Huling Pag-update: Enero 1, 2020


Pangunahing priyoridad ng PG&E ang inyong pagkapribado at magsisikap kami nang husto para protektahan ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya tungkol sa inyo. Inilabas ng California Public Utilities Commission (CPUC) (Komisyon ng California sa Mga Pampublikong Utility) ang "Rules Regarding Privacy and Security Protections for Energy Usage Data (PDF, 476 KB)" (Mga Tuntunin sa Proteksiyon ng Pagkapribado at Seguridad sa Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya) para tiyakin ang proteksiyon ng pagkapribado ng kliyente. Itinuturing naming kumpidensiyal ang impormasyon tungkol sa aming mga kliyente, alinsunod sa lahat ng kahingiang legal at panregulasyong ginawa ng CPUC at iba pang ahensiya sa regulasyon. Layunin nitong abiso na ipaalam sa inyo kung paano itinuturing ng PG&E ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya na kinolekta at pinoproseso namin. Ang Abiso sa Pag-access, Pagkolekta, Pag-iimbak, Paggamit, at Pagbubunyag ng Impormasyon sa Pagkonsumo ng Enerhiya ng PG&E ay sumasakop sa Pacific Gas and Electric Company, sa mga empleyado, ahente, kontratista, at mga kasama nito.


Pakitingnan din ang aming Patakaran sa Pagkapribado tungkol sa pagkapribado ng Impormasyong Personal na aming nakolekta. May bisa simula sa Enero 1, 2020, nirebisa ang aming Patakaran sa Pagkapribado para ipakita ang mga karapatan ng mga konsumerista ng California (mga residente ng California) sa ilalim ng Batas ng California sa Pagkapribado ng Konsumerista (California Consumer Privacy Act).

 

Mga Depinisyon

Ang "impormasyong personal" ay alinmang impormasyon, na kapag ginamit nang hiwalay o kapag isinama sa ibang personal o mapagkikilanlang impormasyon, ay magagamit para matukoy o matanto ang identidad ng indibidwal, pamilya, o sambahayan na ang isa o may kasama doon na isang kliyente ng PG&E. Nakapailalim ang gayong impormasyon sa mga kahingian ng pagiging kumpidensiyal

 

Ang "Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya" ay impormasyon ng pagkonsumo na nakuha gamit ang Advanced Metering Infrastructure (AMI) ng PG&E, na kinabibilangan ng SmartMeters™ ng PG&E, kapag iniugnay sa alinmang impormasyon na makatwirang magagamit para matukoy ang isang kliyenteng indibidwal, pamilya, sambahayan, residensiya, o di-residensiyal.

 

Ang mga "ikatlong partido" ay mga tagabenta, ahente, kontratista, o kasama na naglalaan ng serbisyo sa o sa ngalan ng PG&E

 

Ang "kayo" ay sinumang kliyente, bisita sa website, o user ng mobile application ng PG&E

 


Anong Uri ng Impormasyon Ang Kinokolekta ng PG&E?

Nakapangako ang PG&E na mangolekta lamang ng impormasyon na kailangan para makapaglaan sa inyo ng serbisyo o makasunod sa batas. Kami ay tumatanggap, nag-iimbak, at nagpoproseso ng Impormasyong Personal, kasama ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya batay sa aming pangnegosyong ugnay sa inyo at sa inyong paggamit ng aming mga serbisyo sa utility. Kabilang sa mga halimbawa ang:

  • Impormasyon sa pagkontak na pinapayagan kaming makipag-ugnayan sa inyo, kabilang ang inyong pangalan, address, numero ng telepono, at email address
  • Mga impormasyon sa singil at pagbabayad na ginagamit para bayaran ang inyong singil sa utility, kasama ang inyong impormasyong pinansiyal, credit history, at Social Security Number
  • Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya, kabilang ang datos ng pagkonsumo ng koryente at gas na nakokolekta ng aming sistema sa pagmemetro
  • Impormasyon na nakuha kapag pinili ninyong lumahok sa mga programa o serbisyo sa utility, gaya ng programang Energy Efficiency and Demand Response, o mga serbisyong web-based gaya ng Your Account

 

Cookies: Kapag bumisita o ginamit ninyo ang aming website o mga serbisyong online, puwedeng gumawa ang aming server ng cookies, na mumunting piraso ng impormasyon na inilalagay sa inyong device na naglalaan ng mas magaang na danas para sa inyo. Kapag tinitingnan ninyo ang impormasyon ng account online, puwedeng maglaan kayo o nagbubukas na magamit namin ng mga kasosyo ang ilang impormasyon. Samantalang hindi nakaugnay ang inyong Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya sa cookies na ginagamit sa aming website o mga serbisyong online, puwedeng nakaugnay ang inyong Impormasyong Personal sa mga cookies na ito kapag ginamit ninyo ang ilang feature gaya ng "Remember My Username". Para sa karagdagang impormasyon kung paano ginagamit ng PG&E ang cookies at paano ninyo tatanggalin ang kakayahan ng cookies, pakibisita ang aming Patakaran sa Pagkapribado.


Paano Nakokolekta ang Impormasyon?

Nangongolekta kami ng impormasyon sa iba't ibang paraan kasama ang:

  • Kapag gumamit kayo ng koryente at gas, nakokolekta ng aming sistema sa pagmemetro ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya
  • Kapag nag-set up kayo ng account ninyo o nakipag-ugnayan sa amin tungkol sa inyong account, serbisyo sa utility, at sa pagsali ninyo sa mga programa sa utility. Puwedeng makolekta ito gamit ang telepono kapag nakipag-usap sa kinatawan ng serbisyo sa kliyente, sa mail, sa text, sa email, sa aming website sa pge.com (tingnan ang aming Mga Takda sa Paggamit), o sa mga tagabenta na nagbibigay ng serbisyo sa ngalan namin.
  • Kapag nakipagtrabaho kami sa mga ikatlong partido gaya ng mga ahensiya sa credit, market researcher, o kontratistang naglalaan ng mga serbisyo sa utility sa ngalan namin
  • Mula sa iba pang mapagkukunan: Puwede naming dagdagan ang impormasyong nakasaad sa itaas ng impormasyon na nakuha namin sa ibang mapagkukunan, kasama pareho ang nagmula sa online at offline na mga tagabigay ng datos. Puwedeng kasama sa gayong mga karagdagang datos ang impormasyon sa pagkontak, gaya ng inyong email address, demograpikpng datos, o iba pang makabuluhang impormasyon.


Paano namin ginagamit ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya

Ginagamit namin ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya na nakolekta para maglaan sa inyo ng mga serbisyong utility, at sabihan kayo tungkol sa programa at serbisyong kaugnay ng utility na magagamit ninyo. Kabilang sa mga halimbawa ang:

  • Gawin ang inyong billing statement, at subaybayan ang inyong account billing at payment history
  • Ipakita ang inyong Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya sa batayang sa-susunod-na-araw (next-day basis), kung naaangkop, gamit ang may seguridad na pag-access sa Internet
  • Makipag-ugnayan tungkol sa inyong pagkonsumo ng enerhiya para tulungan kayong pumili ng pinakamabuting plano ng taas ng bayad, o tulungan kayo, kung nais ninyo, na pakinabangan ang mga programa sa pagpepresyo na iniaalok ng PG&E, gaya ng aming programang SmartRateTM
  • Makipag-ugnayan sa inyo tungkol sa payo ng pagtitipid sa enerhiya at pangangasiwa ng enerhiya na ibinagay sa inyong lugar, panahon, at arawang pagkonsumo ng enerhiya
  • Pagandahin ang aming serbisyong utility sa inyo

 

Puwede rin naming isama ang mga datos tungkol sa inyong pagkonsumo ng koryente at gas sa isang grupo ng ibang mga datos ng pagkonsumo kaya hindi makikilala at hindi kayo matutukoy nang personal. Halimbawa, magagamit ang datos ng grupo para magpakita ng buod ng kabuuang pagkonsumo ng enerhiya para sa lahat ng sambahayan at negosyo sa isang tiyak na heograpikong lugar o sona ng panahon. Sa mga pagkakataong ito, ginagamit namin ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya para pangasiwaan, paglaanan, at pagbutihin ang aming mga pagpapatakbo ng serbisyo at negosyo. Kabilang sa mga halimbawa ang:

  • Magsuri ng taas ng bayad at mga balangkas ng taas ng bayad
  • Mag-ulat ng panghinaharap ng mga padron (pattern) at plano para sa pag-unlad sa iba't ibang heograpikong lugar
  • Pagbutihin ang pagpaplano ng supply ng enerhiya at pagandahin ang pagdidisenyo at pagbuo ng mga sistema sa distribusyon ng enerhiya

Pagbabahagi ng Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya sa Mga Ikatlong Partido

Para makapaglaan sa inyo ng mga serbisyo o para magawa ang mga transaksiyon na hiniling ninyo, maililipat namin ang inyong Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya sa Mga Ikatlong Partido na gumagawa sa ngalan namin. Kahingian sa Mga Ikatlong Partido na gumagawa sa ngalan ng PG&E na sumunod sa parehong mga gawain sa pagkapribado at seguridad gaya ng PGE at nakapailalim sa masinsinang repaso sa seguridad ang kanilang mga sistema ng pangangasiwa sa mga datos bago magpahintulot ang PG&E ng anumang pagbabahagi ng Impormasyong Personal ng mga kliyente.

 

 

Hindi ibinubunyag ng PG&E ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya ng isang kliyente sa sinumang tao o entidad sa negosyo nang walang paunang pahintulot ninyo, maliban kung kailangan ng PG&E para:

  • Maglaan ng mga serbisyo sa inyo
  • Magpatakbo at magmantini ng sistema ng koryente o gas ng PG&E
  • Sumunod sa isang valid na warrant, subpoena, o kautusan ng korte
  • Sumunod sa isang valid na hiling ng California Public Utilities Commission o hiling mula sa ibang pang-estado o federal na ahensiya ng gobyerno na may legal na awtoridad para kunin ang mga datos sa PG&E
  • Bigyang kakayahan ang mga Ikatlong Partido na maglaan ng mga serbisyong kaugnay ng utility sa ngalan ng PG&E—pero kung kailangan lamang para maisagawa ang serbisyo at sasailalim pa rin sa mga kahingian ng pagiging kumpidensiyal at may seguridad
  • Tumulong sa mga tagatugon sa emergency sa mga sitwasyon ng banta sa buhay o ari-arian.

Maibabahagi ng PG&E ang mga partikular na mga datos at impormasyon na pinagsama-sama, di-kliyente na nakuha sa impormasyong personal mula sa ibang entidad para sa layunin ng pagsasakatuparan ng mga aktibidad na makatutulong sa PG&E na maglaan at paunlarin ang mga serbisyo at produktong utility nito, kabilang ang programang gaya ng Energy Efficiency at Demand Response, o para magabayan ang patakaran sa enerhiya ng California sa patnubay ng CPUC.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa inyong mga karapatan at mga obligasyon ng mga ikatlong partido na ginagamit o ina-access ang iyong Personal na Impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa PG&E sa mga address o link sa ibaba, o suriin ang mga Panuntunan sa Pagkapribado ng CPUC.

 

Pagbabahagi ng Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya Ayon sa Pagpili Ninyo

Puwede ninyong pahintulutan ang ibang kompanya o tao na tumanggap ng inyong impormasyong personal mula sa PG&E, kasama ang inyong Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya. Bago magbahagi ng impormasyon, mahalagang maunawaan ninyo kung ano ang balak sa paggamit ng ibang partido sa impormasyon ninyo, kung ibabahagi nila ito sa iba, at ang inyong karapatan bilang isang konsumerista. Hinihikayat namin kayo na protektahan ang pagiging kumpidensiyal ng inyong username at password at iba pang personal na pagkikilanlang impormasyon partikular sa inyong PG&E account.


Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang pge.com/sharemydata.


Pagpapanatili

Pinapanatili namin ang mga Impormasyong Personal, kabilang ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya, alinsunod sa mga legal na kahingian o rekomendasyon, kabilang ang mga mula sa CPUC, na karaniwan ay pitong taon. Sa pangkalahatan, pinapanatili lamang namin ang impormasyong personal sa makatwirang tagal na kailangan para makapaglaan sa inyo ng mga serbisyong utility o ayon sa aprobasyon ng CPUC o alinsunod sa batas. Ligtas na pamamaraan ng pagdespatsa ang ginagamit kapag hindi na kailangan ang impormasyon.


Tingnan ang Inyong Mga Datos ng Pagkonsumo ng Enerhiya

Ang access sa Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya ay inilaan sa monthly billing statement man o sa online na portal ng Your Account. Makikita sa Your Account ang Mga Datos sa Pagkonsumo ng Enerhiya isang araw pagkatapos ng aktuwal na pagkonsumo at ipinapakita ang kada oras na konsumo para sa mga residensiyal na kliyente at 15-minutong pagitan sa datos para sa mga di-residensiyal (pangnegosyo) na kliyente.


Naglalaan din ang website ng PG&E ng ligtas na pag-access sa mga impormasyon sa presyo, kasama ang tantiyang singil sa dulo ng buwan at taas ng bayad sa mga oras na marami at kaunti ang gumagamit. Ang mga kliyenteng nasa karaniwang plano ay makakapili din na maabisuhan kapag pumunta sila sa mas mahal na antas sa pamamagitan ng pagsali sa boluntaryong programa ng PG&E na tinatawag na Energy Alerts.


Pamamahala Sa Inyong Impormasyon

Nag-aalok kami ng ilang mapagpipilian tungkol sa paano kami makikipag-ugnayan sa inyo at anong Impormasyong Personal ang ilalaan ninyo sa amin. Sa ilang kaso, may karapatan kayong limitahan ang impormasyong inilaan ninyo sa amin.

  • Numero ng Social Security: Para makabuo o muling makabuo ng serbisyo (establish or re-establish), puwedeng hilingan kayo na ilaan ang inyong Social Security Number para mapagtibay namin ang inyong identidad. May karapatan kayong hindi ilaan ang inyong Social Security Number, ngunit puwedeng singilin kayo ng deposit, at hihilingin namin ang isang alternatibong paraan ng identipikasyon (hal., driver's license, passport, State identification, atbp.). Matatanggal ang establishment deposit kung naka-enroll ang account sa walang papel na singil at nauulit na pagbabayad sa pge.com o nasigurado gamit ang isang bill guarantor. Tanggal na rin ang re-establishment deposit kapag nasigurado gamit ang isang bill guarantor.
  • Ang Your Account: Bilang kliyente, puwede kayong mag-sign up para sa Your Account online sa pge.com para maka-access agad sa inyong mga singil, magbayad, at tumanggap ng mga alerto. Kung pinili ninyong mag-sign up sa Your Account, hihilingin sa inyo na maglaan ng inyong email address. May karapatan kayong tumangging ibigay ang inyong email address; ngunit hindi kayo makikinabang sa aming mga serbisyong online gaya ng elektronikong singil at pagbabayad.
  • Mga Komunikasyon Email: Kung pumili kayong tumanggap ng komunikasyong email mula sa amin, makakapili kayong umayaw na tumanggap ng mga email na ito anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod sa proseso ng pag-unsubscribe sa footer ng email o sa pagkontak sa amin sa paraang inilarawan sa seksiyong "Contact Us" nitong Patakaran. Kung isa kayong kliyente na nagrehistro para gamitin ang Your Account para ma-access ang inyong account sa website namin, puwede ninyong piliing umayaw sa mga mail sa hinaharap sa pag-update sa seksiyong preferences sa pahinang Profile & Alerts sa portal ng Your Account sa pge.com.

 

 

Para matulungan kayong maprotektahan ang inyong pagkapribado at paglaanan kayo ng magandang serbisyo, umaasa kami sa inyo na paglaanan kami ng kompleto at tumpak na impormasyon. Kung sa palagay ninyo ang impormasyon tungkol sa inyo na nasa amin ay hindi wasto o outdated, hinihikayat namin kayong kumontak sa amin sa lalong madaling panahon para mai-update o maiwasto ang impormasyon. Puwede ninyong i-update o iwasto ang inyong impormasyon sa pagtawag sa numerong nakalista sa seksiyong "Contact Us" sa ibaba, sa pag-sign in sa inyong online account gamit ang inyong portal na Your Account sa pge.com para mabago ang inyong profile.


Seguridad

Ang proteksiyon ng impormasyong personal ay pangunahin para sa PG&E. Gumagawa kami ng malawak na hakbang para matiyak ang integridad ng aming sistema at maprotektahan ang inyong impormasyong personal. Tuloy-tuloy ang aming pagpapatupad at pag-update ng administratibo, teknikal at pisikal na hakbang sa seguridad para makatulong na protektahan ang impormasyong personal tungkol sa inyo mula sa hindi awtorisadong pag-access, pagsira, o pagbabago. Bukod pa dito, alinmang impormasyon tungkol sa account na inilagay ninyo habang naka-log in sa inyong online account, o doon sa naka-displey sa aming website sa inyong browser window, ay may seguridad gamit ang isang industry standard security technology na kilala bilang Secure Sockets Layer ("SSL"). Sa paggamit ng SSL, sinusubukan naming protektahan ang pagiging kumpidensiyal ng inyong impormasyong personal at pinansiyal. Kaya dapat na sumuporta ang browser ninyo sa SSL. Pakitingnan ang mga detalye sa manufacturer ng browser ninyo.


Mga Pagbabago sa Abisong Ito

Gagawin ang mga pagbabago sa Abisong ito ayon sa pangangailangan at kapag iniatas ng CPUC. Ang mga pagbabagong materyal sa Abisong ito ay ipapaalam sa website ng PG&E, ang pge.com. Taunan din namin kayong aabisuhan sa pamamagitan ng bill insert para muling mabasa ang pinakabagong bersiyon nitong Abiso sa aming website.


Kontakin Kami

Kung may katanungan kayo, alalahanin, o reklamo tungkol dito sa Abiso, nais humiling ng kasalukuyan o dating bersiyon, o nais ng karagdagang impormasyon ng aming proseso ng pag-update dito sa Abisong ito, makokontak ninyo kami gamit ang sumusunod na mapagpipilian:


PG&E Residential and Business Customer Service (Residensiyal at Pangnegosyong Serbisyo sa Kliyente ng PG&E)
Correspondence Management Center
Attention: Customer Privacy Management
P.O. Box 997310
Sacramento, CA 95899-7310


PG&E Residential Customers (Mga Kliyenteng Residensiyal ng PG&E): Tumawag sa 1-800-743-5000
PG&E Business Customers: (Mga Kliyente sa Negosyo ng PG&E): Bisitahin ang Business Customer Service Center (Sentrong Pangserbisyo sa Mga Kliyente sa Negosyo ng PG&E)


pgeprivacy@pge.com