Alamin ang higit pa tungkol sa mga Public Safety Power Shutoffs
Pangkalahatang ideya sa Public Safety Power Shutoff
Ang malalakas na hangin ay puwedeng magdulot sa mga sanga ng puno at mga kalat na madikit sa mga kawad ng kuryente, magdulot ng pinsala sa kagamitan at magpasimula ng sunog. Bilang resulta, maaaring kailanganin naming patayin ang kuryente kapag masama ang lagay ng panahon upang mapigilan ang mga sunog. Tinatawag itong Public Safety Power Shutoff.
I-play ang Public Safety Power
Shutoff na video ng pangkalahatang ideya
I-access ang audio na bersyon ng paglalarawan
I-download ang transcript (PDF, 106 KB)
Timeline ng pagkawala ng kuryente: ano ang aasahan
Ibinabahagi namin ang mga update sa lagay ng panahon at kagamitan sa sandaling available na ang mga ito. Ang timeline para sa isang Public Safety Power Shutoffs ay kinabibilangan ng mga sumusunod na yugto:
Ipinaalam ang masamang lagay ng panahon
Kailan: Hanggang isang linggo bago ang pagkawala ng kuryente
Ano: Ipinapaalam ng aming mga espesyalista sa lagay ng panahon ang potensiyal na masamang lagay ng panahon
Abisong Pang-antabay sa Public Safety Power Shutoff (malamang na mga pagkawala ng kuryente)
Kailan: Hanggang dalawang araw pagkapatay ng kuryente
Ano: Aabisuhan ka namin kung maaaring maapektuhan ng pagkawala ng kuryente ang iyong address
Abisong Pang-antabay sa Public Safety Power Shutoff (malamang na mga pagkawala ng kuryente)
Kailan: Hanggang isang araw bago patayin ang kuryente
Ano: Mag-update kami sa iyo sa pontensiyal na pagkawala ng kuryente
Mga abisong Babala sa Public Safety Power Shutoff (kailangan ang mga pagpatay ng kuryente)
Kailan: Isa hanggang apat na oras bago patayin ang kuryente
BAGO SA 2022 – Hinihiling ng California Public Utilities Commission ang PG&E na magpadala ng abisong “Babala sa Public Safety Power Shutoff” nang 24 na oras sa isang araw. Maaari kang makatanggap ng mga tawag sa telepono, SMS text at abiso sa email sa pagitan ng 9 p.m. at 8 a.m.
Ano: Aabisuhan ka namin kung maaapektuhan ng pagpatay sa kuryente ang iyong address
Pinatay ang kuryente
Kailan: Kapag pinatay na ang kuryente
BAGO SA 2022 – Hinihiling ng California Public Utilities Commission sa PG&E na magpadala ng mga abisong “walang kuryente” nang 24 na oras sa isang araw. Maaari kang makatanggap ng mga tawag sa telepono, SMS text at abiso sa email sa pagitan ng 9 p.m. at 8 a.m.
Ano: Aabisuhan ka naming pinatay ang kuryente para mapigilan ang mga sunog
Abiso sa “maaliwalas” na lagay ng panahon
Kailan: Pagkaraan ng masamang lagay ng panahon
BAGO SA 2022 –Hinihiling ng California Public Utilities Commission ang PG&E na magpadala ng abisong “maaliwalas na panahon” nang 24 na oras sa isang araw. Maaari kang makatanggap ng mga tawag sa telepono, SMS text at abiso sa email sa pagitan ng 9 p.m. at 8 a.m.
Ano: Aabisuhan ka namin na nag-iinspeksiyon kami ng mga linya ng kuryente at magbibigay ng mga pagtantiya sa pagbabalik ng kuryente
Abiso sa tinatayang pagbabalik ng kuryente
Kailan: Kung makakaranas kami ng mga pagbabago sa pagtaya sa pagbabalik ng kuryente
Ano: Nagbibigay kami ng mga update kung may pagbabago sa aming tinatayang oras ng pagbabalik ng kuryente
Naibalik na ang kuryente
Kailan: Sa loob ng 24 oras pagkalipas ng matinding sama ng panahon
BAGO SA 2022 – Hinihiling ng California Public Utilities Commission sa PG&E na magpadala ng mga abiso na “naibalik na ang kuryente” nang 24 na oras sa isang araw. Maaari kang makatanggap ng mga tawag sa telepono, SMS text at abiso sa email sa pagitan ng 9 p.m. at 8 a.m.
Ano: Aabisuhan ka namin kapag naibalik na ang kuryente
Alamin pa ang tungkol sa Public Safety Power Shutoffs
Iba ang bawat panahon ng sunog. Patuloy na ang tagtuyot at mga kondisyon ng lokal na lagay ng panahon ang tutukoy sa bilang ng beses na kailangan naming patayin ang kuryente. Para malaman ang iba pa tungkol sa proseso ng pagdedesisyon, i-download ang Safety Outage Decision-making Guide (PDF, 18.8 MB). Para matulungan kang maghanda at manatiling ligtas, nagbigay kami ng sumusunod na mapagkukunan:
Mga update at alerto sa Public Safety Power Shutoff
Alamin ang tungkol sa potensiyal na pagkawala ng kuryente sa iyong lugar. Magpalista para sa mga abiso tungkol sa posibleng mga pagkawala ng kuryente.
Maghanda para sa isang Public Safety Power Shutoff
Humanap ng mga tip sa kaligtasan. Alamin kung paano maghanda sa isang pagpatay sa kuryente.
Bakit nangyayari ang mga Public Safety Power Shutoff
Alamin ang mga factor na kasama sa aming pasyang magtawag ng shutoff.
Pagpapahusay ng Public Safety Power Shutoffs
Alamin kung paano namin pinapahusay ang karanasan sa shutoff para sa aming mga kostumer at komunidad.
Suporta sa Public Safety Power Shutoff
Humanap ng mga mapagkukunan bago, habang at pagkatapos ng Public Safety Power Shutoff.
Mga mapa ng pagplano para sa Public Safety Power Shutoff
Hanapin ang mga lokasyon kung saan malamang magkaroon ng mga pagpatay ng kuryente. Tingnan ang mga nakaraang pagkawala ng kuryente sa iyong lugar.
Mas maraming mapagkukunan
- Para makakita ng mas detalyadong salaysay sa aasahan sa pagpatay sa kuryente, i-download ang Iyong Gabay sa Public Safety Power Shutoffs (PDF, 2.6 MB).
- Para makakita ng mga tip kung paano manatiling ligtas habang may pagpatay ng kuryente, i-download ang Maghanda para sa Pagkawala ng Kuryente (PDF, 904 KB).
- Para makahanap ng mga mungkahing supply ng emergency kit, i-download ang Emergency Checklist (PDF, 930 KB).
- Para lumikha ng isinapersonal na plano sa emergency sakaling may paglikas, bisitahin ang aming page ng plano sa emergency.
- Para mag-ulat o tingnan ang kasalukuyang mga pagkawala ng kuryente, bisitahin ang aming mapa sa mga pagkawala ng kuryente.
- Para mas matutunan ang tungkol sa Public Safety Power Shutoff Program, mga salik ng lagay ng panahon, mga alerto at paraan ng paghahanda, i-download ang Dokumento ng Impormasyon sa Public Safety Power Shutoff (PDF, 432 KB).
- Para matulungan ang mga nangungupahan sa iyong maghanda para sa pagpatay sa kuryente, i-download ang Master Meter Flyer (PDF, 60 KB).
- Para sa mga kostumer na may mga pangangailangang medikal o independiyenteng mga pangangailangan sa pamumuhay, i-download ang Polyeto ng Pagtanda at Kahandaan ng May Kapansanan sa Emergency (PDF, 1.26MB).