Public Safety Power Shutoff na suporta


icon ng mapagkukunang medikal Nagtratrabaho kami araw-araw para magbigay ng ligtas at maaasahang serbisyo. Bilang huling hakbang para mapanatili kang ligtas, maaari naming patayin ang kuryente habang malakas ang hangin para pigilan ang wildfire. Tinatawag ito na Public Safety Power Shutoff (PSPS).


May makukuhang dagdag na suporta kung ikaw o sinuman sa tahanan mo ay nakaasa sa kuryente para sa kalusugan at kaligtasan. Nag-aalok kami ng dagdag na mga resource para panatilihin kang ligtas bago, habang at pagkatapos ng PSPS, kasama ang pinataas na alerto at abiso.



Hanapin ang mga resource sa inyong county 

Makukuha ang mga resource sa iba’t ibang wika para matulungan kang maghanda para sa PSPS.

I-update ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Kumuha ng dagdag na alerto sa PSPS


Ipapadala ang mga alerto bago ang Public Safety Power Shutoff (PSPS) sa pamamagitan ng tawag, text at email. Ang mga kostumer ng Medical Baseline o Self-Identified Vulnerable na hindi tumutugon ay maaaring makatanggap ng dagdag na alerto sa PSPS, kasama ang oras-oras na tawag at pagpapatunog sa doorbell. Para ito masiguradong alam nila ang PSPS at makapaghanda.


Mahalagang rebyuhin at i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan para makontak ka namin.


Kung manganganib ang iyong kalusugan o kaligtasan kapag pinatay ang kuryente, ipaalam sa PG&E. May mga programa para suportahan ka at tiyaking natatanggap mo ang dagdag na mga alerto sa PSPS kung kailangan.



Mag-apply para sa Medical Baseline program

Mag-apply para sa Vulnerable Customer Status
Pangkalahatang abiso

Tumanggap ng mga alerto para sa alinmang address


Ang mga alerto sa address ay maaaring mag-abiso sa iyo tungkol sa posibleng PSPS sa alinmang address na mahalaga sa iyo o sa iyong mahal sa buhay. Hindi mo kailangang maging account holder para sa address.



Mag-sign Up para sa Address Alerts
medikal na tulong

Medical Baseline Program


Kung umaasa ka sa kuryente para sa ilang medikal na pangangailangan, maaaring karapat-dapat ka sa Medical Baseline Program. Kasama rito ang:


  • Karagdagang buwanang allotment ng kuryente sa pinakamababang presyo sa iyong kasalukuyang rate.
  • Karagdagang abiso bago dumating ang Public Safety Power Shutoff (PSPS). Maaaring kasama rito ang dagdag na tawag sa telepono o pagpapatunog sa doorbell para matiyak na makapaghahanda ka at mananatiling ligtas.


Mag-apply para sa Medical Baseline Program
icon ng pagtitipid sa kuryente

Portable Battery Program


Kung kostumer ka ng Medical Baseline, maaari kang maging karapat-dapat makakuha ng portable backup battery. Ang portable battery ay puwedeng makatulong paandarin ang mga device sakaling may power outage.

Alamin ang iba pa tungkol sa Portable Battery Program

icon ng mga rebate sa bayarin





Generator and Battery Rebate Program


Para makatulong bawasan ang epekto ng PSPS sa mga kostumer, gusto naming maging mas accessible ang backup power. Kung karapat-dapat ka sa programang ito, mag-aalok kami sa iyo ng $300 na rebate sa generator o battery.



Mag-apply para sa generator o Battery Rebate

Self-Generation Incentive Program


Ang Self-Generation Incentive Program (SGIP) ay makakatulong sa iyo na makatipid sa mga sistema ng imbakan ng enerhiya. Nag-aalok ang SGIP ng mga rebate para sa imbakan na baterya. Ang imbakan na baterya ay maaaring maging mahalagang bahagi ng iyong plano sa paghahanda kung mawalan ng kuryente.



Alamin ang higit pa tungkol sa SGIP at mag-apply
general verify icon





Disability Disaster Access and Resources Program


Ang Disability Disaster Access and Resources (DDAR) Program ay isang pagtutulungan sa pagitan ng PG&E at ng California Foundation for Independent Living Centers. Kung mayroon kang mga pangangailangang medikal at para sa independiyenteng pamumuhay, maaari kang tulungan ng programa. Matutulungan ka ng DDAR na:


  • Lumikha ng emergency plan
  • Mag-sign up para sa Medical Baseline Program
  • Mag-apply para sa portable backup battery
  • Maghanap ng ADA-accessible na sasakyang kotse at tutuluyang hotel habang nasa PSPS


Alamin ang iba pa tungkol sa DDAR Program at mag-apply online
211







211 partnership


Para makapagbigay ng suporta kung kailan pinakakailangan, nakipagtuwang kami sa California Network of 211s. Ang 211 ay libre, kumpidensiyal, 24/7 na serbisyo na puwedeng tumulong sa iyong humanap ng lokal na suporta habang nasa Public Safety Power Shutoff (PSPS). Ang 211 ay puwede ring tumulong sa emergency planning.


Community Resource Centers


Ang Community Resource Centers (CRC) ay nag-aalok ng ligtas na lugar kung saan mahahanap ang mga supply at makakuha ng mga update sa panahon ng Public Safety Power Shutoff. Maaaring magbigay ang mga Center ng:


  • ADA-accessible na mga palikuran
  • Device charging
  • Wi-Fi
  • Mga meryenda at nakaboteng tugig
  • Air conditioning at/o heating (indoor na mga center lamang)
  • Mga kumot at higit pa


Hanapin ang CRC na malapit sa iyo

Transportasyon papunta sa mga Community Resource Center

Kung kailangan mo ng accessible na transportasyon papunta sa CRC, makakatulong sa iyo ang mga partner na ito:



Pwede mong tawagan ang 211 para sa tulong sa paghahanap ng lokal na transportasyon. O, kung naka-enrol ka sa DDAR Program, pwede rin silang tumulong sa iyo.

Pampalit sa pagkain

Mapapanis ang pagkain sa iyong freezer o refrigerator kapag nawalan ng kuryente. Kung nakakaranas ka ng kawalan ng pagkain habang nasa Public Safety Power Shutoff (PSPS), narito kami para mag-alok ng suporta. Nakikipagtulungan kami sa:


  • Lokal na mga food bank para magbigay ng mga pamalit sa pagkain sa panahon ng isang PSPS at hanggang sa tatlong araw pagkatapos. Makukuha ang pagkain habang may supply. Ang ilang food bank ay maaaring may mga paghihigpit sa income.
  • Meals on Wheels para maghahatid ng pagkain sa karapat-dapat na mga senior. Para maging kuwalipikado sa serbisyong ito, dapat kang 60 taon o mas matanda, o asawa ng isang taong edad 60 o mas matanda. Nasa panganib ka rin dapat ng malnutrisyon at hindi kayang bumisita sa sentro ng Meals on Wheels. Kung sumali ka na sa programa at nakaranas ng PSPS, makakakuha ka ng dagdag na pagkain bawat araw ng PSPS.


Magpalista sa Meals on Wheels

Humanap ng Local Food Bank o Meals on Wheels Center

Humanap ng mga Tip sa Kaligtasan ng Pagkain Habang Walang Kuryente

CWSP Food Bank Fact Sheet (PDF, 143 KB)

Pagtuloy sa hotel at mga diskuwento

Kung nakararanas ka ng Public Safety Power Shutoff (PSPS), maaari kang makakuha ng nakadiskuwentong pagtuloy sa hotel. Kung nasa Disability Disaster Access and Resources (DDAR) Program ka, magpaabot sa kanila tungkol sa pagkuha ng accessible na pagtuloy sa hotel. Kung hindi ka kuwalipikado para sa DDAR Program, nag-aalok ng diskuwento ang sumusunod na mga hotel kung nakararanas ka ng PSPS:



Maaaring mag-iba ang mga bakante batay sa panahon at hindi ito garantisado. Ang PG&E ay hindi kaanib sa mga hotel na ito at hindi responsable para sa mga pagtuloy sa hotel.

Kumuha ng impormasyon sa iyong wika


Makukuha ang impormasyon sa Public Safety Power Shutoff information sa 16 na wika


Kung kailangan mo ng tulong sa pagsasalin para maunawaan at makapaghanda sa PSPS, makakakuha ng suporta mula sa mga resource at pakikipagtulungan sa wikang nakalista sa ibaba. Puwede ring tumulong sa pagsasalin sa higit sa 240 wika ang aming mga katuwang. Tumawag sa 1-866-743-6589 para malaman ang iba pa.


Para sa impormasyong nasa alternatibong format, tulad ng malalaking print, Braille o audio, mangyaring mag-email ng kahilingan sa PG&E sa CIACMC@pge.com Pakisama ang iyong pangalan, address sa koreo at numero ng telepono.

California Foundation for Independent Living Centers (ASL)