Nagtataguyod ng ilang pahina ang PG&E sa mga social media site. Kasama sa mga pahinang ito ang Facebook®, Twitter®, YouTube®, Nextdoor® at Instagram®.
Gumagamit kami ng social media site dahil gusto naming magbukas ng mabuting palitan ng impormasyon. Gustong marinig ng PG&E ang masasabi ninyo tungkol sa aming kompanya at sa programa at serbisyo nito.
Bukas ang PG&E sa mga komento sa aming mga social media site. Tatanggapin namin ang tanong at komentaryo, at pati puna.
Sundin sana ang mga payo dito sa pagpo-post:
Ayaw ng PG&E na hikayatin ang negatibong ugali. Matatanggal namin ang mga mapanirang mensahe na labag sa mga tuntunin ng PG&E. Puwede rin namin kayong ibawal sa isang pahina o channel kung sumusuway ang inyong post.
Inaasahan naming sundin ninyo ang mga tuntunin ng Facebook para sa pagsali sa komunidad ng PG&E. Puwede ring alisin ng PG&E moderator ang mga post o komento na:
Walang pananagutan ang PG&E sa mga external site na inilagay ng iba. Hindi namin mae-edit ang nilalaman ng mga pahinang ito. Ang mga opinyong ipinahayag sa mga external website ay hindi kumakatawan sa posisyon ng PG&E.
Ang lahat ng naka-post na nilalaman ay dapat na sumusunod sa batas ng karapatang ari at pagmamay-ari. Pananagutan ninyo ang alinmang post na lumalabag sa batas ng karapatang ari.
Ang mga sumusunod na naka-link na pahina ay may impormasyon tungkol sa external social media sites at ang kanilang mga tuntunin.