Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
Mababayaran ninyo ang inyong singil sa enerhiya gamit ang anuman sa mga kasunod na madaling paraan.
Kapag nag-sign up kayo sa nauulit na pagbabayad, awtomatikong nababayaran ang inyong mga bayarin ng inyong credit card, debit card o ng inyong account sa bangko. Mapipili ninyo kung kailan ninyo gustong bayaran ang inyong bayarin, magtakda ng petsa kung kailan ninyong gustong tumigil ang nauulit na pagbabayad at kahit magtakda ng pinakamataas na halaga ng ibabayad. Narito ang mapagpipilian ninyong paraan ng pagbabayad:
Magtakda ng mga nauulit na pagbabayad sa inyong online account na PG&E.
*Bakit ko kailangang magbayad ng convenience fee?
Nakipagtulungan na ang PG&E sa independiyenteng tagabigay ng serbisyo sa pagbabayad para makapili kayo sa paggamit ng credit card o elektronikong tseke sa pagbabayad. Sinisingil ng independiyenteng tagabigay ng serbisyo sa pagbabayad ang convenience fee. Hindi pinahihintulutan ng California Assembly Bill 746 (AB 746, naisabatas noong 2005) ang mga kompanya sa enerhiya, pati ang PG&E, na maipataw ang mga gastos na ito sa lahat ng kostumer. Tanging ang mga kostumer lamang na pumili sa serbisyong ito ang sisingilin ng convenience fee.
Ayaw ba ninyong magbayad ng convenience fee? Mag-sign in sa Ang Account Ninyo gamit ang inyong username at password at magbayad nang minsanan o magtakda ng nauulit na pagbabayad sa inyong checking o savings account nang libre!
Puwede kayong magbayad online bilang rehistradong user--o bilang minsanang user na hindi kailangan ang rehistrasyon.
Kasunod ang mapagpipiliang paraan ng pagbabayad ng mga rehistradong user:
Mag-sign in bilang rehistradong user. Bumisita sa Account Ninyo.
*Bakit ko kailangang magbayad ng convenience fee?
Nakipagtulungan na ang PG&E sa independiyenteng tagabigay ng serbisyo sa pagbabayad para makapili kayo sa paggamit ng credit card o elektronikong tseke sa pagbabayad. Sinisingil ng independiyenteng tagabigay ng serbisyo sa pagbabayad ang convenience fee. Hindi pinahihintulutan ng California Assembly Bill 746 (AB 746, naisabatas noong 2005) ang mga kompanya sa enerhiya, pati ang PG&E, na maipataw ang mga gastos na ito sa lahat ng kostumer. Tanging ang mga kostumer lamang na pumili sa serbisyong ito ang sisingilin ng convenience fee.
Ayaw na ninyong magbayad ng convenience fee? Mag-sign in sa Account Ninyo gamit ang inyong username at password at magbayad nang minsanan o magtakda ng nauulit na mga pagbabayad sa inyong checking o savings account nang libre!
Para magbayad ng inyong mga singil sa enerhiya gamit ang telepono, tumawag sa 1-877-704-8470, at ihanda ang inyong account number na may 11-numero.
Anuman ang ginagamit ninyo, bank account man o credit o debit card, may $1.35 na convenience fee.*
*Bakit ko kailangang magbayad ng convenience fee?
Nakipagtulungan na ang PG&E sa independiyenteng tagabigay ng serbisyo sa pagbabayad para makapili kayo sa paggamit ng credit card o elektronikong tseke sa pagbabayad. Sinisingil ng independiyenteng tagabigay ng serbisyo sa pagbabayad ang convenience fee. Hindi pinahihintulutan ng California Assembly Bill 746 (AB 746, naisabatas noong 2005) ang mga kompanya sa enerhiya, pati ang PG&E, na maipataw ang mga gastos na ito sa lahat ng kostumer. Tanging ang mga kostumer lamang na pumili sa serbisyong ito ang sisingilin ng convenience fee.
Ayaw na ninyong magbayad ng convenience fee? Mag-sign in sa Account Ninyo gamit ang inyong username at password at magbayad nang minsanan o magtakda ng nauulit na mga pagbabayad sa inyong checking o savings account nang libre!
Para makapagbayad sa koreo, gumawa ng tseke na nakapangalan sa PG&E at ipadala ito, kalakip ang remittance stub ng singil sa enerhiya, sa address ito:
PG&E
P.O. Box 997300
Sacramento, CA 95899-7300
Maaari mong bayaran nang personal ang iyong bill sa isa sa mga awtorisadong sentro ng pagbabayad ng kapitbahayan.
Hanapin ang isang malapit sa inyo. Maghanap ng isang sentro ng pagbabayad ng kapitbahayan.
Sundan buong taon ang inyong mga bayarin gamit ang Mababang Singil (Budget Billing).