Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Enero 1, 2023
Ang iyong pagkapribado ang prayoridad para sa PG&E, at nagsisikap kami para protektahan ang hawak naming impormasyon tungkol sa iyo. Tinutugunan ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ang impormasyong nakuha mula sa mga mamimili sa California, mga customer ng PG&E, mga bisita sa website at mga gumagamit ng mobile application at nilalayong bigyan ka ng impormasyon tungkol sa pagtrato ng PG&E sa kinokolekta at ginagamit naming personal na impormasyon tungkol sa iyo. Sinasaklaw ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ang Pacific Gas and Electric Company at ang parent company na PG&E Corporation, at anumang iba pang site o serbisyo na naka-link sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. Ayon sa pagkakagamit dito, ang "PG&E" ay tumutukoy sa Pacific Gas and Electric Company at/o PG&E Corporation.
PG&E ang aming mga customer na hindi nakakarinig, nahihirapang makarinig, at may diperensiya sa paningin, mga customer na may kapansanan sa pagsasalita at mga customer na humihingi ng suporta sa mga iba pang wika, ng iba’t ibang serbisyo sa pag-access para sa mga nabanggit na kapansanan. Maa-access ng mga customer na may mga kapansanan ang Patakaran sa Pagkapribado ng PG&E sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa aming Assistive Resources o pagtawag sa aming toll-free na numero sa 1-800-743-5000.
Para sa karagdagang impormasyong nauukol sa pagkapribado ng iyong datos sa paggamit ng kuryente, pakitingnan ang Abiso sa Pag-access, Pagkolekta, Pag-iimbak at Pagsisiwalat ng Impormasyon sa Paggamit ng Kuryente ng PG&E, na suplemento ng patakarang ito.
Kung ikaw ay kasalukuyan o dating aplikante sa trabaho, empleyado o kontratista, hindi nalalapat sa iyo ang patakarang ito sa mga nasabing katungkulan. Ang iyong mga karapatan bilang aplikante sa trabaho, empleyado o kontratista ay inilalarawan sa isang hiwalay na patakaran. Rebyuhin ang Abiso sa Empleyado, Aplikante sa Trabaho, at Kontratista.
Ang "personal na impormasyon" ay nangangahulugang anumang impormasyon na tumutukoy, nauugnay, naglalarawan, makatwirang maiuugnay, o makatwirang maikakawing, nang direkta o di-direkta, sa isang partikular na mamimili o sambahayan. Hindi kasama sa personal na impormasyon ang impormasyong bukas sa publiko, impormasyong tinanggalan ng pagkakakilanlan o napagsama-sama, o impormasyong nasa saklaw ng ilang batas na federal at batas ng estado.
Ang "ikaw" ay tumutukoy sa mamimili sa California, customer ng PG&E, bisita sa website, o gumagamit ng mobile application.
Maaari naming kolektahin ang personal na impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba’t ibang pinagkukuhanan sa nakaraang 12 buwan:
Maaaring nakolekta na namin ang mga sumusunod na kategorya ng personal na impormasyon tungkol sa iyo sa nakaraang 12 buwan:
Maaari naming gamitin ang iyong personal na impormasyon para sa mga sumusunod na layunin:
Maaari naming isiwalat ang iyong personal na impormasyon sa mga sumusunod na paraan:
Hindi nagbenta ang PG&E ng personal na impormasyon ng mga mamimili sa nakalipas na 12 buwan para sa anumang halaga ng pera. Gayunpaman, ang paggamit namin ng ilang website cookies ay maituturing na "pagbebenta" ng impormasyon sa ilalim ng batas ng California. Sa nakaraang labindalawang buwan, maaaring naisiwalat namin ang iyong aktibidad sa internet o geolocation sa mga ikatlong partidong may cookies sa aming mga website. Ginagamit ang cookies na ito para suriin ang usage ng aming website, bigyan ka ng naaangkop na advertising at mga produkto ng PG&E, at magbigay ng karagdagang dinamikong functionality sa aming mga website. Puwede kang mag-opt-out sa paggamit sa cookies na ito sa pamamagitan ng paggamit sa "Do Not Sell My Personal Information" link sa footer ng web page. Kinikilala rin namin ang mga signal ng opt-out preference na nilalaman ng mga HTTP header field.
Ang PG&E ay hindi "nagbabahagi" ng personal na impormasyon ayon sa pagkakagamit sa salitang ito sa California Consumer Privacy Act.
Maaaring ibahagi ng PG&E ang napagsama-sama o tinanggalan ng pagkakakilanlan, hindi nauukol sa partikular na customer na datos at impormasyong hinango mula sa personal na impormasyon sa ibang mga entidad para sa layuning pagsasagawa ng mga aktibidad na maaaring makatulong sa PG&E na ibigay at pahusayin ang mga produkto at serbisyo nito sa utilidad, kabilang ang mga programang gaya ng Energy Efficiency and Demand Response, o para bigyang-impormasyon ang patakaran ng California sa enerhiya ayon sa ibinilin ng California Public Utilities Commission at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan ng California na nagpapatupad ng regulasyon sa PG&E.
Paminsan-minsan, maaari kaming mag-alok ng mga pinansiyal na insentibo sa mga mamimili bilang kapalit ng pagbabahagi ng mamimili ng ilang personal na impormasyon sa amin. Ang mga partikular na tagubilin kung paano makikilahok at ang mga iniaalok na gantimpala bilang mga insentibo ay maaaring magkakaiba at nakatakda sa bawat programa. Ang aming tapat na tinatayang halaga ng iyong impormasyon ay ang halaga ng benepisyong iniaalok namin sa iyo. Kinalkula namin ang halagang ito batay sa gastos namin sa pangangasiwa sa programa na nauugnay sa benepisyong nakukuha ng aming tumatakbong programa. Upang makilahok sa anumang programang may insentibo maaari kang mag-opt in sa pamamagitan ng pagpapalista para sa insentibo kapag inialok ito sa iyo. Ang pakikilahok sa aming mga promosyonal na programa ay palaging opsyonal, at maaari mong tapusin ang pakikilahok sa programa sa anumang oras gaya ng ipinaliwanag sa mga takda ng naaangkop na programa. Maaari mo rin kaming kontakin sa 1-800-743-5000 upang mag-unsubscribe o kanselahin ang iyong pakikilahok sa anumang programa.
Ang mga signal na "Do Not Track" ay ginagamit ng ilang web browser para tangkaing limitahan ang pagsubaybay na kaugnay ng mga pagbisita mo sa isang website. Hindi lahat ng browser ay nag-aalok ng opsyon na "Do Not Track" at ang mga signal na "Do Not Track" ay hindi pa magkakapareho. Hanggang ibino-broadcast ng iyong browser ang "Do Not Track" signal, naka-configure ang aming website na kilalanin ang mga "Do Not Track" signal.
Habang nagba-browse sa website ng PG&E o mga online na serbisyo na hindi inisponsoran ng PG&E, maaaring may makita ka at piliin mong i-access ang mga website o mga online na serbisyo na pinatatakbo ng mga kasosyo sa negosyo ng PG&E, mga kompanya o ahensiya na maaaring walang kaugnayan sa PG&E sa pamamagitan ng pag-click sa mga hypertext link o icon. Maaaring mangolekta ang mga website na ito ng data o personal na impormasyon tungkol sa iyo at sa iyong mga online na aktibidad. Hindi kinokontrol ng PG&E at hindi ito responsable para sa ginagawa ng mga ibang partidong ito kaugnay ng kanilang mga website o online na serbisyo, o kung paano nila ginagamit ang iyong personal na impormasyon.
Itinatabi namin ang iyong personal na impormasyon batay sa mga legal na kinakailangan o mga pangangailangan ng negosyo. Karaniwan, itinatabi lang namin ang personal na impormasyon hangga’t ito ay makatwirang kailangan para sa layunin ng aming negosyo o ayon sa inaatas ng batas. Ang datos ng customer ay karaniwang itinatabi para sa tagal ng relasyon sa PG&E at para sa karagdagang 5 taon mula sa pagtatapos ng relasyon sa customer, nang napapailalim sa mga pangangailangan ng batas o negosyo para sa mas matagal na panahon ng pagtatabi. Gayundin, karaniwang itinatabi ang contact data ng negosyo para sa tagal ng kontrata/kasunduan sa PG&E at para sa karagdagang 11 taon mula sa pagwawakas ng kontrata at/o pag-expire ng mga napapailalim na obligasyon sa kontrata, ngunit sumasailalim sa mas matagal na panahon ng pagtatabi para sa mga pangangailangan ng batas o negosyo.
Pagtatakda ng Serbisyo: Upang magtakda o muling magtakda ng serbisyo, maaaring hingin sa iyo ang iyong Social Security number para mapatunayan namin ang iyong pagkakakilanlan. May karapatan kang hindi ibigay ang inyong Social Security number, gayunpaman, maaaring may sisingiling deposito, at hihingi kami ng ibang anyo ng pagkakakilanlan (hal. lisensiya sa pagmamaneho, pasaporte, pagkakakilanlan sa estado, at iba pa). Ang pagtatakda ng deposito ay puwedeng isantabi kung ang account ay nakatala sa paperless billing at recurring payment sa pamamagitan ng pge.com o nakuha gamit ang isang bill guarantor. Ang muling pagtatakda ng deposito ay puwedeng isantabi kung may seguridad gamit ang isang bill guarantor.
Pag-set Up sa Iyong Account: Bilang customer, maaari kang magpalista para sa isang account online sa pge.com para makakuha ng agarang access sa iyong bill, magbayad, at makatanggap ng mga importanteng alerto (ang iyong "Account"). Puwede mong i-update ang iyong profile, personal na impormasyon, at mga kagustuhan sa account sa pamamagitan ng iyong Account. Kung pipiliin mong mag-sign up para sa isang Account, hihingin sa iyo ang iyong email address. May karapatan kang tumangging ibigay ang iyong email address; gayunpaman, hindi mo magagamit ang aming mga online na serbisyo gaya ng electronic billing at pagbabayad.
Mga Komunikasyon sa Email: Maaari mong piliing makatanggap ng ilang mga komunikasyon sa email mula sa amin sa anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod sa unsubscribe link sa footer ng email o sa pakikipag-ugnayan sa amin sa paraang inilalarawan sa seksyon na "Makipag-ugnayan sa Amin" sa Patakarang ito. Kung ikaw ay isang customer na nagrehistro gamit ang Your Account para i-access ang iyong account sa aming website, puwede mong piliing hindi makatanggap ng mga sulat sa pamamagitan ng pag-update sa seksyon ng mga kagustuhan o preferences sa Profile & Alerts na page sa loob ng portal ng Your Account sa pge.com. Ang pag-opt out sa mga komunikasyon sa email ay hindi nangangahulugan na hindi ka na kokontakin ng PG&E tungkol sa iyong account o sa iyong serbisyo sa kuryente at gas. Halimbawa, patuloy na makakatanggap ang mga kasalukuyang customer ng mga pang-emergency na abiso mula sa PG&E ayon sa iniaatas ng batas, at hindi ka maaaring mag-opt out sa ganitong mga komunikasyon.
Mga Voice Call, Mensaheng Text at SMS: Maaaring mayroon kang pagkakataong makatanggap ng paminsan-minsang mensaheng voice, text at SMS mula sa PG&E upang makatanggap ng mga update sa aming mga produkto at serbisyo, o tungkol sa mga produkto at serbisyo na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Maaaring iba-iba ang dalas ng mensahe. Sa pagbibigay ng iyong numero ng telepono at pagpiling makatanggap ng mga mensaheng text, hayagan kang pumapayag na tanggapin ang mga komunikasyong ito, kabilang ang mga automated na mensaheng text sa ibibigay mong numero ng telepono. Ang pagpayag na makatanggap ng mga mensaheng text ay hindi kinakailangan upang makatanggap ng mga produkto at serbisyo mula sa PG&E. Maaari mailapat ang mga message at data rate, at mailalapat din ang mga rate ng iyong carrier. Puwede kang mag-opt out sa pagtanggap ng mga mensaheng text sa hinaharap o tumanggap ng tulong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa matatanggap mong mensaheng text. Dahil kami ay nasa Estados Unidos, maaaring mailapat ang mga international rate depende sa iyong lokasyon. Maaari naming isiwalat ang numero ng iyong mobile phone sa mga provider ng serbisyo kung kanino kami nakikipagkontrata upang padalhan ka ng mga automated text message, ngunit hindi namin isisiwalat ang numero ng iyong mobile phone sa mga third party para sa kanilang sariling layuning pagbebenta nang wala kang hayagang pahintulot. Ang pag-opt out sa mga tawag, mensaheng text at SMS ay hindi nangangahulugan na hindi ka na kokontakin ng PG&E tungkol sa iyong account o sa iyong serbisyo sa kuryente at gas. Halimbawa, patuloy na makakatanggap ang mga kasalukuyang customer ng mga pang-emergency na abiso mula sa PG&E ayon sa iniaatas ng batas, at hindi ka maaaring mag-opt out sa ganitong mga komunikasyon.
Pinahihintulutan ng California Civil Code Section 1798.83, kilala rin bilang batas na "Shine The Light", ang aming mga gumagamit na residente ng California na humingi at makakuha mula sa amin, isang beses kada taon nang walang bayad, ng impormasyon tungkol sa mga kategorya ng personal na impormasyon (kung mayroon man) na isiniwalat namin sa mga third party para sa mga layunin ng direktang pagbebenta at ang mga pangalan at address ng lahat ng third party kung kanino kami nagbahagi ng personal na impormasyon sa katatapos lang na taon sa kalendaryo. Kung ikaw ay residente ng California at gusto mong gumawa ng ganoong kahilingan, pakisumite ang iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagsulat sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na ibinibigay sa ibaba.
Kung ikaw ay residente ng California, mayroon kang ilang mga karapatan sa pagkapribado na nauugnay sa iyong personal na impormasyon. Inilalarawan ng seksyong ito ang mga naturang karapatan at kung paano mo gagamitin ang mga karapatang ito:
Karapatang Alamin at I-access ang Personal na Impormasyon
May karapatan kang i-access at alamin kung anong personal na impormasyon ang kinokolekta ng PG&E tungkol sa iyo, at paano nito ginagamit, isinisiwalat, ibinebenta ang ganoong personal na impormasyon. Mayroon ka ring karapatang humingi, hangga’t teknikal na posible, ng portable na pangkat ng iyong personal na impormasyon.
Karapatang Hilingin ang Pag-delete sa iyong Personal na Impormasyon
May karapatan kang hilingin na i-delete ng PG&E ang personal na impormasyong hawak nito tungkol sa iyo nang napapailalim sa mga partikular na limitasyon. Kung hindi namin ide-elete ang iyong personal na impormasyon para sa mga dahilang pinahihintulutan ng naaangkop na batas, sasabihin namin sa iyo.
Karapatang Iwasto ang Hindi Tumpak na Personal na Impormasyon
May karapatan kang hilingin na iwasto ng PG&E ang hindi tumpak na personal na impormasyon na itinatabi namin tungkol sa iyo.
Karapatang Mag-Opt Out sa Pagbebenta sa iyong Personal na Impormasyon
Maaaring may karapatan kang mag-opt out sa pagbebenta o pagbabahagi sa iyong Personal Data.
Kung ikaw ay isang mamimili sa California, upang gamitin ang iyong mga karapatan, mangyaring magsumite ng kahilingan gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan:
Hindi makakatugon ang PG&E sa iyong kahilingan o makapagbibigay sa iyo ng personal na impormasyon kung hindi namin mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan o awtoridad na gawin ang kahilingan at kumpirmahin na ang personal na impormasyon ay nauukol sa iyo. Kapag magsusumite ka ng kahilingan, gagawa kami ng mga hakbang para patunayan ang iyong pagkakakilanlan gamit ang mga serbisyo na pagpapatunay ng pagkakakilanlan. Hindi mo kinakailangang gumawa ng account sa amin para magsumite ng kahilingan. Kung wala kang account sa amin, maaari naming hilingin na bigyan mo kami ng impormasyon tungkol sa iyong sarili upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan.
Gagamitin lang namin ang personal na impormasyong ibibigay mo kaugnay ng pagpapatunay sa pakakakilanlan upang patunayan ang pagkakakilanlan o awtoridad ng humihiling na gawin ang kahilingan at kapag maaari, susubukan naming itugma ang impormasyong ibibigay mo sa impormasyong maaaring hawak na namin tungkol sa iyo.
Kung gusto mong pahintulutan ang isang third party na gumawa ng kahilingan sa ngalan mo bilang awtorisadong ahente, dapat kang makipag-ugnayan sa mismong PG&E Privacy Team at dapat kang magbigay ng valid na California power of attorney o katulad na dokumentasyon ng nakasulat na pahintulot mula sa iyo at pagpapatunay sa iyong pagkakakilanlan sa PG&E. Maaari ka ring gumawa ng kahilingan kaugnay ng pagkapribado sa ngalan ng iyong menor-de-edad na anak.
Kinikilala ng PG&E ang mga signal ng opt-out preference na nilalaman ng mga HTTP header field. Kapag makatanggap kami ng signal ng opt-out preference, ipoproseso namin ang signal na iyon ayon sa iniaatas ng naaangkop na batas.
Karapatan ng Konsyumer | Natanggap | Nasunod | Tinanggihan nang Buo o Bahagya | Median na Bilang ng mga araw upang Matupad | |
---|---|---|---|---|---|
Karapatang Malaman |
982 |
723 |
259 |
18 |
|
Karapatang Tanggalin |
1,113 |
801 |
312 |
15 |
|
Karapatang Umalis* |
4,004,992 |
4,004,992 |
0 |
1 |
* Sinusubaybayan ng PG&E ang mga kahilingan sa pag-alis sa pamamagitan ng mga kahilingan ng mga indibidwal na umalis sa cookies ng marketing at social media. Kinakatawan ng mga datos na ito ang kabuuang bilang ng mga kostumer na nagsumite ng mga kahilingang umalis, bagama’t maaaring nagsumite ang mga indibidwal na kostumer ng maramihang kahilingan noong 2021.
Hindi kami magdidiskrimina o gaganti laban sa iyo para sa paggamit sa iyong mga karapatan sa pagkapribado na tinukoy sa patakaran sa pagkapribado na ito.
Gumagawa kami ng makatwiran at naaangkop na mga hakbang upang tiyakin ang integridad ng aming mga sistema at protektahan ang iyong personal na impormasyon. Patuloy kaming nagpapatupad at nag-a-update ng mga pang-administratibo, teknikal, at pisikal na hakbang sa seguridad upang makatulong na protektahan ang personal na impormasyon tungkol sa iyo laban sa hindi awtorisadong pag-access, pagsira, o pagbabago. Gayunpaman, sana’y maunawaan mo na walang paraan ng transmisyon sa Internet o paraan ng pag-iimbak ng data ang 100% ligtas. Kaya hindi namin magagarantiyahan ang lubos na seguridad.
Hindi nakadirekta ang aming mga serbisyo sa mga batang wala pang 16 taong gulang, at hindi sinasadya ng PG&E na mangolekta ng anumang personal na impormasyon ng mga batang wala pang 16 taong gulang maliban kung iniaatas ng naaangkop na batas. Kung naniniwala kang may isang batang wala pang 16 taong gulang ang nagbigay sa amin ng personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pgeprivacy@pge.com at magbigay ng maikling paglalarawan sa iyong ipinag-aalala.
Regular naming susuriin ang Patakaran sa Pagkapribado na ito. Kung gagawa kami ng mahahalagang pagbabago sa patakaran sa pagkapribado na ito, susubukan naming abisuhan ka at/o kunin ang iyong pahintulot, gaya ng iniaatas ng batas. Inirerekomenda namin na regular mong suriin ang patakaran sa pagkapribado na ito.
Kung mayroon kang mga tanong, alalahanin, o reklamo tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, kung gusto mong humingi ng kasalukuyan o nakaraang bersyon, o kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa aming proseso para sa pag-update sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga sumusunod na opsyon:
PG&E Residential and Business Customer Service
Correspondence Management Center
Attention: Privacy Management
P.O. Box 997310
Sacramento, CA 95899-7310
PG&E Residential Customers: Tumawag sa 1-800-743-5000
Mga Pangnegosyong Kostumer ng PG&E: Bisitahin ang Business Customer Service Center
Email: pgeprivacy@pge.com