Para sa inyong seguridad, mala-log out ang sesyon ninyo pagkaraan ng 5 minuto.
Para sa inyong seguridad, na-log out kayo sa sesyon ninyo dahil wala kayong ginagawa.
Ang CCPA ay ipinasa ng lehislatura ng California at nagkabisa para sa lahat ng consumer sa California noong Enero 1, 2020. Sa Enero 1, 2023, aamiyendahan ng California Privacy Rights Act (CPRA) ang CCPA upang magbigay ng mga karagdagang karapatan sa mga residente ng California, kabilang ang mga empleyado, kontratista at mga kontak sa negosyo. Ang mga karapatang magagamit ng mga residente ng California ay kinabibilangan ng:
Nangongolekta, gumagamit, at nagsisiwalat ang PG&E ng personal na impormasyon upang isakatuparan ang mga layunin sa negosyo, tulad ng pagbibigay ng mga serbisyo sa kuryente, at upang makasunod sa mga kinakailangang legal bilang pinangangasiwaang pampublikong utility.
Bisitahin ang aming Patakaran sa Pakapribado sa pge.com/privacy upang matuto pa tungkol sa personal na impormasyong kinokolekta ng PG&E at kung paano ito ginagamit.
Hindi nagbenta ang PG&E ng personal na impormasyon ng mga tagakonsumo sa nakaraang 12 buwan para sa anumang halaga ng pera. Gayunpaman, ang paggamit namin ng ilang website cookies ay maituturing na “pagbebenta” ng impormasyon sa ilalim ng batas ng California. Sa nakaraang 12 buwan, maaaring naibahagi namin ang iyong aktibidad sa internet o geolocation sa mga ikatlong partidong may mga cookie sa aming mga website. Giinagamit ang mga cookie na ito para suriin ang usage ng aming website, bigyan ka ng naaangkop na advertising at mga produkto ng PG&E, at magbigay ng karagdagang dinamikong functionality sa aming mga website. Puwede kang mag-opt-out sa paggamit sa mga cookie na ito sa pamamagitan ng paggamit sa "Do Not Sell My Personal Information" link sa footer ng web page. Kinikilala rin namin ang mga signal ng opt-out preference na nilalaman ng mga HTTP header field.
Kapag bibisitahin o gagamitin mo ang aming website o mga online na serbisyo, maaaring gumawa ang aming server ng mga cookie, na maliliit na text file na puwedeng ipadala ng isang website sa iyong internet browser at maaaring maitago sa iyong browser o saanman sa iyong computer. Gumagamit ang PG&E ng mga cookie at iba pang kaparehong teknolohiya sa aming website at online na mga serbisyo. Gumagamit kami ng cookies, bukod sa iba pang mga bagay, upang suriin ang paggamit ng website, magbigay ng mga serbisyo sa enerhiya sa inyo, o para mag-alok ng mga programa at/o mga serbisyo na maaaring pagkainteresan ninyo.
Iginagalang namin ang karapatan mong pamahalaan ang iyong sariling personal na impormasyon. Ipinapaalam ng banner sa mga tagakonsumo ang tungkol sa kung paano at bakit nangongolekta ang PG&E ng mga cookie sa aming website at nagbibigay ito ng malilinaw na opsyon kung paano mo mapipiling mamahala o mag-opt out sa mga cookie kapag binibisita ang aming mga site. Dahil ang paggamit ng mga cookie ay maituturing na "pagbebenta" ng impormasyon sa ilalim ng batas ng California, idinidirekta ng link na "Do Not Sell My Personal Information" ang mga gumagamit sa aming cookie manager.
Upang pangasiwaan ang iyong mga kagustuhan sa cookie, pakigamit ang "Do Not Sell My Personal Information" link sa footer ng web page. Bukod pa riyan, maaari mong i-disable ang paggamit namin ng mga cookie sa pamamagitan ng mga setting ng iyong browser.
Gayundin, sa unang pagkakataon na mag-log on ka sa pge.com, may lalabas na isang banner sa ibaba ng screen. Kung wala kang makikitang banner kapag nag-log on ka, linisin ang kasaysayan at cache ng iyong web browser. Kapag nabura na ang kasaysayan ng iyong browser, mag-navigate pabalik sa pge.com.
Kapag makita mo ang banner, piliin ang link na "Do not sell my personal information." May lalabas na pop-up na nagpapaliwanag kung paano gumagamit ng mga cookie ang PG&E para i-optimize ang functionality ng aming website. Nagbibigay rin sa iyo ang pop-up ng mga opsyon para i-block ang mga partikular na cookie na kinokolekta kapag bumisita ka sa aming website, kabilang ang mga cookie na nauugnay sa marketing. Mababasa mo ang mga paglalarawan ng mga uri ng cookie at makakapili ka batay sa iyong mga kagustuhan.
Posibleng patuloy na mag-pop up ang mga banner ng cookie batay sa mga setting ng web browser/telepono. Kung nasa private browsing mode ka, magpa-pop up ang banner sa tuwing pupunta ka sa pge.com. Mangyayari ito kahit na wala kang online account.
Bukod pa rito, posibleng hindi matandaan ng iyong browser ang iyong mga cookie kung na-clear mo kamakailan ang iyong cache.
Para mabigyan ka ng serbisyo ng gas at kuryente, mahalagang makakaugnayan ka ng PG&E tungkol sa iyong account kapag kinakailangan. Ang pag-opt out sa mga cookie o paghiling sa pag-delete ng personal na impormasyon ay hindi nangangahulugang hindi makikipag-ugnayan sa iyo ang PG&E tungkol sa iyong account o sa iyong serbisyo ng kuryente at gas. Halimbawa, patuloy na makakatanggap ang mga kasalukuyang customer ng mga pang-emergenhensiyang abiso mula sa PG&E ayon sa iniaatas ng batas, at hindi ka maaaring mag-opt out sa ganitong mga komunikasyon.
Puwede kang mag-unsubscribe sa mga pang-marketing na email sa pamamagitan ng button na mag-unsubscribe sa footer ng pang-marketing na email. Puwede mo ring i-update ang iyong kagustuhan sa mga pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng Your Account sa pge.com.
Gaya ng nakadetalye sa aming Patakaran sa Pagkapribado sa pge.com/privacy, maaaring isiwalat ng PG&E ang iyong impormasyon sa mga ikatlong partido para sa iba’t ibang layunin, ngunit hindi para sa cross-contextual advertising.
Maaari kang magsumite ng kahilingan na burahin ang lahat ng personal na impormasyon na hindi kinakailangan para sa mga layunin ng negosyo o iniaatas ng batas na mapanatili sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong kahilingan kaugnay ng mga karapatan ng customer sa pagkapribado sa ilalim ng California Consumer Privacy Act., o pumunta sa Patakaran sa Pagkapribado para alamin ang higit pa tungkol sa iyong karapatang hilingin ang pagbura.
Pakitandaan: Inaatasan ng batas ang PG&E na magpanatili ng partikular na personal na impormasyon, kahit pagkatapos maisara ang account.
Ang ulat na "View My Data" ay dinisenyo upang ipakita lamang ang personal na impormasyong kinokolekta ng PG&E. Posible rin na ang hindi tamang impormasyon (gaya ng typo) na ipinasok sa paunang kahilingan ay makakahadlang sa pagkuha ng PG&E ng ilang impormasyon tungkol sa iyo.
Kung sa palagay mo ay may mali pagkatapos mong masinsinang suriin ang iyong ulat, puwede mong iulat ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa Team ng Privacy ng PG&E sa pgeprivacy@pge.com. Mangyaring isama sa email ang buo mong pangalan at ang numero ng iyong ulat.
Sa Enero 1, 2023, ang mga kasalukuyan at dating empleyado, kontratista at mga kontak na kapwa negosyo ay may parehong mga karapatan bilang mga consumer sa ilalim ng CCPA pagdating sa datos na kinokolekta ng PG&E sa o makalipas ang Enero 1, 2,022.
May karapatan kang hingin na iwasto ng PG&E ang hindi tamang personal na impormasyon na itinatabi namin tungkol sa iyo.
Para sa pinakamahusay na serbisyo, dapat i-update ng mga customer ang kanilang impormasyon para sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagpunta sa pge.com at pag-login sa Your Account. Kung wala kang account o hindi mo ma-access ang iyong account, puwede mong hilingin na iwasto namin ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong kahilingan kaugnay ng mga karapatan ng customer sa pagkapribado sa ilalim ng California Consumer Privacy Act.
Puwedeng i-edit o i-update ng mga empleyado ang kanilang personal na impormasyon gaya ng address, email at telepono sa pamamagitan ng pag-login sa iyong intranet o sa pagpunta dito sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong kahilingan kaugnay ng mga karapatan ng empleyado sa pagkapribado sa ilalim ng California Consumer Privacy Act.
PG&E ay gumagamit lamang ng SPI para sa mga layuning malinaw na pinahintulutan ng naaangkop na batas, bilang resulta, hindi kami kasalukuyang nag-aalok ng paraan para lalo pang limitahan ang paggamit ng SPI.