Tumutulong sa higit pang pagpigil sa panganib ng wildfire, patuloy na pinapahusay ng


PG&E ang mga pagsisikap nito sa pagpigil para sa kaligtasan ng aming mga kostumer at komunidad. Kasama dito ang Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS). 



Panoorin ang mga video na may impormasyon sa EPSS

Paano ito gumagana


  • Ang EPSS ay mga advanced na setting na pangkaligtasan.
  • Ang mga setting na ito ay nagbibigay-daan sa mga linya ng aming kuryente na awtomatikong patayin ang kuryente sa loob ng isang ikasampu ng isang segundo.
  • Maaari itong mangyari kapag may panganib, tulad ng pagbagsak ng sanga ng puno sa isang linya ng kuryente.

Isang infographic na naglalarawan sa kung paano pinapatay ang kuryente kung may tumamang bagay sa linya ng kuryente o kung magkaroon ng pagkasira. Ito ang teksto: Upang makatulong sa pagpigil sa mga sunog ngayong mainit at tuyong panahon, ini-adjust namin ang mga setting sa ilan sa aming kagamitan upang awtomatikong patayin ang kuryente nang mas mabilis kung may matukoy na problema ang sistema.; Kapag may tumamang bagay sa linya o nagkaroon ng pagkasira, matutukoy ng kagamitan ang pagbabago sa kuryente at pinapatay ang kuryente sa loob ng one-tenth ng segundo.; Tinitingnan namin kung may pinsala ang mga linya bago ligtas na ibalik ang kuryente. Ang prosesong ito ay maaaring tumagal nang ilang oras, depende sa terrain.; May mga isinasagawang pagpatrolya sa pamamagitan ng helicopter, trak o paglalakad habang may araw.” srcset=
Para lang sa mga layunin ng paglalarawan. Hindi angkop sa scale ang graphic.

Dagdag na kaligtasan


  • Ang mga setting na ito ay nakatalaga sa mga lugar na mataas ang peligro ng apoy at sa ilang mga katabing rehiyon.
  • Ang mga setting na ito ay napatunayang kasangkapan para maiwasan ang mabilis na kumakalat na apoy. Noong 2022, 68% ang nabawas sa mga nagpapasiklab sa mga linya ng kuryenteng pinatatakbo ng EPSS.*
  • Sa pagpapahinto ng mga nagpapasiklab, nakakatulong tayong mapigilan ang pagsisimula at pagkalat ng mga mabilis na kumakalat na apoy.
  • Kapag naganap ang mga pagsiklab, ang laki ng mga apoy ay mas maliit salamat sa EPSS. Noong 2022, 99% ang nabawas sa mga acre na naapektuhan ng mga pagsiklab, kahit na tuyo ang mga kundisyon.**

* Ang mga nauulat ng CPUC na pagsiklab sa mga Distrito na Mataas ang Banta ng Apoy sa mga linya ng kuryente ng distribusyon (kumpara sa isinanormal ng panahon na karaniwan noong 2018-2020).
** Ayon sa nasukat ng laki ng sunog mula sa kagamitan sa pamamahagi ng kuryente (kumpara sa average ng 2018-2020).



Ano ang aasahan


  • Ang mga mas sensitibong setting na ito ay i-o-on kapag may dagdag na peligro sa mabilis na kumakalat na apoy. Mas malamang ito mula Mayo hanggang Nobyembre, pero maaaring may peligro sa mabilis na kumakalat na apoy sa buong taon sa ilang mga lugar.
  • Pananatiliin kayong ligtas ng EPSS, pero maaari kayong makaranas ng mga hindi inaasahang pagkawala ng kuryente.
  • Nagsasagawa kami ng pang-araw-araw na pagsusuri para madetermina ang peligro ng mabilis na kumakalat na apoy at kung ang mga pangkaligtasang settin ay kailangan para protektahan ang mga kostumer. Kung hindi matutugunan ng mga kundisyon ang pangangailangan, io-off ang EPSS. Makakatulong itong mapigilan ang mga hindi kailangang pagkawala ng kuryente.
  • Hindi namin inaasahan na makaapekto ang mga setting na ito sa mga singil sa kostumer.


Mga sanhi ng pagkawala ng kuryente


  • Maaaring mangyari ang mga hindi inaasahang pagkawala ng kuryente sa maraming dahilan. Kabilang dito ang pagtama ng sanga sa linya ng kuryente.
  • Maaari itong magdulot ng kawalan ng kuryente sa anumang linya ng kuryente, kabilang ang mga walang pangkaligtasang setting. Ang mga may EPSS na linya ng kuryente ay makakatulong na pigilan ang mga mabilis na kumakalat na apoy sa pamamagitan ng mas mabilis na pagpatay sa kuryente.
  • Sa ilang mga kaso, maaaring hindi natin madetermina ang dahilan ng kawalan ng kuryente.
  • Ang mga hindi nalamang dahilan ay maaaring resulta ng isang bagay, tulad ng sanga o hayop, na nadikit sa linya ng kuryente. Minsan, ang mga peligrong ito ay hindi na makikita kapag nag-patrol ang aming mga tauhan para maibalik ang kuryente.


Suporta sa kostumer


Nauunawaan namin kung paano nakakaabala sa mga kostumer ang pagkawala ng kuryente. Kaya nagsusumikap kaming suportahan ang aming mga kostumer at komunidad at mabawasan ang epekto ng mga pagkawala ng kuryente. Kasama sa mga pagsusumikap na ito ang pagbibigay ng:




Mga karagdagang pangkaligtasang pamamaraan


Ang mga pagsasaayos na ito ay ilan lang sa mga pangkaligtasang pagpapaganda na itinalaga ng PG&E. Ang ibang mga pagsisikap ay kinabibilangan ng:




Panoorin ang aming mga video tungkol sa Enhanced Powerline Safety Settings

Ang aming pagtutuon sa iyong kaligtasan

Wildfire Safety Outages – Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS)

Ang paglalarawan at transcript ng audio na ito ay magagamit para sa video na ito:  

 

Mag-access ng bersiyong naglalarawan sa audio
Mag-download ng transcript (PDF, 72 KB)

Wildfire Safety Outages – Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS)

1OF2

Ang paglalarawan at transcript ng audio na ito ay magagamit para sa video na ito:  

 

Mag-access ng bersiyong naglalarawan sa audio
Mag-download ng transcript (PDF, 72 KB)

Enhanced Powerline Safety Settings

Ang paglalarawan at transcript ng audio na ito ay magagamit para sa video na ito:  

 

Mag-access ng bersiyong naglalarawan sa audio
Mag-download ng transcript (PDF, 109 KB)

Enhanced Powerline Safety Settings

2OF2

Ang paglalarawan at transcript ng audio na ito ay magagamit para sa video na ito:  

 

Mag-access ng bersiyong naglalarawan sa audio
Mag-download ng transcript (PDF, 109 KB)