Kumuha ng diskuwento sa inyong bayarin sa PG&E
ALERTO: Ang moratorium sa mga pagputol para sa hindi pagbabayad na ipinatupad ng California Public Utilities Commission (CPUC) noong Marso 2020 ay pormal nang natapos. Nananatili kaming nakatuon sa pagsuporta sa mga kostumer. Narito kami para tumulong. Bukod pa sa mga programa sa diskuwento na CARE at FERA, may iba pang mga magagamit na mapagkukunan ng pinansyal na tulong at suporta. Alamin ang higit pa.
Alamin ang tungkol sa aming mga programa sa diskuwento
Mga programa sa diskuwento ang CARE at FERA na tumutulong sa mga kuwalipikadong kostumer sa pagbabayad sa mga singil sa kanila para sa enerhiya. Mahigit sa 1.4 milyong kostumer ang may diskuwento sa bayarin sa dalawang programang ito. Kompletuhin lamang ang online na enrollment form ng CARE/FERA at ipapaalam namin sa inyo kung kuwalipikado kayo.
- Programa ng California na Alternatibong Pagpepresyo sa Enerhiya (California Alternate Rates for Energy Program, CARE). Isang buwanang diskuwento na 20% o higit pa sa gas at koryente. Nagiging kuwalipikado ang mga kalahok sa pamamagitan ng mga gabay sa kita o kung naka-enroll sa ilang pampublikong programang pantulong.
- Programa para sa Pagtulong sa Pamilya sa Singil sa Koryente (Family Electric Rate Assistance Program, FERA). Isang buwanang diskuwento na 18% sa koryente lamang. Kailangang may tatlo o higit pang katao sa inyong kabahayan. Nagiging kuwalipikado ang mga kalahok sa pamamagitan ng mga gabay sa kita.
MAG-APPLY ONLINE NGAYON
Hanapin ang mga form na maipapadala sa mail (mail-in forms) kasama ang aplikasyon sa Espanyol, Tsino at Vietnamese sa "Complete an application," (Kompletuhin ang aplikasyon) na nasa ibaba.
Naka-enroll na ba kayo sa programang CARE o FERA?
Mag-renew ngayon kung nakatanggap kayo ng kahilingan sa pagbabago o renewal. Puwede rin kayong mag-renew kung nasa loob pa kayo ng 90 araw ng petsa ng pagkawalang bisa ng inyong kasalukuyang enrollment.
MAG-RENEW NGAYON
Nakatanggap ba kayo ng kahilingan ng beripikasyon sa pagiging kuwalipikado?
Isumite na ang inyong mga dokumento kung nakatanggap kayo ng kahilingan sa pagiging kuwalipikado sa pamamagitan ng proseso ng beripikasyon pagkaraan ng enrollment (post enrollment verification) o beripikasyon ng mataas na paggamit (high usage verification). Alamin ang karagdagang impormasyon kung paano makokompleto ang proseso.
MAGPA-BERIPIKASYON NGAYON
Alamin kung kuwalipikado kayo
Suriin ang mga alituntunin sa ibaba upang malaman kung kwalipikado kayo.
- CARE – Diskuwento sa pagpepresyo ng gas at koryente
- FERA – Diskuwento sa pagpepresyo ng koryente sa mga kabahayang may 3 o higit pang katao
Kabuuang nuong taunang kita ng kabahayan*
PAALALA SA COVID-19: Ang sinasabing kita ng kabahayan ay malalaman sa pagkalkula sa kita ninyo sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon. Ang inyong pagiging kuwalipikado na batay sa kita ay malalaman sa pinagsamang kasalukuyang kita ng lahat ng kasambahay na magpapahayag nito. Hindi ito bahay sa kita ninyo sa nakaraan, kaya kapag may pagbabago sa kalagayan ninyo gaya ng pagkawala ng trabaho o lumiit ang sahod, puwedeng maging kuwalipikado na kayo ngayon.
Posibleng kuwalipikado rin kayo sa CARE na nakabatay sa paglahok sa ilang pampublikong programa para sa pagtulong (public assistance program). Tingnan ang listahan ng mga programa kung saan posibleng maging kuwalipikado kayo.
Bilang ng mga tao sa kabahayan
| CARE | FERA | |
---|---|---|---|
1-2
|
$34,840 o mas mababa pa rito |
Hindi kuwalipikado |
|
3
|
$43,920 o mas mababa pa rito |
$43,921–$54,900 |
|
4
|
$53,000 o mas mababa pa rito |
$53,001–$66,250 |
|
5
|
$62,080 o mas mababa pa rito |
$62,081–$77,600 |
|
6
|
$71,160 o mas mababa pa rito |
$71,161–$88,950 |
|
7
|
$80,240 o mas mababa pa rito |
$80,241–$100,300 |
|
8
|
$89,320 o mas mababa pa rito |
$89,321–$111,650 |
|
9
|
$98,400 o mas mababa pa rito |
$98,401–$123,000 |
|
10
|
$107,480 o mas mababa pa rito |
$107,481–$134,350 |
|
Kada karagdagang tao, magdagdag ng
|
$9,080 |
$9,080–$11,350 |
*Bago ang buwis batay sa kasalukuyang pinagkukuhanan ng kita. Ang mga datos sa talahanayan ay para sa mga kostumer na residensiyal at isahang pamilya. May bisa ang Mga Gabay sa Kita hanggang 05/31/22.
Paglahok sa ilang programa ng pampublikong pagtulong (public assistance programs)
- Posibleng kuwalipikado rin kayo sa CARE na nakabatay sa paglahok sa ilang pampublikong programa para sa pagtulong (public assistance program). Repasuhin ang listahan ng mga programamg posibleng maging kuwalipikado kayo.
- Nakabatay ang pagkakuwalipikado sa FERA sa dami ng tao sa kabahayan at kita lamang. Repasuhin ang mga gabay ng buong programa.
Kompletuhin ang aplikasyon (makukuha sa maraming wika)
Ilang minuto lamang ang pagsagot nito. Hindi kailangan ang katibayan ng kita at pananatilihing kumpidensiyal ang inyong mga sagot. Para sa pinakamabilis na pagproseso, gamitin ang aming aplikasyong online.
MGA APLIKASYONG RESIDENSIYAL AT ISAHANG PAMILYA
Aplikasyong online | Aplikasyong ipinadala sa sulat | |
---|---|---|
Việt, Các ứng dụng trực tuyến không khả dụng | ||
MGA APLIKASYONG RESIDENSIYAL NA MAY SUBMETRO AT PANGGRUPONG MGA PASILIDAD (RESIDENTIAL SUB-METERED AND GROUP-RESIDENT FACILITIES APPLICATIONS)
CARE
MGA UMUUPA SA PASILIDAD NA MAY SUBMETRO AT RESIDENSIYAL (TENANTS OF SUB-METERED RESIDENTIAL FACILITIES)MGA PASILIDAD PARA SA MGA KUWALIPIKADO AT NONPROFIT NA SAMA-SAMANG PAMUMUHAY (QUALIFIED NONPROFIT GROUP LIVING FACILITIES)
MGA PASILIDAD SA PABAHAY PARA SA MGA KAWANING PANSAKAHAN (AGRICULTURAL EMPLOYEE HOUSING FACILITIES)
MGA PASILIDAD SA PABAHAY PARA SA MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA SAKAHAN (MIGRANT FARM WORKER HOUSING FACILITIES)
FERA
MGA UMUUPA SA PASILIDAD NA MAY SUBMETRO AT RESIDENSIYAL (TENANTS OF SUB-METERED RESIDENTIAL FACILITIES)Kumuha ng karagdagang impormasyon
Gamitin ang mga suportang ito para sa karagdagang impormasyon.
CARE
MGA GABAY SA PROGRAMANG CAREMGA MADALAS ITANONG TUNGKOL SA CARE
FERA
MGA GABAY SA PROGRAMANG FERAMGA MADALAS ITANONG TUNGKOL SA FERA

Alamin kung kwalipikado kayo
Sagutin ang tatlong simpleng katanungan upang malaman kung kwalipikado kayo sa CARE o FERA.
Magsimula na

Serbisyo ng telepono na may diskwento
Maaari din kayong maging kwalipikado sa may diskwentong serbisyo ng telepono batay sa antas ng inyong kita o pakikilahok sa programa. Ang programang California LifeLine ay nagbibigay ng diskwento sa alinmang serbisyo ng telepono sa bahay o cell phone para sa mga kwalipikadong sambahayan. Bukod pa riyan, ang mga kalahok sa CARE program ng PG&E ay maaaring makatipid ng $15 bawat buwan sa kanilang Boost Mobile na prepaid cell phone plan sa pamamagitan ng CARE at pilot na programang Boost Mobile.

May mga katanungan ba kayo o kailangan ba ninyo ng tulong?
Mag-email sa amin sa CAREandFERA@pge.com o tumawag sa 1-866-743-2273.
Maaari din ninyong bisitahin ang isang CARE Community Outreach Contractor (COC) na malapit sa inyo.
I-DOWNLOAD ANG LISTAHAN NG OUTREACH CONTRACTORS (PDF, 169 KB)
Matitipid para sa Mga Nakatatanda
Maghanap ng mga paraan upang mabawasan ang paggamit ng enerhiya sa bahay at mapababa ang inyong buwanang bayarin.
Maghanda para sa tag-araw
Kasama ang mga madadaling tip na ito at mga kasangkapang matipid sa enerhiya kapag mainit ang panahon, makakatipid kayo at mapapanatiling komportable ang inyong bahay.