Mag-ingat sa mga nangyayari ngayong scam sa telepono at email

Patuloy ang mga scam sa telepono at email. Alamin ang tungkol sa mga scam na ito para sa inyong proteksyon.

Alamin ang tungkol sa mga caller identification (ID) scam

Iniuulat ng mga kostumer ng PG&E ang mga scam sa telepono kung saan lumalabas sa mga tawag ang PG&E sa caller ID 1-800-743-5000. O kaya, puwedeng magpanggap ang tumatawag na kinatawan siya ng PG&E.


Ilan sa mapanlokong tawag ang:

  • Pagsasabi sa mga customer na hindi bayad ang kanilang bill at puputulan na sila ng kuryente sa loob ng isang oras maliban na lang kung magbabayad sila agad.
  • Paghiling na bayaran ang PG&E gamit ang gift card, MoneyPak® Card, o sa pamamagitan ng app sa pagbabayad gaya ng Venmo o Zelle®. TANDAAN: Para tingnan ang mga awtorisadong paraan ng pagbabayad ng PG&E, bisitahin ang aming page na Mga Paraan ng Pagbabayad (Ways to Pay).
  • Paghingi ng inyong account number at login sa PG&E, o Social Security number para maunawaan ang paggamit ninyo ng kuryente habang sinusubukan kayong bentahan ng serbisyo o bigyan ng pagsusuri sa enerhiya. Hindi kailangan ng mga vendor ang mga ganitong impormasyon para makuha ang data ng paggamit ninyo. Iniaalok ng PG&E ang programang Ibahagi ang Aking Data (Share My Data) para makuha lang ng mga vendor ang data ng paggamit (hindi personal na impormasyon), nang may pahintulot ninyo.
  • Pagsasabi sa mga kostumer na puwede silang makatanggap ng refund at/o diskwento mula sa PG&E, refund sa pederal na buwis, o kaya ay may mga hindi pa sila nababayarang balanse sa PG&E. Susubukan ng tumatawag na kunin ang inyong PG&E account number at iba pang personal na impormasyon.
  • Pagsasabi na may hindi maiiwasang pagpatay ng kuryente at paghingi ng personal na impormasyon para malaman kung apektado ang address ng kostumer.
  • Pagsasabing kinatawan siya ng isang proyekto ng PG&E para makapagbenta siya ng produkto o makapasok sa inyong bahay.

Mag-ingat dahil puwedeng itago ng mga scammer ang kanilang mga tunay na numero ng telepono o kaya ay puwede nilang sabihing mula sila sa PG&E. Hindi PG&E ang nagsasagawa ng mga ganitong tawag.


HINDI NAMIN KAILANMAN HIHINGIIN ANG INYONG PINANSYAL NA IMPORMASYON SA TELEPONO. Dapat ituring bilang mga scam ang mga mapanlinlang na pinansyal na kahilingang gaya nito.


Iniimbestigahan ng PG&E Corporate Security Department at ng mga awtoridad ang lahat ng iniuulat na scam.


Labanan ang mga caller ID scam

Kung nagdududa kayo tungkol sa isang papasok na tawag mula sa PG&E, ibaba ang telepono at tawagan ang numero ng Customer Service ng PG&E: 1-833-500-7226.


Iwasan ang mga scam na pumupuntirya ng mga Hispanic na negosyo

May mga Hispanic na negosyong kostumer na nakakapag-ulat ng mga scam sa telepono kung saan binabalaan silang mapuputulan sila ng kuryente maliban na lang kung magbabayad sila sa pamamagitan ng prepaid cash card gaya ng Green Dot card. Hindi PG&E ang nagsasagawa ng mga ganitong tawag. Hindi kami kailanman nanghihingi ng agarang bayad gamit ang isang prepaid cash card sa telepono o nang personal. Dapat ituring na mga scam ang mga mapanlinlang na pinansyal na kahilingang gaya nito.


Tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa mga scam na pumupuntirya sa mga Hispanic na negosyo. Tingnan ang PG&E Warns Customers of Telephone Scam Targeting Hispanic Businesses (Nagbabala ang PG&E sa Mga Kostumer Tungkol sa Scam sa Teleponong Pumupuntirya ng Mga Hispanic na Negosyo).


Protektahan ang inyong sarili laban sa mga scam sa email

May mga kostumer ng PG&E na nakakapag-ulat na nakakatanggap sila ng mga kahina-hinalang email na mukhang mga bill na ipinadala ng PG&E. Hindi totoo ang mga bill na ito at dapat itong ituring na mga scam.


Tingnan ang higit pang impormasyon tungkol sa mga scam sa email. Pumunta sa PG&E Warns of Scam Emails, Calls (Nagbabala ang PG&E Tungkol sa Mga Scam na Email, Tawag).

Kung makatanggap kayo ng pinaghihinalaang scam na email, mag-email sa: ScamReporting@pge.com.


Iwasang mawalan dahil sa mga scam

Narito ang mga tip para tulungan kayong makaiwas sa mga potensyal na scam:

  • Protektahan ang inyong personal na impormasyon at mga numero ng credit card sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng impormasyon sa telepono. Kung naibigay ninyo ang impormasyon ng inyong credit card o checking account sa pamamagitan ng telepono, iulat ito sa kumpanya ng credit card o bangko at sa tagapagpatupad ng batas.
  • Mag-ingat sa mga email na humihingi ng inyong personal na impormasyon. Lubos na sineseryoso ng PG&E ang inyong seguridad. Hindi kami kailanman nagpapadala ng email sa kahit na sino para hingiin ang kanilang personal na impormasyon nang hindi muna nagla-log in sa inyong online na PG&E account o tumatawag sa amin.
  • Tawagan ang PG&E sa 1-833-500-7226 kung nag-aalala kayo kung lehitimo ba o hindi ang isang tawag tungkol sa hindi pa nababayarang bill, hiling na serbisyo, o paghingi ng personal na impormasyon.
  • Humingi ng identification bago papasukin sa inyong bahay ang sinumang nagpapakilala na kinatawan ng PG&E. Palaging may dalang identification ang mga empleyado ng PG&E at handa sila palagi na ipakita ito sa inyo.
  • Tawagan ang linya ng Customer Service ng PG&E sa 1-833-500-7226 kung hindi pa rin kayo kumportable kahit na pinakitaan na kayo ng identification ng taong nagpapakilalang empleyado. Patitibayan namin kung may appointment at/o kung may taga-PG&E ba na nasa komunidad. Kung natatakot pa rin kayo, abisuhan ang lokal na tagapagpatupad ng batas.
  • Makakatanggap kayo ng automated o personal na tawag mula sa isang gas service representative mula sa PG&E bago ang isang nakaiskedyul na pagbisita.
  • Matuto pa tungkol sa pagprotekta sa iyong bahay o negosyo. Bisitahin ang Verify PG&E contact.