Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
Ang Medical Baseline Program, na kilala rin bilang Medical Baseline Allowance, ay isang programa ng tulong para sa mga residensyal na customer na nakadepende sa kuryente para sa ilang partikular na medikal na pangangailangan. Alamin ang higit pa sa isang maikling video.
Makikita ng mga customer na interesado sa programa ang mga detalye ng pagiging kwalipikado at aplikasyon sa pahinang ito.
Alamin kung paano kayo makakatulong na ipalaganap ang kaalaman at hikayatin ang pagpapatala sa programa upang lalo pang suportahan ang inyong mga pasyente. Pakisuri ang Mga Madalas Itanong para sa mga Medikal na Propesyonal (PDF, 169 KB) at Manwal sa Portal ng Medikal na Propesyonal (PDF, 1.52 MB).
Ang mga residensyal na customer na nakatala sa Medical Baseline Program at nasa anumang naka-tier na rate (hal., E-1, EM, o E-TOU-C) ay makakatanggap ng karagdagang allotment ng kuryente bawat buwan sa pinakamababang presyo na available sa kanilang rate. Tinatawag itong Baseline Allowance.
Sa Medical Baseline Program, ang karagdagang allotment ng kuryente ay humigit-kumulang 500 kilowatt-hours (kwh) ng kuryente at/o 25 therms ng gas kada buwan depende sa mga pangangailangan ng customer sa kuryente ayon sa naberipika ng medikal na praktisiyoner sa panahon ng sertipikasyon.
Pakitandaang ang pag-apruba ng inyong aplikasyon sa Medical Baseline Program ay nangangailangan ng inyong patuloy na pagbabayad ng inyong buwanang bill sa PG&E. Ang hindi pagbabayad ay maaaring magresulta sa pagkakadiskonekta ng inyong mga serbisyo sa utility.
Tandaan: Ang mga customer na nasa mga hindi naka-tier na rate (hal., E-TOU-D) at mga rate ng de-kuryenteng sasakyan ay hindi makakatanggap ng karagdagang buwanang allotment ng kuryente dahil walang Baseline Allowance ang mga rate na ito. Gayunpaman, depende kung kailan at gaano karaming kuryente ang ginagamit ninyo, maaaring mas marami pa rin kayong matitipid sa isang taon sa isa sa mga rate na ito.
Para sa kaligtasan, maaaring kailangang patayin ng PG&E ang kuryente sa mga komunidad na sineserbisyuhan ng mga linya ng kuryente sa o na bumabagtas sa mga lugar kung saan mataas ang panganib ng sunog sa matinding lagay ng panahon. Tinatawag itong Public Safety Power Shutoff (PSPS).
Maaaring mabilis na magbago ang mga matinding lagay ng panahon. Ang aming layunin, depende sa lagay ng panahon, ay ang magpadala ng mga alerto sa customer sa loob ng 48 oras, 24 na oras at ilang sandali bago patayin ang kuryente. Gagawin namin ito sa pamamagitan ng automated na mga tawag, text, at email. Ipinadadala ang mga notipikasyon sa telepono, text at email, batay sa inyong mga kagustuhan sa pakikipag-ugnayan.
Ang mga customer na nasa Medical Baseline ay makakatanggap ng mga karagdagang notipikasyon bilang bahagi ng pagtulong na ito, na maaaring kabilangan ng karagdagang mga tawag sa telepono o pagpindot sa door-bell upang matiyak na alam nila at makapaghahanda sila para manatiling ligtas. Mahalagang kilalanin ng mga customer na nasa Medical Baseline na nakatanggap sila ng notipikasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa telepono at pagsasalita o pag-reply sa text message.
Upang maging kwalipikado para sa Medical Baseline Program, ang isang full-time na residente sa inyong tahanan ay kailangang may kwalipikadong medikal na kondisyon at/o nangangailangang gumamit ng kwalipikadong medikal na aparato para gumamot ng mga nagpapatuloy na medikal na kondisyon. Isang aplikasyon sa Medical Baseline kada sambahayan lang ang kinakailangan.
Kasama sa mga halimbawa ng mga kwalipikadong medikal na kondisyon ang:
Kasama sa mga halimbawa ng mga kwalipikadong medikal na aparato ang:
Repasuhin ang mas kumpletong listahan ng mga kwalipikadong medikal na aparato.
Pakitandaan: Ang pagiging kwalipikado para sa Medical Baseline ay batay sa mga medikal na kondisyon o pangangailangan, HINDI sa kita.
MAHALAGA: Sa sandaling maisumite ninyo ang online na form ng aplikasyon, kailangan ding kumpirmahin ng inyong medikal na manggagamot ang inyong pagiging kwalipikado online. Gayundin, hindi namin mapoproseso ang mga aplikasyong nakasulat sa papel kapag may nakabinbing online na aplikasyon.
PG&E Billing Center
Medical Baseline
P.O. Box 8329
Stockton, CA 95208
Maaari kayong humingi ng aplikasyon at kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa Medical Baseline Program sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa PG&E sa 1-800-743-5000.
Maaari din ninyong hingin ang aplikasyon sa mga alternatibong format, gaya ng malalaking letra, Braille o audio., Ipadala sa email ang inyong kahilingan sa: CIACMC@pge.com. Isama ang inyong pangalan, address sa koreo at numero ng telepono. Mangyaring maglaan ng 5-7 araw ng trabaho para sa pagproseso. O kaya, tumawag sa 1-800-743-5000 upang humingi ng alternatibong format.
Ang mga hindi nakakarinig/nahihirapang makarinig na customer na gumagamit ng TTY (isang espesyal na aparato para sa Hindi nakakarinig at nahihirapang makarinig) ay maaaring tumawag sa California Relay Service sa 7-1-1.
Ang mga customer na sinertipikahan ng kanilang kwalipikadong medikal na manggagamot bilang may permanenteng kwalipikadong medikal na kondisyon ay kailangang sertipikahan ang kanilang sarili para sa kanilang pagiging kwalipikado kada dalawang taon. Ito ay upang kumpirmahin ang kanilang patuloy na paninirahan sa kanilang address na sineserbisyuhan at hindi nangangailangan ng lagda ng kwalipikadong medikal na manggagamot.
Ang mga customer na walang permanenteng kwalipikadong medikal na kondisyon ay kukumpleto ng form ng Sertipikasyon para sa Sarili matapos ang unang taon at kinakailangang muling sertipikahan ang sarili na may lagda ng medikal na manggagamot para sa susunod na taon.
Tandaan: Ang ganitong siklo ng sertipikasyon para sa sarili na sinusundan ng muling sertipikasyon ay nauulit hangga’t nakatala ang customer sa programa.
Kung kayo ay isang aktibong customer na nasa Medical Baseline na may hindi permanenteng medikal na kondisyon at kailangan ng muling sertipikasyon para sa patuloy na pagiging kwalipikado, pumunta sa seksyon ng Aplikasyon ng pahinang ito at sundin ang mga hakbang para kumpletuhin ang aplikasyon.
Ang mga aktibong customer ng PG&E Medical Baseline na nakatanggap ng notipikasyon para sertipikahan ang sarili ay maaaring sertipikahan ang kanilang sarili online at makatanggap ng agarang kumpirmasyon ng renewal:
O kaya, magsumite ng form ng aplikasyong nakasulat sa papel sa koreo:
PG&E Billing Center
Medical Baseline
P.O. Box 8329
Stockton, CA 95208
Paano ninyo gustong maabisuhan kung sakaling magkaroon ng nakaplano o hindi nakaplanong pagkawala ng kuryente na makakaapekto sa inyong tirahan? Itakda ang inyong mga kagustuhan sa pakikipag-ugnayan ngayon.
Kung kayo ay isang medikal na manggagamot o provider ng pangangalagang pangkalusugan, pakibasa ang FAQ para sa Medikal na Manggagamot (PDF, 169 KB). Alamin kung paano kayo makakatulong na ipalaganap ang kaalaman at hikayatin ang pagpapatala sa Medical Baseline Program upang lalo pang suportahan ang inyong mga pasyente.
Kung kayo o ang isang residente sa inyong tahanan ay may malubhang karamdaman o kondisyon na maaaring maging mapanganib sa buhay kung madiskonekta kayo sa inyong serbisyo, maaari ninyong sertipikahan ang inyong sarili bilang nasa customer na nasa panganib. Alamin ang tungkol sa programa para sa Nanganganib na Customer.
Dapat sertipikahin ng lisensiyadong medikal na manggagamot na may isang full-time na residente sa inyong tahanan na:
Anumang medikal na aparatong ginagamit upang suportahan ang buhay o inaasahan para sa pagkilos (ayon sa ipinasya ng isang lisensiyadong kwalipikadong medikal na manggagamot). Kailangang gamitin sa tahanan ang kagamitan. Sa pangkalahatan, ang kagamitang ginagamit para sa terapiya ay hindi kwalipikado para sa Medical Baseline.
Kabilang sa kagamitang pansuporta ng buhay ang mga respirator (mga oxygen concentrator), mga iron lung, mga makina para sa hemodialysis, mga makina na pang-suction, mga de-kuryenteng nerve stimulator, mga pressure pad at pump, mga aerosol tent, mga electrostatic at ultrasonic nebulizer, compressor, mga makina para sa intermittent positive pressure breathing (IPPB), at mga de-motor na wheelchair.
Mangyaring mag-apply para sa Medical Baseline at sabihin sa amin kung ang isang full-time na residente ay nakadepende sa kagamitang pansuporta ng buhay upang makapaglagay kami ng espesyal na code sa inyong account. Sinisikap ng PG&E na abisuhan ang mga customer na may ganitong code ng life-support kung mapuputol ang serbisyo dahil sa nakaplanong pagmementena, pagkukumpuni o konstruksiyon, o kung magkaroon ng mga rolling blackout o isang Public Safety Power Shutoff.
Maaari kayong mag-apply para sa Medical Baseline Program sa pamamagitan ng pagsagot sa online na aplikasyon o sa pagpapadala sa koreo ng nakasulat sa papel na form ng aplikasyon. Pakitingnan ang seksyon ng Aplikasyon sa pahinang ito para sa higit pang impormasyon.
Kabilang sa mga kwalipikadong medikal na manggagamot ang mga lisensiyadong doktor, tagaoperang doktor at mga taong lisensiyado alinsunod sa Osteopathic Initiative Act ayon sa California Public Utilities Code §739 at mga nanunungkulang nars na naaayon sa kasalukuyang patakaran ng PG&E at iniaatas na ngayon sa California Public Utilities Codes & §799.3. Bukod pa rito, ayon sa kasalukuyang patakaran ng PG&E, ang assistant ng lisensiyadong doktor na nagtatrabaho bilang bahagi ng pangkat ng doktor ng customer ay maaaring sertipikahan ang pagiging kwalipikado ng pasyente bilang may kondisyon o karamdamang mapanganib sa buhay.
Kapag naaprubahan kayo para sa programang Medical Baseline , makakatanggap kayo ng welcome email o sulat. Maaari din ninyong kumpirmahin ang inyong pagkakatala sa Medical Baseline sa inyong online account o sa seksyong "Special Account Information" ng inyong bill. Magkakaroon ng "Life-Support" at/o "Medical" sa seksyong ito ng inyong bill kung naaprubahan kayo.
Makakatanggap kayo ng sulat na notipikasyon kung ang inyong aplikasyon para sa Medical Baseline ay hindi inaprubahan o kung tinanggal kayo sa programang Medical Baseline dahil sa hindi pagsertipika sa sarili o muling pagsertipika ayon sa kinakailangan.
Itakda ang inyong kagustuhan online para sa kung paano ninyo gustong maabisuhan kung sakaling magkaroon ng nakaplano o hindi nakaplanong pagkaputol ng serbisyo na nakakaapekto sa inyong tirahan. Pakibisita ang pahina ng Medical Baseline/ Life-Support Contact Preference upang i-update ang inyong mga gustong paraan ng pakikipag-ugnayan.
Mangyaring mag-apply para sa Medical Baseline at sabihin sa amin kung ang isang full-time na residente ay nakadepende sa pansuporta ng buhay upang makapaglagay kami ng espesyal na code sa inyong account. Sinisikap ng PG&E na abisuhan ang mga customer na may ganitong code ng life-support kung mapuputol ang serbisyo dahil sa nakaplanong pagmementena, pagkukumpuni, o konstruksiyon, at kung magkaroon ng Public Safety Power Shutoffs. Pakitingnan ang seksyon ng Aplikasyon sa pahinang ito para sa higit pang impormasyon.
Upang umalis sa pagkakatala mula sa Medical Baseline o programang Life Support, mag-sign in sa inyong account at mag-click sa “Enrolled in Medical Baseline” na link sa menu. Pagkatapos, mag-click sa “Unenroll” at kumpirmahin ang inyong pag-alis sa pagkakatala. Maaari din kayong tumawag sa 1-800-743-5000 at hilingin na alisin kayo sa Medical Baseline Program.
Kung kayo ay isang customer na nasa Medical Baseline na may hindi permanenteng medikal na kondisyon at kailangang muling magsertipika para sa patuloy na pagiging kwalipikado, pumunta sa seksyon ng Aplikasyon ng pahinang ito at sundin ang mga hakbang para kumpletuhin ang proseso ng aplikasyon.
Ang mga aktibong Medical Baseline na customer ng PG&E na nakatanggap ng notipikasyon para sertipikahan ang sarili ay maaaring sertipikahan ang kanilang sarili online at makatanggap ng agarang kumpirmasyon ng renewal.
Pakibisita at sundin ang mga hakbang para kumpletuhin ang proseso sa seksyon ng Sertipikasyon para sa Sarili sa pahinang ito.
Ang Sertipikasyon para sa Sarili ay kinakailangan kada dalawang taon para sa mga customer na nasa Medical Baseline na may mga medikal na kondisyon (ayon sa itinalaga ng kanilang mga medikal na manggagamot). Ang mga customer na may hindi permanenteng kondisyon ay susunod sa Sertipikasyon para sa Sarili nang isang taon at Muling Sertipikasyon (nangangailangan ng lagda ng medikal na manggagamot) para sa pangalawang taon.
Tumutulong ang Sertipikasyon para sa Sarili na kumpirmahin na ang customer na nasa Medical Baseline ay nananatiling isang full-time na residente sa address at may kasalukuyang mga kagustuhan sa pakikipag-ugnayan sa sistema ng PG&E para sa Public Safety Power Shutoff (PSPS) at iba pang mga emergency na notipikasyon.
Kailangan ang Muling Sertipikasyon upang patunayan na ang customer na nasa Medical Baseline ay nangangailangan pa rin ng karagdagang mga notipikasyon ng PSPS at karagdagang allotment ng kuryente dahil sa kanilang patuloy na medikal na kondisyon.
Kung hihingin ninyong itigil ang serbisyo sa inyong lumang address at simulan ang serbisyo sa inyong bagong address nang sabay, ang inyong Medical Baseline Program ay awtomatikong ililipat sa inyong bagong address.
Kung hihingin ninyong itigil ang serbisyo sa inyong lumang address ngayon at simulan ang serbisyo sa inyong bagong address sa ibang petsa, ang inyong Medical Baseline Program ay hindi awtomatikong ililipat sa inyong bagong address. Kakailanganin ninyong tumawag sa amin sa 1-800-743-5000 at hilingin na ang inyong Medical Baseline Program ay mailipat sa inyong bagong address.
Maaari na kayo ngayong mag-apply sa programa ng PG&E na Medical Baseline nang hindi bumibisita sa opisina ng inyong medikal na manggagamot.
Pakisunod ang mga tagubilin at alituntunin para sa mga online na aplikasyon sa seksyon ng Aplikasyon sa pahinang ito.
Oo. Ang pagiging kwalipikado para sa Medical Baseline ay hindi batay sa kita. Ang pagiging kwalipikado sa Medical Baseline ay batay lamang sa mga medikal na pangangailangan. Ang inyong pagiging kwalipikado o pagpapatala sa CARE/FERA o iba pang mga programa ng tulong ay hindi nauugnay sa at hindi nakakaapekto sa inyong pagiging kwalipikado para sa Medical Baseline.
Maaari kayong magpatala sa Medical Baseline kayo man ay nasa CARE/FERA o hindi. Mangyaring tingnan ang seksyon ng Aplikasyon sa pahinang ito para sa higit pang impormasyon.
Ang mga kwalipikado na customer sa Medical Baseline ay maaaring makatanggap ng “karaniwang” dami ng Medical Baseline na humigit-kumulang 500 kilowatt-hours (kwh) ng elektrisidad at/o 25 therms ng gas kada buwan, dagdag sa regular na mga dami ng Baseline ng kanilang kasalukuyang rate.
Depende sa inyong mga medikal na pangangailangan at sa bilang ng mga ginagamit ninyong medikal na aparato, maaaring kwalipikado kayo para sa higit sa isang karaniwang Medical Baseline Allotment. Makipag-ugnay sa PG&E sa 1-800-743-5000 at hilinging matasa para sa karagdagang Medical Baseline allotment.
Ang Medical Baseline ay hindi programa ng diskuwento. Walang ibinibigay na diskuwento sa inyong energy statement.
Ang mga kwalipikadong customer na nasa Medical Baseline ay maaaring makatanggap ng “karaniwang” dami ng Medical Baseline na humigit-kumulang 500 kilowatt-hours (kwh) ng elektrisidad at/o 25 therms ng gas kada buwan, dagdag sa regular na mga dami ng Baseline ng kanilang kasalukuyang rate. Ang karagdagang buwanang allotment ng kuryente na ito ay ibinibigay sa pinakamababang presyo sa inyong kasalukuyang rate.
Kapag may higit sa isang residente na may mga medikal na pangangailangan na nakatira sa address, isang aplikasyon sa Medical Baseline lang kada sambahayan ang kailangan.
Depende sa inyong mga medikal na pangangailangan at sa bilang ng mga ginagamit na medikal na aparato ng mga kostumer ng Medikal na Baseline sa parehong address, maaaring kwalipikado kayo para sa higit sa isang karaniwang Medikal Baseline na Paglalaan. Makipag-ugnayan sa amin sa 1-800-743-5000 at humiling na matasa para sa karagdagang Medikal Baseline na paglalaan. Ang mga karagdagang Medikal Baseline na paglalaan ay hindi awtomatikong ipinagkakaloob.
Hindi. Ang pagiging kwalipikado sa Medical Baseline ay batay lamang sa mga medikal na pangangailangan. Ang inyong pagiging kwalipikado o pagpapatala sa Medi-Cal o iba pang insurance sa kalusugan ay hindi nauugnay at hindi nakakaapekto sa inyong pagiging kwalipikado para sa Medical Baseline.
Maaari kayong magpatala sa Medical Baseline kayo man ay nasa Medi-Cal o hindi. Pakitingnan ang seksyon ng Aplikasyon sa pahinang ito para sa higit pang impormasyon kung paano mag-apply.
Hindi. Ang mga aparato sa pisikal na terapiya, gaya ng sauna at hot tub, ay hindi kwalipikado para sa Medical Baseline.
Kabilang sa mga kwalipikadong medikal na aparato ang anumang medikal na aparatong ginagamit upang suportahan ang buhay o ginagamit para makakilos. Mangyaring repasuhin ang kumpletong listahan ng mga kwalipikadong medikal na aparato.
Alamin ang tungkol sa suporta at mga serbisyong magagamit sa panahon ng mga Public Safety Power Shutoff na kaganapan. Bisitahin ang Mga Resource para sa pangangailangan sa accessibility, pinansiyal, wika at pagtanda.
Ang PG&E ay nakikipagtulungan sa California Foundation for Independent Living Centers (CFILC) upang pondohan ang mga madudulugan para tumulong sa paghahanda para sa mga sakuna at matagalang pagkawala ng kuryente. Upang alamin ang higit pa, bisitahin ang CFILC site.
Kumuha ng karagdagang tulong mula sa Disability Disaster Access and Resource Program. Bisitahin ang disabilitydisasteraccess.org
Tingnan ang Mga Tip sa Pagpaplano ng Medikal na Aparato kung umaasa kayo sa mga de-kuryente o de-bateryang medikal na aparato.
Upang maghanap ng mga backup na solusyon sa kuryente, mga tip pangkaligtasan, impormasyon sa pagpopondo, at nagpapatingi bisitahin ang aming pahina para sa backup na kuryente.
Upang alamin ang higit pa tungkol sa Public Safety Power Shutoffs, bisitahin ang pangkalahatang-ideya sa PSPS.
Upang alamin ang higit pa tungkol sa kaligtasan sa malaking sunog, bisitahin ang Community Wildfire Safety Program.
Ang paglalarawan at audio na transcript ay magagamit para sa video na ito:
I-akses ang audio na paglalarawan na bersyon
I-download ang transcript (PDF, 97 KB)
Ang paglalarawan at audio na transcript ay magagamit para sa video na ito:
I-akses ang audio na paglalarawan na bersyon
I-download ang transcript (PDF, 97 KB)