Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
Ang undergrounding ay proseso ng pagbaon sa ilalim ng lupa sa mga linya ng kuryente. Nakatutok sa dalawang programa ang PG&E sa undergrounding:
Ginagawang mas ligtas ng mga pagsisikap na ito ang aming sistema. Binabawasan ng undergrounding ang panganib ng pagliliyab nang halos 99% sa lokasyong iyan.
Ang pagpapalawak sa aming sistema ng kuryente na nasa ilalim ng lupa ay:
Nakamit namin ang aming layuning ibaon sa lupa ang hindi bababa sa 175 milya sa 2022, na higit pa sa doble ng milyaheng nakumpleto noong 2021.
Data hanggang 12/15/2022
Kailangan ng matapang na aksiyon ng pagtugon sa mga hamon sa klima ng ating estado. Noong 2021, inanunsiyo natin ang planong ibaon sa ilalim ng lupa ang 10,000 milya ng mga linya ng kuryente. Naganap ang trabahong ito sa at malapit sa mga wildlife-risk na lugar. Ito ang pinakamalaking ganitong uri ng programa sa U.S.
Maghanap ng higit pang impormasyon tungkol sa mga plano ng trabaho sa undergrounding, kasama ang mga mapa, sa ibaba.
Nakatutok kami sa pagbabaon sa ilalim ng lupa sa mga lugar kung saan magkakaroon kami ng pinakamalaking epekto sa pagbawas sa panganib ng mabilis na kumakalat na apoy. Tinatrabaho rin naming mabawasan ang pagkawala ng kuryente dahil sa kaligtasan.
Iba pang dahilan na isinasaalang-alang namin kapag nagtatakda ng trabaho ang:
Mas maraming detalye ang matatagpuan sa aming 2022 Wildfire Mitigation Plan.
Nasa ibaba ang listahan ng mga county na may nakaplanong trabaho sa 2022-2023. Maaaring magbago ang mga plano ng trabaho base sa iba’t ibang dahilan.
Puwede kang mag-click sa mga link sa ibaba para tingnan ang mga mapa ng tinatayang lokasyon ng trabaho para sa 2022-2023. Puwede mong i-download lahat ng mapa rito (PDF, 5.51 MB). Para lang sa biswal na mga layunin ang mga mapa.
Sa 2022, ibabaon namin sa ilalim ng lupa ang hindi kukulangin sa 175 milya ng mga linya ng kuryente. Higit sa doble iyan ng mga linyang nakumpleto natin sa 2021.
Upang maabot ang aming layuning 10,000 na milya, plano naming dagdagan ang aming mga milya sa ilalim ng lupa taon-taon. Pinapalakas namin ang aming mga pagsisikap na magbabaon sa ilalim ng lupa ng higit sa 1,000 milya bawat taon. Aabutin ng ilang taon bago mangyari ang ramp-up na iyon.
Kung interesadong vendor ka, paki-email ang aming pangkat sa undergrounding@pge.com at idadagdag ka namin sa aming listahan.
Plano naming kuhanin ang mga aktibidad mula sa iba’t ibang serbisyo. Maaaring kabilang dito pero hindi limitado sa:
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa wildfiresafety@pge.com o sa 1-877-295-4949.
Kinokombert rin ng PG&E ang maraming milya ng mga nasa itaas na pasilidad ng kuryente sa ilalim ng lupa taun-taon. Nakumpleto ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagsunod sa panuntunan na Patakaran 20 ng California Public Utilities Commission (CPUC) na isang taripa sa distribusyon ng kuryente.
Ang Patakaran 20 ay may tatlong seksyon (A, B at C). Ang paggamit sa partikular na seksyon ng Patakaran 20 ay tinutukoy ng uri ng lugar na ilalagay sa ilalim ng lupa at kung sino ang magbabayad para sa trabaho.
Para sa karagdagang impormasyon sa Patakaran 20, pakitingnan sa ibaba. Para tingnan ang kasalukuyang Patakaran 20 Taunang Ulat (ayon sa Talata ng Pag-utos 14 ng D.21-06-013), i-download ang 2021 Patakaran 20 Taunang Ulat (XLSX, 446 KB).
Pasisimulan ng isang lungsod o county ang isang proyekto ng Patakaran 20A. Madalas itong nangyayari sa mga lugar ng isang komunidad na ginagamit ng publiko. Pinopondohan ng mga bayad sa kuryente ng kostumer ang mga proyekto pagkatapos na makumpleto ang konstruksyon. Upang makita ang mga kasalukuyang 20A na proyekto, i-download ang Patakaran 20A - Mga Nakapilang Proyekto (PDF, 482 KB).
Tinutukoy ng ahensya ng lungsod, county o munisipyo ang potensyal na lokasyon ng proyekto. Tinatalakay kalaunan sa kanila ng PG&E at ng iba pang mga utility ang hangganan. Pagkatapos kumonsulta sa PG&E at magdaos ng mga pampublikong pagdinig kaugnay ng paksa, dapat tukuyin ng namumunong katawan ng isang lungsod o county na ang paglalagay ng linya ng kuryente sa ilalim ng lupa ay nasa pangkalahatang interes ng publiko. Kabilang sa mga pangkwalipikang dahilan para sa isang proyekto ng Patakaran 20A ang sumusunod:
Ang mga proyekto ng Patakaran 20B ay karaniwang kasabay ng mas malalaking pagpapaunlad at ang karamihan sa mga gastos na binabayaran ng developer o aplikante.
Ang paglalagay ng linya ng kuryente sa ilalim ng lupa sa loob ng Patakaran 20B ay ginagawa kapag hindi umaangkop ang lugar sa panuntunan ng Patakaran 20A, ngunit nagsasangkot ng magkabilang panig ng kalye nang hindi bababa sa 600 talampakan. Sa ilalim ng Patakaran 20B, ang aplikante ay responsable para sa paglalagay ng conduit, substructures at mga kahon. Magbabayad ang aplikante para sa gastos sa pagpapalagay ng sistema ng kuryente sa ilalim ng lupa, ibabawas ang kredito para sa katumbas na overhead system, kasama ang mga buwis, kung naaangkop.
Ang mga proyekto sa Patakaran 20C ay kadalasang maliliit na proyekto na kinabibilangan ng isa o higit pang mga may-ari ng ari-arian. Ang mga gastos ay halos ganap na sasagutin ng mga aplikante.
Ang paglalagay ng linya ng kuryente sa ilalim ng lupa sa loob ng mga probisyon ng Patakaran 20C ay nangyayari kapag nagagamit ang Patakaran 20A o Patakaran 20B. Sa ilalim ng Patakaran 20C, babayaran ng aplikante ang buong halaga ng paglalagay ng linya ng kuryente sa ilalim ng lupa, ibawas ang kredito para sa masalba.
Isang cross-functional na pangkat na may mga kinatawan mula sa PG&E, mga kumpanya ng telepono at cable, at mga lokal na pamahalaan ang nangangasiwa sa mga proyekto ng Patakaran 20A na naisasagawa sa pamamagitan ng:
Makipag-ugnayan sa iyong Departamento ng Pampublikong mga Gawain at/o Konseho ng Lungsod para talakayin ang iminungkahing proyekto. Upang masimulan ang proyekto sa Patakaran 20B o 20C sa PG&E:
Ang nalagdaang aplikasyon at paunang deposito ay dapat na maisumite sa PG&E bago magsimula ang trabaho sa proyekto. Ang halaga ng deposito ay depende sa laki at pagkakumplikado ng proyekto.
Kapag naihain na ang aplikasyon, maitatalaga ang isang kinatawan ng PG&E para tumulong sa proseso. Kung susulong ang proyekto pagkatapos ng mga unang pagpupulong, maaaring hilingin ang karagdagang deposito upang masakop ang lahat ng gastos ng PG&E sa pag-inhinyero, pamamahala ng proyekto, mga karapatan sa lupa, materyales at mga gastos sa overhead. Tandaan na ang mga advance sa pag-inhinyero ay hindi maibabalik.