Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
Dagdagan ang nalalaman tungkol sa suporta para sa aming mga kostumer at ang aming pangako upang magpatuloy nitong maihatid ang ligtas at maaasahang kuryente sa ngayong mapaghamong panahon.
Makaka-ambag ang lahat ng taga-California sa pagtitipid ng enerhiya, at mas mahalaga pa ito ngayon. Piliin ang pagbawas ng konsumo sa bahay—sa pagpapataas ng thermostat, paggamit ng appliances nang maaga, sa hapon o gabi, at panatilihing malamig ang silid sa mga saradong kurtina o blinds.
PagtitipidIniulat ng mga kostumer ang tawag o email ng mga scammer na nagkukunwang PG&E.
Mga tangka itong manloko gamit ang mga prepaid card, proyekto ng PG&E, o magbenta ng serbisyo gaya ng "solar evaluation."
Mag-ingat sa humihingi ng mga personal na impormasyon.
Alamin ang mga detalye at tip laban sa scamKapag nagbabanta ang mataas na temperatura, labis na tagtuyot, at sobrang lakas na bugso ng hangin sa sistemang elektrikal, posibleng kailanganin naming patayin ang koryente para sa kaligtasang pampubliko. Tinatawag itong Pagpatay sa Koryente para sa Kaligtasang Pampubliko (Public Safety Power Shutoff o PSPS). Maging handa sa mga pagpatay ng koryente na puwedeng tumagal nang ilang araw. Plano naming abisuhan kayo nang maaga tungkol sa pagpatay ng koryente, kaya pakisigurado na tama ang inyong impormasyon sa pagkontak.
Mag-update ng inyong impormasyon sa pagkontak nang online o tumawag sa 1-866-743-6589.
Umaasa ba kayo sa kuryente para sa inyong mga medikal na pangangailangan? Mag-enroll sa Programang Medical Baseline para makatanggap ng mas mababang buwanang rate. Makatanggap din ng mga dagdag na abiso kung kailangan naming magpatay ng kuryente para sa kaligtasan.
Makatipid ng 20% o higit pa bawat buwan sa inyong bill sa kuryente sa California Alternate Rates for Energy Program (CARE). Madali lang mag-sign up.
Posibleng mawalan ng kuryente anumang oras. Alamin kung dapat bang maging bahagi ng inyong plano sa kahandaan ang pagkakaroon ng backup na kuryente.