayad para sa inyo at inyong pamilya.