Puwedeng maging bahagi ng alinmang plano sa kahandaan ang mga backup electric generator. Alamin ang kailangan ninyong malaman tungkol sa paggamit ng generator.
Gumagana ang mga backup electric generator bilang nakapagsasariling mapagkukunan ng koryente at hindi konektado ang mga ito sa sistema ng elektrisidad ng PG&E. Karaniwang pinagagana ang mga generator ng solar (mula sa araw) na enerhiya, kung saan may back-up storage, baterya, natural gas, propane o diesel.
Handa na ba kayong mag-solar? Alamin ang higit pa sa inyong mapagpipilian.
Mga kostumer ng solar, pakitandaan: Sa oras ng pagkawala ng koryente, hindi gagana ang inyong sistemang solar maliban na lamang kung nakadisenyo itong gumana nang kasama ng baterya o standby na generator. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa inyong tagabigay ng serbisyo.
Ang mga electric backup generator ay kayang mapasindi ang mga ilaw, at nakakatulong upang patuloy na mapagana ang mga kasangkapan, mapanatiling hindi nasisira ang pagkain, at mapagana ang mahahalagang kagamitan at elektronikong kasangkapan sa oras ng pagkawala ng koryente.
Posible ring mahal, maingay, at sanhi ng panganib sa kaligtasan ang mga generator. Mahalagang maintindihan kung paano ligtas na mapagagana ang inyong generator bago pa mangyari ang isang emergency. Ang ibig sabihin nito, kailangang magsagawa ng regular na pagtiyak ng kaligtasan at siguraduhin na mayroon kayong sapat na gasolina na magagamit sa loob ng ilang araw.
Pangangailangan sa koryente
Nagmamay-ari ba kayo ng ilang kasangkapan o kagamitan na kailangang patuloy na gumana sakaling mawalan ng koryente? Gaano kahalaga na may koryente kayo sa panahon ng matagalang pagkawala ng koryente? Talagang mahalaga ito sa kostumer na umaasa sa kagamitang life-support o kailangan ng espesyal na kahingiang pagpapainit o pagpapalamig para sa medikal na kondisyon.
Ingay
May mga ordinansa ba ang komunidad kung saan kayo nakatira o nagtatrabaho na naglilimita ng pinahihintulutang antas ng decibel o lakas ng ingay para sa panlabas na kagamitan?
Halaga
Posibleng magkahalaga ng ilang libong dolyar ang mga generator. Pag-isipan ang kagyat na mga pangangailangan kapag pinag-aralan ninyo kung aling generator ang pinakamabuting mapipili para sa inyo.
Kapag nagdesisyonna kayong bumili ng generator, hanapin ang angkop na gagana para sa inyo. Kasama sa mga salik o factor na dapat isasaalang-alang ang:
Nakakalikha ang mga generator ng sapat na koryente para paganahin ang inyong telepono at laptop o suplayan ng koryente ang kabuuan ng inyong tahanan.
Posibleng ang mga alalahaning pangkapaligiran, kakayahan na magamit, mababang presyo, at magagamit na espasyo para sa ligtas na pagtatago sa generator ang siyang magtakda ng inyong mapipili.
Kung hindi ninyo naiintindihan kung paano paganahin ang inyong generator, inilalantad ninyo sa pagkasira ang inyong ari-arian, sa panganib ang inyong buhay at ang mga buhay ng mga kawani ng PG&E na posibleng may ginagawa sa mga linya ng koryente sa inyong komunidad.
PARA SA INYONG KALIGTASAN: Intindihin at sundin ang lahat ng mga instruksiyong pangkaligtasan na ibinigay ng tagamanupaktura. Huwag ikabit ang alinmang generator sa iba pang mapagkukunan ng koryente, kasama na ang mga linya ng koryente ng PG&E.
Hindi gumagawa ang PG&E ng anumang pag-eendoso o rekomendasyon. Nasa ibaba ang representanteng listahan ng mga taga-suplay at kontratista na makakatulong sa inyo. Hindi kasama ang lahat sa listahan. Deretsong makipag-ugnayan sa mga tagabenta para sa karagdagang impormasyon, kasama na ang Mga Madalas itanong (FAQs), presyo, at pagpipinansiya.
Kung ihahambing sa mga generator, puwede ninyong magamit ang mga nabibitbit na power station at battery technology sa pagcha-charge ng anumang bagay mula sa telepono hanggang sa refrigerator, at lahat ng bagay na nasa pagitan ng mga ito. Nagagamit ang mga solusyong ito sa loob at labas ng bahay, nang walang ingay, usok, o pagmamantini ng tradisyonal na de-gasolinang generator.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga nabibitbit na power station at battery technology bisitahin ang Marketplace ng PG&E.
Retailer | Nagbebenta ng produkto | Nagpaparenta ng produkto | Gumagawa ng instalasyon ng produkto | |
---|---|---|---|---|
Oo |
Hindi |
Hindi |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
Retailer | Nagbebenta ng produkto | Nagpaparenta ng produkto | Gumagawa ng instalasyon ng produkto | |
---|---|---|---|---|
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Hindi |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
||
Oo |
Oo |
Oo |
Nagbibigay ang PG&E ng insentibo sa pagpipinansiya para sa mga pangnegosyo o residensiyal na kostumer na gumagawa ng instalasyon ng bago at kuwalipikadong kagamitan tungo sa paglkha at pag-iimbak ng enerhiya.