Tiyakin na alam ng inyong pamilya ang gagawin kapag may matinding lagay ng panahon, sakunang dulot ng kalikasan, o iba pang mapanganib na pangyayari. Posibleng mabilis na maganap ang ganoong mga pangyayari at mabigla tuloy kayo. Unahin na ang paggawa ng planong pang-emergency ngayon.
Tiyakin na alam ng lahat ng miyembro ng kabahayan kung ano ang gagawin kapag may emergency. Isipin na posibleng hindi magkakasama ang lahat magkakasama kapag naganap ang pangyayari. Gamitin ang mga sumusunod na gabay upang manatiling ligtas:
Tumulong para matiyak na handa ang inyong ari-arian at tahanan sa mga emergency sa pamamagitan ng mga sumusunod na gabay:
Nagbibigay ang PG&E ng karagdagang impormasyon at pinakamahuhusay na mga hakbang para sa emergency. Bisitahin ang alinman sa mga sumusunod na pahina ng PG&E para malaman ang iba pang bagay tungkol dito.
Mag-imbak ng sapat na mga supply na tatagal nang isang linggo. Ilagay ang mga produkto sa mga sisidlang ligtas sa pagkabasa at iimbak ang mga ito sa lugar na madaling makuha. Alamin ang iba pang bagay tungkol sa paggawa ng kit. Bisitahin ang Kahandaan sa Emergency (Emergency Preparedness) | Gumawa ng supply kit (Create a supply kit).
Alamin kung paano maghanda para sa malalakas na bagyo sa mga sumusunod na artikulo. Bisitahin ang Kung Paanong Makapapaghahanda ang mga May-ari ng Bahay na may Solar sa Bubong para sa mga Bagyo ng Taglamig (How Rooftop Solar Homeowners Can Prepare for Winter Storm).
Kung minsan, nakakasanhi ng pagkawala ng koryente ang bagyo at iba pang pangyayari. Sa oras ng gayong pangyayari at pagkatapos nito, lumayo sa mga lugar na binaha at sa mga punong bumagsak. Posibleng nagkukubli ang mga lugar na ito ng kableng may koryente pa. Agad na tumawag sa 9-1-1 kapag nakasaksi kayo ng bumagsak na kable ng koryente. Pagkatapos, tawagan ang PG&E sa 1-800-743-5000.
Alamin ang iba pang bagay tungkol sa kaligtasan sa panaahon ng bagyo o sa pagkawala ng koryente. Bisitahin ang mga Bagyo, Pagkawala ng Koryente o Gas at Kaligtasan (Storms, Outages and Safety).
Lumabas sa lugar kapag nakaamoy kayo ng natural na gas o inaakala ninyong may sumisingaw na gas. Buksan ang mga bintana at pinto sa inyong paglabas, at sabihin agad ito sa mga emergency response team (pangkat na agad na tumutulong sa panahon ng emergency). Tawagan muna ang 9-1-1, at pagkatapos ang PG&E sa 1-800-743-5000, kapag nasa ligtas na kayong layo sa gusali.
Alamin ang iba pang bagay tungkol sa pagkawala ng gas. Bisitahin ang Mga Pagkawala ng Gas (Gas Outages)..
Manatiling alam ang mga impormasyon sa pamamagitan ng pagpaparehistro upang makatanggap ng mga babala tungkol sa pagkawala ng koryente o gas. Puwede namin kayong kontakin kapag may pagkawala ng koryente o gas sa inyong lugar at ipapaalam namin sa inyo kung kailan inaasahang maibabalik ang serbisyo. Pumili ng paraan ng pag-aabiso sa pamamagitan ng text, telepono o email.
Magsimula sa pag-la-log in sa inyong PG&E account at sa pagpili kung ano-anong paraan ng pag-aabiso ang gusto ninyo Bisitahin ang Inyong Account.
May mga hakbang sa pag-iingat ang PG&E para makatulong na mabawasan ang panganib sa mga wildfire o mabilis na kumakalat na sunog. Layunin namin na tulungan ang mga kostumer na maghanda at manatiling ligtas sa panahon ng mga pangyayari na matindi ang panahon, kasama na ang pagpapadala ng abiso kung kailan at kung saan posibleng patayin ang koryente para sa kaligtasan.
Para sa kaligtasang pampubliko, posibleng kailangan naming pansamantalang patayin ang koryente sa mga lugar na mataas ang panganib na magkasunog kapag nagkaroon ng matinding kalagayan sa sunog. Susubukin naming maagang kontakin ang mga kostumer upang matiyak na magkakaroon ng sapat na oras para makapaghanda.