Humingi ng tulong sa paggawa ng mga pagpapahusay sa pagtitipid ng enerhiya


Higit pa sa mas mababang mga bayarin sa utility. Mas mapapahusay ng mga kwalipikadong nangungupahan at mga may-ari ng bahay ang kaginhawaan, kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng mga pag-upgrade sa appliance at mga pagkumpuni sa tahanan. Gayunpaman, hindi kaya ng lahat na gawin ang mga pag-update na ito. Kaya iniaalok namin ang Energy Savings Assistance Program. I-upgrade o kumpunihin ang mga heat pump water heater, furnace, lighting—kahit na mga refrigerator. Lahat nang walang bayad.

Programa ng Pagtulong sa Pagtitipid ng Enerhiya (Energy Savings Assistance Program)

1OF 3

Tingnan ang mga gabay

Kailangang nakatira ang mga kalahok sa tahanan, sa mobile na tahanan o apartment na hindi bababa sa limang taon mula nang maitayo. Kailangang tumutugon ang inyong kita sa mga kasunod na patnubay.

Bilang ng tao sa kabahayan                Kabuuang nuong taunang kita ng kabahayan*

1

$36,450 o mas mababa pa rito

2

$49,300 o mas mababa pa rito

3

$62,150 o mas mababa pa rito

4

$75,000 o mas mababa pa rito

5

$87,850 o mas mababa pa rito

6

$100,700 o mas mababa pa rito

7

$113,550 o mas mababa pa rito

8

$126,400 o mas mababa pa rito

9

$139,250 o mas mababa pa rito

10

$152,100 o mas mababa pa rito

Sa bawat karagdagang tao, magdagdag ng

$12,850

*Bago ang mga buwis batay sa kasalukuyang mga pinagmumulan ng kita.
Balido hanggang Mayo 31, 2024.

2OF 3

Maghanda ng isang pagtatasa ng tahanan

Kapag narepaso na ang iyong aplikasyon, may espesyalista sa enerhiya na makikipag-ugnay sa inyo para magtakda ng pagtatasa sa inyong tahanan. Sa panahon ng pagbisita, aalamin ng espesyalista kung kuwalipikado ang inyong tahanan sa programa at kung gayon, kung ano-anong pagpapahusay ang magagawa. Sa ngayon, kailangan din ninyong magbigay ng ebidensiya ng kita ng kabahayan tulad ng rekord ng tsekeng ibinigay para sa suweldo (check stub), seguridad panlipunan (social security), mga ulat ng bangko (bank statements) o iba pang legal na ebidensiya ng kita. Hindi kailangan ang ebidensiya ng kita kung makapagbibigay kayo ng mga dokumento ng inyong paglahok sa isa sa mga kasunod na programa:

  • Kagawaran ng Pangkalahatang Pagtulong sa mga Usaping Indian (Bureau of Indian Affairs General Assistance)
  • Mga Benepisyong CalFresh (CAlFresh Benefits, na kilala sa pederal na gobyerno bilang Supplemental Nutrition Assistance Program o SNAP at dating kilala bilang Food Stamps)
  • Kategoryang A & B sa Malusog na Pamilya (Healthy Families)
  • Kuwalipikado batay sa Kita para sa Head Start (Pantribu lamang)
  • Programa ng Pagtulong sa Tahanang Mababa ang Kita (Low Income Home Energy Assistance Program, LIHEAP)
  • Medicaid/MediCal
  • Pampansang Programa para sa Tanghalian para sa mga Paaralan (National School Lunch Program, NSLP)
  • Karagdagang Kita na Panseguridad (Supplemental Security Income, SSI)
  • Pansamantalang Pagtulong sa mga Pamilyang Nangangailangan (Temporary Assistance for Needy Families, TANF)
  • Programa para sa Kababaihan, Sanggol, at Kabataan (Women, Infant, and Children Program, WIC)

Kung gusto ninyong kumausap ng espesyalista sa programa, mangyaring tumawag sa 1-800-933-9555.

3OF 3

Mag-apply online

Ilang minuto lamang ang pagkompleto ng aplikasyon online. Hindi kailangan ang katibayan ng kita para mag-apply, at ang pananatilihing kumpidensiyal ang inyong mga sagot.

Mag-apply na
Solicite ahora
申請

Mga madalas itanong