Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
ALERTO: Ang moratorium sa mga pagputol para sa hindi pagbabayad na ipinatupad ng California Public Utilities Commission (CPUC) noong Marso 2020 ay pormal nang natapos. Nananatili ang pangako naming suportahan ang mga kostumer. Bilang dagdag sa iba pang mapagkukunan ng tulong na pananalapi at suportang makukuha, ang bagong programa ng estado, California Arrearage Payment Program (CAPP) Bill Credit, ay tutulong magbayad ng lampas sa taning na mga bayarin sa enerhiya para sa karapat–dapat na mga kostumer na may balanseng lampas sa taning na dumami habang nasa COVID-19 na pandemya. Pakirepaso ang balanse ng iyong account at bayaran ang iyong mga balanse sa takdang oras upang maiwasan ang anumang pagkatigil ng serbisyo.
Kabilang ba ka sa maraming mga taga-California na nagsusumikap sa mga panahong ito ng kahirapan? Bilang iyong lokal na tagapagbigay ng serbisyo at kapitbahay, narito kami upang tumulong. Ang mga programa ng tulong pinansiyal na ito ay nag-aalok ng mga solusyon sa pagbabayad ng lampas na sa taning na mga bayarin ngayon. Ang mga programa ng karagdagang suporta ay nagbibigay ng patnubay sa pagbawas ng mga gastos sa bahay sa hinaharap. Maaari kang maging kwalipikado agad sa ilang programa at maaari kang magsimulang mag-apply o magpalista ngayon.
Maaari kang maging karapat-dapat sa California Arrearage Payment Program (CAPP). Ang CAPP ay isang programa ng estado na nag-aalok ng tulong na pananalapi para sa karapat-dapat na mga kostumer na napag-iwanan sa panahon ng pandemya.
HINDI kailangang mag-apply ng mga kostumer para sa tulong ng CAPP. Isang minsanang kredito ang awtomatikong ilalapat sa karapat-dapat na mga account ng kostumer sa buwang ito. Mga balanse ng bayarin sa enerhiya para sa paggamit ng enerhiya mula Marso 4, 2020 hanggang Hunyo 15, 2021—na hindi lampas sa 60 araw ang utang—ang magkukuwalipika para sa tulong sa ilalim ng CAPP. Makikita ng magkukuwalipikang mga kostumer ang kanilang kabuuang halaga ng kredito sa kanilang bayarin sa enerhiya.
Tiniyak ng mga patnubay ng estado, ang halaga ng tulong ng CAPP na ilalapat sa utang sa bayarin sa kuryente ay magbabago-bago depende sa natitirang balanse ng kostumer. Bawat utility ay nakatanggap ng bahagi ng pondo ng CAPP batay sa porsiyento nito sa kabuuan ng buong estado sa utang sa bayarin sa enerhiyang nakamit habang nasa panahon ng tulong sa pandemya.
Ang binayarang halaga ay dedepende sa ilang bagay. Kasama rito ang makukuhang pondo, bilang ng kuwalipikadong kostumer, at panganib na pagkaputol ng kostumer. Ang mga kostumer na nakatatanggap ng kredito ng CAPP ay karapat-dapat sa flexible na plano ng pagbabayad para sa anumang natitirang balanse. Sinumang kostumer na nakatatanggap ng kredito ng CAPP ay maproprotektahan sa pagkaputol sa loob ng 90 araw.
Ano ang California Arrearage Payment Program?
Bagong tatag na programang kasama sa 2021-2022 na budget ng estado ng California na nag-aalok ng tulong na pananalapi para sa karapat-dapat na mga kostumer na may mga balanseng bayarin sa enerhiya na nakuha sa panahon ng pandemya.
Kailangan bang mag-apply ng mga kostumer?
HINDI kailangang mag-apply ng mga kostumer. Ang pondo ay awtomatikong ipapamahagi sa mga kostumer na magkukuwalipika sa Pebrero at Marso 2022
Mapuputulan ba ako kung may natitira pang utang ang account ko?
Ang mga kostumer na nakatatangap ng tulong mula sa CAPP ay maaaring hindi maputulan sa loob ng 90 araw pagkatapos ilapat ang benepisyo ng CAPP. Ang proseso ng pagputol para sa mga kostumer na residensiyal ay nakatakdang magsimula muli sa huling bahagi ng tagsibol.
Paano kung nakalista ako sa isang may bayad na plano o AMP?
Ang katayuan ng pagpapalista sa pinalawig na mga plano sa pagbabayad o AMP ay hindi mababago para sa mga kostumer na tumatanggap ng benepisyo ng CAPP. Ang haba ng naitatag na pinalawig na plano ng pagbabayad ay maaaring mabago pero hindi babaguhin ang halaga ng buwanang plano ng pagbabayad pagkatapos ilapat ang CAPP.
Ano ang magiging halaga ng kredito ko?
Ang karapat-dapat na mga kostumer ay makatatanggap ng benepisyo ng CAPP sa kabuuang 98 porsiyento ng balanseng bayarin sa loob ng 60 araw para sa paggamit ng enerhiya mula Marso 4, 2020 hanggang Hunyo 15, 2021.
Puwede ba akong gumawa ng plano sa pagbabayad para sa anumang natitirang balanse?
Puwedeng magpalista ang mga kostumer sa flexible na plano ng pagbabayad para sa anumang natitirang bayarin sa kanilang account.
Puwede bang buwisan ang CAPP na pera?
Ang Internal Revenue Service (IRS) ay naglabas ng patnubay na hindi mabubuwisan ang mga benepisyo ng CAPP para sa mga indibidwal.
Ang mga kuwalipikadong kostumer ng PG&E ay awtomatikong ililista sa aming COVID Relief Payment Plan. Kung nakalista ka, matutulungan ka ng plano na mabawasan ang iyong balanse sa paglipas ng panahon. Mapoprotektahan ka din nito mula sa pagdidiskonekta kapag natapos na ang moratorium sa pagdidiskonekta sa Setyembre 30, 2021, kung binabayaran mo ang halaga ng plano nang hulugan at ang iyong kasalukuyang singil bawat buwan.
Mga pangresidensiyang kostumer:
Mga kostumer ng Maliliit na Negosyo:
Mga kostumer ng Maliit na Negosyo sa Disadvantaged Communities:
Ang mga hulugan na pagbabayad ay hindi hihigit sa5% ng iyong pangkaraniwang bayarin sa nakaraang 24 na buwan. Tandaan: Ang Disadvantaged Communities ay ang mga pamayanan na kinilala ng California Public Utilities Commission (CPUC) bilang pinakanangangailangan ng mga puhunan upang mapabuti ang pampublikong kalusugan, kalidad ng buhay at oportunidad sa ekonomiya. Matuto nang higit pa tungkol sa Disadvantaged Communities.
Ano ang COVID na Plano sa Kaluwagan ng Pagbabayad?
Narito kami upang tumulong sa mga panahong ito na tumataas ang paghihirap sa pinansya na maaari mong harapin.
Ang plano sa pagbabayad na ito ay nilikha upang matulungan ang aming mga kostumer na mabayaran ang kanilang mga nakaraang takdang balanse sa paglipas ng panahon, maprotektahan sila mula sa pagdidiskonekta ng serbisyo (gas at/o elektrisidad) kapag natapos na ang moratorium ng pagdidiskonekta sa Setyembre 30, 2021.
Sino ang karapat-dapat para sa COVID na Plano para sa Kaluwagan ng Pagbabayad?
Karapat-dapat ang mga pangkat ng mga kostumer ng PGE&E na ito:
Bakit magsisimula ang COVID na Plano para sa Kaluwagan ng Pagbabayad sa Setyembre 2021?
Nais naming tulungan ang mga kostumer na pamahalaan ang kanilang mga kuwenta. Ang paglulunsad ng plano sa pagbabayad na ito ay kasabay ang pagtatapos ng moratorium ng pagdidiskonekta sa Setyembre 30, 2021. Tinutulungan nito ang mga kwalipikadong kostumer na bayaran ang kanilang mga nakaraang takdang utang at maiwasan ang mga pagdidiskonekta sa serbisyo (elektrisidad at gas) dahil sa hindi pagbabayad.
Kailangan bang tawagan ng mga kostumer ang PG&E upang magpatala sa plano ng pagbabayad na ito?
Hindi, ang mga karapat-dapat na kostumer na may PG&E na kuwenta na hindi bababa sa 60 araw sa nakaraang takda ay awtomatikong itatala simula sa kanilang Setyembre 2021 na kuwenta.
Kailan magsisimula ang plano/mga hulugan sa pagbabayad?
Ang mga hulugan sa pagbabayad para sa mga nakatala na kostumer ay magsisimula sa kanilang Setyembre 2021 na PG&E na kuwenta.
Paano kinakalkula ang mga hulugan ng pagbabayad?
Paano ipapakita ang mga hulugan ng pagbabayad sa aking buwanang kuwenta?
Sa ilalim ng Buod ng Account na seksyon ng iyong pahayag sa enerhiya mula sa PG&E, makikita mo ang isang alerto na mensahe sa kuwenta na nagpapakita ng kabuuang nakaraang takdang balanse at ang halaga ng hulugan na pagbabayad. Maaari mo ring makita ang iyong mga naka-iskedyul na hulugan sa pamamagitan ng pag-sign in sa iyong PG&E na account sa online.
Ano ang mangyayari kung makaligtaan ko ang isang pagbabayad?
Nauunawaan namin ang dumaraming paghihirap na maaaring kinakaharap mo.
Magtamo ng hanggang $1,000 na pambayad ng mga karapat-dapat na mga gastos para sa enerhiya ng sambahayan.
Kumuha ng kredito sa enerhiya na hanggang $300.
Makakuha ng hanggang $8,000 na balanseng bayarin na mapapatawad kung kayo ay:
Gumamit ng mga naiaangkop na plano sa pagbabayad upang makahabol kayo. Dalawang pagpipilian:
OR
Makatipid ng 20% o higit pa sa inyong buwanang bayarin sa gas at kuryente.
Makatipid ng 18% sa inyong buwanang bayarin sa kuryente.
Maari mong mabawasan ang bayarin sa enerhiya sa pamamagitan ng libreng pagpapabuti ng paggamit nito sa inyong tahanan.
Kumuha ng patuloy na buwanang diskwento kung mayroon kayong mga kwalipikadong medikal na kundisyon o mga aparato.
Kumuha ng buwanang diskwento sa inyong serbisyo sa telepono.
Pantayin ang inyong mga bayarin sa enerhiya upang laging mapamahalaan ang buwanang binabayaran.
Kung mayroon kayong mga katanungan, mangyaring huwag mag-atubiling tumawag sa 1-800-743-5000.
Ang mga mapagkukunan ng pinansyal na tulong ay handang magamit din para sa mga negosyo.
Available Lang sa Ingles.