Humanap ng tulong sa pagbabayad ng inyong singil o pagtitipid sa enerhiya
Humanap ng mga solusyon para matulungan at makatipid kayo
Nag-aalok ang PG&E ng maraming programa na makatutulong sa inyong makatipid sa pera at enerhiya. Sa hirap ng buhay ngayon, nakatuon kami sa pagtugon sa mga pangangailangan ng aming mga kostumer. Ipinagmamalaki ng PG&E na maging bahagi ng komunidad na aming pinaglilingkuran. Kung sama-sama, malulutas natin ang mga problema.
Humingi ng tulong sa pamamahala ng inyong problema sa bayarin at paggamit ng enerhiya
Nagpapaliwanag ang mga kasunod na seksiyon kung paano kayo makahihingi ng tulong sa pagtitipid sa bayarin at sa paggamit ng enerhiya.
MINSANANG TULONG
Makahihingi kayo ng tulong sa mga sumusunod na paraan:
- Makahihingi kayo ng tulong sa mga sumusunod na paraan: Makakatanggap kayo ng isang beses na credit sa enerhiya nang hanggang $300 sa pamamagitan ng Relief for Energy Assistance through Community Help (REACH) (nakadepende sa pagkakaroon ng magagamit na pondo ang suportang credit sa enerhiya). Nakakatulong sa inyo ang programang ito na makabayad para sa enerhiya sa panahon ng biglaang kagipitan. Itinataguyod ng PG&E ang REACH at pinamamahalaan ng Dollar Energy Funds ang programa mula sa 170 opisina sa Hilaga at Gitnang California. Bumisita sa REACH (Relief for Energy Assistance through Community Help).
PAKITANDAAN: Magagamit lang ang REACH nang isang beses sa loob ng 12 buwan at kwalipikado dapat ang kostumer sa programa. - Nagbibigay ang Low-Income Home Energy Assistance Program (LIHEAP) ng tulong pinansiyal na hanggang $1,000 para mabayaran ang mga kwalipikado ninyong gastos sa enerhiya sa bahay kabilang ang inyong singil para sa heating, cooling, at mga gastos para sa weatherization. Ang pagiging kwalipikado sa programa ay nakabatay sa mga pederal na alituntunin sa kita. Tumawag sa 211 o sa (866) 675-6623 para sa mga alituntunin sa kita at listahan ng mga kasaling ahensya na makakatulong sa inyo na mag-apply.
Ang LIHEAP ay pinopondohan ng U.S. Department of Health and Human Services, Administration for Children and Families, Office of Community Services.
MAS MATAGALANG PAGTULONG
Ang mga sumusunod ang mga paraan sa pagbabawas ng gastos at pagtitipid ng enerhiya:
- Paglapitin ang inyong matataas at mabababang buwanang bayarinl sa pamamagitan ng Mababang Bayarin (Budget Billing). Gamit itong plano, halos pareho lamang ang inyong bayarin sa buong taon, kahit sa panahong tag-init o taglamig. Alamin ang tungkol sa Mababang Bayarin.
- Makatipid ng 20 porsiyento o higit pa sa inyong buwanang bayarin sa gas at koryente sa pamamagitan ng pag-eenroll sa Programang California Alternate Rates for Energy (CARE).Alamin ang tungkol sa CARE.
- Tumanggap ng buwanang diskuwento sa mga bayarin sa koryente kung mayroong tatlo o higit pang tao sa inyong kabahayan. Mag-enroll sa Programang Programa para sa Pagtulong sa Pamilya sa Singil sa Koryente (Family Electric Rate Assistance, FERA) Alamin ang tungkol sa FERA.
- Tumanggap ng tulong kung kostumer kayo na may natatanging pangangailangan kaugnay ng medikal na kondisyon. PAKITANDAAN: Hindi batay sa kita ang programang ito. Mag-apply para sa Medical Baseline Allowance (tulong para sa kostumer na may mga espesyal na medikal at pang-enerhiya na pangangailangan). Alamin ang tungkol sa Medical Baseline Allowance.
- Sa Green Saver Program ng PG&E, nabibigyan ng kakayahan ang mga residensyal na kostumer na kwalipikado batay sa kita na nasa mga piling komunidad na makatipid ng 20% sa kanilang singil ng kuryente sa pamamagitan ng pag-subscribe sa 100% solar energy. Bisitahin ang Green Saver Program.
PAGBABAWAS NG ENERHIYA AT WEATHERIZATION (PAGPROTEKTA SA GUSALI MULA SA INIT AT LAMIG)
Pahusayin ang pagka-episyente sa pagkonsumo ng enerhiya ng inyong tahanan nang walang gastos sa pagbabago tulad ng pag-iilaw, pagkalantad sa pagkasira, hakbang sa pagtitipid ng tubig at higit pa sa pamamagitan ng pag-e-enroll sa Programa ng Pagtulong sa Pagtitipid ng Enerhiya. Bumisita sa Programa ng Pagtulong sa Pagtitipid ng Enerhiya.
Tumanggap ng tulong sa init, lamig, at weatherproofing (pagprotekta sa gusali mula sa init at lamig) sa pamamagitan ng Programa sa Enerhiya para sa Tahanang Mababa ang Kita (Low-income Home Energy Assistance Program, LIHEAP). Pinangangasiwaan ng Departamento ng mga Serbisyo at Pagpapaunlad ng Komunidad (California Department of Community Services and Development, CSD) ang programang pederal na ito, na pinatatakbo ng 48 ahensiya para sa pag-aksiyon sa buong estado. Nag-aalok ng dalawang uri ng tulong ang LIHEAP:
- Tulong sa pagpapainit o pagpapalamig ng mga tahanan.
- Tulong sa weatherproofing ng mga tahanan.
Binibigyan ng higit na priyoridad ang ilang kostumer:
- Mga pamilyang gumagasta ng malaking bahagi ng kanilang kita sa enerhiya.
- Pamilyang may mga miyembrong matanda o may kapansanan.
- Mga pamilyang may mga batang may edad na mababa sa tatlong taon.
Tumawag sa 2-1-1 para mga tuntunin sa kita ng LIHEAP at isang listahan ng mga ahensiya, o bumisita sa Departamento ng mga Serbisyo at Pagpapaunlad ng Komunidad ng California (California Department of Community Services & Development).
MGA AREGLO SA PAGBABAYAD (PAYMENT ARRANGEMENTS)
Kailangan ba ninyo ng mas matagal na panahon sa pagbabayad? Panatilihin ang inyong serbisyo sa paggamit ng Mga Areglo sa Pagbabayad. Makakapag-iskedyul kayo ng pagbabayad ng kasalukuyang balanse ninyo sa loob ng ilang buwan para makatulong sa inyong mapamahalaan ang mga pansamantalang aberya sa pinansiya. Mag-sign-in sa Inyong Account at pumunta sa Mga Pagpipilian sa Pagbabayad (Payment Options). Piliin ang Mga Areglo ng Pagbabayad (Payment Arrangement) at piliin ang mga pagpipilian na pinakaangkop sa inyo:
- Ang Mga Hulugan (Installments) ay magpapahintulot sa inyo na mapatagal ang inyong kasalukuyang balanse sa loob ng ilang buwan nang hanggang 12 hulog.
- Ang Ekstensiyon ay magpapahintulot sa inyo na bayaran ang kabuuang halaga sa isang petsa sa hinaharap. Isulat lamang ang petsa kung kailan ninyo gustong bayaran ang kabuuang halaga.
BUMISITA SA MGA AREGLO SA PAGBABAYAD (PAYMENT ARRANGEMENT)
ARREARAGE MANAGEMENT PLAN (AMP)
Alam namin ang kahalagahan ng maaasahang gas at kuryente para sa aming mga kostumer, kaya naman nag-aalok kami ng mga programa sa pinansiyal na tulong. Sa Pebrero 2021, ilulunsad namin ang Arrearage Management Plan (AMP) — isang bagong opsyon ng plano sa pagbabayad para tulungan ang mga kwalipikadong residensyal na kostumer na mabawasan ang mga hindi pa nababayarang balanse sa kanilang mga singil. Upang malaman kung kwalipikado ka para sa AMP, o upang mag-apply ngayon, mangyaring mag-log in sa iyong PG&E account sa pge.com o tumawag sa 1-800-743-5000.
Sino ang puwedeng sumali sa AMP?
Para maging kwalipikado sa planong ito, isa dapat kayong residensyal na kostumer at natutugunan dapat ninyo ang lahat ng kinakailangan para sa pagiging kwalipikado. Dapat kayo ay:
- Naka-enroll sa isa sa mga programa sa pinansiyal na tulong ng PG&E, CARE o FERA.
- May utang na hindi bababa sa $500 o pataas sa inyong singil sa gas at kuryente, o may utang na hindi bababa sa $250 o pataas sa inyong singil sa gas (para sa mga kustomer na gas lang).
- Lampas 90 araw nang hindi nakakabayad.
- Maging kostumer ng PG&E sa loob ng hindi bababa sa 6 na buwan, at nakapagbayad sa tamang oras ng kahit man lang isang beses.
MAKAKITA NG MGA DAGDAG NA TIP SA KUNG PAANO BABASAHIN ANG INYONG SINGIL PARA KUMPIRMAHIN ANG MGA KINAKAILANGAN SA PAGIGING KWALIPIKADO SA ITAAS
Kasalukuyang hindi puwedeng sumali sa AMP ang mga kostumer ng net energy metering (NEM), mga kostumer na gumagamit ng master meter, at mga kostumer na gumagamit ng master meter na may mga naka-sub meter na tenant.
Paano ako mag enroll?
Mangyaring mag-log in sa iyong PG&E account online sa pge.com:
- Hakbang 1: Maghanap ng banner ng Arrearage Management Plan (AMP) sa itaas ng iyong screen para matukoy kung kwalipikado ka.
- Hakbang 2: Piliin ang “Tingnan kung paano magpatala”
- Hakbang 3: Maaaring mag-apply online ang mga kwalipikadong kostumer ng AMP sa pamamagitan ng aming awtomatikong serbisyo sa pagpapatala; o hihilingin na tawagan ang 1-800-743-5000 upang magabayan sa aming programa at proseso ng aplikasyon
- Hakbang 4: Kapag naaprubahan, makakatanggap ka ng abiso ng kostumer na nagkukumpirma sa iyong pagpapatala
O mangyaring tawagan kami sa 1-800-743-5000 para makapagsimula:
- Hakbang 1: Ipapaalam sa iyo ng aming awtomatikong serbisyo kung kwalipikado ka para sa Arrearage Management Plan (AMP).
- Hakbang 2: Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong kostumer ng AMP sa pamamagitan ng telepono sa pamamagitan ng aming serbisyong awtomatikong pagpapatala O mailipat sa isang Customer Service Representative (CSR) para magabayan ka sa aming programa at proseso ng aplikasyon.
- Hakbang 3: Kapag naaprubahan, makakatanggap ka ng abiso ng kostumer na nagkukumpirma sa iyong pagpapatala.
Mga Madalas Itanong (FAQ)
Pagkatapos kong maitala sa AMP, paano ko titingnan ang aking mga detalye sa pagpapatala at kasalukuyang katayuan?
- Hakbang 1: Mag-log in sa iyong PG&E account online sa pge.com
- Hakbang 2: Piliin ang “Tingnan ang iyong Arrearage Management Program” na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng dashboard ng iyong PG&E account
- Hakbang 3: Kapag napili na, ipapakita ang iyong kasalukuyang mga detalye sa pagpapatala sa AMP sa talahanayan ng detalye ng pagpapatala
Kailan magiging available sa publiko ang AMP?
Nagpaplano ang PG&E na ilunsad ang AMP sa Pebrero 2021.
Paano ipapatupad ang AMP?
Sa bawat pagbabayad ninyo ng kasalukuyan ninyong bayarin sa tamang oras, patatawarin ng AMP ang 1/12 ng kwalipikadong utang na mayroon kayo simula noong kayo ay na-enroll. Pagkatapos ng labindalawang pagbabayad ng mga buwanan ninyong kasalukuyang bayarin sa tamang oras, patatawarin ang kwalipikado ninyong utang hanggang $8,000.
Mayroon bang limitasyon o pinakamataas na halagang kwalipikado para sa pagpapatawad ng utang sa pamamagitan ng AMP?
Oo, ang maximum na halagang kwalipikadong mapatawad sa AMP sa isang taon ay $8,000.
Kwalipikado pa rin bang sumali sa AMP ang mga kostumer ng CCA?
Oo, kwalipikadong sumali ang mga kostumer ng CCA hangga't naka-enroll sila sa CARE o FERA, natutugunan nila ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado sa itaas, at pumayag na sumali ang kanilang CCA. Kung sasali ang inyong CCA, ang mga bayarin ninyo sa PG&E at ang mga bayarin ninyo sa CCA ay parehong magiging kwalipikado sa programa.
Kung walang iniaalok na AMP ang inyong CCA, ang mga buwanang bayarin lang ninyo sa PG&E para sa distribusyon at transmisyon ng kuryente ang magiging kwalipikadong mapatawad. Hindi kwalipikado para sa programang ito ang buwanang bayarin para sa paglikha ng kuryente mula sa inyong CCA.
Para matuto pa, makipag-ugnayan sa inyong tagabigay ng serbisyo.
Kwalipikado bang sumali sa AMP ang mga kostumer ng CTA?
Oo, puwedeng sumali sa AMP ang mga kostumer ng Core Transport Agent (CTA) na makakatugon sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng AMP. Gayunmapan, ang mga bayarin lang sa PG&E para sa distribusyon at transmisyon ng gas ang magiging kwalipikadong mapatawad. Hindi kwalipikado para sa programang ito ang buwanan ninyong bayarin sa gas mula sa inyong CTA.
Kwalipikado bang sumali sa AMP ang mga kostumer ng DA?
Oo, puwedeng sumali sa AMP ang mga residensyal na kostumer ng Direct Access (DA) na nakakatugon sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng AMP. Gayunpaman, ang bayarin lang sa PG&E para sa distribusyon at transmisyon ng kuryente ang kwalipikado. Dapat pa ring bayaran ng mga kostumer na nasa isang DA na programa ang kanilang bayarin sa kanilang Electric Service Provider para sa paggamit ng kuryente.
Puwede ba akong magdagdag ng bagong utang sa kasalukuyan kong programa sa AMP?
Hindi. Dapat ninyong bayaran ang anumang bagong bayaring sisingilin pagkatapos ninyong ma-enroll o maibalik sa AMP at hindi ito puwedeng idagdag sa inyong balanse sa AMP.
Ilang beses dapat magbayad para makumpleto ang AMP?
12 buwanang pagbabayad sa tamang oras ang kailangan para mapatawad ang kwalipikado ninyong utang, hanggang $8,000.
Ano ang mangyayari kung may mapalampas akong bayarin?
Papayagan kayong makapagpalampas ng dalawang hindi magkasunod na bayarin, basta makabayad kayo sa susunod na takdang petsa kung saan sabay ninyong babayaran sa tamang oras ang kasalukuyan ninyong singil at ang (mga) napalampas ninyong bayarin. Awtomatiko kayong aalisin sa AMP kung may mapapalampas kayong dalawang magkasunod na bayarin, o kung hindi ninyo maisasagawa ang ika-12 bayarin.
Paano kung nag-sign up ako sa AMP pero hindi ko kayang bayaran ang mga regular kong buwanang bayarin?
Kung mapuputol ninyo ang AMP bago pa ninyo maabot ang ika-12 pagbabayad sa tamang oras, wala itong magiging epekto sa utang na napatawad na. Gayunpaman, hindi na magiging kwalipikadong mapatawad ang natitira pang utang.
Puwede ba akong mag-sign up ulit pagkatapos makumpleto ang AMP na programa?
Kapag nakumpleto ninyo ang AMP, puwede kayong mag-sign up ulit pagkalipas ng 12 buwang agwat ng paghihintay.
Puwede ba akong sumali sa ibang plano sa pagbabayad at mag-enroll sa AMP?
Oo, pero isa lang ang plano sa pagbabayad na puwede ninyong salihan sa bawat pagkakataon. Kung magiging kwalipikado kayo sa AMP, papalitan ang dati ninyong plano sa pagbabayad ng bago ninyong kasunduan sa AMP.
Puwede rin ba akong sumali sa mga programang REACH at LIHEAP kung naka-enroll ako sa AMP?
Oo, puwede kayong sumali sa REACH at LIHEAP. Habang naka-enroll sa AMP, sa mga kasalukuyang bayarin lang mailalapat ang anumang bayad para sa pinansiyal na tulong (mga pledge) mula sa programang LIHEAP.
Kung naka-enroll ako sa AMP at pagkatapos ay nag-enroll ako sa LIHEAP, puwede ko bang gamitin ang mga bayad para sa pinansiyal na tulong mula sa LIHEAP para bayaran ang hindi ko pa nababayarang balanse?
Hindi. Sa mga susunod lang na bayarin sa enerhiya magagamit ang mga bayad mula sa LIHEAP. Kung naka-enroll kayo sa AMP, hindi magagamit ang mga bayad sa inyo mula sa LIHEAP sa anumang utang na kwalipikadong mapatawad ng AMP.
Alamin ang tungkol sa pagtulong sa pagbabayad at solusyon sa pagtitipid
May mga programa ang PG&E para matugunan ang lahat ng kalagayan sa pinansiya ng bawat kostumer.
Kasama sa mga programang ito ang California Alternate Rates for Energy (CARE) at Pagtulong sa Pagtitipid ng Enerhiya.
Makatitipid nang malaki sa kanilang bayarin sa enerhiya ang mga kuwalipikadong kostumer.
Makakukuha ng paglalarawan sa pamamagitan ng audio at ng transcript ng video na ito.
Kumuha ng bersiyon ng paglalarawan sa pamamagitan ng audio
I-download ang transcript (PDF, 60 KB)

Iwasan ang pagsasara ng serbisyo dahil sa hindi pagbabayad
Kung ang pagsasara ng serbisyo ay makapaglalagay sa panganib ng inyong buhay o kalusugan, bumisita sa Kostumer na Nasa Panganib (Vulnerable Customer).

Kumuha ng abiso para sa ikatlong partido (third-party notification)
Tumanggap ng abiso para sa isang kaibigan o kamag-anak na nakalimutang bayaran ang singil ng PG&E para maiwasan ang pagsasara ng serbisyo. Makatutulong kayo sa taong nasa pangangalaga ninyo na mapanatili ang kanilang serbisyo sa oras ng karamdaman, paghihirap o iba pang suliranin. Bumisita sa Abiso Para sa Ikatlong Partido (Third-Party Notification).

Kontakin kami
Para sa pangkalahatang mga tanong, kontakin ang Sentro ng Serbisyo sa Kostumer (Customer Service Center) ng PG&E sa 1-800-743-5000.