Patakaran sa Komunikasyong Digital


Gumagamit ang PG&E ng impormasyon sa pagkontak na bigay ng kliyente, at ng impormasyong galing sa iba, para sa komunikasyon sa inyo tungkol sa inyong mga serbisyo sa utility at mga programa, mga oportunidad sa pagtitipid ng koryente, at iba pang bahagi ng pangkalahatang serbisyo ng PG&E. Naglalaan sa inyo ang Patakaran sa Komunikasyong Digital ng detalyadong impormasyon tungkol sa plano namin ng pakikipag-ugnayan sa inyo sa boses, mensaheng text, email, at iba pang komunikasyong digital (hal. mga materyal ng PG&E sa mga programa, serbisyo at mga usaping legal na pangregulasyon).


Para sa higit pang impormasyon sa paraan namin ng pagprotekta at hindi pagbibili ng inyong impormasyong personal, sumangguni sa aming Patakaran sa Pagkapribado.


Mga Alerto sa Text - Mga Takda sa Paggamit

Nag-iiba depende sa bawat user ang dami ng Alerto sa Text at Abiso ng PG&E.


Sa pagbibigay ng (mga) numero ng mobile device ninyo sa PG&E sa online account ninyo, sa tulong ng kinatawan sa serbisyo sa kliyente ng PG&E, o sa iba pang programa ng PG&E, (i) kinikilala at kinakatawan ninyo sa PG&E na kayo ang awtorisadong user ng (mga) mobile device o pinahintulutan ng awtorisadong user ng (mga) mobille phone na sang-ayunan ang mga probisyon (ii) at (iii); (ii) binigyan ninyo ang PG&E ng hayag na pahintulot na magpadala ng mga mensaheng text sa (mga) mobile device na iyon sa inyong wireless carrrier maliban kung at hanggang ang gayong pahintulot ay mapawalang-bisa alinsunod sa mga takda at kondisyon o iba pang makatwirang paraan; at (ii) sa pahintulot na iyon sumasang-ayon kayong tumanggap ng mensaheng text kahit ang numero ninyo ay nasa listahang Huwag Tawagan na federal o estado, at sang-ayon kayo na ang gayong mga mensaheng text ay hindi labag sa gayong (mga) listahan. Ang mobile device ay maliit, mahahawakang computing o pangkomunikasyong device, karaniwang may display screen na may napipindot na input at/o maliit na keyboard. Kasama sa mobile device pero hindi limitado sa mga mobile cell phones, smart phone, tablet at/o iba pang katulad na device.


Itigil Ang Mga Alerto sa Text: Kanselahin anumang oras ang mga alerto sa text sa (1) pagtanggal ng mga alerto sa pahinang Profile at Alerts sa Inyong Account o kaugnay na mga program account o website ng PG&E, o (ii) kontakin ang PG&E sa 1-800-PGE-5000. Bukod pa dito, kasama sa alerto sa text para sa bawat programa ang partikular na salita (hal "STOP" o "OPTOUT") na puwede ninyong sagutin para matanggal ang lahat ng alerto sa text para sa programang iyon lamang. Inirereserba ng PG&E ang karapatan na padalhan kayo ng ilang mensaheng text na kabilang pero hindi limitado sa abiso ng emergency at kaligtasan na hindi ninyo mapipili na ayawan. Mag-sign in sa Inyong Account para pamahalaan ang inyong mga mas pinili para sa komunikasyon.


Listahan ng mga Suportadong Tagapagdala:

  • Mga Pangunahing Tagapagdala: AT&T, Verizon Wireless, Sprint, T-Mobile
  • Mga Minor na Tagapagdala: U.S. Cellular, Boost Mobile, MetroPCS, Virgin Mobile, Alaska Communications Systems (ACS), Appalachian Wireless (EKN), Bluegrass Cellular, Cellular One of East Central, IL (ECIT), Cellular One of Northeast Pennsylvania, Cricket, Coral Wireless (Mobi PCS), COX, Cross, Element Mobile (Flat Wireless), Epic Touch (Elkhart Telephone), GCI, Golden State, Hawkeye (Chat Mobility), Hawkeye (NW Missouri), Illinois Valley Cellular, Inland Cellular, iWireless (Iowa Wireless), Keystone Wireless (Immix Wireless/PC Man), Mosaic (Consolidated or CTC Telecom), Nex-Tech Wireless, NTelos, Panhandle Communications, Pioneer, Plateau (Texas RSA 3 Ltd), Revol, RINA, Simmetry (TMP Corporation),Thumb Cellular, Union Wireless, United Wireless, Viaero Wireless, and West Central (WCC or 5 Star Wireless)

TANDAAN: Ang mga tagapagdala ay hindi mananagot para sa mga naantala o hindi naihatid na mga mensahe.


Komunikasyon sa Email - Mga Takda sa Paggamit

Pahiwatig ng Pagsang-ayon: Sa pagbibigay ng inyong (mga) email address kapag nag-sign-up ng online account sa tulong ng kinatawan ng serbisyo sa kliyente ng PG&E, o iba pang programa o serbisyo sa kliyente ng PG&E na naglalaan para sa komunikasyong email, inaawtorisahan ninyo ang PG&E na kontakin kayo sa email bilang pangunahing anyo ng pagkontak kapag magagamit, maliban kung pumilli kayo ng pamalit na pinili gaya ng nasasaad sa inyong pahina ng Profile & Alerts sa inyong online account, sa kinatawan ng serbisyo sa kliyente ng PG&E, o sa angkop na program account o website ng PG&E. Puwedeng magpadala ang PG&E ng mga mensaheng email na kaugnay ng serbisyo at iba pang impormasyon ng bago at/o dati nang programa ng PG&E, kabilang ang mga mensahe at impormasyon na angkop sa inyong serbisyo gaya ng iskedyul ng bagong taas ng bayad o mapagpipilian, impormasyon sa pagsingil, paraan ng pagtitipid ng enerhiya, payo sa kaligtasan, at iba pang impormasyon sa email para sa inyo. Halimbawa, puwedeng mag-email ang PG&E para mapadaloy, makompleto, makumpirma ang isang transaksiyon na una ninyong hiniling, gaya ng appointment para sa serbisyo, o maglaan ng impormasyon sa mga plano ng taas ng bayad o mga programa sa enerhiya na baka kuwalipikado kayo. Gayundin, kapag ibinigay ninyo ang inyong (mga) email address sa program account o website ng PG&E, gaya ng pag-sign up para sa energy efficiency rebate program o energy audit, puwedeng magmensahe sa inyo kaugnay ng serbisyo at iba pang angkop na impormasyon ang PG&E tungkol sa nariyang programa, maliban kung ginusto ninyo ang pamalit na kagustuhan kapag nag-sign up kayo o nag-"unsubscribe" sa email gaya ng inilarawan sa ibaba.
 
Nag-iiba depende sa user ang Mensahe sa Email at dami ng komunikasyon.


Sa paglalagay ng (mga) email address ninyo, (i) kinikilala at inihaharap ninyo ang sarili sa PG&E na kayo ang awtorisadong user ng (mga) email address na ikinonekta ninyo sa serbisyo ng email; (ii) hayag na pinahihintulutan ninyo ang PG&E na magpadala ng mga mensaheng email sa (mga) email address na iyon hanggang bawiin ang pahintulot na iyon alinsunod sa mga takda at kondisyong ito; at (iii) sa pagbibigay ng gayong pahintulot, kayo ngayon ay humihiling na makatanggap ng gayong mga mensahe sa kabila ng katotohanan na ang inyong (mga) email ay nasa listahan ng Hindi Makokontak ng federal, o pang-estado, at sumasang-ayon kayo na ang gayong mga mensahe sa email ay hindi paglabag sa gayong (mga) listahan ng Hindi Makokontak. Naglalaan ang PG&E ng mga sumusunod na bahagi sa mga di-transaksiyonal na email na nagpapahayag ng impormasyon ng serbisyo o programa ng PG&E bukod sa mga serbisyo o programa na natatanggap ninyo ngayon:

  • Identipikasyon ng Mensahe: Malinaw na mamarkahan ang email na galing PG&E at/o Pacific Gas & Electric Company
  • Mekanismo ng Piliin na Umayaw: May link ang email para sa pag-ayaw unsubscribe sa ilalim na bahagi ng bawat email
  • Identipikasyon ng Nagpadala: Kasama sa email ang isang valid na pisikal na address

Ang lahat ng ibang email, gaya ng mga nagbibigay-alam tungkol sa mga hiling ng serbisyo o transaksiyon na inawtorisahan ninyo, o tumugon sa isang tanong ninyo kaugnay ng inyong account o singil o plano ng bayad, ay malinaw na mamarkahan na galing sa PG&E at/o Pacific Gas and Electric Company, at magpapakilala sa nagpadala.


Pag-activate ng Komunikasyong Email: Para ma-activate ang karamihan sa mga komunikasyong email sa inyong online account o angkop na programa o website ng PG&E, mag-sign in sa Inyong Account o angkop na PG&E program account o website, saka pumunta sa Profile & Alerts. Sundin ang instruksiyon para mapagtibay ang inyong (mga) email address para mapagana ang mga mensaheng email.


Piliin na Umayaw sa mga Komunikasyong Email: Makakansela ninyo ang karamihan sa mga komunikasyong email sa inyong online account o ang mga angkop na PG&E program account o website kahit anong oras sa (i) pagtanggal ng komunikasyon sa pahinang Profile & Alerts sa inyong online account o angkop na PG&E program account o website, o (ii) sa pag-klik sa Unsubscribe Opt-Out Link (link para mag-unsubscribe o piliing umayaw) sa ibaba ng inyong mensaheng email. Pakitandaan na puwedeng tumagal ng 10 araw bago magawa ang inyong hiling na mag-Unsubscribe, at nagpapasalamat kami sa inyong paghihintay sa panahong ito kung makatanggap kayo ng isa o dalawang karagdagang email. Ang pagpapalit sa inyong Profile o pag-unsubscribe sa isang mensaheng email ay magtatanggal sa (mga) mensaheng email para sa partikular na programa o promosyon na iyon lamang. Kung gusto ninyong tapusin ang ibang komunikasyong email sa ibang mga programa o serbisyo, kailangang sundin ninyo ang pamamaraan sa partikular na programa o serbisyo. Puwede ninyong kanselahin ang komunikasyong email sa deretsong pakikipag-usap sa isang kinatawan ng serbisyo sa kliyente ng PG&E. Sumasang-ayon kayo na ang nauna ninyong hayag na pahintulot na tumanggap ng mga mensaheng email ay magpapatuloy nang walang takdang panahon maliban lamang kung kanselahin ninyo ang naunang hayag na pagsang-ayon gamit ang isa sa mga pamamaraan na nakasaad sa itaas. Gamit ang ibang pamamaraan (hal., sulat na ipinadala sa isang address ng pasilidad ng PG&E, email na ipinadala sa isang PG&E email address, pakikipag-usap sa o mensaheng voicemail na iniwan sa isang empleyado ng PG&E, atbp.) na tanggalin ang inyong naunang hayag na pagsang-ayon ay walang bisa at inaalis ninyo sa PG&E ang anumang pananagutan. Para kanselahin ang ibang komunikasyong email sa PG&E, gaya ng para sa pagka-episyente sa enerhiya o programa sa renewable na enerhiya, o isang mapagpipiliang iskedyul ng taas ng bayad o serbisyo, sundin ang tagubilin sa angkop na form ng programa o aplikasyong PG&E, o kontakin ang isang Kinatawan ng Serbisyo sa Kliyente ng PG&E. Mag-sign in sa Inyong Account.
 
Inirereserba ng PG&E ang karapatan na padalhan kayo ng mensaheng email, kabilang ngunit hindi limitado sa abiso ng emergency at kaligtasan, mahahalagang pagbubunyag tungkol sa inyong account, email tungkol sa credit collection, abiso sa pagkawala ng serbisyo, CPUC at/o abiso na atas ng regulasyon, at/o iba pang kailangang komunikasyong hindi ninyo mapipili na ayawan.


Humingi ng Tulong o Suporta: Para makahingi ng tulong o sagot sa inyong mga tanong, bisitahin ang pge.com/alertfaqs, o mag-email sa amin samyalerts@pge.com.


Pagpepresyo: Hindi naniningil ang PG&E para sa alerto sa email o komunikasyon. Tingnan ang inyong mga detalye ng plano sa wireless phone carrier kung nakatanggap kayo ng email sa inyong mobile device. Kung magpapalit kayo ng carrier, sagot ninyong magtanong sa inyong bagong wireless carrier tungkol sa mga detalye ng plano. Maaaring ilapat ang mga bayad ng mensahe at data.
 
Dalas ng mga Mensahe: Nakadepende ang dalas ng komunikasyon sa uri ng alerto sa text o email o abiso o ibang email o komunikasyong digital na pinili ninyong matanggap at kondisyong kaugnay sa inyong serbisyo sa utility.
 
Pagbabago sa Mga Takda: Inirereserba ng PG&E ang karapatan na baguhin ang mga takdang ito o kanselahin ang alerto sa email o abiso o ibang email o komunikasyong digital kahit anong oras. Puwedeng kasama pero hindi limitado sa mga pagbabago sa mga takda ang mga pamamaraan ng pagpapatibay sa mobile, pamamaraan sa pag-update ng mga nais sa alerto, dalas ng komunikasyon, at/o listahan ng suportadong carrier. Pakitingnan nang palagian ang Mga Takda at Kondisyon para sa mga pagbabago. Nangangahulugan ang patuloy ninyong paggamit at pagtanggap ng mga alerto sa text o abiso o iba pang email o komunikasyong digital pagkatapos na mailagay ang mga pagbabago sa Mga Takda at Kondisyon ay nangangahulugan na tinatanggap ninyo ang mga takda alinsunod sa mga pagbabago.
 
Walang Mga Pananagutan: Hindi gumagawa ang PG&E ng anumang representasyon (kasunduan) o warranty (pananagutan) kaugnay ng mga alerto sa text o alerto sa email o abiso o iba pang email o komunikasyong digital. Itinatanggi ngayon ng PG&E ang lahat ng warranty (pananagutan), kasama ang anumang pakahulugan ng mga representasyon o warranty ng maaaring mapagkakitaan (merchantability) o kaangkupang magamit sa isang partikular na layunin.
 
Limitation of Liability (Limitasyon ng Pananagutan): Sa pinakamalawak na sakop na mapapahintulutan ng naaangkop na batas, sumasang-ayon kayo ngayon na hindi pananagutan ng PG&E ang anumang tuwiran, di-tuwiran, kahihinatnan, espesyal, insidental, kaparusahan, o anupamang danyos, kahit na napayuhan ang PG&E sa posibilidad ng gayong danyos o pagkawala, bunga ng o dahil sa anupamang nakaugnay na pagkagamit ninyo sa text o alerto sa email o iba pang email o komunikasyong digital. Bukod pa rito, hindi pananagutan ng PG&E ang gayong mga akto o hindi pag-akto ng mga ikatlong partido, kabilang ngunit hindi limitado sa pagkaantala ng pagpapadala ng mga mensahe dahil sa mga sitwasyon na wala sa kontrol ng PG&E.
 
Sinusunod na Batas: Inuunawa ang mga pagtatakdang ito sang-ayon sa mga batas ng Estado ng California, at alinmang arbitrasyon o pamamaraan sa husgado para maipatupad o maipaliwanag ang mga tukoy na pagtatakdang ito ay magagawa lamang sa Estado ng California.
 
Mga Online na Takda at Kondisyon na Isinama Dito: Sumasang-ayon kayo na ang lahat ng paksa na hindi hayagang tinugunan dito, kasama ang mga pangkalahatang takda na parehong naaangkop sa email at mga alerto sa text, mga Online na Mga Takda at Kondisyon ng PG&E ay magkakabisa at isinasama ngayon dito sa pamamaraang masasangguni. Bukod dito, pinagtitibay muli ninyo ang inyong pagsang-ayon doon sa Online na Mga Takda at Kondisyon.