Pagpapatatag sa Sistema ng Kuryente
Pinapataas ang kaligtasan at pagka-maaasahan
Pinatitibay namin ang sistema ng kuryente para pigilan ang mabilis na kumakalat na apoy. Kasama sa trabahong ito ang paglalagay ng mas matitibay na mga poste at may takip na mga linya ng kuryente. Nagbabaon din kami sa lupa ng 10,000 milya ng linya ng kuryente sa kabuuan ng lugar ng aming serbisyo.
Kasama sa mga benepisyo ng trabahong ito ang:
- Nabawasang panganib ng mabilis na kumakalat na apoy
- Pinahusay na kaligtasan
- Higit na pagka-maaasahan
- Nabawasang pagkawala ng kuryente para sa kaligtasan
Panoorin ang aming video tungkol sa pagpapatibay ng sistema.
Para sa mapa ng trabaho sa pagpapatibay ng sistema, tingnan sa ilalim ng “Wildfire Safety Improvements” sa dropdown menu na kasama sa PSPS Planning Map. Nagdaragdag kami ng mas marami pang layer ng proteksyon para mapanatiling ligtas ang aming mga kostumer sa mga lugar na mataas ang panganib ng sunog. Bukod sa aming trabaho sa pagpapatibay ng sistema, pinahuhusay namin ang mga setting ng kaligtasan sa mga linya ng kuryente, inilalayo ang mga puno mula sa mga linya ng kuryente at patuloy na ini-inspeksyon at kinukumpuni ang kagamitan. Alamin ang tungkol sa aming trabaho para sa kaligtasan mula sa malaking sunog.
Saan nangyayari ang trabaho
Halos sangkatlo ng mga linya ng kuryente namin ang nasa lugar na mataas ang panganib ng sunog. Inuuna naming magtrabaho sa mga linyang pinakamataas ang panganib. Sa 2023, pagtitibayin namin ang 420 milya.
Nakikipagtulungan kami sa mga apektadong may-ari ng ari-arian at kapitbahay para magbahagi ng mga detalye tungkol sa kung ano ang aasahan sa bawat hakbang ng proseso. Gusto naming panatilihing alam at suportado ng aming mga kostumer ang mahalagang trabahong ito.
Ang pagpapatibay ng sistema o system hardening ay ang paglalarawan namin sa paglalagay ng mga kagamitan na idinisenyo at ginawa upang maging mas matibay laban sa epekto ng masamang panahon at mabawasan ang panganib ng sunog. Maaaring kabilang sa gawaing ito ang:
- Paglalagay ng mas matibay at mas matatag na mga poste
- Paglalagay ng mas malawak na mga cross-arm upang madagdagan ang agwat ng mga linya ng kuryente
- Sa mga kasong ito, ang pag-alis ng mga halaman sa paligid ng mga na-upgrade na linya ay maaaring mas makabuluhan kaysa sa naunang pagputol ng puno ngunit kinakailangang makatugon sa mga kinakailangan na pahintulot
- Pagpapalit ng mga walang takip na linya ng kuryente ng mas malalaking linyang may takip upang mabawasan ang panganib ng mga pagkawala ng kuryente na dulot ng mga halaman, mga ibon/hayop at upang maalis ang panganib ng pagdidikit ng mga linya ng kuryente na walang takip
- Paglalagay ng mga karagdagang poste sa pagitan ng mga kasalukuyang poste, pati na rin ang higit pang mga kableng pambatak sa poste o down guy wire at anchor upang masuportahan ang bigat ng mga linya ng kuryenteng may takip at upang matugunan ang mga bagong pamantayan ng utility
- Pag-alis ng mga linya ng kuryente na konektado sa mga puno, kilala rin bilang Tree Connects, at pagkonekta sa linya ng kuryente sa mas malakas, mas matatag na mga poste
- Pag-alis ng mga kagamitang elektrikal na nasa taas sa mga sitwasyon kung saan patuloy na maseserbisyuhan ang mga kostumer sa pamamagitan ng mga alternatibong paraan, kabilang ang Remote Grid
- Pagbabaon ng humigit-kumulang 10,000 milya ng mga pangdistribusyon na linya ng kuryente mismo sa o malapit sa mga lugar na mataas ang panganib ng sunog bilang bahagi ng wala pang katulad, maramihang taon na pagsisikap
- Ang pagpapalawak sa ating sistema ng kuryente sa ilalim ng lupa ay:
- Tumutulong na maiwasan ang mga malalaking sunog na dulot ng kagamitan
- Nagbabawas sa mga pagkawala ng kuryente para sa kaligtasan at pinapahusay ang pagkamaaasahan
- Nagbabawas sa pangangailangan para sa trabaho sa puno sa hinaharap
- Nagpoprotekta sa kapaligiran
- Sa karamihan ng mga kaso, maaari pa ring may mga poste para suportahan ang natitirang mga linya sa itaas at kagamitang pangtelekomunikasyon
- Para sa higit pang impormasyon at mga mapa, bisitahin ang Undergrounding Electric Powerlines
- Ang pagpapalawak sa ating sistema ng kuryente sa ilalim ng lupa ay:
Upang ligtas na maisagawa ang gawaing pagpapatibay na ito, maaaring kailanganin naming tugunan ang ilang mga puno o palumpong na masyadong malapit sa kagamitang de-kuryente. Maaaring kabilang sa gawaing ito ang:
- Pagtabas o pagputol sa mga patay, may sira o namamatay na mga puno na maaaring makakompromiso sa mga linya ng kuryente
- Pagpapanatili ng pinakamababang agwat na 4 na talampakan sa paligid ng mga linya ng kuryente sa mga lugar na may mataas na panganib ng sunog at paglalagay ng pinakamababang agwat na 12 talampakan o higit pa sa panahon ng pagtabas
- Sa ilang kaso, ang pagputol ng mga puno at palumpon sa loob ng 12 talampakan ng mga linya ng kuryente upang ligtas na mailagay o maibaon ang bagong kagamitang de-kuryente
Para sa karagdagang impormasyon, alamin kung paano namin pinangangasiwaan ang mga puno at halaman..
Nais naming mabigyan ka ng kaalaman sa bawat hakbang sa proseso. Bilang bahagi ng aming gawaing pagpapatatag ng sistema, maaari mong maranasan ang mga sumusunod:
- Sa maraming mga kaso, ang mga puno o palumpong ay kailangang putulin o tabasan upang maabot at ligtas na matapos ang gawaing konstruksiyon.
- Maaaring gawin ng iba't ibang kumpanyang kontratista ang trabaho depende sa mga pangangailangan ng proyekto. Ang lahat ng tauhan ay kinakailangang magdala ng pagkakakilanlan.
- Maaari kang makakita ng mga sasakyan ng PG&E at kontratista, pati na rin ang malalaking kagamitan sa konstruksyon, sa inyong kapitbahayan. Ipapatupad ang mga hakbang sa pagkontrol sa trapiko at gagawin namin ang lahat ng pagsisikap na limitahan ang ingay sa konstruksyon.
- Maaaring kailanganin na patayin ang kuryente nang maraming beses sa kabuuan ng proyekto upang ligtas na matapos ang trabaho. Ang mga apektadong kostumer ay makakatanggap ng paunang abiso. Pakitandaan na ang mga ito ay hindi PSPS na pagkawala ng kuryente.
- Maaaring makaranas ang mga kostumer ng paputol-putol na mga pagsasara ng kalsada o linya, pagkaantala sa trapiko at/o ingay at aktibidad ng konstruksyon. Bukod dito, maaaring kailanganin din ang mga crane at/o helikopter upang makumpleto ang proyektong ito.
- Alam namin na maaaring makagambala ang gawaing ito. Pinahahalagahan namin ang iyong pasensya at nagsusumikap kaming mabawasan ang abala.

Bilang tugon sa lumalaking panganib ng sunod sa ating estado, pinapahusay natin ang ating gawaing pangkaligtasan at panghalaman. Ang ating tututukan ay sa pagtugon sa mga halaman na nagdudulot ng mas mataas na potensyal na panganib ng sunog sa mga lugar na may mataas na banta ng sunog gaya ng itinalaga ng California Public Utilities Commission (CPUC). Alamin ang tungkol sa aming gawaing pangkaligtasan sa mga halaman sa mga lugar na may mataas na banta ng sunog.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kaligtasan sa mabilis na kumakalat na apoy, kontakin kami sa wildfiresafety@pge.com o sa 1-877-295-4949.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa pagbabaon sa ilalim ng lupa, kasama ang mga mapang nagpapakita ng tinatayang lokasyon ng trabaho, bisitahin ang Undergrounding Electric Powerlines.