Mga update at alerto sa PSPS
Saan makakahanap ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng koryente dahil sa PSPS
Kapag may inanunsiyong Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko (Public Safety Power Shutoff o PSPS), regular na ire-refresh ang aming page ng mga update sa PSPS para balitaan kayo. Sa pahinang iyon, makakita ng mga tinatayang oras ng pagpatay at pagbabalik ng koryente na partikular sa inyong address at mga mapa na nagpapakita ng mga apektadong lugar. Makakita rin ng listahan ng Mga Community Resource Center na nagbibigay ng suporta gaya ng mga libreng naka-bag na yelo, Wi-Fi, at pag-charge ng device habang may PSPS.
Pumunta sa mga update sa PSPS

Para mag-ulat o tumingin ng mga kasalukuyang pagkawala ng koryente, bisitahin ang aming mapa ng mga pagkawala ng koryente..

Ina-update din namin ang aming social media para sa mga napapanahong impormasyon.
Sundan kami sa TwitterSubaybayan kami sa Facebook
Mga alerto sa telepono, text, at email
Naka-enroll kayo
Kung mayroon kayong PG&E account, hindi na ninyo kailangang mag-sign up para sa isang "alerto ng pagkawala ng koryente sa PSPS." Kung inaasahan naming mawawalan ng koryente ang inyong address dahil sa PSPS, papadalhan namin kayo ng mga naka-automate na alerto sa tawag, text, at email simula sa 2 araw bago ang pagpatay (kung posible) at bawat araw hanggang sa maibalik ang koryente.
I-verify ang inyong impormasyon
Ginagamit namin ang inyong impormasyon sa pagkontak na nasa account para makipag-ugnayan sa inyo. Para i-verify o i-update ang inyong email address, numero ng telepono sa bahay, o numero ng telepono sa mobile, mag-sign in sa inyong PG&E account at bisitahin ang Profile at Mga Alerto.
Mga alerto sa negosyo
Kung isa kayong kostumer na nagmamay-ari ng maliit, katamtaman, o malaking negosyo, makikipag-ugnayan kami sa lahat ng numero ng telepono at email address na nakatala. Kung marami ang empleyadong dapat makaalam ng posibilidad ng pagkawala ng koryente, maaari ninyong idagdag ang kanilang numero ng telepono sa account.

Mga Mapagpipiliang Matatanggihan
Kung mayroon kayong PG&E account, hindi kayo makakatanggi sa mga paunang abiso. Puwede kayong tumangging padalhan ng mga update pagkatapos mapatay ang koryente. Ang ganitong pagtanggi ay mailalapat lang para sa partikular na pangyayaring PSPS, at hindi ito mailalapat sa mga pagkawala ng koryente sa hinaharap.
Suportang hinid Ingles
May suporta rin para sa mga kostumer na mas gustong gumamit ng ibang wika bukod sa Ingles.
Ang mga alerto ng pagkawala ng PSPS ay ipinapadala sa may-ari ng account ng apektadong address. Kung hindi kayo ang may-ari ng account ng address, puwede pa rin kayong maabisuhan kapag may inanunsiyong pagkawala ng koryente dahil sa PSPS sa inyong lugar.
Mga Alerto ng PSPS sa Address para sa mga Walang PG&E Account
Makatanggap ng tawag mula sa PG&E kung kinakailangan ang pagpatay ng kuryente para mapigilan ang apoy na mabilis kumalat.
MAPAG-ALAMAN PA
Para sa mga update sa PSPS na partikular sa address para malaman kung maaapektuhan ang inyong bahay o negosyo, hanapin ang aming tool sa paghahanap ng address..
Proseso ng pag-abiso
Alam naming nakakaabala ang mga pangyayaring PSPS at kailangan ninyo ng impormasyon sa pinakamaagang panahong posible para maging handa. Magpapadala kami ng mga alerto sa pamamagitan ng email, tawag sa telepono, o text sa lalong madaling panahon, kabilang ang tinatayang mga oras ng pagpatay at pagbabalik ng koryente, para maging handa kayo para sa isang PSPS.
Maaaring mabago ang mga pagtataya sa lagay ng panahon, na magpapabago sa oras ng pagpatay o sa dami ng maaapektuhang kostumer. Dahil dito, sa ilang pagkakataon, maaari naming ipadala ang unang abiso sa mismong araw kung kailan papatayin ang inyong koryente.
Makakatanggap ang mga kostumer ng mga alerto sa pamamagitan ng email, tawag sa telepono, o text sa kabuuan ng isang pangyayaring PSPS:
Ipinapadala ang mga abisong Magbantay sa PSPS dalawang araw at isang araw bago ang pagpatay ng koryente, kapag posible, kasama ang mga tinatayang oras ng pagpatay at pagbabalik ng koryente.
Ipinapadala ang abisong Babala ng PSPS kapag opisyal nang napagpasyahan na magpatay ng koryente. Kadalasan, ipinapadala ang abisong ito ilang oras bago patayin ang koryente.
Ipinapadala ang mga abiso ng Update ng PSPS habang nakapatay ang koryente at naglalaman ang mga ito ng anumang binagong tinatayang oras ng pagbabalik ng koryente.
Ipinapadala ang abiso ng PSPS na Naibalik na ang Koryente kapag naibalik na ang koryente sa inyong bahay o negosyo.
Mga kostumer ng Medical Baseline
Kung isa kayong kostumer ng Medical Baseline, maaari kayong makatanggap ng mga karagdagang tawag sa telepono o pagbisita sa bahay para matiyak ang inyong kahandaan at kaligtasan, at hinihiling namin na kumpirmahin ninyo na natanggap ninyo ang aming mga abiso.
Mga kaugnay na link
Maghanda para sa isang PSPS
Alamin kung paano paghahandaan ang isang nalalapit na PSPS at mga tip sa kaligtasan na dapat sundin kapag pinatay ang inyong koryente..
Bakit nangyayari ang mga PSPS
Tuklasin ang mga kadahilanan sa desisyon na mag-anunsiyo ng isang pangyayaring PSPS at hanapin ang mga tool sa lagay ng panahon na nagpapakita kung may mangyayaring PSPS sa inyong lugar.
Suporta sa PSPS
Humanap ng mga mapagkukunan ng tulong at impormasyon kabilang ang pagcha-charge ng device, mga naka-bag na yelo, at Wi-Fi na makakasuporta sa inyo habang may PSPS.