Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
Tiyakin na alam ng inyong pamilya kung ano ang gagawin kapag nagaganap ang matinding panahon, likas na mga sakuna o hindi inaasahang mga pangyayari. Maglaan ng panahon sa araw na ito upang gumawa ng isang emergency plan.
Gumawa ng plano kasama ang lahat ng miyembro ng inyong sambahayan para masiguro na ang bawat isa ay mananatiling ligtas kapag nagaganap ang mga emergency, Para magplano nang pauna, gamitin ang sumusunod na mga patnubay:
Alamin kung ano ang natutunan ng isang pamilya sa pagpapraktis sa isang emergency na paglikas.
Magsagawa ng pangkaligtasang pagsusuri sa paligid ng inyong pamamahay. Kapag nagtatasa, gamitin ang sumusunod na mga patnubay:
Para makatulong sa mga kostumer na mananatiling ligtas, nag-aalok ang PG&E ng karagdagang impormasyon at mahuhusay na mga gawain para sa mga emergency.
Mag-stock ng sapat na mga supply na aabot nang isang linggo. Ilagay ang mga item sa mga sisidlan na waterproof at iimbak ang mga ito sa isang lugar na madaling maabot. Alamin ang mas marami pa tungkol; sa kung paano ihanda ang emergency kit
Ang mga bagyo at ibang mga sitwasyon ay minsan sanhi ng pagkawala ng kuryente. Sa panahon at pagkatapos ng nasabing mga sitwasyon, lumayo sa natumbang linya ng kuryente, mga binahang lugar at natumbang mga punong-kahoy. Tandaan na ang tubig-baha at debris ay maaaring magkukubli sa mga kable ng kuryente na may kuryente. Tawagan kaagad ang 9-1-1 kapag may nakitang natumbang linya ng kuryente. Tawagan pagkaraan ang PG&E sa 1-800-743-5000.
Alamin ang mas marami pa tungkol sa kaligtasan sa panahon ng bagyo o pagkawala ng kuryente.
Lumikas mula sa lugar kapag nakakaamoy kayo ng natural gas o naghihinalang may tumagas na gas. Buksan ang mga bintana at mga pintuan sa paglabas ninyo at abisuhan kaagad ang mga emergency response team. Tawagan muna ang 9-1-1 pagkatapos ay ang PG&E sa 1-800-743-5000, kapag nasa ligtas na distansya na kayo mula sa gusali.
Alamin ang mas marami pa tungkol sa mga gas outage.
Manatiling may-alam sa pamamagitan ng pag-sign up para sa mga outage alert. Maaari namin kayong kontakin kapag may outage sa inyong lugar at ipaalam sa inyo kung kailan namin inaasahan na maibabalik ang serbisyo. Pillin na maabisuhan sa text, telepono o email.
Magsimula sa pamamagitan ng pag-login sa inyong PG&E account at pagtatakda sa mga kagustuhan sa pag-aabiso. Bisitahin ang Inyong Account.
Para matulungan kayo na manatiling ligtas at may-alam tungkol sa Public Safety Power Shutoffs, gumawa kami ng Address Alerts. Ang tool na ito ay mag-aabiso sa inyo tungkol sa posibleng Public Safety Power Shutoff sa alinmang address na mahalaga sa inyo o sa isang mahal sa buhay. Kahit na wala kayong account sa PG&E, puwede pa rin kayong mag-sign up para sa Address Alerts, Mag-sign up para sa Address Alerts.
Patuloy na nagbabago ang
PG&E upang mapalakas at mapagbuti ang aming sistema para sa kaligtasan ng aming mga kostumer at mga komunidad.
Para matiyak na matatanggap ninyo ang mensahe kung ang isang darating na pagkawala ng kuryente ay makakaapekto sa inyong pamamahay o negosyo, mahalaga na nasa amin ang inyong kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Nagbibigay kami ng isang serye ng mga babasahin na magbibigay kaalaman sa mga bata sa kindergarten hanggang grade 6 tungkol sa kahalagahan ng kahandaan sa emergency sa isang masaya at nagpapakampanteng paraan.