Suporta sa PSPS
Mga mapagkukunan mula sa PG&E
Para mabawasan ang mga epekto ng nakaplanong pagkawala ng kuryente para sa kaligtasan kung may sunog, nag-aalok kami ng mga mapagkukunan para tulungan kang maghanda at manatiling ligtas.
Mga Sentro ng Mapagkukunan ng Komunidad
Ang mga Sentro ng Mapagkukunan ng Komunidad ay mga lugar kung saan nagbibigay kami ng mga mapagkukunan sa isang ligtas na lokasyon sa panahon ng isang PSPS. Bawat sentro ay nag-aalok ng:
- Mga palikurang naa-access para sa ADA
- Pag-charge ng device
- Wi-Fi
- Mga kumot
- Air conditioning o heating (sa loob ng sentro lamang)
- Tubig na nakabote, mga meryenda at iba pang mga suplay
Humanap ng isang Sentro ng Mapagkukunan sa Komunidad at alamin ang higit pa
Mag-download ng listahan ng mga posibleng lokasyon ng Sentro ng Mapagkukunan ng Komunidad (PDF, 544 KB)
Tingnan ang aming video ng Sentro ng Mapagkukunan ng Komunidad
Medical Baseline Program
Kung umaasa ka sa kuryente para sa mga medikal na pangangailangan, maaaring kwalipikado kang makatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Medical Baseline Program. Kasama sa programa ang:
- Karagdagang allotment ng kuryente sa pinakamababang presyo sa iyong kasalukuyang rate
- Mga notipikasyon sa tawag, text at email bago ang isang PSPS. Kung hindi ka tutugon, susubukan naming abisuhan ka oras-oras. O maaari ka naming kontakin nang personal hanggang sa makausap ka namin.
Alamin ang tungkol sa aming Medical Baseline Program at mag-aplay
I-access ang mga mapagkukunan ng kuryente kapag may PSPS para sa mga medikal na pangangailangan o pantulong na teknolohiya
Mga Opsyon sa Reserbang Kuryente
Hindi tungkulin ng PG&E ang pagbibigay ng reserbang kuryente bago at habang may PSPS. Gayunpaman, maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong kostumer ng:
- Walang bayad, reserbang portable na mga baterya
- Isang generator o portable battery rebate
- Libreng Backup Power Transfer Meter
- Refrigeration para sa gamot
Alamin kung ang reserbang kuryente ay tama para sa iyo at ang mga opsyon sa pagpopondo
ALAMIN ANG TUNGKOL SA PORTABLE BATTERY PROGRAM
Safety Action Center
Ang Safety Action Center ay nagtatampok ng impormasyon para tumulong sa paghahanda sa iyong tahanan, pamilya o negosyo para sa isang potensyal na PSPS. Kasama sa PG&E site na ito ang:
- Tips para sa paggawa ng planong pang-emergency
- Mga gabay at video sa pagiging handa sa emergency
- Mga mapagkukunan para sa kit na pang-emergency at mga interactive na pagsusulit
Bisitahin ang Safety Action Center
Mga Alerto sa Address
Ang mga Alerto sa Address ay maaaring mag-abiso sa iyo tungkol sa posibleng PSPS sa alinmang address na mahalaga sa iyo o sa iyong mahal sa buhay. Hindi mo kailangang magkaroon ng account sa PG&E sa address upang makatanggap ng alerto. Maaaring tama para sa iyo ang Mga Alerto sa Address kung:
- Gusto mong malaman ang tungkol sa isang PSPS sa iyong tahanan, trabaho, paaralan o iba pang mahalagang lokasyon
- Ikaw ay nangungupahan at wala kang PG&E account
- Kailangan mong mapanatiling may kaalaman tungkol sa isang PSPS na nakakaapekto sa isang kaibigan o mahal sa buhay
- Maraming miyembro ng iyong sambahayan ang gustong maabisuhan
Mag-sign up para sa Mga Alerto sa Address
Na Mapagkukunan mula sa PG&E at mga kasosyong
akomodasyon at diskuwento sa hotel
Ang mga sumusunod na hotel ay nag-aalok ng mga diskuwento sa mga kostumer ng PG&E na nakararanas ng PSPS:
- Choice Hotels
- Hyatt Hotels
- IHG Hotels & Resorts (Holiday Inn, Holiday Inn Express, Staybridge Suites, Candlewood Suites)
- Wyndham Hotels (La Quinta, Hawthorn Suites, Ramada, Days Inn, Howard Johnson, Travelodge)
Maaaring mag-iba ang mga bakante batay sa panahon at hindi ito garantisado. Ang PG&E ay hindi kaanib ng mga hotel na ito at hindi responsable para sa mga pananatili sa hotel. Available ang mga accessible hotel stays para sa mga may kapansanan at mga mas matatanda.
Ang Disability Disaster Access and Resources (DDAR) Program ay nag-aalok ng suporta para sa mga mas matatanda at mga taong may mga kapansanan. Available ang suportang ito bago, habang at pagkatapos ng isang PSPS. Makakatulong ang iyong lokal na DDAR Center sa paghahanap ng mga accessible hotel stays sa panahon ng PSPS. Hinihikayat ka naming makipag-ugnayan sa sentro ng iyong lokal bago ang isang PSPS.
Hanapin ang sentro ng iyong lokal ng DDAR

Upang makapagbigay suporta sa pinaka-kailangan ito, nakikipagtulugan kami sa California Network ng mga 211. Ang 211 ay isang libre, kumpidensyal, 24/7 na serbisyo. Humingi ng tulong sa paggawa ng planong pang-emergency at lokal na paghahanap:
- Mga mapagkukunan ng portable na reserbang kuryente
- transportasyong accessible sa ADA
- Mga akomodasyon sa hotel
- Mga mapagkukunan ng pagkain
- Mga programang tungkol sa bill assistance
Upang alamin ang higit pa, tumawag sa 211, i-text ang ‘PSPS’ sa 211-211 o bisitahin ang 211.org.
Alamin ang higit pa tungkol sa 211
Panoorin ang aming 211 video
Pamalit sa pagkain
Maaaring maging malaking hamon ang pagkawala ng pagkain para sa mga kostumer sa panahon ng PSPS. Nagbibigay kami ng mga opsyon sa pagpapalit ng pagkain habang at pagkatapos ng nakaplanong pangkaligtasang pagkawala ng kuryente para saklawin ang maaaring maapektuhan na bawat county. Nakikipagtulungan kami sa:
- Lokal na mga food bank, para magbigay ng mga pamalit sa pagkain sa panahon ng isang PSPS at hanggang sa tatlong araw pagkatapos ng pagpapanumbalik. Available ang mga pakete na pamalit sa pagkain nang first-come-first-served basis. Ang ilang mga food bank ay maaaring may mga restriksyon sa kita.
- Meals on Wheels, maghahatid ng mga pagkain para sa mga kwalipikadong nakatalang seniors.
Maghanap ng lokal na food bank o sentro ng Meals on Wheels na malapit sa iyo
Mga mapagkukuhan mula sa mga ikatlong partido
- Maghanap ng tips sa paghahanda mula sa PG&E, iba pang utilities at sa the California Public Utilities Commission (CPUC). Bisitahin ang Prepare for Power Down.
- Maghanap ng impormasyon sa paghahanda sa sakuna. Bisitahin ang U.S. Department of Homeland Security.
- Maghanap ng impormasyon sa paghahanda sa malaking sunog mula sa CAL FIRE. Bisitahin ang Ready for Wildfire.
- Maghanap ng impormasyon sa mga pagsisikap pangkaligtasan ng CPUC. Bisitahin ang impormasyon ng CPUC tungkol sa malaking sunog.
- Maghanap ng impormasyon ng kaligtasan sa malaking sunog mula sa California’s Fire Safe Council. Bisitahin ang CA Fire Safe Council.
- Maghanap ng impormasyon sa klima at malaking sunog. Bisitahin ang National Oceanic and Atmospheric Administration.
Mga nauugnay na link
Mapagkukunan ng PSPS para sa mga may Access and Functional Needs (AFN)
I-explore ang mga mapagkukunan ng PSPS para sa mga mas matatanda at sa mga may kapansanan.
Mga mapagkukunan para sa PSPS para mga negosyo
I-access ang suporta sa PSPS na nauukol sa mga negosyo at mahahalagang imprastruktura.
Mga update at alerto sa Public Safety Power Shutoff
Alamin ang tungkol sa potensiyal na pagkawala ng kuryente sa iyong lugar. Magpalista para sa mga abiso tungkol sa posibleng mga pagkawala ng kuryente.