Bakit nangyayari ang mga PSPS
Sanhi ng PSPS
Patuloy na nakakaranas ang California, Oregon, Washington, at iba pang mga estado sa kanluran ng pagtaas ng peligro sa malakas na apoy at mahabang panahon ng malakas na sunog. Ang kumbinasyon ng mga tuyong kondisyon at malakakas na hangin ay maaaring maging sanhi ng pagdikit ng mga puno at mga pira-pirasong bagay sa mga kawad ng kuryente, makapinsala sa ating kagamitan at magsanhi ng sunog. Maaaring kailanganin naming patayin ang kuryente sa kaganapan ng masamang lagay ng panahon upang maiwasan ang mga sunog. Tinatawag ito na Pagpatay ng Kuryente Para Sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff, PSPS).
Paano natutukoy ang isang PSPS
Dahil natatangi ang bawat sitwasyon sa lagay ng panahon, maingat naming sinusuri ang kumbinasyon ng mga salik kapag nagpapasya kung dapat patayin ang kuryente. Kasama sa mga salik na ito ang:
Mababang mga antas ng halumigmig
Mababang mga antas ng halumigmig na pangkalahatan ay 30% at mas mababa
Malalakas na hangin
Naka-forecast na malalakas na hanging lampas sa 20 mph at mga pagbugsong lampas sa 30-40 mph
Mga kondisyon ng panggatong
Kondisyon ng tuyong materyales sa lupa at halamanang malapit sa mga linya ng kuryente
Babala na Pulang Bandila
Ang Babala na Pulang Bandila ay ibinibigay ng Serbisyo sa Pambansang Lagay ng Panahon o National Weather Service
Mga Obserbasyon
Mga obserbasyon sa lugar, sa mismong oras
Ang proseso ng pagpapasya namin ay nagbabago para isali din ang pagkakaroon ng matatayog na mga punong sapat para itumba ang mga linya ng kuryente kapag tinutukoy kung kailangan ang PSPS
Impormasyon sa lagay ng panahon at pagkawala ng kuryente sa inyong lugar
Upang matulungan kayong manatiling ligtas at may kaalaman, gumawa kami ng mga sumusunod na kagamitan upang masubaybayan ang PSPS at ang mga potensyal na epekto ng mga ito.
Mapa ng pitong araw na pagtataya sa PSPS
Humanap ng live na impormasyon sa lagay ng panahon, kabilang ang potensyal na 7-araw na paghahanda para sa PSPS.
Mapa ng kasalukuyang lagay ng panahon
Tingnan ang kasalukuyang lagay ng panahon, kabilang ang kahalumigmigan (humidity), ulan (precipitation), temperatura, bilis ng hangin, bugso ng hangin, at mga Red Flag na Babala.

Mapa ng kawalan ng koryente
Mag-ulat at tumingin ng mga kasalukuyang pagkawala ng koryente ayon sa lugar at humanap ng impormasyon sa pagkawala ng koryente na partikular sa address.
Para mag-ulat o tumingin ng mga kasalukuyang pagkawala ng koryente, vbisitahin ang aming mapa ng mga pagkawala ng koryent.
Mga real-time na pag-update
Maghanap ng kasalukuyang impormasyon sa PSPS at alamin kung paano kayo maaapektuhan.
Mga lugar na mataas ang peligro
Kinategorya ng California Public Utilities Commission ang mga rehiyon ayon sa peligro ng mga ito sa sunog na mabilis kumalat. Ang mga lugar na dati nang may malalakas na hangin at mga tuyong halaman ay kadalasang nabibilang sa mga antas na may mataas na peligro. Ang mga bahay at negosyong may mga linya ng koryente sa mga lugar na mataas (Antas 2) o talagang mataas (Antas 3) ang peligrong magkaroon ng sunog na mabilis kumalat ay may mas mataas na tsansang maapektuhan ng PSPS. Maaaring kailangang patayin ang buong linya ng koryente kung maaapektuhan ng mga kondisyon sa sunog ang anumang bahagi ng linya.
Kahit hindi kayo nakatira o nagtatrabaho sa isang lugar na mataas ang banta ng sunog o isang lugar na nakakaranas ng malalakas na hangin, maaaring patayin ang kuryente ninyo kung umaasa ang inyong komunidad sa isang linyang tumatawid sa isang lugar na nakakaranas ng matinding lagay ng panahon.
Ang mga Antas 3 na lugar na may peligro sa sunog ay ang mga lugar na matindi ang peligro sa sunog na mabilis kumalat (kabilang ang mga posible at potensyal na epekto sa mga tao at ari-arian).
Ang mga Antas 2 na lugar na may peligro sa sunog ay ang mga lugar na medyo matindi ang peligro sa sunog na mabilis kumalat (kabilang ang mga posible at potensyal na epekto sa mga tao at ari-arian).
Ang mga Antas 1 na sona na may mataas na panganib ay mga lugar kung saan maraming patay at namamatay na mga puno.
Para alamin ang higit pa tungkol sa mga lugar na may mataas na peligro sa sunog, bisitahin ang website ng California Public Utilities Commission.
Mga kaugnay na link
Pagpapahusay sa PSPS
Alamin kung ano ang ginagawa namin araw-araw para magawang mas ligtas at mas matatag ang aming sistema. Gayundin, alamin kung paano namin pinapahusay ang PSPS para sa aming mga kostumer at komunidad.
Suporta sa PSPS
Maghanap ng mga mapagkukunan para sa bago, habang at pagkatapos ng isang PSPS.