Maghanda para sa isang Public Safety Power Shutoff


Nauunawaan naming nakakaabala sa buhay ang pagkawala ng kuryente, kaya naghanda kami ng mga tip sa kahandaan para makatulong magbigay ng suporta.

Para sa kaligtasan ng aming mga kostumer at komunidad, nagpapatuloy na isang kailangang kasangkapan ang Public Safety Power Shutoff bilang panghuling paraan sa pagpigil ng wildfire. Gamitin ang sumusunod na mga tip para matulungan kang maghanda at manatiling ligtas habang may shutoff.

De-latang pagkain

Pagkain


  • Gumawa ng sarili mong yelo nang maaga pa. Pagyelohin ang mga lalagyan ng tubig para mapanatiling malamig ang pagkain habang walang kuryente.
  • Bago magsimula ang outage, ilagay sa pinakamalamig na settings ang iyong refigerator at freezer hanggang maibalik ang kuryente.
  • Limitahan ang pagbukas ng mga pinto ng refrigerator at freezer. Kapag walang kuryente, puwedeng itago ang pagkain nang hanggang 4 na oras sa mga refrigerator at hanggang 48 oras sa mga freezer.
  • Gumamit ng mga cooler para mapanatiling malamig ang pagkain habang nakapatay ang kuryente
  • .
  • Magtago ng mga pagkaing madaling imbakin sa paminggalan nang hindi kukulangin sa isang taon at hindi kailangang iluto o ilagay sa refrigerator para makain nang ligtas.
Solar Charger

Teknolohiya


  • Kumuha ng backup key na pamalit sa mga electronic key at lock na kailangan ng kuryente para umandar.
  • Patayin o hugutin sa saksakan ang de-kuryenteng gamit sa bahay o kagamitan, tulad ng TV at computer, na puwedeng sumiklab o pumutok pagbalik ng kuryente.
  • Bumili ng radyong de-baterya o crank radio.
  • I-download o i-print ang mga dokumentong maaaring kailangan ninyo.
  • Hanapin ang mga lokasyon ng libreng Wi-Fi sa kalapit na mga lugar.
  • Bumili ng mga nabibitbit na mobile at laptop battery charger.
  • I-charge na ang mga cell phone at backup na charger nang maaga.
  • Mag-imbak ng mga baterya para sa mga inaasahan ninyong item.
Flashlight

Bahay


  • Pag-isipang bumili ng mga de-bateryang LED light o solar lantern.
  • Ikonsidera ang anumang pangangailangan ng mga alagang hayop.
  • Magtabi ng cash at punuin ng gasolina ang mga tangke. Maaaring magsara ang mga lokal na ATM at gasolinahan kapag walang koryente.
  • Iwang nakabukas ang isang ilaw para alertuhin kayo kapag bumalik na ang koryente.
  • Ilagay ang mga flashlight sa mga lugar na madaling abutin.
  • Magsanay na mano-manong buksan ang mga pinto ng inyong garahe.
  • Siguraduhing naka-charge ang baterya ng iyong de-kuryenteng sasakyan. Maghanap ng mga estasyong may kuryente na puwedeng mag-charge .
Emergency Plan Checklist

Kaligtasan


  • Humanap ng lugar sa labas kung saan gagamitin ang mga generator, camp stove, o de-uling na ihawan.
  • Isulat ang mga pang-emergency na numero sa isang lugar na mabilis maabot.
  • Kumustahin ang mga kapitbahay.
  • Siguraduhing handa para sa ligtas na paggamit ang mga backup na koryente at generator. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming pahina tungkol sa backup na koryente.
Medical Equipment

Kalusugan

 

Mga karagdagang mapagkukunan:

Gamitin ang mga sumusunod na mapagkukunan ng tulong at suporta para maging handa sa panahon ng sunog na mabilis kumalat.

Garage Door
Backup Generator

Mga mapagkukunan sa lugar na mataas ang banta ng sunog


Pinakamahalaga naming responsibilidad ang iyong kaligtasan. Kung lugar na mataas ang banta ng sunog ang iyong tahanan, makatutulong ang sumusunod na mga mapagkukunan para makatulong sa iyong maghanda sa hindi inaasahang sitwasyon.


Tuklasin ang panganib sa wildfire ng iyong tahanan

Maghanda para sa paglikas


Kaugnay na mga link

Suporta sa Public Safety Power Shutoff

Humanap ng mga mapagkukunan bago, habang at pagkatapos ng Public Safety Power Shutoff.

Pagpapahusay ng Public Safety Power Shutoffs

Alamin kung paano namin pinapahusay ang karanasan sa shutoff para sa aming mga kostumer at komunidad.

Bakit nangyayari ang mga Public Safety Power Shutoff

Alamin ang mga factor na kasama sa aming pasyang magtawag ng shutoff.