Maghanda para sa isang PSPS
Maghanda para sa isang PSPS
Ang pagkawala ng koryente ay isang abala para sa inyong buhay, pamilya, at trabaho, kaya gumawa kami ng mga tip sa paghahanda para panatilihin kayong ligtas at para panatilihing normal hangga't maaari ang buhay ninyo habang may Pagpatay ng Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko (Public Safety Power Shutoff o PSPS). Nagbibigay rin kami ng suporta gaya ng libreng Wi-Fi, pagcha-charge ng device, mga naka-bag na yelo, mga palikuran at istasyon sa paghuhugas ng kamay na accessible ayon sa ADA sa mga apektadong komunidad kapag pinatay na ang koryente.
Sa PSPS, posibleng mawalan kayo ng koryente nang ilang araw. Alam naming magiging mahirap ito at gusto namin kayong tulungang maging handa habang maaga. Gamitin ang mga sumusunod na tip para maging handa at manatiling ligtas habang may PSPS.
Pagkain
- Gumawa na ng sarili ninyong yelo habang maaga. Mag-freeze ng mga tubig sa mga lagayan para mapanatiling malamig ang pagkain habang patay ang koryente.
- Itakda sa pinakamalamig ang inyong refrigerator at freezer bago ang pagkawala ng koryente, hanggang sa maibalik ang koryente.
- Gumamit ng mga cooler para mapanatiling malamig ang pagkain habang patay ang koryente.
- Limitahan ang pagbubukas ng refrigerator at freezer. Kapag patay ang koryente, maaaring manatiling malamig ang mga pagkain sa loob ng hanggang apat na oras sa mga refrigerator at hanggang 48 oras sa mga freezer.
- Bumili ng mga pagkaing puwedeng iimbak nang matagal.
Teknolohiya
- Magkaroon ng backup na susi bilang pamalit sa mga electronic na susi at lock na hindi gagana.
- Patayin/alisin sa saksak ang mga elektrikal na appliance o kagamitan, gaya ng mga T.V. at computer na posibleng mag-spark o mag-surge kapag nagbalik na ang koryente.
- Bumili ng radyong de-baterya o crank radio.
- I-download o i-print ang mga dokumentong maaaring kailangan ninyo.
- Hanapin ang mga lokasyon ng libreng Wi-Fi sa mga kalapit na lugar.
- Bumili ng mga nabibitbit na mobile at laptop battery charger.
- I-charge na ang mga cell phone at backup na charger nang maaga.
- Mag-imbak ng mga baterya para sa mga inaasahan ninyong item.
Bahay
- Pag-isipang bumili ng mga de-bateryang LED light o solar lantern.
- Ikonsidera ang anumang pangangailangan ng mga alagang hayop.
- Magtabi ng cash at punuin ng gasolina ang mga tangke. Maaaring magsara ang mga lokal na ATM at gasolinahan kapag walang koryente.
- Iwang nakabukas ang isang ilaw para alertuhin kayo kapag bumalik na ang koryente.
- Ilagay ang mga flashlight sa mga lugar na madaling abutin.
- Magsanay na mano-manong buksan ang mga pinto ng inyong garahe.
Kaligtasan
- Humanap ng lugar sa labas kung saan gagamitin ang mga generator, camp stove, o de-uling na ihawan.
- Isulat ang mga pang-emergency na numero sa isang lugar na mabilis maabot.
- Kumustahin ang mga kapitbahay.
- Siguraduhing handa para sa ligtas na paggamit ang mga backup na koryente at generator. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming pahina tungkol sa backup na koryente.
Kalusugan
- Mag-imbak ng mga supply para sa paunang lunas.
- Mag-imbak ng mga inirereseta at hindi inireresetang gamot.
- Magplano para sa mga medikasyong kailangang ilagay sa refrigerator.
- I-charge nang husto ang mga medikal na device.
- Para sa higit pang impormasyon, ang mga kostumer na may mga pangangailangang medikal ay maaaring bumisita sa aming pahina ng Medical Baseline.
- Learn more about PG&E Mga tulong at impormasyon para sa pag-access, pinansyal, wika at pagtatanda.
Mga karagdagang mapagkukunan ng tulong at impormasyon:
- Para humanap ng impormasyon tungkol sa mga alerto sa PSPS para sa mga may account at wala, bisitahin ang mga update at alerto sa PSPS.
- Para humanap ng mga mapagkukunan ng tulong at suporta na mayroon sa inyong lugar habang may PSPS, bisitahin ang aming page ng mga Community Resource Center.
- Para sa mga karagdagang paraan sa paghahanda, bisitahin ang Safety Action Center.
Gamitin ang mga sumusunod na mapagkukunan ng tulong at suporta para maging handa sa panahon ng sunog na mabilis kumalat.
- Para gumawa ng plano sa emergency,bisitahin ang page ng plano sa emergency.
- Para gumawa ng kit ng kahandaan sa emergency, bisitahin ang aming page ng kit ng kahandaan sa emergency.
- Para alamin ang tungkol sa back-up na koryente at kung akma ito sa inyong mga pangangailangan, bisitahin ang aming page ng back-up na koryente.
- Para alamin pa ang tungkol sa kaligtasan mula sa sunog na mabilis kumalat at para sumali sa isang webinar, bisitahin ang aming page ng mga webinar at event para sa kaligtasan mula sa sunog na mabilis kumalat.
- Para malaman kung saan ligtas na magtatanim ng mga halaman at puno para maiwasan ang mga linya ng koryente, bisitahin ang aming page na magtanim ng tamang puno sa tamang lugar (plant the right tree in the right place.
- Para sa mga karagdagang paraan sa paghahanda, bisitahin ang Safety Action Center.
Mga mapagkukunan para sa paghahanda sa lugar na may mataas na peligro ng sunog na mabilis kumalat
Priyoridad namin ang inyong kaligtasan. Ang inyong bahay ay maaaring nasa isang lugar na mapanganib o lubos na mapanganib para sa sunog na mabilis kumalat.
Matutulungan kayo ng mga sumusunod na mapagkukunan para mapaghandaan at masanay ang inyong plano sa paglikas, masuri ang inyong bahay, at makagawa ng kit ng emergency na supply.
Alamin ang peligro ng inyong bahay sa sunog na mabilis kumalat.
Paghandaan ang paglikas.
Mga kaugnay na link
Suporta sa PSPS
Humanap ng mga mapagkukunan ng tulong at impormasyon kabilang ang pagcha-charge ng device, mga naka-bag na yelo, at Wi-Fi na makakasuporta sa inyo habang may PSPS.
Pagbabawas ng mga pangyayaring PSPS
Alamin kung ano ang mga ginagawa namin para mabawasan ang epekto ng PSPS.
Bakit nangyayari ang mga PSPS
Alamin ang mga salik sa desisyon na mag-anunsiyo ng isang pangyayaring PSPS at hanapin ang mga tool sa lagay ng panahon na nagpapakita kung may mangyayaring PSPS sa inyong lugar.