Pagbabawas ng mga pangyayaring PSPS
Buong taon kaming nagtatrabaho para mabawasan ang matitinding epekto ng PSPS
Layunin naming panatilihin kayong ligtas. Alam naming nakakagambala sa buhay ang mga pagkawala ng kuryente. Kaya nakikinig kami sa aming mga kostumer at humahanap ng mga paraan para mabawasan ang matitinding epekto ng Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoffs, PSPS), nang hindi nakokompromiso ang kaligtasan.
Pinsala ng lagay ng panahon at iba pang mga peligro
Matapos lumipas ang matinding lagay ng panahon, sinisiyasat namin ang sistema ng kuryente para sa pinsala na sanhi ng hangin at mga labi upang matiyak na ligtas na ibalik ang kuryente. Ang mga sumusunod na pinsala ay kumakatawan sa mga potensyal na pagmumulan ng pagsiklab ng sunog kung hindi napatay ang kuryente:
- Mga sanga ng puno na nakasabit sa mga linya ng koryente
- Mga buhol-buhol na linya ng koryente
- Punong bumagsak sa mga linya ng koryente
- Mga bumagsak na poste ng koryente
Paninindigan naming pahusayin ang PSPS
Gumagawa ng mas marami para tulungan ang mga kostumer
Para mapahusay ang PSPS, nakikinig kami sa aming mga kostumer at tumutugon sa komento sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na impormasyon at mas mahusay na mga sanggunian bago, habang at pagkatapos ng mga kaganapan ng PSPS.
Kasama sa mga mapagkukunan para sa mga kostumer ang:
- Karagdagang pag-abot sa mga kostumer ng Medikal na Baseline
- Mga nabibitbit na baterya
- Mga pananatili sa hotel
- Suportang transportasyon
- Mga alerto sa pagkawala ng kuryente para sa walang hawak na account
- Iba’t ibang rebate sa reserbang kuryente
- Impormasyon sa emerhensiya sa 16 na wika
- Maramihang wika na emerhensiyang pag-abot
- Pamalit na pagkain
Pagpapahusay sa aming programang PSPS
Patuloy kaming nagbabago at humuhusay para mapanatiling ligtas ang aming mga kostumer at mabawasan ang matitinding epekto ng PSPS. Walang nag-iisang solusyon sa pagbawas ng mga panganib ng mga sunog. Kaya kami ay:
- Patuloy na nag-a-upgrade ng grid ng kuryente sa pamamagitan ng pagpapatigas sa mga linya ng kuryente para mabawasan ang mga panganib ng sunog
- Naglalagay ng mga aparato na humahati sa mga seksiyon para mapaikli ang sakop ng PSPS upang mas kaunting mga kostumer ang mawalan ng kuryente
- Nagsisimula sa paggamit ng mga bagong teknolohiya na tumutukoy ng mga panganib sa grid ng kuryente at mabilis na mabawasan o mapatay ang kuryente, kaya nababawasan ang pangangailangan sa mas malaking PSPS
- Naglalagay ng mga microgrid na gumagamit ng mga generator para mapanating may kuryente habang may PSPS
Pahusayin ang pag-alam sa lagay ng panahon
- Magkabit ng mga karagdagang weather station para mas mahusay na matantya ang pangangailangan para sa mga pangyayaring PSPS
- Pagkakabit ng mga high-definition na kamera para tukuyin ang mga potensiyal na sunog na mabilis kumalat
- Subaybayan ang peligro ng sunog na mabilis kumalat nang real time
Mga karagdagang mapagkukunan
Para maprotektahan ang kaligtasan ng publiko, gumagawa kami ng mga hakbang araw-araw para mapahusay ang kaligtasan at pagkamaaasahan ng aming sistema ng kuryente.
Alamin ang tungkol sa pangangasiwa ng gulayan
Ang aming programa sa kaligtasan mula sa sunog ay nagbabago bawat taon para maipakita ang mga aral na natutunan at maisama ang bagong impormasyon. Kasama sa partikular na mga pagkilos na ginagawa namin sa taong ito ang:
Paghahati sa seksiyon ng mga aparato
Pagpapanatili sa mga komunidad na may kuryente habang may PSPS sa pamamagitan ng paghihiwalay sa grid sa mas maliit na mga seksiyon
LAYUNIN SA 2021: 250 NA APARATO
Pagpapatatag sa sistema
Pagpapatatag sa sistema sa pamamagitan ng mas matibay na mga poste, mga linyang may balot at nakapuntiryang paglalagay sa ilalim ng lupa para mabawasan ang panganib ng sunog
LAYUNIN SA 2021: 180 MILYANG PINATATAG
Mga switch ng transmisyon
Pagdadala ng kuryente sa mga kostumer habang may PSPS sa pamamagitan ng paglalagay ng mga switch sa mga linyang may mataas na boltahe
LAYUNIN SA 2021: 29 NA MGA SWITCH
Pinahusay na pangangasiwa ng halamanan
Paglampas sa mga pamantayan ng estado para sa pinakamababa na mga clearance upang matugunan ang mga halamanan na nagbibigay ng mataas na peligro sa mga lugar na mataas ang banta ng sunog
LAYUNIN SA 2021: 1,800 MILYANG NALINIS
Mga istasyon ng lagay ng panahon
Pagpigil at pagtugon sa peligro ng mga sunog sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga kakayahan sa pag-forecast
LAYUNIN SA 2021: 300 ISTASYON
Mga kamerang mataas ang depinisyon
Paglagay ng mga kamera upang mapabuti ang aming kakayahang subaybayan ang aming teritoryo sa serbisyo at maagap na tumugon sa mga sunog
LAYUNIN SA 2021: 135 KAMERA
Mas maraming mapagkukunan
- Basahin ang tungkol sa mga plano namin sa 2021 para pigilan ang mga sunog. Bisitahin ang Plano sa Pagpigil ng Sunog sa 2021
Related links
Bakit nangyayari ang PSPS
Tuklasin kung anong mga kadahilanan ang kasama sa pagpapasya na patayin ang kuryente upang makatulong na maiwasan ang mga sunog at hanapin ang mga kagamitan sa panahon na nagpapakita kung may isang PSPS na magaganap sa inyong lugar.
Suporta sa PSPS
Maghanap ng mga mapagkukunan para sa bago, habang at pagkatapos ng isang PSPS.